Showing posts with label Random Post. Show all posts
Showing posts with label Random Post. Show all posts

Wednesday, February 22, 2017

Rest In Peace Chairman

Last January 1, 2017, the Chairman of our Company passed away at the age of 81 due to heart attack. It was a sudden news. Nakakabigla at nakakalungkot. When I first heard the news, the first thing that comes from my mind was the last encounter that I had with him. When he learned that our Department is planning to have a mini-Christmas party, he offered to give us lechon. He was still so lively that time. Nakikipagbiruan pa siya sa amin noon.


For my first two years in the Company, wala ako masyadong encounter with him. It was just started last 2013 when he decided to have a daily mass for the successful drilling project of our company. I was just a simple attendee of the mass that time until one of my colleague asked me if I want to be a commentator for the mass. Of course, who am I to defy that kind of service. Inisip ko that time, it was not my colleague that was asking me but instead it was Gods calling for me. So kahit medyo kinakabahan ay tinanggap ko ang pagiging commentator. I thought it was only for a day. But the day becomes weeks, months and years. Last year was my third year to be a commentator for the mass.


Until we learned about the sudden death of our dear Chairman.

Honestly, I was affected. Because for the past years that I became commentator masasabi ko na may encounter na akong matatawag with him. The one in charge for our daily mass said that we will continue to have a mass this year until mailibing si Chairman. Since the mass started yesterday I always feel like crying pero pinipigilan ko ang sarili ko because I am the commentator for the mass. And this day homily of Father John Buban really struck me.


Part of his homily said that no love and friendship crossed our path without affecting or changed our lives. Even a stranger kaya tayong baguhin. Father John told us that maybe not everyone but there are people who’s lives change because of Chairman. Isa na dun ang daily mass na sinimulan niya. I can honestly say that I am one of those people whose lives change. Dati rati ay hindi ako nagsisimba madalas o umaattend ng misa. Ni hindi ko nga halos kabisado ang flow ng mass not until I become a commentator. Dahil sa ginawa niyang daily mass ay pakiramdam ko mas napalapit ako kay God. My faith in Him become strong. Dahil din sa pagiging commentator ko ay marami akong nakilala na Priest na sa tanang buhay ko ay hindi ko lubos na maisip na mangyayari. Mas naging confident din ako na humarap sa mga tao dahil sa pagiging commentator ko. It became one of my comfort zone. It became my daily routine in life.


Naaalala ko pa na everytime na makikita ako ni Chairman palaging sinasabi niya sakin “Oh hija, kumusta ka?” at kapag matatapos naman ang misa hindi niya nakakalimutang magpagsabi na “Salamat sa inyo ah”. Hindi man siya gusto ng ilan para sa akin ay okay siya. Besides, you can’t please everybody. But for me, I will always be grateful to him. At nagpapasalamat ako sa kanya dahil naging kasangkapan siya upang mabago ang takbo ng buhay ko.


May you rest in peace Chairman. Thank you for being part of my life.

Sunday, February 19, 2017

Dreaming With A Broken Heart

Tatlong gabi na kitang napapanaginipan. Hindi ko alam kung bakit. Namimiss lang ba kita o may ibang ibig iyong ipakahulugan. Sa totoo lang hindi na dapat kita iniisip pa o pinagaaksayahan ng panahon kasi alam ko naman na ni kahit minsan hindi mo ako naalala man lang o inisip. Simple lang kung bakit. Hindi mo na ako mahal. Ako lang naman talaga itong si tanga na hanggang ngayon ay umaasa pa din na sana balang araw magbago ang ihip ng hangin at mahalin mo ulit ako. Tatlong taon na halos ang nakakalipas pero ang pagmamahal ko sayo hindi pa rin nawawala. No one can blame me kasi pagbalik baliktarin man natin ang mundo I am still married to you and I have a living proof with me everyday. Just seeing her makes me remember you. I just wish that someday kung hindi mo man talaga ako magawang mahalin ulit makaya ko pa din na magmahal ng iba at huwag isara ng tuluyan ang puso ko para sa ibang taong nakahanda akong mahalin at tanggapin kung sino ako.

Tuesday, January 03, 2017

Third day of January

January 3, 2017


Today is supposed to be our 4th anniversary as a couple. Minsan kapag nag-iisa ako hindi ko maiwasang balikan ang nakaraan. Kung paano tayo nagkakilala, yung mga ackward moments natin nung simula, kung paano naging tayo, yung mga happy moments natin together. Minsan ay nalulungkot pa rin ako. Iniisip ko what if nga kaya tayo pa rin hanggang ngayon. What if kaya hindi tayo naghiwalay. Oo tanggap ko na. Tanggap ko na wala na talaga tayo. Mag tatatlong taon na din naman mula nung maghiwalay tayo. Pero may mga pagkakataon pa rin na naiisip kita. At siguro nga ay tanga ako. Tanga talaga ako dahil ikaw lang ang tanging tao na gugustuhin ko pa ding makasama.

