Showing posts with label love. Show all posts
Showing posts with label love. Show all posts

Wednesday, January 28, 2015

May gusto ba siya sa akin o wala?

Minsan naguguluhan tayong mga girls sa kakaisip kung may gusto ba sa atin ang isang lalaki o wala. Minsan napagkakamalan tayong assumera kasi akala natin nililigawan na tayo iyon pala sadyang friendly lang si guy. Kung minsan naman ay nasasabihan tayong paasa dahil hindi natin alam na nililigawan na pala tayo. Aba! Ang hirap kayang maging babae. Ang hirap mag-isip ng kung ano-ano. Kaya naman narito ang ilang tips na ginagawa ko kapag medyo naguguluhan ako sa ikinikilos ng isang guy. Baka sakaling makarelate din kayo.


1) Kapag may napapalapit sayo na guy isipin mong mabuti kung ano ba talaga ang trip niya sayo. Mag-internalize ka. Kausapin mo sarili mo pero wag sa harapan ng ibang tao baka isipin nila baliw ka.


2) Kapag naisip mo kung trip niya ba ay simpleng friends lang o more than friends eh mag-isip ka uli. Obserbahan ang kilos niya. Huwag munang maging assuming. Baka mapahiya ka.


3) Kung napapansin mo na iba ang treatment niya sayo kumpara sa ibang babae (mas malambing, lagi kang nililibre, papansin sayo masyado) baka may iba na siyang nararamdaman sayo at hindi simpleng friends lang. Pero wag muna uli masyadong assuming. Baka sadyang malandi lang siya.


4) Kung ang guy ay nagpapahaging sayo o nagpapakaflirt ay maybe may something sa kaniya. Baka may gusto na siya sayo pero hindi ka lang niya madirekta kasi torpe o nahihiya siya. Makiramdam.


5) Kung talagang magulo pa din ang lahat sayo. Tanungin mo siya ng direkta. Kung sabihan ka niya na assuming dahil sadyang friendly lang sya eh ano naman. Atleast natapos na ang mahabang pag-iinternalize mo.



Oh ano nakatulong ba? Sariling opinion ko lang naman iyan baka iba ang ginagawa mo. Share mo naman.

Thursday, January 08, 2015

Love and Time


Once upon a time, there was an island where all the feelings lived: Happiness, Sadness, Knowledge, and all of the others, including Love. One day it was announced to the feelings that the island would sink, so all constructed boats and left. Except for Love.Love was the only one who stayed. Love wanted to hold out until the last possible moment.


When the island had almost sunk, Love decided to ask for help.

Richness was passing by Love in a grand boat. Love said,



"Richness, can you take me with you?"

Richness answered, "No, I can't. There is a lot of gold and
silver in my boat. There is no place here for you."

Love decided to ask Vanity who was also passing by in a beautiful vessel. "Vanity, please help me!"

"I can't help you, Love. You are all wet and might damage my boat, " Vanity answered.

Sadness was close by so Love asked, "Sadness, let me go with you."

"Oh . . . Love, I am so sad that I need to be by myself!"

Happiness passed by Love, too, but she was so happy that she did not even hear when Love called her.

Suddenly, there was a voice, "Come, Love, I will take you."

It was an elder. So blessed and overjoyed, Love even forgot to ask the elder where they were going.

When they arrived at dry land, the elder went her own way. Realizing how much was owed the elder, Love asked Knowledge, another elder,

"Who Helped me?"

"It was Time, " Knowledge answered. 

"Time?" asked Love. "But why did Time help me?" 

Knowledge smiled with deep wisdom and answered, "Because only Time is capable of understanding how valuable Love is."

