Showing posts with label action. Show all posts
Showing posts with label action. Show all posts

Wednesday, March 07, 2012

After All : Chapter 50

50: The Final Act


[Vince POV]


Tamang tama lang pala ang punta ko sa bahay nila JM dahil saktong manganganak na siya.


Nakita kong natataranta na si Jake kaya nagprisinta na akong tumulong.


Binuhat ko si JM hanggang sa loob ng sasakyan.


Naramdaman kong nabasa ang laylayan ng T-shirt na suot ko.


“Oh..oh…”


“Bakit brhaw?” natatarantang tanong ni Jake sakin.


Tinignan ko si Jake. “pakibukas nalang ang sasakyan pwede?”

Tuesday, February 28, 2012

Stupid Cupid : Chapter 8

[JM’s POV]


Akala ko magiging masaya at memorable ang pagpunta naming sa Baguio.


Memorable nga pero hindi masaya.


Naaksidente ang sinasakyang kotse nila Lieu at Vince.


Malubha ang lagay ni Lieu at nawawala ang katawan ni Vince. Ipinagpalagay na ng mga pulis na patay na siya.


Awang-awa ako kay Aya kasi sobrang sakit ng nangyaring iyon para sa kanya kaso wala naman akong magawa eh.

Monday, February 27, 2012

Stupid Cupid : Chapter 7

[JM’s POV]


Tahimik lang si Jake habang nasa sasakyan kami. Naiilang tuloy ako. Baka kung anu-ano na ang pinagsasabi ng pamilya ko sa kanya. Kakahiya naman.


Maya’t maya ay napapatingin ako sa kanya.


“Problema mo?” (Takte naman itong si Jake nanggugulat)


“Okay ka lang ba?” alanganing tanong ko.


“define okay.” ( ha? Ano daw? Define okay? Eh paano ko ba idedefine yun?)

Sunday, February 26, 2012

After All : Chapter 46

46 : Couple Trouble



[West POV]



Nakakaasar. Ang hirap paliwanagan nitong babaeng ito.



Lahat na ng alam kong damoves ginawa ko na..pati yung mga kalokohang ginagawa ni Lieu eh sinubukan ko na din pero walang epekto sa babaeng ito.



Kung gaano naman kasi naging matalino sa buhay eh ganun naman ang binobo sa love.



Hindi nga talaga pwedeng pareho meron ka.



“Brhaw…kumusta yung date niyo ni Queen kahapon ah?” tanong ni Lieu.



“It’s not a date”

Tuesday, February 07, 2012

After All : Chapter 41

41: Boys are Unfair.

[Queen’s POV]

Since nabuking na din naman ako ni West na nanunubok sa kanila eh lumabas na din ako sa pinagtataguan ko. Nonsence na makipaghide and seek pa ako sa kanya.

“Ikaw?” gulat na tanong ni West pagkakita sakin.

“Oo ako nga” tapang ko noh? Ako pa ang galit hehe.

Iiling-iling si West pagkakita sakin.

“sinusundan mo ba ako?”

“Wow tsong ang tapang ng apog mo ah feeling mo naman diba? Hindi kita sinusundan noh!”

“eh anong ginagawa mo dyan at nagtatago ka sa batuhan ha?”

“Nagpapahangin lang ako” palusot ko sa kanya.

After All : Chapter 35

35 : Unexpected Feelings


[Queen’s POV]

Sadyang may mga panahong hindi marunong makisama ang tadhana. Biruin mo yun nasiraan na nga ako ng sasakyan sa dami pa ng pwedeng tumulong sakin isang walang modo at ungentleman na lalaki.

Pasalamat ka pa nga Queen at si West ang nakakita sayo. Paano kung rapist yun?

Umeepal ang kunsensya ko.

Sige na nga salamat na kung salamat kaso masisira ang beauty ko dito sa lalaking ito eh. Mula ba naman kaninang tanungin niya ako kung saan ang punta ko eh hindi na ako inimik ng taong ito.

Saturday, November 19, 2011

After All : Chapter 4

4: The First Meeting


[Lance POV]


Wala ng klase kaya napagdesisyunan ng barkada na pumunta sa mall. Kung hindi sa bahay sa mall naman talaga lagi ang tambayan ng mga yan eh. Palibasa mga katulong lang ang kasama ko. Nasa ibang bansa ang parents ko. As usual business na naman. Kung saang bansa sila naroon hindi ko alam at wala na din akong balak alamin.


Wala rin naman sila pakialam sakin eh. They think na sapat na pinagaaral nila ako sa exclusive school, may mga maids na magaasikaso at may sariling bank accounts for my needs. Puro materyal na bagay lang ang kaya nilang ibigay sakin.


Bata pa lang ako nung iniwan nila ako kay Ena. Sya ang mayordoma namin. Kaya sya na halos ang nagpalaki sakin. Hindi ko rin naman masasabing hinahanap ko ang pagkakaroon ng magulang dahil nandyan naman si Ena at yung parents nila West. Magkapit-bahay lang kasi kami noon kaya madalas ako tumambay sa bahay nila.


Kaibigan sila ng pamilya namin kaya may tiwala sina Mommy sa kanila.


Naalala ko pa noon ang unang beses na nakilala ko sina West at Aya.

Saturday, November 12, 2011

After All

Title: After All
Author: Shinaya_waara
Status: completed
Type: Tagalog-English Fictional Story

characters:
Shinaya "Aya" Riyusaki Montreal
Vincent "Vince" Madrigal
 Jane Marie “JM” Navarro
Avery “ Avee” Lopez
Madelaine “Madz” Ventura
William “West” Montreal
Lance Montealegre
Vaughn Smith
Eulysis “Lieu” Andrade
James Kenneth “Jake” Suarez 
Aegyo " Regine" Geung Yee
Queen Montealegre
Rhapsody "Raffy" Rivera
Ching