Mahirap maging kaibigan yung taong mahal mo. Ikaw yung
iiyakan kapag nasasaktan siya. Ikaw yung tatakbuhan kapag may problema. Ikaw
yung pupuntahan kapag wala siyang kasama. Kumbaga second choice ka lagi. Masakit
diba? Pero sige handa kang tanggapin lahat, kaibigan mo eh. Pero alam mo kung
ano ang pinakamasakit at pinakamahirap tanggapin sa lahat? Iiwan ka niya kapag
nandyan na yung taong mahal niya.
Showing posts with label hugot. Show all posts
Showing posts with label hugot. Show all posts
Wednesday, February 22, 2017
Tuesday, September 27, 2016
Poem : Bradgelina
Pag-ibig natin ay nagsimula sa isang pagkakamali
Kinutya ng mga tao sapagkat may isang naging sawi
Subalit ating napatunayang tama ang ating napili
Ilang taon pa ang lumipas tayong dalawa'y sa bawat isa nagpatali.
Kinutya ng mga tao sapagkat may isang naging sawi
Subalit ating napatunayang tama ang ating napili
Ilang taon pa ang lumipas tayong dalawa'y sa bawat isa nagpatali.
Mga tao sa paligid natin sa ati'y naging masaya
Isa sa hinangaang relasyon sa industriya
Naging basehan na may forever talaga
Kaya naman sila sa atin ay humahanga
Isa sa hinangaang relasyon sa industriya
Naging basehan na may forever talaga
Kaya naman sila sa atin ay humahanga
Ngunit isang araw ay biglang nagbago
Pag-ibig mo ba sa akin ay tuluyang naglaho?
Nabalitaan na lamang na ikaw ay mayroon ng bago
Iyon ba ay dahil hindi na ako kagandahan sa paningin mo?
Pag-ibig mo ba sa akin ay tuluyang naglaho?
Nabalitaan na lamang na ikaw ay mayroon ng bago
Iyon ba ay dahil hindi na ako kagandahan sa paningin mo?
"Once a cheater always a cheater"
Kadalasang sinasabi ng mga taong nagiging bitter
Kapag ang relasyon ay nagsimula sa pagkakamali anuman ang gawin
Kahit na ang pinakamatamis na tsokolate ay may expiration din
Kadalasang sinasabi ng mga taong nagiging bitter
Kapag ang relasyon ay nagsimula sa pagkakamali anuman ang gawin
Kahit na ang pinakamatamis na tsokolate ay may expiration din
Para sa mga anak maging matatag ay kailangan
Kahit na masakit ikaw ay dapat nang bitawan
Hindi na hahayaang ako ay tuluyan mo pang saktan
Ang buhay ko ay hindi titigil dahil sa isang kasalanan.
Kahit na masakit ikaw ay dapat nang bitawan
Hindi na hahayaang ako ay tuluyan mo pang saktan
Ang buhay ko ay hindi titigil dahil sa isang kasalanan.
***
A/N:
Habang nasa shuttle
ako papuntang office ay narinig ko ang balita tungkol sa hiwalayang Brad
Pitt at Angelina. Well, voila! Ayun may nagawang tula.
-shinayawaara
Wednesday, September 14, 2016
Poem : X
Kumusta ka na?
Ako pa ba ay iyong naaalala
Kumusta ka na?
Damdamin mo ba talaga ay nagbago na?
Dalawang taon na ang nagdaan
Sakit na naramdaman ay parang kailan lang
Maaari ko bang malaman
Alam mo pa ba ang aking pangalan?
Sa kasalukuyan ay heto ayos naman
Hindi na umiiyak kapag nababanggit ang iyong pangalan
Nagagawa nang magkwento na parang ito ay biro lamang
Kahit na alam ko sa sarili na mayroong kulang.
Huwag kang mag-alala ako ay hindi manggugulo
Ikaw ay hindi ko pipiliting magbago
Nais lang ipabatid ng tulang ito
Naghihintay pa rin ako sa muling paglingon mo.
Ako pa ba ay iyong naaalala
Kumusta ka na?
