Showing posts with label school-life. Show all posts
Showing posts with label school-life. Show all posts

Monday, January 11, 2016

Mga unforgettable lines na narinig ko sa mga prof ko.

"Matulog ka nalang kesa mag-ingay ka sa klase ko!" - Human Resource

"Okay class turn to page 45" (sabi ng katabi ko.. ha? di ba nasa page 16 pa lang tayo... ang bilis naman magbasa ni Mam.) - English 1

"Icing nalang ang kulang mukha ng cake yang report mo" - Humanities (puro violet kasi ang ginamit kong cartolina..)

"Ang mga nasa uno ang grade dito kayo sa left side..yan ang langit..yung mga pasang awa nasa gitna..purgatoryo yun..at yung nasa kanan yung ang impyerno..mga bagsak..wala na ba kayong balak umalis sa impyerno?!" - Algebra

"Kuntodo porma pa si Rizal bago sya patayin..hindi nya alam itatapon lang naman yung bangkay nya...hindi tuloy nakita yung sulat na tinago nya sa sapatos nya." - Rizals Life, Work, And Artworks.

"Get out of the room if you're not interested in my subject"- Mam Venus (ECO2)

"Don't take my subject for granted"- Sir Yalong (Accounting)

"You are my favorite students... see you next year.. same subject"- Mam Dipasupil (Management)

"Everybody stand up..lets sing the noble path"- Philo1.

Pero ang the best hugot sa lahat...

"Accounting is the mind of the business while marketing is the heart of the business..aanhin mo ang utak kung walang puso"- Dra.Villaruz (Marketing)

Wednesday, May 02, 2012

TSG is the name : Chapter 7


Mary Roselyn Dela Cruz


“Sino yung lalaking kasama mo kahapon ah?! Akala mo ba hindi ko malalaman na nanlalalaki kang malanding babae ka!” sigaw ni Mark ang patulak na isinalya ako sa pader habang hawak ako sa leeg.


“Ano ba Mark nasasaktan ako?!” sigaw ko habang pigil ang kamay niyang sumasakal sakin.


“Talagang masasaktan ka sakin dahil malandi ka!!!” anito at sinampal ako.

Saturday, April 14, 2012

TSG is the name : Chapter 6



Alaine Grace Marie Montemayor


“Waaahhhhhh….pagod much!!!!!” reklamo ko at pabagsak na nahiga sa sofa.


Three days na akong nagstraight Graveyard dahil kulang kami sa tao. Mukha na akong zombie. Kumakaway-kaway na ang mga eyebags ko.


Wednesday, March 21, 2012

TSG is the name : Chapter 5

 Ma. Jonalyn Villar

2nd year na namin as a college students. At dalawang taon ko na din kasama ang mga kaibigan ko.

Sinong mag-aakalang makakasundo ko sila to the point na makakasama ko pa sila sa bahay? Samantalang nung una ko silang makita eh hindi ko naman sila talaga gusto.

Ngayon nga ay kasalukuyan kaming nakahilata sa sala ng bahay namin. Palibhasa ay Saturday mga walang lakad ang iba samin.

Pahinga day daw eh.

Friday, March 16, 2012

TSG is the name : Chapter 4

Ma. Cecil Celestino

Ako nga pala si Cecil. At ako ang sinasabi nilang lahat na pinakamaldita samin. Well, siguro nga. Masyado kasi akong prangka. Kung minsan hindi na maganda para sa iba pero sakin honest lang naman ako. Wala naman akong intension sumali sa grupong ito noong una because I know everybody in the class hates me. That’s why I prefer to be alone.

But some unexpected things happened that became the reason why I stick to this group. I can still remember it….

TSG is the name : Chapter 3


Medyo gumagawa na kami ng pangalan sa school…sumisikat kumbaga..sa kanya-kanyang field nga lang.

Dhez and Cecil joined the cheering team.

Sina Lanie at Lain naman sumali sa varsity team ng volleyball.

Sina Lynne at Rose sa choir sumali.

While me, joined in the arnis team.

Bukod tanging si Marky ang walang sinalihang club.

Ay meron pala..sa Reader’s Club siya sumali..yung mga taong laging tambay sa library at laging may hawak na ibat-ibang libro.

TSG is the name : Chapter 2


May groupings sa Filipino. Nagtawag si Mam ng mga representative para siyang maging leader. At yung leader ang pipili ng members niya.

Sa hindi ko malamang kadahilanan eh kasali ako sa tinawag para maging leader.

Tumayo kami sa harapan. Bale pitong grupo kami lahat at dapat daw 8 members per group.

Habang nakatayo sa harapan isa-isa kaming pinapili ng magiging members namin.

