Showing posts with label friendship. Show all posts
Showing posts with label friendship. Show all posts

Tuesday, June 09, 2015

Poem : Para Kay Bratty

Para Kay Bratty
By: Shinayawaara




Sa online world kita ay nakilala
Naging kaibigan at Espren pa
Kahit na tayo ay hindi pa nagkikita
Pagkakaibigan natin ay hindi kayang tumbasan ng anumang halaga



Dalawang taon ang nakalipas bago tayo ay nagkita
Iyon ay noong unang booksigning mo pa
Subalit tila tayo ay matagal nang magkakilala
Sapagkat kulitan natin ay sobra sobra.



Kung minsan ang mga hilig mo ay kakaiba
Mga opinyon o pananaw sa buhay ay sadyang nakakaloka
Sa totoo lang sa buhok mo ako ay naaawa
Sapagkat sa tuwing magkikita tayo, iba iba ang ayos niya.



Kahit na magkaiba ang ating ugali
Masama ka, ako ay mabuti
Joke lang Espren, huwag kang ngingiwi
Alam ko naman na busilak ang iyong budhi.



Kapag kami ay may problema lagi kang nariyan
Handang makinig kahit ano pa man iyan
Hindi ka nagsasawa na kami ay pakinggan
Basta kaibigan, handa kang makipagpatayan



Hindi ko makakalimutan noong ako ay nasaktan
Nariyan ka upang ako ay damayan
Bigat ng dibdib ko ay nabawasan
Dahil may kaibigan akong maaasahan


Kaya ngayong kaarawan mo sana ikaw ay maging masaya
Lahat ng hiling mo sana ay iyong makuha
Wala ka mang boyfriend dahil sadyang choosy ka
Tandaan mo lagi, si Pressy at si Gwing ay mahal na mahal ka.

Wednesday, April 22, 2015

Tula Ng Isang Kaibigan


Tula Ng Isang Kaibigan
By: Shinayawaara

Mahirap kalimutan ang unang beses na makilala ka
Ang mga kislap ng iyong mga mata sa aking isipan ay hindi mabubura
Kapag kasama kita at ako’y masaya
Ito’y magsisilbing isang alaala


Kapag ako’y malungkot at nag-iisa
Nariyan ka upang ako’y gabayan
Sa bawat araw na nagdaraan
Lalong tumitindi ang ating pagkakaibigan


Subalit dumating ang isang araw
Na sa akin ika’y nagpaalam
Hindi matanggap ng damdamin
Nang ika’y biglang lumisan


Masakit para sa akin ang tayo’y magkalayo
Ngunit walang magawa ang ating mga puso
Sapagkat panahon ang sa ati’y naglayo
Ngunit pagkakaibigan natin ay hindi maglalaho.


Wednesday, February 04, 2015

Love is like a cup of coffee : Chapter 3: Love vs Coffee



Sa Starbucks malapit sa eskwelahan nila siya dinala ni Rain. Mukhang suki yata ito sa coffeeshop na iyon dahil kilala na ito ng mga empleyado dun. Halata ngang nagpapacute pa ang iba dito.


“Tambay ka ba dito?” tanong niya nang makaupo sila.


“Well, you can say that. Mahilig kasi akong magkape. Sabihin na nating adik ako dun.”

Love is like a cup of coffee : Chapter 2: My-Name-Is-Rain



Impit na tili ang pinakawalan ng mga kaibigan niya ng makarating sila sa canteen. Doon sila dumiretso matapos niyang makalaya sa kissing jail booth.


"Grabe!!! Kaloka ang kissing scene ni Aly. Ang daming witness" kinikilig na sabi ni Demi.


"Oo nga. Sikat ka girl" tumatawang sabi naman ni Phoebe.


"Sus! Ano ba kayo. Para three minutes lang eh" naiiling na sagot niya.


"Three minutes ka dyan. Lagpas five minutes kaya kayong naghahalikan. Para ngang ayaw nyo ng bumitiw sa isat isa eh. Kung hindi pa kami sumigaw na times up na di pa kayo titigil" komento naman ni Razel.


"Grabe Raz noh? Kung makayakap si Aly dun sa guy wagas. Kadiri." Natatawang sabi ni Johana.


"Yakap?? Hoy hindi kaya!" Tanggi niya.