Damdamin mo ba talaga ay nagbago na?
Dalawang taon na ang nagdaan
Sakit na naramdaman ay parang kailan lang
Maaari ko bang malaman
Alam mo pa ba ang aking pangalan?
Sa kasalukuyan ay heto ayos naman
Hindi na umiiyak kapag nababanggit ang iyong pangalan
Nagagawa nang magkwento na parang ito ay biro lamang
Kahit na alam ko sa sarili na mayroong kulang.
Huwag kang mag-alala ako ay hindi manggugulo
Ikaw ay hindi ko pipiliting magbago
Nais lang ipabatid ng tulang ito
Naghihintay pa rin ako sa muling paglingon mo.
Friday, April 22, 2016
Poem : Ako at Ikaw
Ako ang nagpaparaya
Ako ang nagbibigay
Ako ang umiintindi.
Ako ang nagpapasaya
Ako ang nag-aalala
Ako ang nagmamahal.
Ako ang nalulungkot
Ako ang nababalewala
Ako ang nasasaktan.
Ako ang martir
Ako ang baliw
Ako ang tanga.
Pero ayos lang.
Dahil kapag ako ang natauhan
Ikaw naman ang nawalan.
Friday, April 15, 2016
Poem : Hindi Na Ako Iiyak
Hindi na ako iiyak kapag naisip kita.
Kapag naalala ko kung paano mo ako napasaya.
Hindi na ako iiyak kapag nakita kita.
Kahit na kasama mo pa siya.
Hindi na ako iiyak kapag nalulungkot ako.
Iisipin ko na lang na hindi lang ako ang malungkot sa mundo.
Hindi na ako iiyak kapag nalaman kong masaya ka na.
Magiging masaya na din ako para sa sarili ko.
Hindi na ako iiyak para sayo.
Dahil hindi na rin naman ikaw ang dahilan ng mga
ngiti ko.
Wednesday, March 30, 2016
Poem : Tanga
Bakit ko daw hinahayaang magmukhang tanga
Kapag itong aking puso’y umiibig na
Sa isang bagong taong aking nakilala
Pilitin ko mang hanapin ang kasagutan
Sa mga tanong na hindi ko rin maintindihan
Na bumubulong dito sa puso’t isipan
Pag-ibig nga siguro ang aking dahilan
Kung minsan ay tanong ko sa aking sarili
Kung itong aking puso ba ay pumipili
O hindi pa ito handang umibig muli
Dahil sa naranasang pag-ibig na sawi
Subalit sadyang kapag umiibig
Ang pakiramdam mo ay sayo ang daigdig
Wala kang pakialam sa iyong paligid
At ang lahat ng bagay sayo ay lingid.
Monday, January 11, 2016
Mga unforgettable lines na narinig ko sa mga prof ko.
"Matulog ka nalang kesa mag-ingay ka sa klase ko!" - Human Resource
"Okay class turn to page 45" (sabi ng katabi ko.. ha? di ba nasa page 16
pa lang tayo... ang bilis naman magbasa ni Mam.) - English 1
"Icing nalang ang kulang mukha ng cake yang report mo" - Humanities (puro violet kasi ang ginamit kong cartolina..)
"Ang mga nasa uno ang grade dito kayo sa left side..yan ang
langit..yung mga pasang awa nasa gitna..purgatoryo yun..at yung nasa
kanan yung ang impyerno..mga bagsak..wala na ba kayong balak umalis sa
impyerno?!" - Algebra
"Kuntodo
porma pa si Rizal bago sya patayin..hindi nya alam itatapon lang naman
yung bangkay nya...hindi tuloy nakita yung sulat na tinago nya sa sapatos
nya." - Rizals Life, Work, And Artworks.
"Get out of the room if you're not interested in my subject"- Mam Venus (ECO2)
"Don't take my subject for granted"- Sir Yalong (Accounting)
"You are my favorite students... see you next year.. same subject"- Mam Dipasupil (Management)
"Everybody stand up..lets sing the noble path"- Philo1.
Pero ang the best hugot sa lahat...