Friday, April 29, 2016

Pa-rant lang sandali!

Shout out para sa may-ari/pasahero ng Black na Innova na nakapark sa kalye ng Kalayaan, Gate 1 kahapon ng alas syete ng gabi.

Unang una, wala kang plate number paano ka nakakabyahe?!

Pangalawa, hindi mo basurahan ang buong kalye ng Kalayaan para doon mo itapon ang balat ng saging na pinagkainan mo. Aba?! Tinalo ka pa ng anak kong dalawang taon lang na alam kung saan dapat itapon ang basura!

Pangatlo kung sadyang makapal ang mukha mong magtapon ng basura ay sana yung wala kang tatamaang tao. Gosh! Nakakahighblood ka. Hindi rin ba uso ang salitang sorry sayo?!

Magpasalamat ka at tinted ang salamin ng kotse mo! Ang mga taong tulad mo ang dahilan kaya walang pagbabago ang Pilipinas! Kahit sino pa ang maging Presidente ng bansang ito kung mismong sarili niyo hindi niyo maayos, huwag na kayong umasa na may pagbabago!

Monday, January 11, 2016

To the One Who Promised Me Forever

I’m not going to chase you anymore kasi nakakapagod din.


I don’t know what happened to us. I thought everything was perfect. Pero bakit ganun? All of a sudden you told me na ayaw mo na? Sumusuko ka na.

Everything about us is okay. My family loves you, your family loves me. We love each other. We are each other’s bestfriend. We share no secrets. We are having fun. Wala tayong mabigat na pinag-aawayan. Actually, wala nga yata akong matandaan na may pinag-awayan tayo. Pero what happened? Bakit biglang ganun ang nangyari?

You told me I am your first and last love. I am your one true love. I am the one you want to spend your life until the day you die. You promised me forever na magkasama tayong tatanda. You love me like no one else could. You are the sweetest and loving person I’ve ever met. I couldn’t ask for more. Masaya na ako sayo. We already planned for our future, how many kids we will have, the interior of our future house and our life together. Everything is almost close to perfection.

The happiest moment in my life was our wedding day. Even though it’s a simple gathering with our friends and families, we are so happy because the important thing is we love each other. When we found out that we are going to have a baby I am both excited and nervous at the same time. But everything was fine because you are there. You gave me the best support a wife could ask for.

Or so I thought.

When the day I gave birth you were not there. Wala ka sa panahong kailangang kailangan kita. 14 hours of labor is not a joke. Feeling ko mamamatay na ako. I keep on asking you to come but you said hindi ka makakaalis sa trabaho mo. So I endure all the pain alone. Pero hindi kita sinisi because I know how precious your work for you kahit na pakiramdam ko we are not your priority that time. All the pain was worth it when I saw our baby girl. She looked just like you. She is your female version and I am so happy.

I don’t know what happened. Bigla ka nalang nagbago. Hindi ko nararamdaman that you are happy now that our baby was born. I can’t see in your face the excitement that a father should have. Lagi na lang mainit ang ulo mo kapag umuuwi ka. Iniisip ko pagod ka lang. Maybe you are just stressed in your work. Until one day this officemate of yours called you at 2:00 midnight. Since you are already asleep I told her and ask if it was an urgent thing so that I can wake you up. She told me it’s not. Nakalimutan ko na ding sabihin sayo na tumawag siya because I already became busy the next morning. Nagulat nalang ako nung umuwi ka na galit na galit sakin. That was the first time that I saw you mad at me for a reason that I don’t know why. You told me na hindi ko dapat sinagot ang tawag ng officemate mo. You told me not to touch your cellphone. You told me not to touch your private things. For goodness sake I am your wife! I just cry that whole day. Hindi ko alam kung ano baa ng nagawa kong mali.

That’s the start that I saw the changes in you. Kapag tinatanong kita kung may problem ba laging wala ang sagot mo. Until one day you told me na ayaw mo na. Nakikipaghiwalay ka na sakin. I was so shocked! Wala tayong problema and yet nakikipaghiwalay ka? I asked why and you just simply told me that you don’t love me anymore! Ganun kabilis nawala ang pagmamahal mo sakin? You said that you are not yet ready to settle down. Bakit ngayon mo lang sinasabi kung kailan kasal na tayo? Sana noon pa hindi mo ako niyayang magpakasal kung hindi ka pala ready to commit! Two months palang akong nakakapanganak and you are already leaving me alone! You can’t even give a proper explanation why you want to leave. I asked kung may iba na ba and you said wala. You’re just not yet ready. When I reminded you that we are already married you gave me the most hurtful words that a wife could ever have. You don’t even considered me as your wife and our marriage is just a piece of paper. Why? Why did it happened to us?

