Showing posts with label poems. Show all posts
Showing posts with label poems. Show all posts

Wednesday, April 22, 2015

Tula Ng Isang Kaibigan


Tula Ng Isang Kaibigan
By: Shinayawaara

Mahirap kalimutan ang unang beses na makilala ka
Ang mga kislap ng iyong mga mata sa aking isipan ay hindi mabubura
Kapag kasama kita at ako’y masaya
Ito’y magsisilbing isang alaala


Kapag ako’y malungkot at nag-iisa
Nariyan ka upang ako’y gabayan
Sa bawat araw na nagdaraan
Lalong tumitindi ang ating pagkakaibigan


Subalit dumating ang isang araw
Na sa akin ika’y nagpaalam
Hindi matanggap ng damdamin
Nang ika’y biglang lumisan


Masakit para sa akin ang tayo’y magkalayo
Ngunit walang magawa ang ating mga puso
Sapagkat panahon ang sa ati’y naglayo
Ngunit pagkakaibigan natin ay hindi maglalaho.


Palimos ng Pag-ibig



Palimos ng Pag-ibig

By: Shinayawaara


Sa aking isipan ay may mga katanungan
Bakit ang tulad ko ay lagi na lamang naiiwan?
Bakit ang puso ko ay laging nasasaktan?
Pagmamahal lang naman ang aking kailangan.


Bakit nga ba tila ang mundo ay kay lupit?
Sa isang tulad ko, kasiyahan ay tila ipinagkakait
Bakit ang natatanggap ng puso ay puro sakit?
Sa mga palad ko ba ito ay nakaukit?


Hindi ko hinihiling ang anumang yaman sa mundo
Mga material na bagay o kahit anong luho
Kasikatan o kagandahan ay hindi ko gusto
Pagmamahal lamang ang tanging hanap ko.


Ang nais ko lamang ay maging masaya
Katulad ng iba na pagmamahal ay nakukuha
Isang araw akala ko ay nakamit ko na
Subalit bakit nga ba ang hilig makialam ni Tadhana?


Ang lahat ng pangarap ay bumagsak
Sa mga mata luha ay pumatak
Tila patalim ang sa akin ay itinarak
Nang iwanan ang puso kong wasak na wasak


Ngayon ikaw ay nasa piling na ng iba
Ako nga ba ngayon ay hindi na naaalala?
Mga pangako mo sa akin ay naglaho na nga ba?
Hanggang kamatayan ang sumpaan natin noon di ba?


Sa harap ng altar tayo ay nagsumpaan
Saksi ang Maykapal pagmamahalang walang hanggan
Subalit isang araw ano nga ba ang dahilan?
Pamilyang ating sinimulan bakit mo tinalikuran?


Sa responsibilidad nga ba ikaw ay takot?
Gulo ng isipan ang sayo ba ay bumalot?
Pakikipaghiwalay ang para sayo ay sagot
Iniwang sugatang puso ko ano nga ba ang gamot?


Thursday, January 22, 2015

Ikaw na nga

Ilang taon akong naghintay sa mga kaibigang tunay
Kaya naman kaligayahan ay walang kapantay
Nang kayo ay dumating sa aking buhay


CTTO


Kahit minsan ay hindi nagkakasundo
Dahil ang ugali ko ay iba sa inyo
Subalit ganun pa man, nais kong malaman ninyo
Na mahal na mahal ko kayo


CTTO


Oo. Ikaw. Ikaw na nga
Ang hinahanap ng aking buhay
Oo. Ikaw. Ikaw na nga
Ang aking kaibigang tunay.


CTTO


Minsan tayo ay nagkakatampuhan
Sa mga bagay na walang kabuluhan
Pero agad naming nagsosolusyunan
Basta’t tayo ay nagtutulungan


CTTO


Kaya naman ang tanging dalangin
Kahit magkakalayo na ang landas natin
Pagkakaibigan ay huwag limutin
Sapagkat ito ay naging bahagi ng buhay natin.

Tuesday, November 25, 2014

Sa likod ng aking anino

CTO


Siya’y isang tinig na ayaw lumabas
Boses na sa damdami’y gustong makaalpas
Kaluluwang itinatago sa tuwa at galak
Hindi mapapantayan ng bawat palakpak.


CTO
 
Sa likod ng aking anino ay may nahihimlay
Isang katauhang gusto sa akin ay mabuhay
Isang damdaming nanunuot sa bawat himaymay
Na kapag lumabas... oh anong lumbay!

 
CTO

Isang nakaraang pilit ikinukubli
Sa mga mata ng mapanghusga’t mapang-api
Isang nakaraang ibinaon na sa limot
Ngunit anong dahilan..bakit mundo’y nag-iba ng ikot?


CTO

Oh tadhanang sadyang mapaglaro
Hayaan na sanang mundo ko’y magbago
Ang nakaraan kong gusto ng kalimutan
Wag mo na sana pang bigyan ng katwiran.


CTO

 
Mga pangyayari sa aking nakalipas
Hayaan nang itago at huwag ilabas
Sapagkat kapag nagkaganoo’y mundo ko’y magbabago
Dahil lang sa isang tinig sa likod ng aking anino.