"Accounting is the mind of the business while marketing is the heart of the business..aanhin mo ang utak kung walang puso"- Dra.Villaruz (Marketing)
Naiwan ng Jeep
Alam mo kung anong masakit kapag nagmahal at naiwanan ka?
Ito yung tipong minsan kahit alam mong wala ng pag-asa na magkabalikan ulit
kayong dalawa pero ipinagdarasal at umaasa ka pa din na baka sakaling meron pa.
Na baka sakaling pwede pa. Yung tipong sinasabi ng utak mo tama na pero
sasabihin naman ng puso mo...sige kaya pa! Yung tipong sa gabi mapapanaginipan
mo siya. Ang saya saya niyo para lang magising ka kinabukasan na puro luha na
ang mga mata mo with matching sipon pa dahil alam mong panaginip lang iyon. At
higit sa lahat kahit na anong gawin mong paraan na makalimutan siya hindi mo
parin magawa dahil sa napakasimpleng dahilan...Mahal mo parin kasi siya kahit
ang sakit sakit na.
To the One Who Promised Me Forever
![]() |
| I’m not going to chase you anymore kasi nakakapagod din. |
I don’t know what happened to us. I thought everything was perfect. Pero bakit ganun? All of a sudden you told me na ayaw mo na? Sumusuko ka na.
Everything about us is okay. My family loves you, your
family loves me. We love each other. We are each other’s bestfriend. We share
no secrets. We are having fun. Wala tayong mabigat na pinag-aawayan. Actually,
wala nga yata akong matandaan na may pinag-awayan tayo. Pero what happened?
Bakit biglang ganun ang nangyari?
You told me I am your first and last love. I am your one
true love. I am the one you want to spend your life until the day you die. You
promised me forever na magkasama tayong tatanda. You love me like no one else
could. You are the sweetest and loving person I’ve ever met. I couldn’t ask for
more. Masaya na ako sayo. We already planned for our future, how many kids we
will have, the interior of our future house and our life together. Everything
is almost close to perfection.
The happiest moment in my life was our wedding day. Even
though it’s a simple gathering with our friends and families, we are so happy
because the important thing is we love each other. When we found out that we
are going to have a baby I am both excited and nervous at the same time. But
everything was fine because you are there. You gave me the best support a wife
could ask for.
Or so I thought.
When the day I gave birth you were not there. Wala ka sa
panahong kailangang kailangan kita. 14 hours of labor is not a joke. Feeling ko
mamamatay na ako. I keep on asking you to come but you said hindi ka makakaalis
sa trabaho mo. So I endure all the pain alone. Pero hindi kita sinisi because I
know how precious your work for you kahit na pakiramdam ko we are not your
priority that time. All the pain was worth it when I saw our baby girl. She
looked just like you. She is your female version and I am so happy.
I don’t know what happened. Bigla ka nalang nagbago. Hindi
ko nararamdaman that you are happy now that our baby was born. I can’t see in
your face the excitement that a father should have. Lagi na lang mainit ang ulo
mo kapag umuuwi ka. Iniisip ko pagod ka lang. Maybe you are just stressed in
your work. Until one day this officemate of yours called you at 2:00 midnight.
Since you are already asleep I told her and ask if it was an urgent thing so
that I can wake you up. She told me it’s not. Nakalimutan ko na ding sabihin
sayo na tumawag siya because I already became busy the next morning. Nagulat
nalang ako nung umuwi ka na galit na galit sakin. That was the first time that
I saw you mad at me for a reason that I don’t know why. You told me na hindi ko
dapat sinagot ang tawag ng officemate mo. You told me not to touch your
cellphone. You told me not to touch your private things. For goodness sake I am
your wife! I just cry that whole day. Hindi ko alam kung ano baa ng nagawa kong
mali.
