My name is Hikari. Ilang tumbling na lang at tuluyan na
akong mawawala sa kalendaryo. Kung hindi mo ako kilala ay iisipin mong
nakakairita ako. Maldita, mataray, prangka. Iyong iba ang tingin pa sa akin ay
malandi. Hindi ko naman sila masisisi kung iyon ang maging tingin nila sakin.
Hindi ko naman hawak ang isip nila and I don't want to explain myself to people
who only wants to bring me down.
Hindi ako mahilig magseryoso sa relasyon. Bihira kasi akong
tamaan ng pag-ibig. Minsan lang ako naging seryoso nung after ko grumaduate ng
College. But sad to say, that freaking guy cheated me and broke my heart to
pieces. Mula noon ay hindi na ako pumasok pa sa isang relasyon. Madalas akong
biruin ng mga lalaki na sinasakyan ko lang. Wala namang mawawala sa akin.
Maliban na lang sa pinag-uusapan ako ng mga tao. They think I'm a slut. Well, I
don't care as long as wala akong tinatamaang tao. Sinasakyan ko na lang ang
pakikipagfling sa akin ng mga lalaki na hanggang salita lang naman. Although
may mga guys na nag-ooffer sakin ay hindi ko pinapatulan.
I had a dream the other night
Woke me up right after two
Stayed awake and stared at you
So I wouldn't lose my mind
Until I met JD. Ipinakilala siya sa akin ng common friend
namin. At first hindi ko type si JD. Although gwapo siya at may malalim na
dimples ay hindi ko pa rin siya type. Hanggang sa madalas na siyang tumambay sa
boarding house na inuupahan ko malapit sa office. Dahil sa biro ay napalapit
kaming dalawa ni JD. Naging magkatextmate kami hanggang sa magtapat siya sa
akin na gusto niya ako. Medyo nahuhulog na din naman ang loob ko that time kay
JD. He's fun to be with. May sense of humor at malambing. After a month ay
sinagot ko si JD.
Akala ko noon ay natagpuan ko na ang happy ending ko katulad
ng sa mga napapanood kong fairytales. Pero mukhang sa palabas at sa mga libro
lang ang fairytale. In real life walang prince charming. Hindi totoo ang
happily ever after. Kung minsan ang buhay ay isang simpleng "Once upon a
time" lang.
Iniwan din ako ni JD matapos niyang malaman na buntis ako.
Hindi ko inasahan ang nangyari dahil akala ko okay kami. Hiningi niya pa nga
ang kamay ko sa mga magulang ko and asked them their blessing for our wedding.
Nagsimula na akong mangarap noon para sa aming dalawa at sa magiging anak
namin. I started researching some wedding related stuffs. Inisip ko na din nun
kung sino ang magiging part ng entourage ko.
Until one day JD just disappear.