Wednesday, February 22, 2017

Second Choice



Mahirap maging kaibigan yung taong mahal mo. Ikaw yung iiyakan kapag nasasaktan siya. Ikaw yung tatakbuhan kapag may problema. Ikaw yung pupuntahan kapag wala siyang kasama. Kumbaga second choice ka lagi. Masakit diba? Pero sige handa kang tanggapin lahat, kaibigan mo eh. Pero alam mo kung ano ang pinakamasakit at pinakamahirap tanggapin sa lahat? Iiwan ka niya kapag nandyan na yung taong mahal niya.

Rest In Peace Chairman

Last January 1, 2017, the Chairman of our Company passed away at the age of 81 due to heart attack. It was a sudden news. Nakakabigla at nakakalungkot. When I first heard the news, the first thing that comes from my mind was the last encounter that I had with him. When he learned that our Department is planning to have a mini-Christmas party, he offered to give us lechon. He was still so lively that time. Nakikipagbiruan pa siya sa amin noon.


For my first two years in the Company, wala ako masyadong encounter with him. It was just started last 2013 when he decided to have a daily mass for the successful drilling project of our company. I was just a simple attendee of the mass that time until one of my colleague asked me if I want to be a commentator for the mass. Of course, who am I to defy that kind of service. Inisip ko that time, it was not my colleague that was asking me but instead it was Gods calling for me. So kahit medyo kinakabahan ay tinanggap ko ang pagiging commentator. I thought it was only for a day. But the day becomes weeks, months and years. Last year was my third year to be a commentator for the mass.


Until we learned about the sudden death of our dear Chairman.

Honestly, I was affected. Because for the past years that I became commentator masasabi ko na may encounter na akong matatawag with him. The one in charge for our daily mass said that we will continue to have a mass this year until mailibing si Chairman. Since the mass started yesterday I always feel like crying pero pinipigilan ko ang sarili ko because I am the commentator for the mass. And this day homily of Father John Buban really struck me.


Part of his homily said that no love and friendship crossed our path without affecting or changed our lives. Even a stranger kaya tayong baguhin. Father John told us that maybe not everyone but there are people who’s lives change because of Chairman. Isa na dun ang daily mass na sinimulan niya. I can honestly say that I am one of those people whose lives change. Dati rati ay hindi ako nagsisimba madalas o umaattend ng misa. Ni hindi ko nga halos kabisado ang flow ng mass not until I become a commentator. Dahil sa ginawa niyang daily mass ay pakiramdam ko mas napalapit ako kay God. My faith in Him become strong. Dahil din sa pagiging commentator ko ay marami akong nakilala na Priest na sa tanang buhay ko ay hindi ko lubos na maisip na mangyayari. Mas naging confident din ako na humarap sa mga tao dahil sa pagiging commentator ko. It became one of my comfort zone. It became my daily routine in life.


Naaalala ko pa na everytime na makikita ako ni Chairman palaging sinasabi niya sakin “Oh hija, kumusta ka?” at kapag matatapos naman ang misa hindi niya nakakalimutang magpagsabi na “Salamat sa inyo ah”. Hindi man siya gusto ng ilan para sa akin ay okay siya. Besides, you can’t please everybody. But for me, I will always be grateful to him. At nagpapasalamat ako sa kanya dahil naging kasangkapan siya upang mabago ang takbo ng buhay ko.


May you rest in peace Chairman. Thank you for being part of my life.

Korean Drama List Part 1


Dahil Certified K-Drama Fan ako mga besh, here are the list of all the Korean Drama Series that I've watched mula pa noong una akong matutong manood ng TV.  Part 1 palang ito dahil masyadong madami sila besh kaya hinati hati ko sila. Sa K-Drama lang pwedeng hatiin ang atensyon besh at sa pagmamahal natin sa ating mga Oppa!

This is it pansit! Enjoy and have fun. Kung may maire-recommend kayong series kindly send me a comment below. Sabay sabay tayong makifangirling kay Oppa!
  


 
 Autumn in my Heart
- 16 episodes
- Endless Love Fever!
- Yung tagalog version ang napanood ko sa TV pa haha!


 Stairway to Heaven
- Cholo and Jodie
- Maghanda ng tissue


 
Lovers in Prague
- one of the first drama I've watched in TV
- tagalog Version yung napanood ko pa
- I love the actors and story is great
- Jang Geung Seuk is just a teen here haha! So cute!