That’s the start that I saw the changes in you. Kapag
tinatanong kita kung may problem ba laging wala ang sagot mo. Until one day you
told me na ayaw mo na. Nakikipaghiwalay ka na sakin. I was so shocked! Wala
tayong problema and yet nakikipaghiwalay ka? I asked why and you just simply
told me that you don’t love me anymore! Ganun kabilis nawala ang pagmamahal mo
sakin? You said that you are not yet ready to settle down. Bakit ngayon mo lang
sinasabi kung kailan kasal na tayo? Sana noon pa hindi mo ako niyayang
magpakasal kung hindi ka pala ready to commit! Two months palang akong
nakakapanganak and you are already leaving me alone! You can’t even give a
proper explanation why you want to leave. I asked kung may iba na ba and you
said wala. You’re just not yet ready. When I reminded you that we are already
married you gave me the most hurtful words that a wife could ever have. You
don’t even considered me as your wife and our marriage is just a piece of
paper. Why? Why did it happened to us?
I did everything that I could. Nagmakaawa ako sayo, lumuhod
ako sa harapan mo, ilang beses kong sinubukang kausapin ka na kung may problema
ay ayusin natin but you never listened to me. You already made up your mind
without thinking of me and our baby. I was so depressed. I experienced postpartum
depression that can make me go crazy. Fortunately I have the best support that
I can have from my family and friends. I choose to be strong not just for me
but also for the little one na umaasa sakin.
For a year wala akong ibang ginawa kundi ang lumapit parin
sayo kahit na harap harapan mo na akong itinataboy. I don’t know you anymore.
The guy who promised me forever was gone. The guy who vowed to love me until
the day he die was gone. And most importantly you just not removed yourself as
my husband but also you removed yourself as a father to our child.
One year since you left me I decided to myself na tama na. I
can’t chase you anymore. The more I chase you, the more you are running away
from me. I told myself that if you really love me, you won’t leave me. Besides,
for us ikaw lang ang nawala, but for you, kami ng anak mo ang nawala. You
missed the chance of witnessing the development of your child. Her first smile,
her first laugh, her first walk, her first words. You will never know the
feeling of proudness that a parent could have witnessing their child grow.
Wednesday, September 23, 2015
Thursday, September 10, 2015
For My Bestfriend Who Drifted Away
Gusto ko lang malaman mo na nasaktan ako. Nasaktan
ako nung umiwas ka. Nasaktan ako nung dinededma mo ang mga text messages ko
sayo. Nasaktan mo ako nung mga panahong hindi mo ako pinapansin kahit na nasa
harapan mo lang ako. Pero ang pinakamasakit sa lahat, ay yung nagpaalam ka na
sakin. Naramdaman ko na naman kasi yung sakit ng maiwanan.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove
on. Bakit? kasi kaibigan kita. Bestfriend kita! Ikaw ang nag-iisang lalaking
bestfriend ko. Kaya hindi ganun kadali na kalimutan ka. Higit sa lahat, minsan
sa buhay ko minahal kita ng sobra.
Kapag may mga taong nag-ooffer na gusto
nila akong gawing bestfriend or tawaging bestfriend, hindi ko magawang pumayag.
Kasi kasabay ng pag-alis mo ay dinala mo ang salitang "bestfriend" sa
iyong paglayo. Para sakin, sayo ko lamang kayang ibigay ang salitang iyon.
Kahit na pakiramdam ko ay hindi mo iyon pinahalagahan.
Ngayon ay may nakilala ako. Aaminin ko, ito
ang unang pagkakataon na nakakita ako ng lalaking parang ikaw. Wala kayong
pagkakatulad sa hitsura, galaw or ugali pero hindi ko maintindihan kung bakit
sa lahat ng lalaking nakilala ko ay sa kanya kita nakikita. Kaya naman magaan
ang loob ko sa kanya. Kaya naman hinayaan ko siyang makapasok sa sarado kong
mundo. Kaya naman itinuring ko siyang kaibigan. Masaya ako sa kanya. Madalas
din kitang ikwento sa kanya at kung gaano ako kaproud sayo.
Ngayon nasasaktan na naman ako, dahil tulad
mo, pakiramdam ko ay iiwan din niya ako. Unti unti din siyang lalayo at iiwasan
ako. Masakit dahil hinayaan ko siyang makapasok sa mundo ko. Masakit kasi
pinahalagahan ko siya tulad ng pagpapahalaga ko sayo. Ang sabi nila, namimiss
lang daw kita. Totoo naman. Namimiss ko yung bestfriend ko.
