William "WEST" Montreal
Lately pansin ko parang
masyadong nagiging irritable si Queen. Akala mo lagging galit eh. Wala naman
akong ginagawang masama sa kanya. Ewan ko ba…ang dami-dami ko na ngang problema
sa La Breeze sinasabayan niya pa… pinagpapasensyahan ko na nga lang eh…pero
nakakainis na talaga.
“Nasaan ang Maam Queen mo?” tanong ko sa katulong nila ng pumunta ako sa bahay
nila.
May usapan kasi kami na sa
labas magdidinner dahil anniversary namin ngayon. Kaya nga kahit na may
important meeting ako with our client eh pinacancel ko muna dahil alam kong
magagalit sakin si Queen kapag hindi ko siya pinuntahan.
“Nasa kwarto niya po si Maam Queen Sir”
“Ganun ba sige” dire-diretso na akong umakyat ng kwarto ni Queen para puntahan siya.
Baka nagbibihis na ito. Maaga pa naman ako kaya hindi naman siguro magagalit
sakin si Queen.
Bitbit ang bulaklak ay
dali-dali akong umakyat ng kwarto niya. Hindi naman nakalock ang pinto kaya
agad ko itong binuksan.
Pero ganun nalang ang gulat
ko ng maabutang sobrang dilim ng kwarto ni Queen.
“Hon…bakit ang dilim ng room mo? Brownout ba dito sa
kwarto mo?” nagtatakang tanong ko.
BROWNOUT??? Adik ka ba West? Saan ka naman nakakita ng
brownout sa loob ng kwarto?! Pwedeng pundido ang ilaw pero hindi brownout.
Akmang bubusan ko n asana
ang ilaw dahil sobrang dilim talaga. Wala akong maaninag.
Pero ganun nalang ang gulat
ko ng bigla siyang sumigaw.
“Don’t you dare open the lights!!!”
Ay?? Galit lang?? Highblood
agad? Eh sa wala akong Makita eh.
“Hey! Is there any problem?” pinipilit kong aninagin siya sa dilim. “Ouch!!!” badtrip tumama ang tuhod ko
sa may kanto ng lamesa.
Ano na naman ba kasing drama
nitong si Queen at nagtatago sa dilim eh. Mabuti na lamang at sa paika-ikang
paglalakad ko eh nakarating din ako sa kama
kung saan naroon siya.
“Is that a flower?” tanong ni Queen.
“Yeah…it’s for you” sabi ko at akmang iaabot sa kanya ang bulalaklak ng itaboy niya ito
palayo sa kanya.
“Take that away from me!!!” ani Queen at tinabig ang bulaklak palayo dahilan
para matapon ito sa sahig.
Medyo nainis naman ako sa
inasal ni Queen. Imagine??? Pinaghirapan kong makipagaway sa tindera para lang
pagandahin ang pag-gawa ng flower arrangement na iyon tapos itatapon lang niya?
Asar talaga.
Ang hirap talaga intindihin
ng mga babae. Kung minsan mabait…kung minsan naman saksakan ng sungit. Yung
tipong nakakabadtrip?! Alam niyo ba yun?!
“Ano bang problema mo ha?! Bakit nakakulong ka pa
dito sa kwarto? Isn’t you’re supposed to be ready ka na for our dinner date?”
“Ayokong lumabas ng bahay”
“Whaaaatttt????”
Alam niyo yung reaksyon ko?!
Yung tipong sinabihan ka ng may cancer ka at 24 hours nalang ang nalalabi sayo
sa mundo. Ganun…pero joke lang..mga 1 month naman pala.
Anyways…nakakaasar
talaga…medyo di pa nagsink-in sa utak ko yung sinabi ni Queen kaya inulit ko pa
talaga ang tanong ko.
“Anong sinabi mo?”
“I said ayoko lumabas ng bahay. ayokong magdinner”
Napakamot naman ako sa ulo
ko. Ano na namang drama ito?! Mahaba-haba na namang paliwanagan ito. Baka abutin
kami ng end of the world kapag ganito ang drama ni Queen eh.
“Isang big client meeting ang kinancel ko dahil sa anniversary
natin ngayon at may hinanda na akong dinner date for the two of us.. then all
of a sudden sasabihin mo ayaw mo?!”
Grabe sumasakit ang ulo ko dito
kay Queen.
“Bakit ba ayaw mo?”
“Basta ayoko….umalis ka na nga..ayoko ding Makita
ka?”
“Whhhaaaatttt???? Bakit pati ako?”
Bakit naman pati ako eh
nadamay sa toyo ng utak ng babaeng ito?
“Basta!”
Yun lang yun?! Basta lang ang
isasagot niya?!
“Ano bang kasalanan ko sayo? Hindi naman ako nambabae
ah”
Yun lang naman ang iniisip
kong posibleng dahilan ng pag-aalburoto niya eh.
“So kasalanan ko pa na hindi ka nambabae??? Sinisisi
mo ako?”
Naririnig niyo ba yung
katwiran niya? Kung minsan talaga baliko ang utak nitong mahal ko eh.
“Hindi naman sa ganun… Hon naman eh..ayoko ng ganito”
Oo na..kung minsan..ay
hindi..madalas pala ako ang nanunuyo kapag may topak itong si Queen. Natural
lang yun dahil ako ang lalaki eh.
“Umalis ka na okay?! Bukas na tayo magkita…now Go!!!”
Wala na akong nagawa kundi
ang lumabas ng kwarto niya. Mas lalo lang kasing magagalit si queen kapag hindi
ko siya sinunod.
= = = = =
“Hey bro..i thought you’re on a date?” tanong sakin ni Trevor ng datnan niya ako sa bahay
at mag-isang umiinom sa bar.