Sunday, February 19, 2017

Dreaming With A Broken Heart

Tatlong gabi na kitang napapanaginipan. Hindi ko alam kung bakit. Namimiss lang ba kita o may ibang ibig iyong ipakahulugan. Sa totoo lang hindi na dapat kita iniisip pa o pinagaaksayahan ng panahon kasi alam ko naman na ni kahit minsan hindi mo ako naalala man lang o inisip. Simple lang kung bakit. Hindi mo na ako mahal. Ako lang naman talaga itong si tanga na hanggang ngayon ay umaasa pa din na sana balang araw magbago ang ihip ng hangin at mahalin mo ulit ako. Tatlong taon na halos ang nakakalipas pero ang pagmamahal ko sayo hindi pa rin nawawala. No one can blame me kasi pagbalik baliktarin man natin ang mundo I am still married to you and I have a living proof with me everyday. Just seeing her makes me remember you. I just wish that someday kung hindi mo man talaga ako magawang mahalin ulit makaya ko pa din na magmahal ng iba at huwag isara ng tuluyan ang puso ko para sa ibang taong nakahanda akong mahalin at tanggapin kung sino ako.

Friday, January 13, 2017

Kidzoona : Waltermart Makati

Another happy moments for my 2 years and 9 months old Baby Hara.

Hara loves playhouse where she can jump, run or play anything. I sometimes bring her to Tinytots at Cash n Carry since its located near our place and I noticed how happy she is. That's why I am happy when I found out that there is a Kidzoona at Waltermart Makati. Kidzoona is located at 5th Level, Waltermart Makati, 790 Chino Roces Ave., Makati City.

So last Christmas, while waiting for her dad, I brought Hara there to play.

Entrance fee is :

1 Hour - Php 200
2 Hours - Php 300
3 Hours - Php 400

The price is inclusive of 1 child and 1 guardian/adult. We availed the 2 hours. From 1:30-3:30PM

Tuesday, January 03, 2017

Third day of January

January 3, 2017


Today is supposed to be our 4th anniversary as a couple. Minsan kapag nag-iisa ako hindi ko maiwasang balikan ang nakaraan. Kung paano tayo nagkakilala, yung mga ackward moments natin nung simula, kung paano naging tayo, yung mga happy moments natin together. Minsan ay nalulungkot pa rin ako. Iniisip ko what if nga kaya tayo pa rin hanggang ngayon. What if kaya hindi tayo naghiwalay. Oo tanggap ko na. Tanggap ko na wala na talaga tayo. Mag tatatlong taon na din naman mula nung maghiwalay tayo. Pero may mga pagkakataon pa rin na naiisip kita. At siguro nga ay tanga ako. Tanga talaga ako dahil ikaw lang ang tanging tao na gugustuhin ko pa ding makasama.

Tuesday, September 27, 2016

Poem : Bradgelina



Pag-ibig natin ay nagsimula sa isang pagkakamali
Kinutya ng mga tao sapagkat may isang naging sawi
Subalit ating napatunayang tama ang ating napili
Ilang taon pa ang lumipas tayong dalawa'y sa bawat isa nagpatali.


Mga tao sa paligid natin sa ati'y naging masaya
Isa sa hinangaang relasyon sa industriya
Naging basehan na may forever talaga
Kaya naman sila sa atin ay humahanga


Ngunit isang araw ay biglang nagbago
Pag-ibig mo ba sa akin ay tuluyang naglaho?
Nabalitaan na lamang na ikaw ay mayroon ng bago
Iyon ba ay dahil hindi na ako kagandahan sa paningin mo?


"Once a cheater always a cheater"
Kadalasang sinasabi ng mga taong nagiging bitter
Kapag ang relasyon ay nagsimula sa pagkakamali anuman ang gawin
Kahit na ang pinakamatamis na tsokolate ay may expiration din


Para sa mga anak maging matatag ay kailangan
Kahit na masakit ikaw ay dapat nang bitawan
Hindi na hahayaang ako ay tuluyan mo pang saktan
Ang buhay ko ay hindi titigil dahil sa isang kasalanan.


***

A/N:

Habang nasa shuttle ako papuntang office ay narinig ko ang balita tungkol sa hiwalayang Brad Pitt at Angelina. Well, voila! Ayun may nagawang tula.

-shinayawaara

Wednesday, September 14, 2016

My Favorite Bible Verse

I was challenge by my friend to post my favorite bible verse for eight (8) days to spread God's words in social media.