Ngayong pakiramdam ko ay lumalayo na siya
sakin unti unti na din akong hahakbang palayo. Kailangan ko ng pigilan ang
sarili ko. Mabuti nga habang maaga pa ay iwasan na niya ako. Habang kaya ko
pang tanggapin ang sakit. Hindi katulad ng ginawa mo sakin. Hindi katulad ng
ginawa mong pag-iwan basta sakin.
Friday, February 13, 2015
"Maganda ka nga, Sexy ka nga, Wala ka namang LOVELIFE!"
- Kuya Jei
- Kuya Jei
Hindi ka niya MAHAL! Itanim mo iyan sa utak mo. Kasi kung mahal ka niya, hindi niya gagawin iyan sayo! Asa ka ng asa! Nasasaktan ka lang! Sayang lang ang luha mo! Ginagago ka lang niya. Ikaw naman si TANGA, naniniwala pa!
Thursday, January 08, 2015
10 things I did when you left
Pagkatapos kong magpakalunod sa alak (kahit na hindi naman
ako marunong uminom), umiyak ng balde balde (hindi ko lang naipon. Sayang nga
eh. Panlinis din sana
yun ng banyo!) at hindi makatulog ng ilang gabi dahil sa matinding pagkadepress
(isa na akong eyebag na tinubuan ng mata!) ay sinimulan ko ng tanggapin na
talagang wala na siya at hindi na muling babalik pa. Paksyet! Walang poreber!
Heto ang mga bagay na ginawa ko magmula noon.
- Tumambay sa lahat ng bookstore.
-
Dati rati hindi ko magawang tumambay dito ng matagal
dahil lagi kang naiinip. Gusto mong umalis na or magpunta sa ibang lugar. Ako
naman siyempre, sumusunod naman.
- Manood ng anime at cartoons.
-
Sadyang may pagkaadik talaga ako sa mga Anime kahit na
sa edad kong ito. Pero dahil mas trip mo ang manood ng mga basketball at action
movies, isinacrifice ko ang kahiligan ko sa Anime at sinabayan ka sa mga trip
mong panoorin.
- Magbasa at mangolekta ng mga libro.
-
Noon pa man ay marami na talaga akong iniipon na libro.
Pero pinipigilan mo akong bumili dahil iniisip mo na gastos lang ito.
Samantalang kapag ikaw ang bumili ng mga gamit mo okay lang sayo kahit na gaano
pa ito kamahal.
- Paulit ulit na tignan ang mga pictures
natin together.
-
Kabaliwan mang gawin pero kapag mag-isa lang ako ay
tinitignan ko pa din ang mga pictures natin. Ang saya saya nating tignan sa mga
kuha natin na parang lahat ng bagay kaya nating gawin.
- Paulit ulit na basahin ang mga
messages mo.
-
Hindi ko pa rin binubura ang lahat ng text mo sakin.
Masasaya man o malulungkot na text galling sayo kahit na wala pang kakwenta
kwentang bagay ay nakasave pa din. Pakiramdam ko kasi kapag binura ko iyon pati
lahat ng tungkol sayo ay tuluyan ng mawawala sakin.
- Makipagkita at makipagbonding sa mga
kaibigan at kapatid ko.
-
Magmula kasi ng maging tayo sayo na nasentro ang mundo
ko. Ikaw na din ang naging kaibigan at kasama ko sa lahat ng oras. Hindi tayo
mapaghiwalay kaya naman hindi ko na nakakasama ang mga kaibigan ko nun. Gusto
mo kasi ikaw lang ang kasama ko. Sila ang naging sandalan at iyakan ko ng mga panahong
iniwan mo ako. Sila ang itetext o tatawagan ko kahit disoras ng gabi kapag
hindi ako makatulog dahil iniisip ko ang kagaguhang ginawa mo sakin. Sila ang naging
Number 1 Bestfriend ko sa mundo.