"May ebidensya kami" sabi ni Akira at inilabas ang cellphone nito.

Thursday, January 22, 2015

Fake Friends vs Real Friends

Fake friends: Hindi nanghihingi ng pagkain.
Real friends: Dahilan kung bakit nauubusan ka ng pagkain.

Fake friends: Aayusin ang ginawa mong gulo.
Real friends: Nasa tabi mo kapag nadawit ka sa gulo. Sasabihin pa sayo "Nagkamali tayo pero masaya naman"

Fake friends: Kakatok sa pintuan ng bahay niyo.Hihintayin na patuluyin mo sa kwarto mo.
Real friends: Dirediretso papasok sa loob ng bahay niyo at sa loob ng kwarto mo sabay higa sa kama mo.

Fake friends: Pag-uusapan ka behind your back at magkakalat ng masasama tungkol sayo.
Real friends: Aawayin ang sinumang magsabi ng masama tungkol sayo.

See the difference?

Ikaw na nga

Ilang taon akong naghintay sa mga kaibigang tunay
Kaya naman kaligayahan ay walang kapantay
Nang kayo ay dumating sa aking buhay


CTTO


Kahit minsan ay hindi nagkakasundo
Dahil ang ugali ko ay iba sa inyo
Subalit ganun pa man, nais kong malaman ninyo
Na mahal na mahal ko kayo


CTTO


Oo. Ikaw. Ikaw na nga
Ang hinahanap ng aking buhay
Oo. Ikaw. Ikaw na nga
Ang aking kaibigang tunay.


CTTO


Minsan tayo ay nagkakatampuhan
Sa mga bagay na walang kabuluhan
Pero agad naming nagsosolusyunan
Basta’t tayo ay nagtutulungan


CTTO


Kaya naman ang tanging dalangin
Kahit magkakalayo na ang landas natin
Pagkakaibigan ay huwag limutin
Sapagkat ito ay naging bahagi ng buhay natin.

Monday, September 08, 2014

Love is like a cup of coffee : Chapter 1: Kissing Jail Booth





"Hello Akira? Nasaan ka na ba? Ala una ang usapan natin?! Anong petsa na diba?!" Asar na sabi ni Allison sa kausap sa cellphone. Kanina pa siya naghihintay sa kaibigan. Foundation week ng eskwelahang pinapasukan nila. At dahil foundation week ay halos walang klase dahil bukod sa busy ang mga estudyante sa mga activities ay tinatamad na ding magturo ang mga professors nila.




May usapan sila ni Akira na maglilibot sa mga activities sa school nila. Busy kasi ang iba nilang kaibigan dahil may mga activities na sinalihan ang mga ito. Bukod tanging sila lang ni Akira ang wala dahil tinatamad sila. Ang kaso hanggang ngayon ay wala pa rin ang magaling na kaibigan niya.




"Sorry Aly, may pinagawa kasi sakin si Prof eh. Libot ka na muna dyan. Text mo nalang ako kung nasaan ka. Sunod ako"



Friday, September 05, 2014

Great things about FRIENDS:

..they will give you a loan at much better rate than the bank.
..shares your drink without fear of germs.
..they are better at cheering you up than bf/gf does.
..just hearing their voice makes you feel better.
..someone whom you can trust your online password.
..without them, you'd never dare to attend parties.
..waits with you until your ride comes.
..and lastly..
FRIENDSHIP is less likely to BREAK.