So with many good verse in the Bible, here are the eight (8) favorite verse that I chose:

1) John 3: 16

Who wouldn't love this verse? I think it was the first verse in the Bible that our Catechism teacher thought us.



2) Jeremiah 29:11

I first loved this verse when I was feeling down. Upon learning about this God's message, it gives me strength to know that everything that happened to us God has a plan for us.


 3) Matthew 11:28

This verse always gives me chills whenever I think about it. Whenever I'm feeling sad and blue, I will always pray to God to ease my pain. "Lord, payakap naman po. Hindi ko na po kaya."



4) Philippians 4:13

For those who think that they cannot do anything, just remember this verse.



5) 1 Corinthians 13:4

Love is one of the most precious thing in this world.



6) Matthew 7:7

Blessings and opportunity are just always there if you just know who to ask for.


7) 1 John 4:18

For those afraid to get hurt in love and have fear to take a risk.


8) John 14:6

Yes. He truly is.


Poem : X

Kumusta ka na?
Ako pa ba ay iyong naaalala
Kumusta ka na?
Damdamin mo ba talaga ay nagbago na?



Dalawang taon na ang nagdaan
Sakit na naramdaman ay parang kailan lang
Maaari ko bang malaman
Alam mo pa ba ang aking pangalan?



Sa kasalukuyan ay heto ayos naman
Hindi na umiiyak kapag nababanggit ang iyong pangalan
Nagagawa nang magkwento na parang ito ay biro lamang
Kahit na alam ko sa sarili na mayroong kulang.



Huwag kang mag-alala ako ay hindi manggugulo
Ikaw ay hindi ko pipiliting magbago
Nais lang ipabatid ng tulang ito
Naghihintay pa rin ako sa muling paglingon mo.


Thursday, July 28, 2016

My Song Presents 5 : Hikari (Something I Need)





My name is Hikari. Ilang tumbling na lang at tuluyan na akong mawawala sa kalendaryo. Kung hindi mo ako kilala ay iisipin mong nakakairita ako. Maldita, mataray, prangka. Iyong iba ang tingin pa sa akin ay malandi. Hindi ko naman sila masisisi kung iyon ang maging tingin nila sakin. Hindi ko naman hawak ang isip nila and I don't want to explain myself to people who only wants to bring me down.


Hindi ako mahilig magseryoso sa relasyon. Bihira kasi akong tamaan ng pag-ibig. Minsan lang ako naging seryoso nung after ko grumaduate ng College. But sad to say, that freaking guy cheated me and broke my heart to pieces. Mula noon ay hindi na ako pumasok pa sa isang relasyon. Madalas akong biruin ng mga lalaki na sinasakyan ko lang. Wala namang mawawala sa akin. Maliban na lang sa pinag-uusapan ako ng mga tao. They think I'm a slut. Well, I don't care as long as wala akong tinatamaang tao. Sinasakyan ko na lang ang pakikipagfling sa akin ng mga lalaki na hanggang salita lang naman. Although may mga guys na nag-ooffer sakin ay hindi ko pinapatulan.


I had a dream the other night
 About how we only get one life
Woke me up right after two
Stayed awake and stared at you
So I wouldn't lose my mind 


Until I met JD. Ipinakilala siya sa akin ng common friend namin. At first hindi ko type si JD. Although gwapo siya at may malalim na dimples ay hindi ko pa rin siya type. Hanggang sa madalas na siyang tumambay sa boarding house na inuupahan ko malapit sa office. Dahil sa biro ay napalapit kaming dalawa ni JD. Naging magkatextmate kami hanggang sa magtapat siya sa akin na gusto niya ako. Medyo nahuhulog na din naman ang loob ko that time kay JD. He's fun to be with. May sense of humor at malambing. After a month ay sinagot ko si JD.


Akala ko noon ay natagpuan ko na ang happy ending ko katulad ng sa mga napapanood kong fairytales. Pero mukhang sa palabas at sa mga libro lang ang fairytale. In real life walang prince charming. Hindi totoo ang happily ever after. Kung minsan ang buhay ay isang simpleng "Once upon a time" lang.


Iniwan din ako ni JD matapos niyang malaman na buntis ako. Hindi ko inasahan ang nangyari dahil akala ko okay kami. Hiningi niya pa nga ang kamay ko sa mga magulang ko and asked them their blessing for our wedding. Nagsimula na akong mangarap noon para sa aming dalawa at sa magiging anak namin. I started researching some wedding related stuffs. Inisip ko na din nun kung sino ang magiging part ng entourage ko.


Until one day JD just disappear.