- Umuwi at pumasok mag-isa.
-
Nakakapanibago dahil lagi mo akong sinusundo sa opisina
o di kaya naman ako ang dadaan sa opisina niyo para sabay na tayong umuwe.
Ihahatid mo din ako kapag papasok ng opisina. Pero mula ng mawala ka mistulan
akong Zombie na naglalakad sa kawalan ng mag-isa at iniisip ang mga pangakong
binitiwan mo noon na hindi mo ako iiwan. Paksyet!
- Kumain mag-isa.
-
Noon pa man ay hindi ko na kinahiligan ang pagkain.
Pero dahil kasama kita ay lagi kang nakaalalay sakin at nagpapaalala na
kailangan kong kumain. Ikaw mismo ang pipili ng mga kakainin ko dahil alam at
kabisado mo na ang mga pagkaing gusto ko. Ngayong wala ka na, kumakain ako
dahil kailangan ko lang kumain at hindi dahil gusto kong kumain.
- Matulog ng may luha sa mga mata.
-
Hanggang pagtulog ko ay namimiss kita. Yayakapin ko na
lang ang mga unan ko at iniisip na sana
ikaw ang kayakap ko. Noon kasi papatulugin mo muna ako bago ka matulog o di
kaya naman ay pagmamasdan kita habang nagtatrabaho ka hanggang sa makatulog
ako. Pero ngayon kisame na lang ang pinagmamasdan ko hanggang sa makatulog ako.
- Magpakabitter sa LOVE at maniwalang
walang forever.
- Akala
ko noon kapag nagpakasal na ang dalawang tao sapat na iyon para mapatunayang
may forever pa sa mundo. Pero mali
pala ako. Dahil nagmahal ako ng sobra, binigay ang lahat lahat, nagpakasal,
nakaroon ng anak. Pero sa bandang huli ay iiwan din pala. Nasaan ang hustisya?!
Nasaan si poreber?! Wala! Wala! Wala!
Masakit. Sobrang sakit. Pero
siguro nga tanga talaga ang tao kapag nagmahal ng totoo. Kasi kahit sa kabila
ng mga pananakit at sama ng loob na ibinigay mo sakin, sa kabila ng lahat ng sinasabi ko na ayoko na sayo, umaasa pa rin ako na
baling araw babalik ka pa rin. At maniniwala pa rin ako na may forever sa
mundo.
Tuesday, December 02, 2014
Poem : Naaalala ko pa rin
| CTTO |
Naaalala ko pa rin kapag sinusundo mo ako galing opisina.
Naaalala ko pa rin ang mga text mo sakin mula umaga
hanggang gabi.
Naaalala ko pa rin na tatawagan mo ako para lang mag-i love
you o mangumusta.
Naaalala ko pa rin na idinidate mo ako kapag monsary natin.
Naaalala ko pa rin tuwing pinapangiti mo ako.
Naaalala ko pa rin tuwing bibigyan mo ako ng bulaklak dahil
nagsosorry ka.
Naaalala ko pa rin ang mga pinagsamahan natin.
Naaalala ko pa rin tuwing nagpupunta tayo sa mall at
magkahawak ang kamay.
Naaalala ko pa rin kung paano mo ako minahal.
Friday, September 12, 2014
Pabili po ng isang litrong sakit sa puso!
I know we promised to each
other na bawal mainlove. That if we want to become bestfriends forever
kailangan nating ingatan ang pagkakaibigang iyon and don’t make things that can
ruin our friendship…. I know I agreed…hindi ko rin naman kasi akalaing darating
ang araw that I would fall for you. Ayoko din namang tanggapin…. At ayoko ding
alamin…
Akala ko noon wala lang…na
kaya ka lang mahalaga sakin kasi bestfriend kita…until one day nung nakatitig
ako sa mga mukha mo habang natutulog ka parang may invisible force na nag-open
sa mga mata ko to see you in different ways… bigla ko nalang nasabi sa sarili
ko nun.. “Sh*t!!! naiinlove na ako”… hindi ko rin naman ginusto eh…kusa nalang
siyang nangyari…di ko napigilan.
