Wednesday, February 04, 2015

Love is like a cup of coffee : Chapter 2: My-Name-Is-Rain



Impit na tili ang pinakawalan ng mga kaibigan niya ng makarating sila sa canteen. Doon sila dumiretso matapos niyang makalaya sa kissing jail booth.


"Grabe!!! Kaloka ang kissing scene ni Aly. Ang daming witness" kinikilig na sabi ni Demi.


"Oo nga. Sikat ka girl" tumatawang sabi naman ni Phoebe.


"Sus! Ano ba kayo. Para three minutes lang eh" naiiling na sagot niya.


"Three minutes ka dyan. Lagpas five minutes kaya kayong naghahalikan. Para ngang ayaw nyo ng bumitiw sa isat isa eh. Kung hindi pa kami sumigaw na times up na di pa kayo titigil" komento naman ni Razel.


"Grabe Raz noh? Kung makayakap si Aly dun sa guy wagas. Kadiri." Natatawang sabi ni Johana.


"Yakap?? Hoy hindi kaya!" Tanggi niya.


"May ebidensya kami" sabi ni Akira at inilabas ang cellphone nito.



Binidyohan pala sila nito at kitang kita nga ni Allison ang paghahalikan nilang dalawa nung lalaki. Nakapikit pa siya at tama nga ang sinabi ni Johana na nakahawak siya sa likod nung lalaki kaya nagmukhang nakayakap siya rito. Pulang pula naman ang mukha ni Allison.


"Shocks! Nakakahiya!"


"Okay lang. Gwapo naman kakissing scene mo eh. Nalaman mo ba name niya?" Tanong ni Aiesha.


"Hindi eh. Basta narinig ko dun sa exgf niya Rain yata"


Rain? As in my-name-is-Rain? Yung bida sa Fullhouse? tanong ni Aiesha.


"Oo. Yung kalahi mong tsekwa


"Rain Sebastian ang name niya. Engineering student. Fourthyear" sagot ni Johana.


Napatingin naman sila dito.


"Paano mo nalaman?" Tanong ni Allison sa kaibigan.


"Tinanong ko dun sa humuli sayo. Sabi ko kasi kapag nabuntis ka alam namin kung sino ang hahanapin" nang aasar na sabi nito.


"Sira ulo! Wala pang nabuntis sa halik." aniya at hinampas pa ito sa braso.


"Malay mo na may sa pagka Mama Mary ka pala. Immaculate conception" sagot naman nito at marahan siyang binatukan.


Ganyan talaga silang magmahalang magkakaibigan, nagsasakitan!


"Ewan ko sayo!"


"Pero infairness Aly. Sikat pala yung kakissing scene mo ah. Ang narinig ko kasi nanalo daw yun na Mr. CSL last year. Ang daming fans at nagkakagusto dun. Kita mo naman yung ex jowa niya. Ms. CSL naman daw." Inporma naman ni Razel. As usual basta may balita asahan mo nang alam ni Razel yan. Silang dalawa ni Johana kasi ay myembro ng Students Council.


"Pakelam ko ba dun? Wag niyo na ngang gawing issue yun. Para halik lang eh. Nadadaan sa toothbrush yun" balewalang sabi niya at nakikuha sa chips na nilalantakan ni Akira.


"Pero first kiss mo yun" giit ni Akira at tinampal ang kamay niyang kumukuha sa kinakain nito.


"Eh ano naman? Mabebenta ko ba yun? Kikita ba ako dun? Hayaan nyo na" sagot niya at marahang hinila ang buhok ni Akira kaya binigyan na din siya nito ng chips.


Anong lasa? Anong feeling? usisa ni Demi.


Wala. Wala akong nafeel kaya tigilan niyo na ako.


Nagkibit balikat nalang ang mga kaibigan niya at hindi na siya kinulit pa. Pero narinig niya pang bumulong si Bea kay Demi.


"Kung ako yun for sure kikiligin talaga ako"


***


Kinabukasan ay hindi pumasok si Allison sa eskwelahan. Wala namang klase at ayaw niya pang pumasok dahil baka makulong na naman siya. And besides, baka bigla niya pang makita yung lalaking nakasama niya sa selda.


"Allison anak, hindi ka ba papasok?" Tanong ng ina niya nang maabutan pa siya nitong nakahilata sa kama.


"Hindi na muna Ma. Wala namang klase eh. Foundation week namin ngayon"


"Bahala ka. Iniwan ko ang pagkain mo sa mesa. Aalis na muna ako"


"Sige po Ma, ingat ka" anya at humalik sa pisngi nito.


Binalak ni Allison na matulog nalang maghapon. Hindi naman siya nagugutom.


***


Ang nag-iingay na boses ni Bruno Mars habang kinakanta ang "Marry You" ang gumising sa kanya. Nakapikit pa ang mata na inabot niya ang cellphone at sinagot ang tawag.


"Hello"


"Nasaan ka?"


Boses ng kaibigang si Johana ang narinig niya.


"Bahay. Natutulog. Bakit ba?"


"Ano?? Natutulog ka? Hoy! Bakit hindi ka pumasok?" Sermon nito.


"Wala namang klase eh. Tinatamad ako"


"Puro ka nalang tinatamad. Balak kasi naming manood ng sine. Manlilibre si Bea. Trip daw niyang magwaldas ng pera eh"


"Kayo nalang muna. Tinatamad talaga ako. Meron ako ngayon"


"Bahala ka nga. Iinggitin ka namin. Sana yumaman ka sa katamaran mo" anito at binabaan na siya ng telepono bago pa man sya makapagpaalam dito. Mga kaibigan niya talaga walang manners.