Hay naku ipaalala daw ba?
Kita na ngang bwisit na bwisit ako eh.
“Something came up”
“Really??? You’re girl break up with you?”
Break agad? Sira-ulo din
itong si Trevor eh. As if naman papayag akong makipagbreak sakin si Queen.
Duh?! Nevah!!!!
“No”
“Ohh…unlucky me”
Napatingin ako sa kanya. Mas
pinili ko na lang ignorahin ang sinabi ng pinsan ko.
“You know what??? Instead of boring yourself here why
don’t you come with me”
“Where??”
“Lets find some girls to rock our night”
GIRLS???? Come On!!!
Bubugbugin ako ni Queen kapag nalaman niya yun.
“No thanks bro”
“Don’t tell me you already lost your charm in girls?
Or don’t tell me under ka ng girlfriend mo?” sabi nito at binigyan ako ng
nakakalokong ngiti.
OHHHH!!!! How I hate that
smile of his!
Ang pinakaayaw pa naman ng
isang lalaki eh sasabihan siya na “Under” siya… kasiraan sa ego namin iyon. And
im sure sinusubukan lang nitong si Trevor ang pasensya ko eh.
“If you want to piss me off…you better stop because
right now. I’m not in the mood okay?”
“You’re becoming a pathetic, loser guy who’s wasting
his time for a girl” iiling-iling na
umalis nalang si Trevor sa tabi ko.
Mabuti naman dahil baka
hindi ko siya matantya eh masapak ko pa siya.
“Bad day?”
Napatingin ako sa nagsalita.
Sino na naman itong panibagong istorbo sa pag-inom ko?
“Aya?”
Anong ginagawa ng kakambal
ko dito?
“Hey Bro…kumusta na?” bati ni Vince sabay tapik sa balikat ko.
“I’m fine..kayo?” hinalikan ko sa pisngi si Aya bilang pagbati at marahang niyakap at
tinapik sa balikat si Vince. “Si Ayesha?
Kasama niyo ba?” tanong ko sa two years old daughter nila na pamangkin ko.
“Andyan kasama ng yaya”
Maya-maya ay pumasok nga sa
loob ng bahay si Ayesha na hawak-hawak sa kamay ng yaya nito.
“Tito daddy!!!!!” tili ng bata pagkakita kay West.
“Hello baby”
akmang yayakapin at hahalikan naman ni West si Ayesha ng biglang magpumiglas
ang bata.
“EEEEEeehhhhhh…don’t big hug me tito daddy!!! You’re
so mabaho..you take a bath first!!!”
tili nito at nagtatakbo na palayo sakin.
Inamoy-amoy ko naman ang
sarili ko para amuyin kung mabaho ba talaga ako.
“Hindi naman mabaho ang tito daddy ah”
“You’re mabaho!!! Don’t big hug me!!!”
Pesteng bata ito ah napaka-arte
kanino ba nagmana ito eh hindi naman maarte ang kakambal ko? Kay Vince kaya???
Ang lakas naman ng tawa ng
mag-asawang Aya at Vince. Ano bang nakakatawa dun? Eh sobrang asar na nga ako
sa nangyayari sa paligid ko.
“What’s funny?”
“Amoy alak ka kasi
and Ayesha doesn’t want the smell of alcohol.” Natatawang paliwanag ng daddy nito. “She thinks all drinkers are mabaho”
Hay naku naman oh!
“Bakit ka ba naglalasing dyan kuya?”
“Umiinom lang ako at di naglalasing noh…kapag uminom
ba naglalasing na agad?”
Mukhang may tama na nga yata
ako o sadyang nabubwisit lang talaga ako kay Queen.
“Ewan ko sayo kuya” irap ni Aya.
Bakit ba ang hilig umirap ng
mga babae? Simpleng salita lang may kasama pa talagang irap…hay ewan!!!
Kahit ilang dictionary o
encyclopedia o i-google ko pa hinding hindi maipapaliwanag ng lahat ng iyon ang
ugali ng mga babae.
Daig pa ang bagyo
pabago-bago ng isip.
Naalala ko tuloy ulit ang
inasal ni Queen kanina at pag-cancel sa anniversary date namin.
OHOHOHO!!! ANG LANDI NI QUEEN!!! ANUNG DRAMA NG REYNA??? PERO MASARAP NAMAN TALAGA MAGKULONG SA KWARTO NA SOBRANG DILIM!!!
ReplyDeleteBAKIT NAGTATAGO SI QUEEN SA KWARTO NYA WITH ALL LIGHTS OFF?
a.) MERON SYANG MALAKING PIMPLE SA ILONG AT AYAW NYANG IPAKITA KAY WEST.
b.) MAY PERIOD KAYA MAY SALTIK.
c.) SADYANG MAARTE LANG TALAGA SI QUEEN KUNG MINSAN...
BAKIT BA KASI NAGKUKULONG SI QUEEN???
kelan po ung next update neto?
ReplyDeletesobrang tagal q hnhntay ung kadugsong at ending neto pls pls ms author
ReplyDeleteanonymous... wow... i never thought na may naghihintay pala ng update nito...i tried to write an update kaso bangag pa ako at wala akong maisip pa na kasunod.. thanks sa paghihintay po...
Deleteat talagang sinabihan syang may toyo at saltik!!! haha.. maybe she's preggy nah!! hahaha.. edi ba sa after all, 5 yrs na silang walang anak? hehe.. just guessing..
ReplyDeletehahaha.. ayesha is so cuuute and adorable.. pero andun talaga ang kaartehan.. haha.. palong palo! or maybe she got it sa mga granny nya..