Showing posts with label iyakin. bitterness. Show all posts
Showing posts with label iyakin. bitterness. Show all posts

Wednesday, September 17, 2014

Medyo Bitter



Gustong gusto kitang mahalin. Gustong gusto kitang makasama. Gusto kong ikaw ang makasama habang buhay. Gusto kong maging masaya tayo. Pero hindi mo ako pinapayagan. Ayaw mo na. Ang sakit sakit dahil hindi ko alam kung paano magsisimula ulit. Hindi ko alam kung paano aandar ang buhay ko ng wala ka.

Hindi mo lang alam kung gaano karaming iyak ang ginawa ko. Hindi ko alam kung hanggang kelan ako titigil umiyak at isipin ka. Hindi ko alam kung kelan kita makakalimutan. Pinipilit ko lang maging masaya kahit na gusto ko ng umiyak sa harapan ng lahat.

Give up ka na? Suko ka na? Bakit? Kelan ka ba lumaban? Hanggang sa huling sandali lumalaban ako. Pero ikaw umpisa palang sinuko mo na ako. Umpisa palang nag give up ka na eh. Hindi mo sinubukang lumaban. Hindi mo nilabanan yang pride mo. Mas pinili mo ang pride mo.

Halos magmakaawa ako sayo. Lumuhod ako sa harapan mo na ako nalang ang piliin mo. Nagmakaawa ako sayo na balikan mo ako. Hindi ko maintindihan kung bakit mo ako iniwanan. Magmula ng naging tayo buong oras ko binigay ko na sayo pero hindi mo aq pinaniniwalaan. Kahit na ilang beses ko sinasabi sayo na mahal kita at ikaw ang pinili ko ayaw mo akong intindihin.

Ayaw mo lang intindihin kasi ako ang gusto mo lang sisihin. Ako lang ang mali sa paningin mo. Pareho lang tayo. Pero ako kahit na alam ko na nagkamali tayo pareho mas pinipili ko pa din na makasama ka. Mas gusto ko pa ding mahalin ka. Pero ayaw mo. Kasi hindi mo na ako mahal. Ganun lang ba kababaw ang pagmamahal ko sakin para mawala nalang bigla? Wala naman akong ginawang malaking kasalanan sayo. Ni minsan nga hindi kita niloko. Ikaw lang ang nag iisip ng masama laban sakin dahil ganun kababa ang tingin mo sakin. Bakit ka ba ganyan? Ano ba talagang problema mo?

Tuesday, September 02, 2014

May Waterfalls sa mata ko!



“May girlfriend na ulit ako”

For the second time, nabroken hearted na naman ako. Patulog na sana ako noon nang magtext ka sakin at iyan nga ang laman ng message mo. Ramdam ko na masaya ka kasi puro “hahahaha” pa nga ang text mo eh. Nagulat ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa text mo kasi alam ko naghihintay ka na magreply ako. Nagulat ako. Sabi ko pa nga akala ko ayaw mo pang magkagirlfriend kasi hindi pa naman kayo nagkikita at nagkakasama ng personal. Iyon kasi ang sinabi mo noon sa akin tuwing tatanungin kita kung kayo na. Sabi mo sakin siya naman ang sumagot sayo kaya bakit aayawan mo pa. Nagpagupit ka pa nga gaya ng pinangako mo sa sarili mo kapag nagkagirlfriend ka na. Ang saya saya mo kasi sinagot ka niya sa araw mismo ng kaarawan mo. Bilang kaibigan mo alam ko you expect me to be happy for you. Iyon naman talaga ang dapat eh kaya binati kita. Sabi ko “Good for you. Iyon na siguro ang pinakamagandang birthday gift na natanggap mo. Congrats!” Nagthank you ka sakin at nagpaalam na matutulog ka na. Hindi na kita nireplayan. Ayoko na kasing plastikin ang sarili ko at ikaw na din. Sorry kasi hindi ko magawang sabihin sayo that I’m happy for you. Dahil hindi naman iyon ang nararamdaman ko. Oo, Masaya ako na masaya ka pero hindi ko maiwasang maging malungkot para sa sarili ko. Siguro nga unfair ako. Siguro selfish ako. Kasi ayokong magka-girlfriend ka agad. Deep inside umasa ako na hindi pa ngayon. Kasi iyon ang sinabi mo sakin eh. Umasa ako na nandyan ka palagi para sakin lalo na ngayong may pinagdadaanan din akong problema. How can I be happy for you kung ang bitter bitter ko? Sorry! Hindi ko kaya. Hindi ko kayang maging masaya na may girlfriend ka na. Hindi ko kayang maging masaya na may bagong nagmamay-ari na sayo dahil alam ko, makakalimutan mo na naman ako. Mas lalo ka nang mawawalan ng panahon sa akin. Hindi mo na ako maaalalang itext o kumustahin ulit. Ganyan ka naman kasi, naaalala mo lang ako kapag nag-iisa ka. Hindi na ako nakatulog ulit. Iniisip kita. Iniisip ko yung sarili ko. Napahawak nalang ako sa dibdib ko kasi may kapirasong laman sa puso ko na kumikirot. Namalayan ko nalang may waterfalls na pala sa mga mata ko.