***

Pangatlong araw ng foundation week nila sa eskwelahan. Minabuti nang pumasok ni Allison dahil wala din siyang magawa sa bahay. Nabobored siya. Nagtext din siya sa mga kaibigan pero mukhang busy ulit ang mga ito. Ultimo si Akira na kapit bituka niya sa katamaran ay nakakapagtakang busy din. Minabuti nalang niya na maglibot mag isa. Nag iingat na siya na wag mahuli ulit at makulong.


"Hey!" Biglang may humawak sa braso niya.


Mahuhuli na naman ba siya? Walang tingin tingin at sabi sabing hinampas niya ang mukha nung lalaking humawak sa kanya. Ni hindi na nga niya nakita ang hitsura nito. Basta nagtatakbo na siya paalis sa lugar na iyon nang mabitawan siya.


"Grabe! Bakit ba ang malas ko naman yata! Buti nakataas ako or else malaking kahihiyan na naman ito" hinihingal na sabi niya.


Sa may garden ng eskwelahan siya napadpad kakatakbo. Hindi niya alam na may ganito kagandang parte pala ang eskwelahan nila. Kung sabagay, hindi naman siya nagagawi dito.


"Hey!"


Hanggang dito ba naman ay nasundan siya ng mga humuhuli sa kanya?


"Okay stop it! Wag mo akong hahampasin ulit"


Parang pamilyar sa kanya ang supladong boses na iyon. Dahan dahang nag angat ng tingin si Allison upang tignan kung sino ang kumakausap sa kanya.


"Ikaw?" Gulat na tanong niya.


Ang taong nasa harapan niya ngayon ay ang taong nakasama niya sa selda. Ang taong kumuha ng first kiss niya.


"Bakit mo ako tinatakbuhan? Galit ka ba sakin?" Tanong nito


"Ha? Hindi. Akala ko kasi myembro ka ng discipline committee at huhulihin mo na naman ako eh"


Hindi naman ako pwedeng magalit na ninakaw niya ang first kiss ko diba?


"I see. Natrauma ka na pala. Kaya pala hinamapas mo ako sa mukha"


Napangiwi naman si Allison.


Sorry


Okay lang. Gusto ko lang sanang magsorry sayo


Sorry saan?


Dun sa jail booth. I kissed you


Ahhh.. wala na yun. Hayaan mo na tapos na eh. Ayoko nalang makulong ulit


Yeah right. Anyways, bakit nga pala nag-iisa ka?


Busy yung mga kaibigan ko eh


Ahhh. Ano nga palang name mo? Pwede ko bang malaman?


Allison


Nice to meet you Allison. My name is Rain


Bigla namang natawa si Allison sa paraan nang pagkakasabi nito sa pangalan nito.


Why? nakakunot ang noong tanong nito. Nainis pa yata na pinagtatawanan niya.


Sorry. Naalala ko lang yung commercial ni Rain ng shampoo


Mas gwapo naman ako dun maangas na sabi nito.


Kapal ah


Allison, gusto mong magkape? biglang yaya nito


Kape? Tanghaling tapat? nagtatakang tanong nito.


Oo. Tara, Starbucks tayo.


Hindi naman tayo close bakit ako sasama sayo? Malay ko ba kung kidnapper ka o rapist tanggi ni Allison.


Hindi po ako kidnapper and lalong hindi ako rapist. Itong mukhang ito? Baka magdemand pa ng round two yung rereypin ko


Waaahhhh!! Virgin pa ako! Dont say bad words sigaw ni Allison at tinakpan ang tenga.


Sorry. Pero hindi ako masamang tao. Gusto ko lang ng kasama at tama namang nakita kita. So please?


Eh hindi naman tayo close eh. Hindi kita kaibigan. Muling tanggi niya.


"Well, may point ka dun. Pero we kissed, isnt it enough para sabihing close tayo?


Okay fine! Wag mo na ipaalala sakin yan okay! Nasira na ang pantasya ng first kiss ko


That was your first kiss? gulat na tanong nito.


Oo naman! Ang bata ko pa noh! And besides hindi ko naman ugali na makipaghalikan kung kanikanino. Pero ninakaw mo ang first kiss ko


Bigla namang natawa si Rain.


Huwag kang mag-alala, Ang first kiss naman kasi na matatawag ay halik sa taong mahal mo. With feelings kumbaga. Hindi mo naman ako mahal kaya hindi yun matatawag na first kiss. Isipin mo nalang nadapa ka tapos tumama yung lips mo sakin. Ganun. Paliwanag nito.


Anong klaseng reasoning yan?! napapantastikuhang tanong niya dito.


Wala. Imbento ko lang kesa naman lagi mong iisipin na nawala na ang first kiss mo


Oo na. ang dami mo pang sinasabi.


So? Tara? Kape tayo


Sige. Pero bago yan inilabas niya ang cellphone niya at kinuhanan ng picture si Rain. Ipapadala ko ito sa mga kaibigan ko, para kapag may nangyareng masama sakin, ikaw ang hahanapin nila aniya.


Grabe ah. Magkakape lang tayo. Masyado kang OA. Tara na nga


Pero hindi naman ipinasa ni Allison sa mga kaibigan ang litrato nito. Nagtext lang siya kay Akira na kasama niya si Rain.


***


Author's note:


Sa mga hindi nakakaalam, Rain ang tunay na pangalan ni Justin dun sa Korean TV Series na Fullhouse. Imaginin niyo na din na siya yung bidang lalaki sa kwentong ito :)



No comments:

Post a Comment