Thursday, August 28, 2014

My Bestfriend




Ikaw ang kauna-unahan kong bestfriend na lalaki. Sayo ako umiyak nung iniwan ako ng ex-boyfriend ko. Ikaw ang labasan ko ng sama ng loob. Puro na nga yata reklamo ang naririnig mo sakin eh. Pero nakikinig ka pa rin. Kung minsan kapag wala kang masabing matino, hindi ka nalang nagsasalita, papakinggan mo lang ako hanggang sa matapos akong magkwento. Sasabihin mo lang sakin, “tama na” “hayaan mo na”. Kapag nagdadrama ako sayo dahil iniinjan mo ako sa mga movie date natin tapos malalaman ko nanood ka na pala kasama mo iba sasabihin mo lang sakin “sorry na. next time tayo naman” kahit na alam kong wala naming next time na darating dahil madalas busy ka. Pero kapag alam mong sobrang nagtatampo na talaga ako, kukulitin mo lang ako. Alam mo kasi na hindi kita matitiis eh.  Hindi ko nga akalain na magiging magkaibigan tayo noong una. Ang layo kasi natin sa isa’t isa kahit na magkasama tayo sa trabaho. Naaalala ko pa noong medyo nagging close tayo at tinanong kita kung pwede ba kitang maging bestfriend. Ang sagot mo sakin “kusa yang darating”. Hindi ko na inulit yun sayo. Masaya na ako na alam kong magkaibigan tayo. Hanggang sa isang araw nagulat nalang ako ng ikaw na mismo ang tumawag sakin ng “Bes”. Iyon na siguro ang isa sa pinakamasayang bagay na nangyare sakin. Nagkaroon ako ng bestfriend na lalaki. Pangarap ko kasi talaga iyon eh. Hanggang sa maging super close na talaga tayo. Madalas tayo noong magkasama, gumagala, you became my movie partner. Pero madalas din tayo (ako lang yata?) magkatampuhan at asaran. Lalo na puro ako reklamo sa buhay. Sabi ko nga noon daig ko pa ang girlfriend mo kung makapagdemand ka sakin. Tipong kahit ano pa man iyang ginagawa ko iiwanan ko kapag ikaw na ang nagsabi. Kahit na may lakad ako ikacancel ko kasi nagpapasama ka sakin. Biniro pa nga kita noong ikinasal ang ate mo. Sabi mo kasi naiyak ka noon. Sabi ko naman sayo wag mo akong uunahang mag-asawa dahil ako ang unang-unang iiyak siguro kapag nangyare iyon.



Hangang sa isang araw, narealized ko nalang bigla na na-iinlove na pala ako sayo. Hindi ko alam kung paano nangyare at kung kelan. Basta iba na yung nararamdaman ko. Pero ayokong sabihin sayo kasi may usapan tayo na “bawal mainlove”. Sinubukan kong umiwas sayo, hindi kita pinapansin at kinakausap. Syempre nagtaka ka, tinatanong mo ako kung bakit, hindi ko na napigilan, umiyak na ako tapos sinabi ko na sayo na “mahal na kita”. Hindi ko pa nga kayang sabihin ng personal kaya idinaan ko nalang sa email sayo. Sabi ko atleast hindi mo makikita yung sakit na mararamdaman ko kapag binasted mo ako. Siyempre may girlfriend ka noon eh at ayokong makagulo sa relasyon niyo. Hinanda ko na ang sarili ko nun na magalit ka sakin. Kasi tanda ko pa sabi mo ayaw mo ng nagkakagusto sayo ang kaibigan mo, umiiwas ka na. Kaya nagulat ako nang hindi mo ako iniwasan. Sabi mo sakin “malalampasan din natin ito.”. Nanatili tayong magkaibigan, hanggang sa ang pag-amin ko sayo na mahal kita ay naging biruan nalang. Naisip ko, sapat nang sinabi ko sayo na mahal kita, hindi mo naman kailangan na sabihin na mahal mo din ako hindi bilang bestfriend lang. Okay na ako dun. Mas mahalaga ang friendship natin kesa sa feelings ko. After ng ilang drum na luha, nakamoved on din ako. Binaon ko sa kailaliman ng puso ko na minsan minahal kita.



Nung nagbreak kayo ng girlfriend mo nasaktan ako para sayo kasi alam ko na mahal mo talaga siya. Pero aaminin ko, may part dun na natuwa ako kasi ramdam ko bilang babae na hindi ka naman niya ganun kamahal. Sinasaktan ka lang niya at binabalewala. Sabi mo gusto mo na ding magseryoso at makahanap ng mapapangasawa at alam kong hindi siya ang babaeng handa nang magseryoso sa relasyon. Mas may iba siyang priority at hindi ikaw ang nasa top priority niya.



Nagkaroon ako ng bagong boyfriend, ikinasal, nagkaanak at iniwan ng asawa pero nanatili kang nandyan para sakin. Kahit na medyo umiwas tayo sa isa’t isa nung nagkaboyfriend at ikinasal na ako. Isang text ko lang sayo na kailangan ko nang kausap, sumasagot ka. Nung iwanan ako ng asawa ko pakiramdam ko noon gumuho na ang mundo ko, pero isang text mo lang sakin at tawag, gumagaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung nasanay ba ako na ikaw ang tagasalo ng lahat ng reklamo ko kaya ikaw ang hinahanap ko kapag malungkot ako. Ikaw ang  taong nakakapagpangiti sakin kahit na wala ka namang binibigay na advice. Sapat nang alam ko na nandyan ka at nakikinig sakin.