Masakit para sa akin na itago ang nararamdaman ko… mahirap itago ang bagay na gustong-gusto mong ipagsigawan sa mundo…hindi mo lang alam kung ilang beses or kung gaano ko pinapatay itong nararamdaman ko para sayo…kasi ayokong maramdaman ito…kasi kapag sinabi ko ba makikinig ka? Hindi rin naman di ba? Baka magalit ka pa kasi di ako tumupad sa promise ko… saka may girlfriend ka…at alam kong mahal na mahal mo yung girlfriend mo… kahit na minsan naiinis ako sa kanya kasi parang binabalewala ka niya…paano niya nagagawang balewalain ang taong pinahahalagahan ko ng sobra? Napakaswerte niya.
Sabi ng mga kaibigan ko aminin ko na daw sayo kung anong nararamdaman ko… kasi nasasaktan ako…pero pag inamin ko? Anong mangyayari? Lalayo ka sakin? Ayoko namang mangyari iyon. Mas okay na sakin na mahalin ka ng palihim basta nakakasama kita kaysa aminin sayo pero lalayo ka… nawalan na ako ng taong minamahal mawawalan pa ako ng kaibigan… kaya mas mabuti ng ilihim ko nalang. Kung minsan may mga bagay na kahit gustuhin man natin ng sobra eh hindi natin pwedeng makuha… sabi naman nila paano mo malalamang di mo makukuha kung hindi mo susubukang kunin… ewan ko…takot ako magtake ng risk eh…risk na mawala ka sakin kapag sinabi kong gusto kita.
Kung minsan tinatanong mo ako kung ano bang problema ko… di ako nagsasalita kasi paano ko sasabihing ikaw ang problema ko kasi naiinlove ako sayo…. Mas minamabuti ko nalang ang magsinungaling at sabihing “Wala yun…okay lang ako” kesa aminin sayo ang nararamdaman ko.
Nung nagbakasyon ka at hindi kita nakasama sobrang miss na miss kita…dinadaan ko nalang sa biro ang lahat… nung may tumawag sa pangalan mo bigla akong napalingon kahit na alam kong wala ka naman dun…siguro nga sobrang miss lang talaga kita at gusto na kitang makita…at siguro nga iyon ang binubulong ng puso ko….hinahanap ka niya.
Pero later on narealized ko na kahit ano pang gawin ko hindi mo ako makukuhang mahalin sa paraang gusto ko…sabi mo nga sakin di ba hindi mo kayang ibigay ang pagmamahal ng isang “boyfriend “ sakin kaya gusto mong magboyfriend na ako…para maging masaya ako…pero paano ba yan eh sayo ako masaya? Sana pwede kong sabihin sayong “Pwede ba ikaw nalang?” kaso hindi naman diba?...Kahit nasasaktan ako, masaya ako kapag kasama ka…ang weird talaga magmahal. Laging package deal…
“Buy love takes pain”
Huwag kang mag-alala..tanggap ko na…tanggap ko na… na ganun talaga… and finally nasabi ko na din sa sarili kong anuman ang nararamdaman kong ito para sayo eh ibabaon ko sa kasuluk-sulukang cells ng katawan ko….hindi mo na dapat pang malaman pa..dahil tapos na…kakalimutan ko ng minsan minahal kita…magcoconcentrate na lang ako sa pagiging makulit, loyal, at mapagmahal na bestfriend mo…basta alam kong masaya ka…magiging masaya na din ako para sayo…iyon naman ang role ko bilang bestfriend mo…ang pasayahin ka…at ipakita sayong mahalaga ka.
Darating din naman ang araw na mawawala din ito ng tuluyan…dahil sabi nga nila wag ko daw alagaan ang feelings ko for you…mas mabuti na siguro iyon…because even the strongest feeling expires when ignored.
But atleast for the last time masabi ko man lang sana ito… kahit hindi man sayo…
MAHAL KITA…
Subscribe to:
Posts (Atom)







