Sa Starbucks malapit sa eskwelahan nila siya dinala ni Rain.
Mukhang suki yata ito sa coffeeshop na iyon dahil kilala na ito ng mga
empleyado dun. Halata ngang nagpapacute pa ang iba dito.
“Tambay ka ba dito?” tanong niya nang makaupo sila.
“Well, you can say that. Mahilig kasi akong magkape. Sabihin
na nating adik ako dun.”
“Talaga? Ngayon lang ako nakakilala ng tulad mong adik sa
kape” nailing na sabi niya.
“Ewan ko nga din ba. Iba ang epekto sa akin ng kape.
Nakakapagpakalma.”
“Kape? Nakakapagpakalma? Eh di ba nakakapagpanerbyos nga
yun?’
“Siguro iba iba naman sa tao yan. Basta iyon ang epekto
sakin ng kape.”
“Ayos ka din noh? Kape.” Natatawang sabi ni Allison.
“Alam mo ba na ang Love ay parang kape din”
“Oh? Bakit naman? Ayusin mo sasabihin mo ah. Upakan kita
kapag joke yan” banta niya rito.
“Bayolente naman nito.” Nailing na sabi ni Rain at binato
siya ng tissue. “Ang kape kasi, mainit diba? Kailangan dahan dahanin mo ang
pag-inom kung ayaw mong mapaso. Parang love, kailangan dahan dahan kung ayaw
mong masaktan.”
“Naks! Ang deep ah. Naniniwala ka naman ba dyan?”
“Oo naman. Hindi lang halata pero hopeless romantic ako”
“Talaga lang ah. Eh bakit ang sakit mo magsalita dun sa Ex
girlfriend mo?” huli na para bawiin ni Allison ang sinabi dahil natahimik na si
Rain. “Sorry” hinging paumanhin niya kaagad.
“Ang Love, parang kape. Mapait” simpleng sagot nito.
“Pero masarap” sagot ni Allison.
“Ang alin?” nagtatakang tanong ni Rain.
“Itong kapeng iniinom ko.” Anya at tinaas ang hawak na kape.
“Ahh”
“Parang love, mapait pero masarap pa ding mainlove”
nakangiting sabi niya.
Napangiti naman si Rain.
“Nainlove ka na ba?” tanong nito.
“Hindi pa. Pero mahilig akong magbasa ng mga love stories”
“I see. Well, malalaman mo ang sarap ng love kapag ikaw na
mismo ang nakaranas.”
“Pero malalaman mo din ang pait”
“Ganun talaga. Parte yan eh. Kung walang sakit paano mo
malalaman na nagmamahal ka na pala”
“True. Masyadong nakakanosebleed ang pinaguusapan natin.
Dumudugo na ilong ko”
“Oh! Tissue” anito at inabutan siya ng tissue.
“Sira!”
Napangiti nalang si Allison. Nag-eenjoy siyang kausap si
Rain.
***
“So, kumusta ang date niyo ni Ulan?” tanong ni Akira sa
kanya.
Kasalukuyan silang naglalakad papuntang canteen kung saan
naroon ang iba nilang kaibigan.
“Ulan?” nagtatakang tanong niya dito.
“Ulan. Si My name is Rain”
“Ahhh.. date ka dyan. Hindi noh! Nagkape lang kami”
“Kape? Tanghaling tapat?”
“Oo. Ayos nga eh.”
“Ayos ka dyan. Adik kamo. Ang init init eh”
“Whatever!”
“Ano namang pinagusapan niyo?”
“Kape” simpleng sagot ni Allison.
“Kape??? Nagkape kayo tapos pinagusapan niyo kape din?”
nagtatakang tanong nito.
“Oo. Ang saya nga eh. Ang kulit niya kausap”
“Ay ambot sa imo! Naadik na kayo sa kape” nailing nalang na
sabi ni Akira.
Hindi nalang inintindi ni Allison ang kaibigan. Wala siyang
balak na magkwento tungkol kay Rain.
“Allison” tawag sa kanya ng isang boses.
Napahinto naman silang dalawa ni Akira para tignan kung sino
ang tumawag sa kanya.
“Rain. Bakit?”