Thursday, August 28, 2014

My Bestfriend




Ikaw ang kauna-unahan kong bestfriend na lalaki. Sayo ako umiyak nung iniwan ako ng ex-boyfriend ko. Ikaw ang labasan ko ng sama ng loob. Puro na nga yata reklamo ang naririnig mo sakin eh. Pero nakikinig ka pa rin. Kung minsan kapag wala kang masabing matino, hindi ka nalang nagsasalita, papakinggan mo lang ako hanggang sa matapos akong magkwento. Sasabihin mo lang sakin, “tama na” “hayaan mo na”. Kapag nagdadrama ako sayo dahil iniinjan mo ako sa mga movie date natin tapos malalaman ko nanood ka na pala kasama mo iba sasabihin mo lang sakin “sorry na. next time tayo naman” kahit na alam kong wala naming next time na darating dahil madalas busy ka. Pero kapag alam mong sobrang nagtatampo na talaga ako, kukulitin mo lang ako. Alam mo kasi na hindi kita matitiis eh.  Hindi ko nga akalain na magiging magkaibigan tayo noong una. Ang layo kasi natin sa isa’t isa kahit na magkasama tayo sa trabaho. Naaalala ko pa noong medyo nagging close tayo at tinanong kita kung pwede ba kitang maging bestfriend. Ang sagot mo sakin “kusa yang darating”. Hindi ko na inulit yun sayo. Masaya na ako na alam kong magkaibigan tayo. Hanggang sa isang araw nagulat nalang ako ng ikaw na mismo ang tumawag sakin ng “Bes”. Iyon na siguro ang isa sa pinakamasayang bagay na nangyare sakin. Nagkaroon ako ng bestfriend na lalaki. Pangarap ko kasi talaga iyon eh. Hanggang sa maging super close na talaga tayo. Madalas tayo noong magkasama, gumagala, you became my movie partner. Pero madalas din tayo (ako lang yata?) magkatampuhan at asaran. Lalo na puro ako reklamo sa buhay. Sabi ko nga noon daig ko pa ang girlfriend mo kung makapagdemand ka sakin. Tipong kahit ano pa man iyang ginagawa ko iiwanan ko kapag ikaw na ang nagsabi. Kahit na may lakad ako ikacancel ko kasi nagpapasama ka sakin. Biniro pa nga kita noong ikinasal ang ate mo. Sabi mo kasi naiyak ka noon. Sabi ko naman sayo wag mo akong uunahang mag-asawa dahil ako ang unang-unang iiyak siguro kapag nangyare iyon.



Hangang sa isang araw, narealized ko nalang bigla na na-iinlove na pala ako sayo. Hindi ko alam kung paano nangyare at kung kelan. Basta iba na yung nararamdaman ko. Pero ayokong sabihin sayo kasi may usapan tayo na “bawal mainlove”. Sinubukan kong umiwas sayo, hindi kita pinapansin at kinakausap. Syempre nagtaka ka, tinatanong mo ako kung bakit, hindi ko na napigilan, umiyak na ako tapos sinabi ko na sayo na “mahal na kita”. Hindi ko pa nga kayang sabihin ng personal kaya idinaan ko nalang sa email sayo. Sabi ko atleast hindi mo makikita yung sakit na mararamdaman ko kapag binasted mo ako. Siyempre may girlfriend ka noon eh at ayokong makagulo sa relasyon niyo. Hinanda ko na ang sarili ko nun na magalit ka sakin. Kasi tanda ko pa sabi mo ayaw mo ng nagkakagusto sayo ang kaibigan mo, umiiwas ka na. Kaya nagulat ako nang hindi mo ako iniwasan. Sabi mo sakin “malalampasan din natin ito.”. Nanatili tayong magkaibigan, hanggang sa ang pag-amin ko sayo na mahal kita ay naging biruan nalang. Naisip ko, sapat nang sinabi ko sayo na mahal kita, hindi mo naman kailangan na sabihin na mahal mo din ako hindi bilang bestfriend lang. Okay na ako dun. Mas mahalaga ang friendship natin kesa sa feelings ko. After ng ilang drum na luha, nakamoved on din ako. Binaon ko sa kailaliman ng puso ko na minsan minahal kita.



Nung nagbreak kayo ng girlfriend mo nasaktan ako para sayo kasi alam ko na mahal mo talaga siya. Pero aaminin ko, may part dun na natuwa ako kasi ramdam ko bilang babae na hindi ka naman niya ganun kamahal. Sinasaktan ka lang niya at binabalewala. Sabi mo gusto mo na ding magseryoso at makahanap ng mapapangasawa at alam kong hindi siya ang babaeng handa nang magseryoso sa relasyon. Mas may iba siyang priority at hindi ikaw ang nasa top priority niya.



