Wednesday, May 02, 2012

Stupid Cupid : Chapter 11


[JM’s POV]

Isinarado ni Jake yung bar para lang samin. Exclusive party daw yun. Nakakatuwa naman yung ginawa niyang effort.



“So, kumusta naman yung bago mong work ah?” tanong ni Jake sakin.


“Okay naman. Medyo kasundo ko naman yung mga kasama ko”


“Well, it’s good to hear that”


“Ikaw, kumusta ka na? tagal mong di nagpakita sakin ah”


“Bakit? Namiss mo ako noh?”


“Hmm…medyo” sabi ko sabay tawa.


“Medyo lang? samantalang ako namiss kita”


“Hayy naku Jake..nababaliw ka na naman”


“Tignan mo itong taong ito. Di makausap ng matino”


Nailing-iling si Jake habang umiinom ng alak.


“Kumusta na ang lovelife mo?” biglang tanong sakin ni Jake


“Lovelife? Wala na. Wala namang progress yung samin ni Lieu eh kasi may iba na pala siyang mahal. Nonsense din kung ipagpapatuloy ko ang pagmamahal sa kanya.”


“Ahhh….so may iba ka ng mahal?”


“Wala. I don’t think I’m capable of loving ulit. Parang ayoko na muna.”


“Minsan ka lang nabigo umaayaw ka na agad.”


“Haleerrr??? As if naman kasing di ako nasasaktan kapag nabibigo ako diba?”


“Bakit? Suicidal ka naba? hindi naman diba?”


“At bakit naman ako magiging suicidal dahil lang dun? Baka yang pesteng kupido pa na yan ang patayin ko eh. Hindi siya marunong pumana ng maayos. Sa kanya ko kaya ihampas yung pana niya para malaman niya kung gaano kasakit ipana ka sa maling tao”


“Kung sa maling tao naging Masaya ka syempre what more pa kung right person na diba?”


“Ahh..basta…ipapaliquidate ko yan si kupido kasabay ng puso ko kapag nakita ko siya” sabi ko at tinungga ang bote ng alak na nasa mesa ko.


“Wag muna…kasi mamahalin pa kita eh..paano mo ako mamahalin kung ipapaliquidate mo na ang puso mo?”


Hindi ko alam kung tama ba ako ng dinig o sadyang nababangag lang ako dahil sa alak na nainom ko at kung ano-ano ng naririnig ko.


“Anong sabi mo?” tanong ko kay Jake.


“Wala. Saka na tayo mag-usap pag di ka na nakainom. Bangenge ka eh”


“Anong bangenge ka jan. hindi noh!” tanggi ko.


“Whatever JM”


Nanahimik bigla si Jake. Maging ako ay di na rin kumibo.


Nanatili kaming tahimik habang umiinom ng alak sa bar.


“Ikaw Jake kumusta ka na?”


“okay lang ako”


“mag-aasawa ka na ba?”


“Adik ka ba? Girlfriend nga wala asawa pa?”


“wala kang girlfriend?” gulat na tanong ko.


“Wala”


“Pihikan ka siguro”


“Hindi naman”


“Ano bang tipo mong babae?”


Saglit na nag-isip si Jake bago tumingin sakin at nagsalita.


“Yung tipo kong babae…mahinhin pero palaban. Saka syempre maganda at sexy..yung tipong girl na girl.”


“Ang babaw mo naman pala eh”


“Ano namang mababaw dun eh halos lahat ng lalaki iyon ang gusto diba?”


“Whatever Jake!”


“Hoy!!! Baka makabuo na kayo dyan ah…baka balak niyong jumoin samin?” pang-aasar ni Lieu.


“tara..Sali tayo sa kanila” yaya ko at nagpauna ng tumayo.


“Sige..sunod ako”


Nauna na akong lumapit sa mga iba naming kaibigan. Iniwan ko si Jake na umiinom pa din sa bar.


+ + + + +


[Jake’s POV]


I saw her talking with our other friends. And I’m really glad to see her smile. Kaya nga pinaghandaan ko talaga itong birthday niya eh kasi I’m sure makakalimutan nun na birthday na pala niya.


Kinausap ko lahat ng mga kaibigan ko para pumunta ngayon kahit na mga busy na din naman sila sa trabaho. Gusto ko kasing mapasaya si JM eh.


Sayang nga lang at wala si Aya.


Mas masaya sana kung nandito siya.


Maya-maya ay nagpasyang mag-uwian na ang iba. Medyo late na din kasi.


“Hala ka lasing na si JM” pansin ni Madz.


“Sinong maghahatid sa kanya eh lasing na din si Lieu eh”


“Sige ako na” prisinta ko.


Hindi din naman kasi ako masyadong uminom eh. Dahil alam kong may mga babae kaming kailangang ihatid pauwi.


“Okay. Sige Jake ikaw na bahala dyan kay JM ah”


“Okay sige ingat kayo”


Nang makaalis ang barkada ay binuhat ko na pasakay ng kotse si JM. Medyo umuungol ungol pa nga siya eh.


“Pasaway ka talagang babae ka. Mapapahamak ka nyan sa ginagawa mo eh” sabi ko habang buhat buhat siya.


“Jake?” tanong niya.


“Oo ako nga..umayos ka nalang dyan at ihahatid na kita sa inyo”


“Ang sakit ng ulo ko”


“Malamang sasakit talaga iyan gawin mo ba namang tubig ang alak eh ewan ko lang”


“Birthday ko naman eh”


“kahit na ba…umaayos ka na dyan at ihahatid na kita sa inyo. Wag kang susuka dito sa kotse ko ah..”


“Ang yabang mo naman”


“Hindi ako mayabang..si Vaughn lang ang mayabang dito.”


Pumikit na si JM upang matulog siguro. Hinayaan ko nalang siya. Pero hindi ko maiwasang titigan siya habang nakapikit.


“Staring is rude Jake” narinig kong sabi ni JM habang nakapikit.


How did she know that I’m staring at her?


“I’m not staring at you” tanggi ko pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.


“Yes you are Jake… I could feel it even though I can’t see it”


I just chuckle.


“Would you be mad at me if I kiss you?” I asked at her.


Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko ang bagay na yun. I can’t think of anything. All I want is to kiss her.


“Jake?” she opened her eyes and look at me.


Staring at her brown eyes I slowly lower my face to meet her lips.


I kiss her. And damn it feels great. Her lips taste sweet. Kahit na medyo nalalanghap ko pa ang amoy ng alak sa hininga niya.


Kissing her is like a drug to me na ayoko ng tigilan.


I deepened my kiss while slowly caressing her neck.


I kiss her cheeks down to her neck.


“Jake” she murmured.


“Hmm..”


“I’m not your woman Jake”


“I know…and I wish you were JM…I wish you were”


With that bigla nalang siyang nakatulog.


Naiiling na ipinagpatuloy ko nalang ang pagmamaneho.


No comments:

Post a Comment