Showing posts with label happiness. Show all posts
Showing posts with label happiness. Show all posts

Friday, August 08, 2014

Mabenta ito!


Naalala ko tuloy ang College life ko. Sa tuwing break time namin ay hindi namin alam ng mga kaibigan ko kung saan ba kami kakain. Magtuturuan pa kami kung sino ang magdedesisyon. Para bang iyon na ang pinakamahirap na desisyon na gagawin namin sa buhay namin. Kapag wala na kaming choice ay yung pinakamalapit na kainan nalang ang pupuntahan namin.

Kapag nandun na kami sa kaininan, isang mabigat na desisyon na naman ang kakaharapin namin. "Anong kakainin mo?". Grabe! Hindi ko alam kung ganun ba talaga kahirap pumili sa mga menu na nandun o wala kaming maisip dahil sa bawat araw ng buhay namin ay iyon ang tinda nila. Yung tipong kapag hindi naubos ay ibebenta pa din kinabukasan.

Pero dahil nandun na din naman kami ay oorder na kami ng kung anong meron sila. Sisiguraduhin namin na iba-iba ang oorderin namin dahil once na nasa lamesa na kami at magsisimula ng kumain magkukuhaan kami ng pagkain ng bawat isa. Masarap kumain kapag sama sama kayong magkakabarkada. May tawanan kahit puro pagkain pa ang bibig, may kwentuhan at higit sa lahat may nang-uubos ng pagkain kapag babagal bagal ka.

Saka namin marerealized...malelate na kami sa susunod na klase!

Thursday, July 31, 2014

Diary ni Ako



Dear Diary,


Ang saya ko ngayon. Ang gaan ng pakiramdam ko. Kahit na malaki ang pinagdadaanan kong problema. Kahit na ang sakit sakit na. Kahit na ang bigat bigat na sa puso. Masaya ako kasi nagawa kong ngumiti. Masaya ako kasi may taong nakakapagpagaan ng loob ko. Kahit na wala naman siyang ginagawa. Hindi niya ako binibigyan ng kahit anong advice. Hindi siya nagtatanong ng kahit ano. Pero ewan ko ba kung bakit na sa simpleng ngiti niya sakin. Sa simpleng paghawak sa kamay at sa mga yakap niya napapawi lahat ng bigat ng kalooban ko. Kahit sa ilang oras na nakakasama ko siya nakakalimutan ko na may problema pala ako. Kaya imbes na nagmumukmok ako eh nagiging masaya ako. Nakakatuwa lang magkaroon ng kaibigan na kahit wala silang sinasabi, mararamdaman mo na nadyan lang siya. Hindi mo man siya lagi makasama, alam mo na kapag kailangan mo siya darating siya para pagaanin ang loob mo. Para muli kang pangitiin. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ako kaswerte na nakilala ko siya. Na naging kaibigan ko siya. Na nakasama ko siya. At higit sa lahat na minahal ko siya. At kung sakali man na di na kami muling magkita, alam ko na kapag nabanggit ang pangalan niya, mapapangiti ako. Dahil magandang alaala ang iniwan niya sa puso ko.


Nagmamahal,
Ako

Friday, July 25, 2014

Buhay Estudyante


Sa totoo lang kung pakakaisipin mong mabuti mas masarap parin talaga ang buhay-estudyante..hindi mo kailangan intindihin kung gaano kagulo ang mundo outside the school..Para sayo mas mahirap ang midterm at final exams o di kaya naman yung recitation na biglaan..samantalang pag nakagraduate ka na...Haaayyy!!! ang hirap kumita ng pera.

-Naisip ko lang nang mapadaan ako sa aking Alma Mater.

Tuesday, July 22, 2014

Ang reyalidad sa likod ng takot



Hindi ka takot sa dilim, takot ka kung anong maaaring makita mo rito.

Hindi ka takot sa matataas na lugar, takot ka lang mahulog.

Hindi ka takot sa mga tao sa paligid mo, takot ka lang maiwanan.

Hindi ka takot magmahal, takot ka lang na di ka niya mahalin.

At higit sa lahat, hindi ka takot sumubok muli, takot ka lang masaktan sa parehong dahilan.

Remote Control ng Emosyon



Isang araw napagtripan kong magpaka-emo sa facebook kaya nagpost ako ng status na "Nakakabaliw din pala ang lungkot". Nagulat nalang ako ng biglang nagcomment yung kuya ko. Sabi niya "Happiness is a choice. Smile". Nung nabasa ko yung comment na yun. Automatic, napangiti ako dahil bukod sa iyon ang comment niya, that was the first time na nakatanggap ako ng positive comment mula sa kanya. Kung hindi pang-aasar eh panlalait ang natatanggap ko dun.

Seriously speaking, totoo nga naman. May karapatan naman talaga tayo na piliin kung kelan tayo magiging masaya. Wala namang remote control ang mga utak ng tao kung saan kaya tayong kontrolin ng iba. Pero come to think of it, bakit may mga taong nakadepende sa iba ang kasiyahan nila? Na tila ba ibang tao ang nagdidikta ng nararamdaman nila? Madalas mangyari iyan lalo na kung mahalaga sa atin ang mga taong iyon. Magulang man natin sila, kapatid, kaibigan o kahit boss sa trabaho. Pero sa lahat ng iyan, iisang tao ang alam ko na may malaking factor sa pagkontrol sa nararamdaman natin. Yung taong minamahal natin. Lovers, asawa, jowa, o kahit na one sided love pa yan. Sila ang kadalasang may hawak ng remote control ng emosyon natin. Madalas maging dahilan ng pagbabago ng emosyon natin. Pagiging masaya, malungkot, asar o pagkabaliw. Pero lagi nating tatandaan, sila man ang may hawak ng remote control, tayo pa rin ang may hawak ng main switch. Huwag masyadong magpaapekto sa iba. Okay lang ang masaktan, umiyak ng balde balde, magpakabaliw, magpakaemo. Pero dapat alam natin kung kailan titigil. Kung kailan hihinto. At higit sa lahat kung kailan dapat ng agawin sa kanila ang remote control.

Hindi ka robot! Hindi ka makina! Tao ka. Tao lang din siya. Pareho lang kayo. Kung meron mang dapat na magkontrol sa atin. Alam natin na ang tanging nasa Itaas lamang ang may karapatan dun.

Thursday, October 31, 2013

A day to remember..

After two months of processing…at last…I’m not single anymore.. and I just want to share this once in a lifetime happiness of mine :)