Una kong pinili si Christian. Mahirap ng maunahan ng iba. Kasi kahit ganyan iyang bestfriend kuno ko eh matalino iyan at mapapakinabangan ko ang katalinuhan at kapal ng mukha niya para sa mga ganyang activity. Since pareho kaming mga active sa klase nung highschool alam ko ang kalibre niya sa mga ganyang bagay.

TSG is the name : Chapter 1

University of Makati. Room 208.

Hindi ko akalaing sa maliit at parisukat na classroom na ito magbabago ang takbo ng buhay ko.

First day of school. Unang araw ko sa klase bilang first year college student. Medyo nakakakaba kasi parang ang hirap pakisamahan ng mga kaklase ko.

TSG is the name

Title: TSG is the name
Author: Shinaya Waara


Sa bawat landas ng buhay na tatahakin natin may ibat-ibang tao tayong makikilala, makakasama at magiging kaibigan. May iba dadaan lang para turuan tayo ng dapat nating matutunan, yung iba naman mananatili sa buhay natin hanggang katapusan.

Ang buhay ay parang entablado o pelikula. Bawat isa may kanya-kanyang papel na gagampanan. Lahat tayo mga artista ng sarili nating buhay. May direktor na magtuturo ng dapat gawin. Pwede ring mag-adlib at subukan ang sarili mong galing.
 
Anuman ang dumating manatili kang matatag dahil may kaibigan kang maaasahan.

No man is an island.

This a story of love and friendship that blooms through the years.


____________________________________________________
____________________________________________________

A/N:


This a true story na nilagyan ko ng konting fiction. Wag sana akong isumpa ng mga kaibigan ko kapag nabasa nila ito. =)

Enjoy reading Guys..



Monday, March 12, 2012

My Own Prince Charming



Sweet and Romantic.

Iyan si Jen. Mahilig magbasa ng mga romance stories and still believe in fairy tales.

She always dream na one day matatagpuan din niya ang kanyang Prince Charming.

Until Ian Saldana came into her life.

Isang campus heartrob na pinagkakaguluhan ng kababaihan.

Tall, dark and handsome.

Taglay niya ang katangian ng isang Prince Charming na hinahanap ni Jen.

Could her life be a fairytale?

Could she be like Cinderella, Snow White and Sleeping beauty?

Is it happily ever after?

Or would she realized that fairy tales don’t exist in real life?

My Own Prince Charming : Chapter 8


 [I Love You in a Broad Daylight]


YUUKI : Naihatid mo na si Ate Jen kuya?


IAN : Oo…at ikaw may kasalanan ka sakin.


YUUKI : Ako? Ano namang kasalanan ko sayo?


IAN : Istorbo ka. Babawasan ko allowance mo. ( at pumasok na ako sa loob ng bahay.)


YUUKI : You cant do that to me.


IAN : You know I can. Ako ang humahawak ng pera dito sa bahay remember?


YUUKI : KUYA!!!! ( nagdadabog na sinundan ko siya papasok ng bahay) Nakakainis ka.


IAN : I know. But you don’t have a choice.


YUUKI : Sisiraan talaga kita dyan kay Ate Jen para lalo kang mabasted! ( at nagtatakbo na ako papasok ng kwarto ko)


IAN : Hey Yuuki!!!!!

+ + + + +

Friday, March 09, 2012

Queen of his Heart : Chapter 1





WILLIAM “ WEST” MONTREAL




Queen is here” parang bombang sumabog sa pandinig ko ang sinabing iyon ni Jake. Hindi ko alam kung tama ba ako ng dinig o nabibingi na ako.




Ano? Bakit nandito yun?”




Ewan ko. Nakita ko lang siya kasama ni Lance eh.”




Badtrip naman oh!”


My Own Prince Charming : Chapter 7

[Interview with the Prince]


Dumating ang araw ng sabado. Balak sanang sunduin ni Ian si Jen sa bahay nila pero hindi pumayag ang dalaga. Mahirap na dahil baka makita pa ito ng kuya niya.


JEN : Mommy Alis na po ako (paalam ni Jen sa ina sabay halik sa pisngi nito)


QUEEN : Mag-iingat ka Angel..


Angel ang tawag sa kanya ng mga magulang. Ang kua niya lang ang tumatawag sa kanya ng Jen.


Pinagmasdan ni Jen ang ina. Sadyang napakaganda pa din talaga nito. Hindi nakapagtatakang modelo ito noong araw at mas lalong hindi nakapagtatakang nahumaling dito ang daddy niya.


Tuesday, February 28, 2012

Stupid Cupid

A/N : Stupid Cupid is a special edition story of After All. Where in the primary characters are the characters itself on the original story. The setting, time and event of this story happened simultaneously with After All for further information and clarification.