Nagkaroon ako ng bagong boyfriend, ikinasal, nagkaanak at iniwan ng asawa pero nanatili kang nandyan para sakin. Kahit na medyo umiwas tayo sa isa’t isa nung nagkaboyfriend at ikinasal na ako. Isang text ko lang sayo na kailangan ko nang kausap, sumasagot ka. Nung iwanan ako ng asawa ko pakiramdam ko noon gumuho na ang mundo ko, pero isang text mo lang sakin at tawag, gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung nasanay ba ako na ikaw ang tagasalo ng lahat ng reklamo ko kaya ikaw ang hinahanap ko kapag malungkot ako. Ikaw ang  taong nakakapagpangiti sakin kahit na wala ka namang binibigay na advice. Sapat nang alam ko na nandyan ka at nakikinig sakin.



Sa tatlong taon na magkakilala tayo, I can be myself in front of you at ganun ka din naman sakin. Masyado na tayong kumportable sa isa’t isa. Ultimo pagdighay at pagutot mo nasanay na ako. Sa kabila ng image na ipinapakita mo sa ibang tao, nakilala ko ang tunay na ikaw. Para tayong nasa “Bahay ni Kuya”. At ngayon ngang special day mo, gusto kong magpasalamat sayo sa pagiging mabuti at totoong tao at kaibigan mo sakin. I wish you all the best and happiness in life, family and career. Siguro yung lovelife? Ang wish ko lang matagpuan mo yung babaeng mamahalin ka katulad ng pagmamahal na ibinigay ko sayo. At kapag nangyare iyon, ako na siguro ang isa sa masayang tao sa araw ng kasal mo.



Happy Birthday Bes!

Friday, August 22, 2014

Happy 8th Year of Friendship



The most beautiful discovery true friends make is that they can grow separately without growing apart. ~Elisabeth Foley

Tuesday, August 12, 2014

“CESCA GIRLS”


Ito ang isa sa pinakahindi ko makakalimutang pangyayari sa buhay ko nung college. Although hindi siya sa akin mismo nangyare pero isa ako sa maraming saksi at may kinalaman sa gulong iyon..

First Year first Semester pa lang noon. Although may kanya kanyang grupo na ng mga kaibigan..syempre ako din meron. Story siya ng isa sa barkada ko…at highschool classmate ko na kaklase ko din nung college although di part ng barkada ko.

P.E. time noon.. busy ang lahat sa pagpapractice sa Makati Park. Iyon lang kasi ang available na pwedeng pagpracticesan. Nagulat nalang kami ng biglang nagkagulo yung group kung saan kabilang ang barkada ko at HS classmate ko. Sinisita ni Friend si HS Classmate kasi napakalamya niyang sumayaw. Akala mo tinatamad… etong si hs classmate feeling niya yata eh napahiya siya…ayun nagalit…bigla nalang nambato ng bote ng mineral water…kaso magaling umilag si Friend ayun ibang tao ang natamaan..eh di gulo na ang nangyare..awat naman kami…tinanggal nalang ni Friend si HS Classmate sa grupo since siya naman ang leader.

Eh mukhang bitter itong si HS classmate sa pagkakatanggal sa kanya..ayun isang araw habang naghihintay kami ng klase kinausap niya kami na wag daw pansinin si Friend..meaning…magalit din kami sa kanya..ang hindi alam ni hs classmate lahat ng tao dun sa grupo na kinausap niya eh myembro ng barkada namin ni Friend…eh di syempre..kami naman mga sumbungera..ayun sinabi namin kay Friend…

Kinabukasan..wala pang Prof..tahimik ang lahat…eh sa likod ko nakaupo si HS Classmate.itong si Friend luka-luka din ata..ayun akala mo bagyo kung dumaan..obvious na binangga niya si classmate. Pati ako tinamaan tuloy…eh di syempre nagalit si hs classmate..binato niya kay Friend yung folder niya…eh sabi ko nga expert umilag si friend ayun nakaiwas..iba na naman ang tinamaan.

Bigla nalang tumayo si HS Classmate..pumuwesto dun sa likuran..si Friend naman dun sa unahan..malapit sa blackboard..eh di syempre sa takot naming madamay nahati ang klase..may nasa unahan…may nasa likuran..malapit sa pintuan..na inilock namin kasi baka may dumaang prof.

Friend : “Maghahanap ka lang ng kakampi , mga barkada ko pa!!!”

Ayun..dahil sa sinabing iyon ni Friend nag-umpisa na ang batuhan ng lahat ng bagay na madampot nila.

