Friday, March 15, 2013

Stupid Cupid : The Finale



A/N : Uunahan ko na po kayo.. kapag hindi niyo nabasa ang After All medyo bitin ang ending ng story na ito..dahil sabi ko nga po...side story lamang siya ng kwento nila JM at Jake...since involved din naman silang dalawa sa kwento ng After All... Yun lamang po :)




[JM’s POV]


Alam kong hindi ako ang tipo ng babae na gusto ni Jake? Pero bakit niya ako hinalikan?


Oo..gising ako nun…medyo tipsy na nga lang pero ramdam kong hinalikan niya ako. Ano bang nararamdaman ko? Bakit ganun? Ang alam ko si Lieu ang gusto ko..si Lieu ang mahal ko…pero bakit nakakaramdama ko ng ganito towards Jake?


Jake is a very good friend of mine. Lagi siyang nandyan para sakin. Lagi niya akong pinapangiti lalo na nung panahong malungkot ako.


- - -

“ bakit maga yata ang mata mo JM? Puyat ka noh? Ang laki ng eye bag mo eh” (sa dami naman ng mapapansin nitong si Avee eh mata ko pang nananahimik)


“ anong eye bag? eye sack kaya tawag dyan.” Singit naman ni Jake.


“ eye sack???”


“ eye sack..kasi sa laki nyan hindi na sya bag kundi sako na kaya eye sack”


“ ahhh… so joke yon?tatawa na ba ako?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.


Kinurot ni Jake ang pisngi ko.


“ pikon ka masyado…chillax!!!”


“ kakahigh blood ka eh..”


“sus! Pareho lang kayo eh” sagot naman ni Madz.


- - -

“ kung ako hari ng pang-asar ikaw naman ang reyna ng katakawan..nagtataka nga ako kung bakit hindi ka tumataba eh. Siguro malnourished ka”

“malnourished ka diyan sexy kaya ako. Saka mabilis lang talaga ang metabolism ko kaya hindi ako tumataba”

“ yeah! In short lagi ka sa kubeta…hahahaha!!!!”


- - -


“ nagpapaka EMO ka na naman”


Nagulat nalang ako nung tabihan ako ni Jake. Sa pagkakaalam ko eh naiwan siya dun kasama nila Eulysis.


“ kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala sa gym.”


“ bakit mo ako hinahanap?para mang-asar?!”


“ hindi naman ako ganun kasama no’! dadamayan nga kita eh.”


- - -


“ alam mo kapag may nakakita satin baka isipin nun mag-on tayo” biro ni Jake habang naglalakad kami palabas ng building na magkahawak-kamay


“ asa ka naman! Sinabi ko na nga sayo na isa akong diyosa at ikaw ay isang hamak na tao lamang kaya wag ka ng mangarap diyan. Malamang iisipin ng mga tao na isa ka lang aliping sagigilid ko.” Sabi ko sabay tawa ng malakas.


“ ang tindi talaga ng ere mo noh? Hindi ko mareach..hahaha”


“ syempre naman. Ako pa!”


- - -


“Ganun pala yung feeling noh?” biglang sabi ni Jake.


“feeling ng alin?”


“yung haharap ka sa magulang o sa pamilya ng girlfriend mo.”


Napaisip ako sa sinabi niya. Napagkamalan nga pala siyang boyfriend ko nila Mama at Papa.


“eh hindi naman kita boyfriend ah.”


“yun nga eh. Hindi kita Girlfriend pero kung gisahin ako sa inyo akala mo hihingin ko na yung kamay mo sa magulang mo. Mas mahirap naman yung pinagdaanan ko.”


- - -


“mayabang ka. Kapag ako nagkaboyfriend ibabandera ko sa harapan mo!!!”


Ang lakas ng tawa ni Jake.


“Hahaha..nagpapatawa ka ba? Joke ba yun? Kapag ikaw nagkaboyfriend ang malas ng lalaking iyon.”


- - -

“bagay tayo?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

“ syempre Joke lang yun. Pantao lang ang kagwapuhan ko”

“ I know kasi nga PanDiyosa ang kagandahan ko kaya hindi talaga tayo bagay.


- - -


All of those things happened during my college days with him. Hindi ko alam na madami na pala kaming memories together ni Jake. Parang kelan lang. I just see him as a friend. Ano bang meron sa isang gabi at nagising na lang ako na iba na ang nararamdaman ko para sa kanya?


Ano ba namang buhay ito oh.


Kahit kelan peste ka talaga Kupido. Hindi ka marunong tumiming.


Kagagaling ko lang sa isang sawing pag-ibig heto ka na naman at pinana na naman ang puso ko. Dun na naman sa taong hindi ako kayang mahalin bilang ako.


Peste ka talaga!!! Peste!!!

Tinamaan na ako
Walang hiya ka, Kupido
Nasira’ng schedule ko
Putres na kabaliwan ito…


Hindi mo man lang ako hinayaang magpahinga muna eh. Eto ka na naman eh… binibigyan mo na naman ako ng sakit ng ulo eh.


Hay naku pasaway ka talaga kupido. Ibalik kita sa nanay mo eh.



* * *


After 8 years….