Friday, September 05, 2014

Tula Para kay Ma’am

Siya’y isang taong huwaran
Boses at karunungan ang siyang puhunan
Mga ginintuang aral sa aming isip ay iniwan
Upang aming baunin sa aming paglisan.
 
Sa landas ng buhay siya’y nagsisilbing gabay
Magagandang aral sa amin kanyang inialay
Pagmamahal sa amin ay walang kapantay
Kami’y itinuring na parang anak niyang tunay.
 
Kahit na kami ay mga batang makulit
Na sa kanyang ulo ay nagbibigay pasakit
Pagpapasenya sa amin ay di niya parin pinagkakait
At sa kanyang mga labi’y may mga ngiting nakapagkit.
 
Sa aming pangangailangan siya ay nariyan
Naging tunay na magulang sa paaralan
Mga hinaing namin kanyang pinakikinggan
Ito ay di namin kailanman malilimutan.
 
Maliit na sahod ay di niya alintana
Basta’t sa aming isip, kaalama’y dapat maipunla
Ma’am, ikaw ay napakadakila
Iyong itinuro’y dadalhin hanggang sa aming pagtanda.

Wednesday, April 10, 2013

Kung naipagtapat ko lang sana

Kung naipagtapat ko lang sana


Mahirap magmahal ng isang kaibigan
Palagi ka na lamang masasaktan
Ang iyong puso’y masusugatan
Sapagkat sa puso niya’y iba ang laman.


Hindi mo malaman ang iyong gagawin
Upang maiparating ang iyong damdamin
Natatakot  kang iba ang kanyang isipin
Katwiran mo’y pagkakaibigan niyo’y ayaw mong sirain.


Nagpasya kang magmahal ng iba
Dahil baka sakaling makalimutan mo siya
Pero kahit marami pa sila
Puso mo’y hinahanap pa rin talaga siya.


Isang araw may natanggap ka
Isang balitang wala na siya
Sa mata mo’y may pumatak na luha
Nang mabasa mo ang huling sulat niya.


“Minamahal kita aking kaibigan
Sa puso ko’y ikaw ang laman
Subalit pag-ibig ko’y walang katugunan
Sapagkat puso mo’y may ibang laman”


“Nais ko sanang sabihin sayo
Ang nadarama nitong puso
Subalit natatakot ako
Kaya naman akin na lamang itinago”


“Sana maging maligaya ka
Kahit ako’y mawala na
Lagi mo lamang pakatandaan sana
Sa puso ko ika’y nag-iisa.”


Walang humpay ang iyong naging pagluha
Nang mabasa mo ang huling sulat niya
Laking pagsisisi ang iyong nadama
At ika’y marahang bumulong;
“Kung naipagtapat ko lang sana”

Friday, March 15, 2013

Prince of my heart

Prince of my heart
By: Shinayawaara


Come here My Prince let's dance
‘Coz this might be my only chance
To hold your hands like this
And kiss you in your lips


You are my knight in shining armor
My hero and my prince
With you I feel like I’m a princess
In every way it means


I know that I’m not good enough
To be the right girl for you
But I will assure you that I LOVE YOU
Like no one else can do


You are the only man I love
           You are the only one I dream about
I’m so glad that we’re together
My Prince… will you be mine forever?!

Friday, May 18, 2012

Isang Huling Pagluha



 
Isang Huling Pagluha
By: Shinayawaara


Ang aking mga nawalang pangarap
At pusong sugatan ay pinipilit kong gamutin.
Nakita kitang kahawak-kamay siya
At napakalapit niyo sa isat-isa.

Ako ngayon ay nag-iisa
Hinihiling na ang lahat ng nararamdaman ay mawala.
Naibigay na ang lahat sa iyo
Wala na akong magagawa pa
Kundi ang lumuha.

Isang huling pagluha pa
Bago ko iwanan ang lahat ng bagay sa nakaraan
Ngayon ay aalisin na kita sa aking isipan
Tama nang minsan ako’y nabuhay sa kasinungalingan
Tatapusin na ang lahat ng kahibangan
Isang huling pagluha na lang.

Narito ako, nandyan ka
Sa tingin ko’y hindi talaga tayo magtutugma
Bakit ang araw ay nasa iyo?
Samantalang ang ulan ay nasa akin.

Ngayon ako ay nag-iisa
Hinihiling na ang lahat ng ito ay mawala
Kailangan ko ng magparaya
Iyon na lamang ang tangi kong magagawa.

Isang huling pagluha pa
Bago ako tuluyang magpaalam
Aalisin na kita sa aking isipan
Nabuhay ako sa isang kasinungalingan
Alam kong kailangan kong maging matatag
Dahil ang pag-ibig at buhay ay magpapatuloy
Nang magpapatuloy..ng magpapatuloy..
Isang huling pagluha na lang.

Saturday, November 19, 2011

Stranger in the night

Stranger in the night
By: Shinaya Waara


I don't know his name
I don't know his voice
I don't know who he is
But my heart beats a thousand noise
He come to me and said "Hello"
He hold my hand and touch my nose
I feel like I'm an ice that melts
Under the sunshine that's what I felt.

He care for me like no one do
He make me smile when I'm feeling blue
He always there when I need him
I don't know what to think 'coz he said nothing

Now that he walk out in my life
It's so fast like a blink of an eye
Does anybody hear me cry?
'Coz I'm falling in love with the stranger in the night.