I did everything that I could. Nagmakaawa ako sayo, lumuhod ako sa harapan mo, ilang beses kong sinubukang kausapin ka na kung may problema ay ayusin natin but you never listened to me. You already made up your mind without thinking of me and our baby. I was so depressed. I experienced postpartum depression that can make me go crazy. Fortunately I have the best support that I can have from my family and friends. I choose to be strong not just for me but also for the little one na umaasa sakin.

For a year wala akong ibang ginawa kundi ang lumapit parin sayo kahit na harap harapan mo na akong itinataboy. I don’t know you anymore. The guy who promised me forever was gone. The guy who vowed to love me until the day he die was gone. And most importantly you just not removed yourself as my husband but also you removed yourself as a father to our child.

One year since you left me I decided to myself na tama na. I can’t chase you anymore. The more I chase you, the more you are running away from me. I told myself that if you really love me, you won’t leave me. Besides, for us ikaw lang ang nawala, but for you, kami ng anak mo ang nawala. You missed the chance of witnessing the development of your child. Her first smile, her first laugh, her first walk, her first words. You will never know the feeling of proudness that a parent could have witnessing their child grow.

I’m not going to chase you anymore kasi nakakapagod din but deep inside I was hoping. Hoping that someday you will realized that you still want to spend your life with us. Even though my family and friends already told me to stop hoping dahil ako din ang nasasaktan, I just can’t do it. Or maybe I decided not to do it. Because despite all the pain and heartaches that you gave me, deep inside I know that I still love you.

Thursday, January 08, 2015

10 things I did when you left

Pagkatapos kong magpakalunod sa alak (kahit na hindi naman ako marunong uminom), umiyak ng balde balde (hindi ko lang naipon. Sayang nga eh. Panlinis din sana yun ng banyo!) at hindi makatulog ng ilang gabi dahil sa matinding pagkadepress (isa na akong eyebag na tinubuan ng mata!) ay sinimulan ko ng tanggapin na talagang wala na siya at hindi na muling babalik pa. Paksyet! Walang poreber! Heto ang mga bagay na ginawa ko magmula noon.

  1. Tumambay sa lahat ng bookstore.
-         Dati rati hindi ko magawang tumambay dito ng matagal dahil lagi kang naiinip. Gusto mong umalis na or magpunta sa ibang lugar. Ako naman siyempre, sumusunod naman.

  1. Manood ng anime at cartoons.
-         Sadyang may pagkaadik talaga ako sa mga Anime kahit na sa edad kong ito. Pero dahil mas trip mo ang manood ng mga basketball at action movies, isinacrifice ko ang kahiligan ko sa Anime at sinabayan ka sa mga trip mong panoorin.

  1. Magbasa at mangolekta ng mga libro.
-         Noon pa man ay marami na talaga akong iniipon na libro. Pero pinipigilan mo akong bumili dahil iniisip mo na gastos lang ito. Samantalang kapag ikaw ang bumili ng mga gamit mo okay lang sayo kahit na gaano pa ito kamahal.

  1. Paulit ulit na tignan ang mga pictures natin together.
-         Kabaliwan mang gawin pero kapag mag-isa lang ako ay tinitignan ko pa din ang mga pictures natin. Ang saya saya nating tignan sa mga kuha natin na parang lahat ng bagay kaya nating gawin.

  1. Paulit ulit na basahin ang mga messages mo.
-         Hindi ko pa rin binubura ang lahat ng text mo sakin. Masasaya man o malulungkot na text galling sayo kahit na wala pang kakwenta kwentang bagay ay nakasave pa din. Pakiramdam ko kasi kapag binura ko iyon pati lahat ng tungkol sayo ay tuluyan ng mawawala sakin.

  1. Makipagkita at makipagbonding sa mga kaibigan at kapatid ko.
-         Magmula kasi ng maging tayo sayo na nasentro ang mundo ko. Ikaw na din ang naging kaibigan at kasama ko sa lahat ng oras. Hindi tayo mapaghiwalay kaya naman hindi ko na nakakasama ang mga kaibigan ko nun. Gusto mo kasi ikaw lang ang kasama ko. Sila ang naging sandalan at iyakan ko ng mga panahong iniwan mo ako. Sila ang itetext o tatawagan ko kahit disoras ng gabi kapag hindi ako makatulog dahil iniisip ko ang kagaguhang ginawa mo sakin. Sila ang naging Number 1 Bestfriend ko sa mundo.