Classmate 1 : Oy! Yung suklay ko!!!!

Kawawang suklay..pagtama sa blackboard sira.

Bato rito..bato roon…wala ng class officers…hindi na sila maawat.

Then may isang very good na kaklase na nagsabi kay HS Classmate na magsumbong daw sa Cesca. Ang Cesca ang parang Guidance kung saan lahat ng pasasaway at magugulong estudyante dinadala dun.

Yung friend ni hs classmate sinamahan si hs classmate na magsumbong nga sa Cesca..although pinigilan na namin sila kasi para di na lumabas yung gulo…pero wala kaming nagawa kasi tinulak kami ni HS Classmate…

Ang nakakatawang part sa pagsusumbong na iyon eh akala ni HS Classmate si Friend lang ang mapapagalitan..kaso ang nangyare..dalawa silang ipinatawag sa Cesca…ayun binigyan sila ng kaukulang parusa… 200 hours silang magco-community service sa buong school. At kailangan magkasama silang dalawa..hindi pwedeng magsolo sila dahil hindi counted iyon.

At dahil wala naman silang choice dalawa…ginawa nila ang ipinataw na parusa ni Cesca..magkasama silang nagco-community service.. inaasar nga sila ng buong klase dahil sa nangyare. Pero kung may maganda mang ibinunga ang community service nilang iyon na dalawa…after ng 200 hours..naging magkaibigan na silang dalawa dahil lagi silang magkasama.

Moral Lesson :

“Kapag may gulo wag ng paabutin sa Cesca..haha ”

Thursday, November 21, 2013

Revengeful Heart - Preview






Authors Interview:
What is your greatest asset?
Aiesha: Lips
Akira: Nose
Allison: Eyes
Bea: Body Curves
Demi: Legs
Johana: Hair
Razel: Eyes
Phoebe: Ang bilbil ko..wahahaha! di ko alam..pass!

Love is like a cup of coffee - Preview





 
Authors Interview:
What is your view about love?
Aiesha: Love and get ready for pain
Akira: Love is something na hindi lang dapat hininhintay hinahanap din.
Allison: Parang kape, mapait pero masarap.
Bea: It is a big risk and it was full of torns
Demi: Love is heaven and hell packaged as one
Johana: Complicated.
Razel: Hindi lang puro saya kapag love, may sakit at hirap..package deal yan
Phoebe: Love is blind! Bagong-bago!

Wednesday, September 04, 2013

The Love of Aiesha : Preview



Authors Interview:

What is your greatest fear?
Akira: Horror movies
Allison: Clowns
Bea: Ghost
Demi: Ikaw?
Johana: Heights
Phoebe: DUGO!!!
Razel: Ipis! Naglalakad na ipis, naka-balentong na ipis, at lumilipad na ipis.
Aiesha: Memories??


Love and Lies : Preview





Author’s Interview

Describe each other:
Akira to Allison: Nakakatakot…haha.. joke. Pero nakakatakot talaga.
Allison to Bea: Maingay
Bea to Phoebe: Optimistic
Phoebe to Razel: Cute
Razel to Johana: Ms. Complicated
Johana to Demi: Super friendly
Demi to Aiesha: Simple
Aiesha to Akira: Matakaw


Can I still call you Mine? : Preview



Authors Interview:
                                 
Describe yourself in one word:
Aiesha: Emotional
Bea: Sexy
Phoebe: Adventurer
Allison: Bookworm
Johana: Matalino
Razel: Suplada
Demi: Friendly
Akira: “Ayokong idescribe ang sarili ko dahil sasabihin na naman ng mga kaibigan ko na sobrang gaan ng bangko ko. What you see is what you get na lang.”
All to Akira: “One word nga eh!!!”
Akira: “Okay fine! MAGANDA!!!!”


Wednesday, June 27, 2012

Friend Zone

Mahirap kapag nasa friend zone ka lang ng taong mahal mo. Kahit anong gawin mong pagpaparamdam “friends” lang talaga kayo. It can never be more than friends. At kung magbestfriend naman kayo, better stay as bestfriends kasi kapag naging kayo tapos nagbreak kayo may possibility na dalawa ang mawala sayo boyfriend and bestfriend.

