Showing posts with label bitter. Show all posts
Showing posts with label bitter. Show all posts

Thursday, September 10, 2015

For My Bestfriend Who Drifted Away

Gusto ko lang malaman mo na nasaktan ako. Nasaktan ako nung umiwas ka. Nasaktan ako nung dinededma mo ang mga text messages ko sayo. Nasaktan mo ako nung mga panahong hindi mo ako pinapansin kahit na nasa harapan mo lang ako. Pero ang pinakamasakit sa lahat, ay yung nagpaalam ka na sakin. Naramdaman ko na naman kasi yung sakit ng maiwanan.


Hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on. Bakit? kasi kaibigan kita. Bestfriend kita! Ikaw ang nag-iisang lalaking bestfriend ko. Kaya hindi ganun kadali na kalimutan ka. Higit sa lahat, minsan sa buhay ko minahal kita ng sobra.


Kapag may mga taong nag-ooffer na gusto nila akong gawing bestfriend or tawaging bestfriend, hindi ko magawang pumayag. Kasi kasabay ng pag-alis mo ay dinala mo ang salitang "bestfriend" sa iyong paglayo. Para sakin, sayo ko lamang kayang ibigay ang salitang iyon. Kahit na pakiramdam ko ay hindi mo iyon pinahalagahan.


Ngayon ay may nakilala ako. Aaminin ko, ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng lalaking parang ikaw. Wala kayong pagkakatulad sa hitsura, galaw or ugali pero hindi ko maintindihan kung bakit sa lahat ng lalaking nakilala ko ay sa kanya kita nakikita. Kaya naman magaan ang loob ko sa kanya. Kaya naman hinayaan ko siyang makapasok sa sarado kong mundo. Kaya naman itinuring ko siyang kaibigan. Masaya ako sa kanya. Madalas din kitang ikwento sa kanya at kung gaano ako kaproud sayo.


Ngayon nasasaktan na naman ako, dahil tulad mo, pakiramdam ko ay iiwan din niya ako. Unti unti din siyang lalayo at iiwasan ako. Masakit dahil hinayaan ko siyang makapasok sa mundo ko. Masakit kasi pinahalagahan ko siya tulad ng pagpapahalaga ko sayo. Ang sabi nila, namimiss lang daw kita. Totoo naman. Namimiss ko yung bestfriend ko.



Ngayong pakiramdam ko ay lumalayo na siya sakin unti unti na din akong hahakbang palayo. Kailangan ko ng pigilan ang sarili ko. Mabuti nga habang maaga pa ay iwasan na niya ako. Habang kaya ko pang tanggapin ang sakit. Hindi katulad ng ginawa mo sakin. Hindi katulad ng ginawa mong pag-iwan basta sakin.

Wednesday, April 22, 2015

Palimos ng Pag-ibig



Palimos ng Pag-ibig

By: Shinayawaara


Sa aking isipan ay may mga katanungan
Bakit ang tulad ko ay lagi na lamang naiiwan?
Bakit ang puso ko ay laging nasasaktan?
Pagmamahal lang naman ang aking kailangan.


Bakit nga ba tila ang mundo ay kay lupit?
Sa isang tulad ko, kasiyahan ay tila ipinagkakait
Bakit ang natatanggap ng puso ay puro sakit?
Sa mga palad ko ba ito ay nakaukit?


Hindi ko hinihiling ang anumang yaman sa mundo
Mga material na bagay o kahit anong luho
Kasikatan o kagandahan ay hindi ko gusto
Pagmamahal lamang ang tanging hanap ko.


Ang nais ko lamang ay maging masaya
Katulad ng iba na pagmamahal ay nakukuha
Isang araw akala ko ay nakamit ko na
Subalit bakit nga ba ang hilig makialam ni Tadhana?


Ang lahat ng pangarap ay bumagsak
Sa mga mata luha ay pumatak
Tila patalim ang sa akin ay itinarak
Nang iwanan ang puso kong wasak na wasak


Ngayon ikaw ay nasa piling na ng iba
Ako nga ba ngayon ay hindi na naaalala?
Mga pangako mo sa akin ay naglaho na nga ba?
Hanggang kamatayan ang sumpaan natin noon di ba?


Sa harap ng altar tayo ay nagsumpaan
Saksi ang Maykapal pagmamahalang walang hanggan
Subalit isang araw ano nga ba ang dahilan?
Pamilyang ating sinimulan bakit mo tinalikuran?


Sa responsibilidad nga ba ikaw ay takot?
Gulo ng isipan ang sayo ba ay bumalot?
Pakikipaghiwalay ang para sayo ay sagot
Iniwang sugatang puso ko ano nga ba ang gamot?