  1. Umuwi at pumasok mag-isa.
-         Nakakapanibago dahil lagi mo akong sinusundo sa opisina o di kaya naman ako ang dadaan sa opisina niyo para sabay na tayong umuwe. Ihahatid mo din ako kapag papasok ng opisina. Pero mula ng mawala ka mistulan akong Zombie na naglalakad sa kawalan ng mag-isa at iniisip ang mga pangakong binitiwan mo noon na hindi mo ako iiwan. Paksyet!

  1. Kumain mag-isa.
-         Noon pa man ay hindi ko na kinahiligan ang pagkain. Pero dahil kasama kita ay lagi kang nakaalalay sakin at nagpapaalala na kailangan kong kumain. Ikaw mismo ang pipili ng mga kakainin ko dahil alam at kabisado mo na ang mga pagkaing gusto ko. Ngayong wala ka na, kumakain ako dahil kailangan ko lang kumain at hindi dahil gusto kong kumain.

  1. Matulog ng may luha sa mga mata.
-         Hanggang pagtulog ko ay namimiss kita. Yayakapin ko na lang ang mga unan ko at iniisip na sana ikaw ang kayakap ko. Noon kasi papatulugin mo muna ako bago ka matulog o di kaya naman ay pagmamasdan kita habang nagtatrabaho ka hanggang sa makatulog ako. Pero ngayon kisame na lang ang pinagmamasdan ko hanggang sa makatulog ako.

  1. Magpakabitter sa LOVE at maniwalang walang forever.
-     Akala ko noon kapag nagpakasal na ang dalawang tao sapat na iyon para mapatunayang may forever pa sa mundo. Pero mali pala ako. Dahil nagmahal ako ng sobra, binigay ang lahat lahat, nagpakasal, nakaroon ng anak. Pero sa bandang huli ay iiwan din pala. Nasaan ang hustisya?! Nasaan si poreber?! Wala! Wala! Wala!


Masakit. Sobrang sakit. Pero siguro nga tanga talaga ang tao kapag nagmahal ng totoo. Kasi kahit sa kabila ng mga pananakit at sama ng loob na ibinigay mo sakin, sa kabila ng lahat ng sinasabi ko na ayoko na sayo, umaasa pa rin ako na baling araw babalik ka pa rin. At maniniwala pa rin ako na may forever sa mundo.

Friday, September 12, 2014

Pabili po ng isang litrong sakit sa puso!

I know we promised to each other na bawal mainlove. That if we want to become bestfriends forever kailangan nating ingatan ang pagkakaibigang iyon and don’t make things that can ruin our friendship…. I know I agreed…hindi ko rin naman kasi akalaing darating ang araw that I would fall for you. Ayoko din namang tanggapin…. At ayoko ding alamin… 

Akala ko noon wala lang…na kaya ka lang mahalaga sakin kasi bestfriend kita…until one day nung nakatitig ako sa mga mukha mo habang natutulog ka parang may invisible force na nag-open sa mga mata ko to see you in different ways… bigla ko nalang nasabi sa sarili ko nun.. “Sh*t!!! naiinlove na ako”… hindi ko rin naman ginusto eh…kusa nalang siyang nangyari…di ko napigilan.


Masakit para sa akin na itago ang nararamdaman ko… mahirap itago ang bagay na gustong-gusto mong ipagsigawan sa mundo…hindi mo lang alam kung ilang beses  or kung gaano ko pinapatay itong nararamdaman ko para sayo…kasi ayokong maramdaman ito…kasi kapag sinabi ko ba makikinig ka? Hindi rin naman di ba? Baka magalit ka pa kasi di ako tumupad sa promise ko… saka may girlfriend ka…at alam kong mahal na mahal mo yung girlfriend mo… kahit na minsan naiinis ako sa kanya kasi parang binabalewala ka niya…paano niya nagagawang balewalain ang taong pinahahalagahan ko ng sobra? Napakaswerte niya.


Sabi ng mga kaibigan ko aminin ko na daw sayo kung anong nararamdaman ko… kasi nasasaktan ako…pero pag inamin ko? Anong mangyayari? Lalayo ka sakin? Ayoko namang mangyari iyon. Mas okay na sakin na mahalin ka ng palihim basta nakakasama kita kaysa aminin sayo pero lalayo ka… nawalan na ako ng taong minamahal mawawalan pa ako ng kaibigan… kaya mas mabuti ng ilihim ko nalang. Kung minsan may mga bagay na kahit gustuhin man natin ng sobra eh hindi natin pwedeng makuha… sabi naman nila paano mo malalamang di mo makukuha kung hindi mo susubukang kunin… ewan ko…takot ako magtake ng risk eh…risk na mawala ka sakin kapag sinabi kong gusto kita.