Thursday, May 10, 2012

Random Share : A Very Sad Love Story


This is not my own work. Credits to the owner of this story.
Gusto ko lang ishare ang kauna-unahan at pinakanakakaiyak na story na nabasa ko during my high school year. Tinago ko pa talaga itong story na ito dahil sobrang ganda at touching talaga. And until now kapag binabasa ko ito..napapaiyak pa din ako.
Here it is…




A Very Sad Love Story


As I sat there in English Class
I stared at the girl next to me
She was my so-called “best friend”
I stared at her long, silky hair
And wished she was mine
But she didn’t notice me like that
And I knew it.


After class, she walked up to me
And asked me the notes she had missed the day before
I handed them to her
She said “Thanks” and gave me a kissed on the cheek.


I want to tell her,
I want her to know,
That I don’t want us to be just friends
I love her but I’m just too shy
And I don’t know why.


11th grade, the phone rang, on the other end it was her
She was in tears, mumbling on and on about her love had broke her heart
She asked me to come over because she didn’t want to be alone, so I did.
As I sat next to her on the sofa, I stared at her soft eyes wishing she was mine.


After 2 hours, one Drew Barrymore movie and three bags of chip
She decided to go to sleep.
She looked at me and said “Thanks”, and gave me a kiss on the cheek.


I want to tell her,
I want her to know,
That I don’t want us to be just friends
I love her but I’m just too shy
And I don’t know why.


Senior year, the day before Prom, she walked to my locker
“My date is sick” she said, “He’s not gonna go”
Well, I didn’t have a date, and in 7th grade, we made a promise that if neither of us had no dates, we would go together
Just as best friends! So we did.


Prom night, after everything was over
I was standing at her front door step
I stared at her as she smile at me,
And stared at me with her crystal eyes.


I want her to be mine,
But she doesn’t think of me like that
And I know it.
Then she said “I had the best time, thanks!”
And gave me a kiss on the cheek.


I want to tell her,
I want her to know,
That I don’t want us to be just friends
I love her but I’m just too shy
And I don’t know why.


A day passed, the a week, a month
Before I could blink, it was graduation day.
I watched as her perfect body floated like an angel
Up on stage to get her diploma
I wanted her to be mine,
But she didn’t notice me like that,
And I knew it.


Before everyone went home
She came to me in her smock at hat,
And cried as I hugged her
Then she lifted her head from my shoulder
And said “You’re my best friend, thanks!”
And gave me a kiss on the cheek.


I want to tell her,
I want her to know,
That I don’t want us to be just friends
I love her but I’m just too shy
And I don’t know why.


Now I sit in the pews of the church
That girl is getting married now.
I watched her say “I do” and drive off to her new life married to another man.
I wanted her to be mine,
But she didn’t see me like that,
And I knew it.
But before she drove away,
She came to me and said, “You come”
She said “Thanks!” and kissed me on the cheek.


I want to tell her,
I want her to know,
That I don’t want us to be just friends
I love her but I’m just too shy
And I don’t know why.


Years passed, I looked down at the coffin of a girl
Who used to be my best friend.
At the service, they read a diary entry she had wrote in her high school years
This is what I read;
“I stare at him wishing he was mine,
But he doesn’t notice me like that,
And I know it.
I want to tell him,
I want him to know,
That I don’t want us to be just friend,
I love him, but I’m just too shy
And I don’t know why.
I wish he would tell me he love me!”


“I wish I did it too…” I thought to myself and cried.

Wednesday, May 02, 2012

TSG is the name : Chapter 7


Mary Roselyn Dela Cruz


“Sino yung lalaking kasama mo kahapon ah?! Akala mo ba hindi ko malalaman na nanlalalaki kang malanding babae ka!” sigaw ni Mark ang patulak na isinalya ako sa pader habang hawak ako sa leeg.


“Ano ba Mark nasasaktan ako?!” sigaw ko habang pigil ang kamay niyang sumasakal sakin.


“Talagang masasaktan ka sakin dahil malandi ka!!!” anito at sinampal ako.

Wednesday, April 18, 2012

My Love, My Heart : Chapter 2


Masayang nagtatawanan ang mga taong nadatnan ko sa dining area. Halatang as ease na as ease si RJ sa pamilya ko.



Naupo ako sa silyang laan para sakin. Katabi ni RJ.