Sa tatlong taon na magkakilala tayo, I can be myself in front of you at ganun ka din naman sakin. Masyado na tayong kumportable sa isa’t isa. Ultimo pagdighay at pagutot mo nasanay na ako. Sa kabila ng image na ipinapakita mo sa ibang tao, nakilala ko ang tunay na ikaw. Para tayong nasa “Bahay ni Kuya”. At ngayon ngang special day mo, gusto kong magpasalamat sayo sa pagiging mabuti at totoong tao at kaibigan mo sakin. I wish you all the best and happiness in life, family and career. Siguro yung lovelife? Ang wish ko lang matagpuan mo yung babaeng mamahalin ka katulad ng pagmamahal na ibinigay ko sayo. At kapag nangyare iyon, ako na siguro ang isa sa masayang tao sa araw ng kasal mo.



Happy Birthday Bes!

Tuesday, August 19, 2014

Medyo bitter



May nagsabi sakin na dapat daw sumuko na ako. Kalimutan ko na siya. Hayaan ko na kasi iniwan na naman niya ako. Sabi ko hindi ko pa alam kung kaya ko. Masakit kasi. Umaasa pa din ako. Tinawanan lang nila ako. Ang tanga ko daw. Bakit daw umaasa pa rin ako na babalik siya eh iniwan na nga ako. Nasabi ko tuloy "Kayo ba sigurado kayong hindi kayo iiwan ng mga taong mahal niyo?"

Thursday, August 07, 2014

Hindi lang ampalaya ang mapait



Nakakabadtrip yung pakiramdam na okay ka na. Nagagawa mo ng ngumiti, makihalubilo sa ibang tao at tumawa ulit na parang bukas dahil sa wakas unti unti mo nang natatanggap na hindi matatapos ang mundo sa pag iwan sayo ng ex mong kamag anak yata ni Satanas. Yung nangako sayo nang forever. Hindi ka niya sasaktan. Hindi ka paiiyakin at higit sa lahat hindi ka lolokohin. Nagawa mo nang magpalit ng number at hindi siya tawagan o itext. Bin-lock mo na din siya sa lahat ng social network sites kasi sabi mo mag mo-move on ka na at ibabaon mo na sa limot ang alaala nyong dalawa. Kung pwede mo nga lang din sanang ibaon na din sa lupa ang ex mo baka ginawa mo na. Tapos pagkalipas lang ng ilang araw susulpot siya sa labas ng bahay niyo para sabihing namimiss ka niya. Pero ang totoo nun ang namimiss niya lang sayo ay ang landian nyong dalawa. At eto ka! Yung sinasabi mong okay ka na bigla na namang magbabago. Kasi ikaw itong si Tanga na aasa ulit na balikan ka niya. Nung makita mo siya parang bumalik lahat ng pagmamahal mo sa kanya kasama na din yung sakit na naranasan mo sa piling niya. Aasa ka na naman! Mamahalin mo na naman! Bibigay ka na naman! Makikipaglandian ka na naman! Tapos sa bandang huli iiwan ka din niya ulit at sasabihin sayong "Sorry, hindi na kita mahal. Kalimutan mo na ako". Isang malaking pakingtape!!!! Sige, iiyak ka na naman ulit. Magwawala! Uubusin lahat ng tissue sa bahay niyo! Madedepress! Magpapakabaliw! Okay lang yan! Pero sa susunod na umiyak ka lunurin mo dun yung ex mong walang kwenta para matapos na.

Thursday, July 31, 2014

Shut down mo na!



Kapag nagmahal ka puso ang gamitin mo. Dahil ito ang pinaka accurate na bagay na nakaka alam kung paano magmahal. Pero kapag nasaktan ka na. Yung tipong sobrang sakit? Na parang lahat ng parte ng katawan mo eh pinapatay ng mikrobyo. Please lang gamitin mo na yang utak mo. Dahil alam ng puso kung paano magsimula pero tanging utak ang makakapagsabi kung kelan dapat ng huminto.

Friday, July 25, 2014

Espesyal kunwari...



Merong tatlong espesyal na tao sa buhay natin na makikila natin.