Kung minsan tinatanong mo ako kung ano bang problema ko… di ako nagsasalita kasi paano ko sasabihing ikaw ang problema ko kasi naiinlove ako sayo…. Mas minamabuti ko nalang ang magsinungaling at sabihing “Wala yun…okay lang ako” kesa aminin sayo ang nararamdaman ko.


Nung nagbakasyon ka at hindi kita nakasama sobrang miss na miss kita…dinadaan ko nalang sa biro ang lahat… nung may tumawag sa pangalan mo bigla akong napalingon kahit na alam kong wala ka naman dun…siguro nga sobrang miss lang talaga kita at gusto na kitang makita…at siguro nga iyon ang binubulong ng puso ko….hinahanap ka niya.


Pero later on narealized ko na kahit ano pang gawin ko hindi mo ako makukuhang mahalin sa paraang gusto ko…sabi mo nga sakin di ba hindi mo kayang ibigay ang pagmamahal ng isang “boyfriend “ sakin kaya gusto mong magboyfriend na ako…para maging masaya ako…pero paano ba yan eh sayo ako masaya? Sana pwede kong sabihin sayong “Pwede ba ikaw nalang?” kaso hindi naman diba?...Kahit nasasaktan ako, masaya ako kapag kasama ka…ang weird talaga magmahal. Laging package deal…


“Buy love takes pain”


Huwag kang mag-alala..tanggap ko na…tanggap ko na… na ganun talaga… and finally nasabi ko na din sa sarili kong anuman ang nararamdaman kong ito para sayo eh ibabaon ko sa kasuluk-sulukang cells ng katawan ko….hindi mo na dapat pang malaman pa..dahil tapos na…kakalimutan ko ng minsan minahal kita…magcoconcentrate na lang ako sa pagiging makulit, loyal, at mapagmahal na bestfriend mo…basta alam kong masaya ka…magiging masaya na din ako para sayo…iyon naman ang role ko bilang bestfriend mo…ang pasayahin ka…at ipakita sayong mahalaga ka.


Darating din naman ang araw na mawawala din ito ng tuluyan…dahil sabi nga nila wag ko daw alagaan ang feelings ko for you…mas mabuti na siguro iyon…because even the strongest feeling expires when ignored.


But atleast for the last time masabi ko man lang sana ito… kahit hindi man sayo…


MAHAL KITA…

Thursday, July 17, 2014

"Uyy. Wala pang 5 seconds!!"




"Uyy. Wala pang 5 seconds!!"

Dati, kapag nahuhulog yung chichiriya ko sa sahig, ‘matic na pupulutin ko ito agad at sasabihin, "Pwede pa to. Wala pang 5 seconds." Hindi ko lang alam noon kung trip ko lang talagang kumain na contaminated ng Escherichia coli at Staphylococcus para may dagdag na flavor o talagang dakilang scavenger lang ako.

Pero para sa’kin, yung “5-seconds-rule” na yan nung bata ako ay isang form ng backtrack. Dahil feeling ko nairewind ko in just 5-seconds yung moment na nahulog yung pagkain ko dahil nakain ko ito ulit.

Naniniwala kase ako na pwede pang pulutin ang isang bagay na nahulog na, kase, sayang. 
Pero siguro, that’s the irony of life. May mga bagay na hindi talaga sakop ng "5 Seconds Rule". May mga pangyayaring hindi na pwedeng bawiin pa dahil nangyari na. Mga bagay na hindi na pwedeng ibalik pa dahil nasugatan na. Minsan nga, kahit wala na yung sugat, andun pa rin yung lamat. Yung kahit pulutin mo ulit at pagpagan para magmukhang malinis, sa huli, andun pa rin yung thought na nadumihan pa rin. Kaya wala kang ibang choice kundi itapon na lang kahit nakakapanghinayang.



Repost from Ako si Tunay na Pag-ibig . 

Natuwa lang ako sa message niya. Mababaw basahin pero may malalim na kahulugan. Kung minsan, may mga bagay talaga tayong sadyang pinanghihinayangang itapon kaya naman kahit nahulog na o narumihan na pinipilit pa rin nating tanggapin. Ang buhay ay sadyang ganyan. Parang pagkain rin lang. Sabi nga nila "Hindi na baleng di masarap basta good for the heart".