“Buti nakita kita. Kaibigan mo?” tanong nito sabay tingin
kay Akira.
“Oo. Si Akira. Aki, si Rain”
“Hi” bati ni Rain.
Ngumiti lang naman si Akira dito.
“Bakit mo ako hinahanap?” tanong ni Allison kay Rain.
“On the last day of the foundation week, may Masquerade
dance party. Can I invite you?” yaya nito.
“Ha?” hindi magets ni Allison ang sinasabi ni Rain.
“Sabi ko po, pwede ka bang yayain sa dance ball?”
“Dance ball? Sayaw? Hindi ako marunong sumayaw” tanggi niya.
“Hindi mo naman kailangang sumayaw eh. Basta pumunta ka lang
okay na. May mga foods naman at drinks. Getting to know each other lang ng
ibang students. ”
“Eh bakit mo ako niyayaya? Hindi mo ba kayang pumuntang
mag-isa?”
“I just want you to be my date”
“Date? Ayoko. Mamaya makita pa ako ng Exgirlfriend mo awayin
pa ako nun. Saka Rain, hindi naman tayo close bakit dikit ka ba ng dikit
sakin?” tanong niya dito.
Mukha namang naoffend si Rain sa sinabi niya.
“Sorry. I just thought that we’re friends. Pasensya sa
abala” nagpaalam na ito kay Akira at iniwan na sila.
“Tsk tsk! Ang harsh!” nailing na sita ni Akira sa kanya.
“Anong harsh dun? Totoo naman ang sinabi ko ah” depensa
niya.
“Ewan ko sayo. Sa barangay ka magpaliwanag” at nagpauna na
itong maglakad papuntang canteen.
Nang makarating sa canteen ay lihim na nagpasalamat si
Allison dahil hindi na binanggit ni Akira sa mga kaibigan ang naging pagkikita
nila ni Rain. Hindi rin naman kasi niya alam kung anong sasabihin sa mga ito.
Mabuti nalang talaga at walang ibang laman ang utak ni Akira kundi pagkain.
“Hey girls, alam niyo ba na at the end of the Foundation
week ay magkakaroon ng Maquerade dance ball?” tanong ni Johana sa kanila.
“Yeah. Narinig ko nga din yan. Ang alam ko nga may bonfire
pa daw eh” sagot ni Phoebe.
“Tapos nakapalibot sa bonfire yung mga sumasayaw” sabi naman
ni Bea.
“Ang pinakaexciting sa lahat, kung sino daw ang kasayaw mo
pagpatak ng alas dose ang soulmate mo” kinikilig na dugtong ni Demi.
"Tama! At sabay kayong magtatanggal ng maskara niyo.
Exciting!" Kinikilig na sabi ni Bea.
“Naniniwala kayo dun?” nailing na tanong ni Allison sa mga
ito.
“Wala namang masama diba? Well, para sakin hindi mahalaga
yun kasi si Marrion na ang soulmate ko” nangangarap na sabi ni Aiesha.
“Si Marrion mo na hindi nag-eexist!” kontra dito ni Razel.
Nung nakaraan kasi ay naging usapan nila ang lalaking lihim
na minamahal ni Aiesha. Ayon dito ay kababata nito iyon pero nagkahiwalay ang
mga ito. Napagkatuwaan pa nga nilang pagpustahan ito dahil nagpahayag si Aiesha
na kapag nagkita muli ito at ang kababata nito ay yayayain na itong magpakasal
ni Aiesha.
“Pupunta ba kayo?” tanong ni Phoebe.
“Ako pupunta. Balita ko may pagkain eh” sagot ni Akira.
Basta pagkain talaga hindi nito palalagpasin.
“Ako din. Minsan lang ito eh” sabi naman ni Demi.
“Eh di pumunta na tayong lahat” suhestyon naman ni Johana.
Wala nang nagawa si Allison nang magdesisyon na ang mga
kaibigan niya. Kung sabagay, minsan lang naman.
Naalala niya tuloy bigla si Rain. Mukhang naoffend nga yata
niya ito. Pinag-iisipan niya kung magsosorry siya dito kapag nakita niya ito
ulit.
***
No comments:
Post a Comment