“Ahhhhhh… Jake manganganak na yata ako!!!!!” tili ko ng maramdaman ko ang pananakit ng tyan ko.


Bigla namang napabangon si Jake mula sa higaan.


“Teka!!!! Wag muna” tarantang sagot nito at dali-daling nagbihis.


“Jake ano ba???!!!!!”


“eto na nga eh…. Manang!!!!!!”


Agad namang lumapit ang katulong samin.


“ilagay niyo na yung mga gamit ni JM sa sasakyan” utos nito.


“Ay ser manganganak na si Mam?”


“ay hindi!!!!... gagawa palang kami!!! Natural manganganak na diba?!”


“Jake!!!!!!!!!!”


Naramdaman ko kasing pumutok na ang panubigan ko. Halatang natataranta na si Jake at di alam ang gagawin. Sobrang sumasakit na naman ang tiyan ko.


“Oh..my god…mukhang wrong timing pa yata ang dating ko.” Paputol putol na sabi ni Vince.


Napatingin naman ako kay Vince na bagong dating.


“Hi Vince..ikaw pala.” Nagawa ko pa din siyang batiin kahit na nananakit na ang tyan ko. “Jake ano ba?! Yung kamay mo nasasaktan ako.”


“Sorry sweetheart….buhatin nalang kaya kita…Teka teka…natataranta na ako”


“oh yeah? Eh mukhang kanina mo pa gustong magcollapse dyan eh.”


“of course not!!”


Pero halatang nagsisinungaling si Jake dahil namumutla na ito eh. Akmang bubuhatin ako ni Jake upang ibaba ng hagdan pero pinigilan siya ni Vince.


“Brhaw ako na….baka mamaya mahulog pa kayo eh.. mukhang nanlalambot ka na eh….buhatin kita ah”


“thanks brhaw,…nanginginig na nga mga tuhod ko eh….Manang lagay niyo na yung gamit ni JM sa sasakyan” utos ni Jake.


“Yes ser!!!!”


* * *

[Vince POV]

Tamang tama lang pala ang punta ko sa bahay nila JM dahil saktong manganganak na siya.


Nakita kong natataranta na si Jake kaya nagprisinta na akong tumulong.


Binuhat ko si JM hanggang sa loob ng sasakyan.


Naramdaman kong nabasa ang laylayan ng T-shirt na suot ko.


“Oh..oh…”


“Bakit brhaw?” natatarantang tanong ni Jake sakin.


Tinignan ko si Jake. “pakibukas nalang ang sasakyan pwede?”


Sumunod naman si Jake.


“Brhaw baka naman pwedeng ikaw nalang ang magmaneho? Wala kasi akong driver eh” pakiusap ni Jake sakin.


“You don’t have to tell me..alam kong di na kakayanin ng tuhod mo eh.” Ako na ang nagprisintang magmaneho dahil mukhang bangag pa si Jake eh.


Pagkadeposito kay JM sa likod ng sasakyan ay pumunta na ako sa driver seat.


“Vince bakit ka nga pala nandito? Kasama mo ba si Aya?” tanong ni JM sakin.


Mula sa rearview mirror ay tumingin ako sa kaniya.


“naiwan si Aya sa Japan eh..may kailangan lang kasi akong ayusin sa business dito… magbabakasyon kasi sina Mommy at Daddy kaya ako muna ang magmamanage ng business nila…. bibisita lang sana ako eh di ko naman alam na manganganak ka na pala.” Natatawang kwento ko.


“Ay naku buti na nga lang at dumating ka dahil baka kanina pa hinimatay itong si Jake eh.”


“eh nakakanerbyos naman kasi ang sigaw mo eh”


Sa wakas ay nakarating na din kami sa ospital. Since naitawag na din naman ni Jake sa doctor eh agad na silang naadmit.


Tinawagan ko na din ang ibang barkada at si Aya para iinform na manganganak na nga si JM.


Si Jake naman ay kanina pa hindi mapakali. Hindi ko din siya maiwan eh.

Excited din naman ako na makita ang baby nila.


Mula sa labas ng delivery room ay dinig namin ang sigaw ni JM. At sa bawat sigaw nito ay napapangiwi si Jake.


“Brhaw ayos lang kaya ang mag-ina ko?” kinakabahang tanong ni Jake sakin.


“Ano ka ba? Ayos lang sila. Magaling ang doctor niya.”


Matapos ang ilang minuto ay lumabas na din ang doctor ni JM. Sabay pa kaming lumapit ni Jake sa kanya.


“Sino ba sa inyo ang tatay?”


“Siya po”


“ako po”


Napangiti naman ang doctor.


“Okay na sila…maayos ang delivery ng bata at malusog. Congratulations Mr. Suarez…it’s a healthy baby girl” nakangiting bati nito.


“Thanks doc”


Mula sa labas ng silid ay sinilip nila ang bagong silang na sanggol.


“She’s beautiful Jake” bulong ko sa bagong ama pagkakita sa baby.


Napakunot ang noo ko ng mapansing wala akong katabi sa labas ng pinto ng delivery room.

Halos malaglag ang panga ko ng mapansing nasa sahig si Jake at hinimatay.


“Some happiness is just so overwhelming” I muttered to myself and smiled.

-The End-

No comments:

Post a Comment