1. Yung taong minamahal natin pero hindi pwedeng mapasaatin.

2. Yung taong kinaaasaran natin pero hindi naman natin kayang iwan.

3. Yung taong ayaw nating mawala sa buhay natin pero kailangan nating pakawalan.

Ikaw? Nakilala mo na ba lahat ng iyan? Kung minsan iba-ibang tao sila. Pero kung minsan naman maaaring iisang tao lang din naman sila na nagkatong taglay lahat ng katangiang iyan.

Tuesday, July 22, 2014

Ang reyalidad sa likod ng takot



Hindi ka takot sa dilim, takot ka kung anong maaaring makita mo rito.

Hindi ka takot sa matataas na lugar, takot ka lang mahulog.

Hindi ka takot sa mga tao sa paligid mo, takot ka lang maiwanan.

Hindi ka takot magmahal, takot ka lang na di ka niya mahalin.

At higit sa lahat, hindi ka takot sumubok muli, takot ka lang masaktan sa parehong dahilan.

Remote Control ng Emosyon



Isang araw napagtripan kong magpaka-emo sa facebook kaya nagpost ako ng status na "Nakakabaliw din pala ang lungkot". Nagulat nalang ako ng biglang nagcomment yung kuya ko. Sabi niya "Happiness is a choice. Smile". Nung nabasa ko yung comment na yun. Automatic, napangiti ako dahil bukod sa iyon ang comment niya, that was the first time na nakatanggap ako ng positive comment mula sa kanya. Kung hindi pang-aasar eh panlalait ang natatanggap ko dun.

Seriously speaking, totoo nga naman. May karapatan naman talaga tayo na piliin kung kelan tayo magiging masaya. Wala namang remote control ang mga utak ng tao kung saan kaya tayong kontrolin ng iba. Pero come to think of it, bakit may mga taong nakadepende sa iba ang kasiyahan nila? Na tila ba ibang tao ang nagdidikta ng nararamdaman nila? Madalas mangyari iyan lalo na kung mahalaga sa atin ang mga taong iyon. Magulang man natin sila, kapatid, kaibigan o kahit boss sa trabaho. Pero sa lahat ng iyan, iisang tao ang alam ko na may malaking factor sa pagkontrol sa nararamdaman natin. Yung taong minamahal natin. Lovers, asawa, jowa, o kahit na one sided love pa yan. Sila ang kadalasang may hawak ng remote control ng emosyon natin. Madalas maging dahilan ng pagbabago ng emosyon natin. Pagiging masaya, malungkot, asar o pagkabaliw. Pero lagi nating tatandaan, sila man ang may hawak ng remote control, tayo pa rin ang may hawak ng main switch. Huwag masyadong magpaapekto sa iba. Okay lang ang masaktan, umiyak ng balde balde, magpakabaliw, magpakaemo. Pero dapat alam natin kung kailan titigil. Kung kailan hihinto. At higit sa lahat kung kailan dapat ng agawin sa kanila ang remote control.

Hindi ka robot! Hindi ka makina! Tao ka. Tao lang din siya. Pareho lang kayo. Kung meron mang dapat na magkontrol sa atin. Alam natin na ang tanging nasa Itaas lamang ang may karapatan dun.

Monday, July 21, 2014

BESTFRIENDZONE

Para sa mga taong nainlove sa BESTFRIEND nila, inlove, o maiinlove palang.

Share ko lang ang convo namin ng highschool friend ko. Baka sakaling tulad namin ay biktima ka din ng BESTFRIENDZONE :)


 

 


 

 

 





Pag-ibig nga naman!



Love?? Ano nga ba ito? Simpleng salita lang kung tutuusin pero wag ka! Napakalaki ng space na sinasakop nito sa mundo at sa buhay ng isang tao. Isipin niyo nalang kung walang love sa mundo ano na kayang mangyayari? Hay naku! Hindi ko alam... kayo? Ano sa tingin niyo?


Marami silang ibinibigay na kahulugan ng Love..kesyo ganito..kesyo ganyan... pero sa totoo lang..para sakin “Love is unexplainable”... totoo naman diba? Napakahirap ipaliwanag ng Love. Kapag ikaw ay inlove diba hindi mo maipaliwanag ang nararamdaman mo? Yung tipong masaya ka kahit wala namang dapat ikasaya. Yung maalala mo lang yung taong mahal mo ngingiti ka na... minsan nga napagkakamalan ka nang baliw ng mga tao sa paligid mo..pero wala ka pa ring pakialam. Dahil para sayo, kulay rosas ang buong paligid mo.