Simple lang ang gusto ni JM kapag nagkaboyfriend siya. Kahit na hindi kasing gwapo ni Brad Pitt o kasing yaman ni Bill Gates o kasing talino ni Einstein ang mahalaga mahal siya at loyal sa kanya. Ayaw niya kasi sa babaerong tulad ng tatay at mga kuya niya.


Pero sabi nga kadalasan kung ano pang ayaw mo yun ang pilit na ipapasok sa buhay mo dahil sa dinami-dami ng lalaki sa mundo sa isang Certified Babaero at Playboy pa ipinana ni Kupido ang puso niya.


Balak na niya sanang ipaliquidate si Kupido kasama ng puso niya when all of a sudden ang pumasok sa eksena ang pinaka mapangasar na taong kilala niya.


“ huwag mo muna ipatapon ang puso mo kasi mamahalin pa kita”


It’s supposed to be a joke pero bakit kinikilig ang lintik na puso niya?!

Monday, February 27, 2012

Stupid Cupid : Chapter 7

[JM’s POV]


Tahimik lang si Jake habang nasa sasakyan kami. Naiilang tuloy ako. Baka kung anu-ano na ang pinagsasabi ng pamilya ko sa kanya. Kakahiya naman.


Maya’t maya ay napapatingin ako sa kanya.


“Problema mo?” (Takte naman itong si Jake nanggugulat)


“Okay ka lang ba?” alanganing tanong ko.


“define okay.” ( ha? Ano daw? Define okay? Eh paano ko ba idedefine yun?)

Stupid Cupid : Chapter 6

[JM’s POV]


Excited much na me…


Bukas na yung punta naming Baguio. Pagkagaling sa airport kung saan hinatid namin si Aya papuntang Australia ay dumaan muna kami nina Avee at Madz sa mall kasi may gusto daw bilhin na coat si Avee.


Kaw na mayaman…hehehe..


Kaya ngayon dito sa bahay ay busy naman ako sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin. Actually maayos na sya gusto ko lang ayusin ulit. Wala lang para may magawa.

Tuesday, February 07, 2012

My Own Prince Charming : Chapter 5

[The dragon witch in the tower]


Katatapos lang ng exams nila sa Literature kung saan iyon na ang huling klase niya sa araw na iyon. Medyo masakit sa utak magbigay ang professor nila kaya namang ganun nalang ang katuwaan niya ng mapag-aralan niya lahat ng nasa exams.

TRISH : Sama ka sakin Jen puntahan natin yung bagong bukas na gift shop.

JEN : Ikaw nalang muna Trish…kailangan ko pa kasi magreport sa CROSSROADS eh.

TRISH : Ganun ba? Sayang naman. Sige ingat ka mauna na ako sayo. Next time nalang.

JEN : okay. Sige. Ingat ka din.

Nang mawala sa paningin niya ang kaibigan ay tumalikod na din si Jen. Pero bigla nalang siyang napaatras ng lumitaw sa harapan niya si Ian.

Sunday, February 05, 2012

My Own Prince Charming : Chapter 4

[Meet the new characters that will rock their world]


Wala pa ang professor nila pagdating ni Ian sa classroom. Kaya naman dire-diretso siya sa upuan niya.

Agad naman siyang binati ng mga kaibigan.

KENETH : Mr. Playboy!!! Kumusta? Himala ang aga mo yata ngayon?

IAN : Lol! Ewan ko sayo. (at pabirong sinuntok ko siya sa balikat bilang pagbati)

SANJI : oo nga tol! Hindi ka ba naharang ng mga babae kaya maaga ka ngayon?

IAN : ang gugulo niyo naman kausap eh.

SANJI : so, nakatakas ka nga?

IAN : sa likod ako dumaan papunta dito.

RAN : iba na talaga pag gwapo.

My Own Prince Charming : Chapter 3

[ Prince Charming in black Volvo and the Damsel in Distress]


Nagmamadali sa pagpasok si Jen. Malelate na kasi siya sa first subject niya. Masyado pa namang terror ang teacher nilang iyon.

Mag-aabang pa siya ng taxi. Pero kamalamasan ay walang dumadaan na taxi sa labas ng bahay nila kaya kailangan niya pang lumakad papunta sa labas ng subdivision.

My Own Prince Charming : Teaser for the next chapter

Teaser for the next  chapter


Chapter 3 : Prince Charming in black Volvo and the Damsel in Distress

He may not have a white horse to rescue you when you're in trouble but he has a black shiny Volvo that will save your day.

Is fate really that tricky?

Dahil kahit anong iwas ang gawin ni Jen pinagtatagpo at pinagtatagpo sila ni Ian.