Madalas nating napagkakamalan na ang “attraction”  at “love” ay pareho lang... pero para sakin hindi. If you love a person because of what she/he is is or who she/he is... it’s not love at all...attraction lang iyon. Pero kung mahal mo ang isang tao pero hindi mo alam kung bakit...that is the love. Because love knows no reason...kaya nga kung minsan nakakainis na din eh. Kumbaga tinatanong natin sa sarili natin kung bakit pa kasi may love sa mundo...lalo na kung nasasaktan ka na..sinisisi natin ang love. Bakit pa kasi kailangang umibig ang isang tao kung sa huli ay masasaktan din lang naman pala. Hay! Ang gulo noh? Ang love pala sakit din sa ulo at di lang sa puso.


Napakadaling sabihin ang salitang “mahal kita” o “i love you” pero ang tanong...sigurado ka ba? Kasi madaling sabihin...mahirap lang panindigan. Minsan kasi akala natin mahal na natin ang isang tao pero hindi naman pala. Simpleng atraksyon lang pala na sa paglipas ng araw ay mawawala. Ang masakit naman ay kung kelan wala na sa atin ang isang tao saka naman natin marerealize na mahal natin sila kaso huli na...hindi mo man lang nasabi sa kanya “Uy! Teka lang..mahal kita”. Haaay!!! Love nga naman oh!


Pag inlove ang isang tao minsan maraming demand. Looks, talent, porma, pera. Hay! Sa totoo lang kung inlove ka talaga wala lahat iyan eh. Kasi kapag inlove hindi mata ang pinapairal kundi puso. Kaya kahit malayo pa kayo sa isa’t isa o hindi pa kayo nagkikita mananatili parin kayo sa puso ng bawat isa.


Bakit kaya ganun? Kapag inlove ka iba ang feeling? Kumbaga itext o tawagan ka lang ng taong mahal mo ang saya saya mo na. Yun bang simpleng “musta” pakiramdam mo nasa langit ka na..kumbaga kahit na nagtitipid ka..magpapaload ka para lang makapagreply sa kanya. Hay! Kaiba talaga. Kung minsan naman nakakaloka. Kasi kahit na nasasaktan ka na pakiramdam mo masaya ka pa rin basta kasama mo yung taong mahal mo. Yung tipong gagawin mo ang lahat wag lang siya mawala sa buhay mo. Magpapakumbaba ka..magpapakatanga...basta para sa kanya..kahit na sinasaktan, niloloko at binabalewala ka na...nagiging bulag ka. Wala kang pakialam sa sasabihin ng iba. Kasehodang magalit sayo ang buong mundo wag lang mawala sayo ang taong mahal mo. Pero bakit ganun? Matapos mong gawin ang lahat..sa bandang huli, iiwan ka pa rin. Sakit noh?! Hay! Ang tao talaga kahit gaano pa katalino pagdating sa love nagiging bobo!


Pero paano nga ba magmahal ng tama kung ang pinipili ng puso ay mali? Handa ka bang ipaglaban ang isang bawal na pag-ibig? Kasi kung minsan kahit committed na tayo sa isang tao hindi parin maiwasang madevelop sa iba. Anong gagawin mo? Pilit mo bang sisikilin ang nararamdaman mo alang alang sa pangako? O susuwayin mo ang pangako at susunod sa bulong ng puso? Sa totoo lang mahirap talagang mamili dahil natatakot tayong magkamali sa huli. Pero ganon naman talaga eh. Love is taking the risk and pain. Dahil kung di ka masasaktan di mo mararamdamang nagmamahal ka na pala. Pero siguraduhin mo lang na tama ka ng pipiliing desisyon dahil baka magsisi ka na nagkamali ka. Ang masakit pa..di mo na mabalikan ang taong iyong iniwan.


Alam ko hindi ako expert pagdating sa usaping love. Wala namang school na nagtuturo dyan eh. Pero bakit ako nagsasalita ng ganito? Ang lahat ng ito ay bunga lamang ng aking isipan, mga bagay na nangyare sa akin o sa mga taong malapit sa buhay ko. Opinyon lamang ng isang writer na tulad ko. Pero aminin man natin o hindi talagang nagyayare ang mga iyan sa buhay ng isang tao. Hindi pa man ito nangyayare sa iyo ngayon..darating ang araw mararanasan mo din ito at masasabi mo nalang sa sarili mo...


Pag-ibig nga naman!

Thursday, October 31, 2013

A day to remember..

After two months of processing…at last…I’m not single anymore.. and I just want to share this once in a lifetime happiness of mine :)