Tuesday, February 07, 2012

After All : Chapter 32

32 : Dream Girl

[Aya’s POV]

After 5 years of not seeing them I feel glad that I can be able to face them now. Pagkatapos ng mahaba-habang yakapan ay naupo na din ako sa sofa sa loob ng suite ko.

“Sunshine, I never thought that you would enter the world of showbiz” puna sakin ni Ate Queen.

Natawa ako. Maski din naman ako sa sarili ko hindi ko ineexpect that I would become a star in Japan.



“Actually accidental lang yung pagkakapasok ko sa showbiz. My family in Japan owns this network company pala then my Grandfather tour me there. Ang daming artista sobrang gwapo at ganda. Then nung minsang nagpunta ako sa mall nakilala ko yung manager ko ngayon. She offered me to be a star. At first hindi niya nga alam that our family owns that network company eh. Saka nung una ayaw ako payagan nila Lolo at Lola magugulo lang daw ang buhay ko but when I told them na matagal ng magulo ang buhay ko they don’t have a choice kundi payagan ako para daw malibang na din ako. But kapag nagkaroon dawn g issue or nadawit yung name ko sa isang iskandalo they will automatically stop me from being a star. Fortunately sa 5 years ko in showbiz industry wala naman ako naencounter na big issues.”

Marami rami na din akong pinagdaanan sa Japan kaya nga natuto na akong maging matatag at matibay.
“ Sikat ka na nga eh. You’re having a concert here right? For the benefits of the foundation you’re supporting.” Sabi ni Lieu.

“yeah. I personally chose that foundation talaga ever since.”

“May asawa ka naba?” biglang tanong ni Vince.

Nagulat ako sa tanong ni Vince. All of a sudden magtatanong siya ng ganun.

Napangiti ako sa kanya.

“asawa? Bakit? Mag-aaply ka?” nakangiting tanong ko.

Biglang namula ang mukha ni Vince na ikinatawa naming lahat.

“Si Vince nagbablush!!!” pang-aasar ni Jake.

“Uy!!!! Crush mo si Aya noh?!” gatong naman ni Vaughn.

Natatawang sinita nalang sila ni Vince.

“Ui! Wag nga kayong ganyan. Nakakahiya kay Miss Aya.”saway ni Vince sa kanila.

“Miss Aya daw oh…Aya nalang..para ka namang others niyan eh. Barkada din namin yan si Aya noh.” Pagtatama ni Lieu.

Napatingin sakin si Vince.
“Okay lang ba na tawagin kitang Aya lang?” alanganing tanong niya sakin.

Tumango ako.

“Okay lang. why not?” I shrugged my shoulders.

“thanks.” Namumulang sabi ni Vince.

I’m happy to see him again. He still posses that boyish look and that killer smile na sobrang nakakaadik talaga.

I could feel my heart beat.

Bigla akong napatingin sa mga barkada ko. Halos wala naman sila masyadong pinagkaiba.

“Neweiz..Vaughn-tot balita ko sa PBA ka na daw ah…kumusta naman ang dakilang torpe ng bayan?” pang-aasar ko kay Vaughn.

“Ayan ka na naman sa pang-aasar mo Aya ah..hehe..”

“May girlfriend ka naba?”

Pumalatak si Vaughn.

“Tsk! Girlfriend?”

“Walang girlfriend yan si Vaughn. Boyfriend meron.” Pang-aasar naman ni Jake.

“Lol!!! Mukha mo!!!”
“Naku naman Vaughn kung maghahanap ka lang ng girlfriend andyan naman si Rhapsody oh..” sabay turo ko kay Rhaffy na abala sa pagkain sa tabi ng inorder na food ni West.

“oh? Bakit nasali yung pangalan ko dyan?”

“Siya ba si Rhapsody?” tanong ni Vaughn.

I glared at him.

“Ano ka ba naman Vaughn-tot matagal ko na pinakilala si Rhaffy sayo ah. College palang tayo nun.” Sita ko sa kanya.

“Ha?Wala akong matandaan eh.” Kunot-noong sagot naman ni Vaughn.

“Gusto mong tuluyan ng walang matandaan?” nandidilat ang matang sabi ko.

“Hala..ganun? kelan ko siya nakilala? Kung nakilala ko na siya nung college palang eh di sana niligawan ko na yan.”

Umuugong na tuksuhan tuloy ang narinig sa loob ng suite.

“Guys, wag nga kayong ganyan” namumulang saway ni Rhapsody.

“UY!!! Nagbablush si Rhaffy!!!”

Ang saya- saya nilang kasama.. at least ngayon kahit papano nakakangiti na ako ng malaya.

^_^


[Vince POV]

So, siya pala si Aya…

Ang ganda niya..hindi siya nakakasawang tignan.

Wait…sabi nila Lance kay Aya daw galing itong bracelet na suot ko. Siya din kaya yun?

I stare at her closely. Somehow I have this feeling na matagal ko na siyang kilala. I could feel my heart beating faster whenever she smiled at me.

At ang ngiting iyon..kilalang kilala ko ang mga ngiting iyon.

Tinitigan ko pa siyang mabuti. Nakikipagtawanan siya sa mga kasama namin.

I look at her eyes…her nose..her lips…

Her lips…

Those lips looks familiar to me..

Parang biglang may nagflash sa isip ko.

Tama..

Yung babae sa panaginip ko..
That woman in my dreams and the woman in front of me posses that lips and that sweet smile.

Could it be???

Could it be that they’re the same??

Could it be that she’s the woman in my dreams???

“Ang ganda niya noh?” nagulat ako ng biglang magsalita ang katabi kong si Lance.

Napansin siguro niyang tinititigan ko si Aya.

I look at her again. Kahit ilang bese siguro hindi ako magsasawang titigan siya.

“Yeah..you’re right.” Nakangiting sabi kong hindi inaalis ang tingin sa kanya.

“Do you know that there was a time that I loved her?” narinig kong sabi ni Lance.

Napatingin ako kay Lance. Ang alam kong girlfriend niya ay si Regine. Yung babaeng katabi ni Aya.

Mukhang nabasa naman ni Lance ang iniisip ko kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

“Bago ko maging girlfriend si Regine si Aya yung mahal ko. She’s my bestfriend since time immemorial. But bago ko pa masabi yung feelings ko sa kanya she already belong to some one else.” Kwento ni Lance.
“May boyfriend na siya?” tanong ko.

“Yeah…May boyfriend na siya bago ko pa nasabi sa kanyang mahal ko siya. And when I have the courage to tell her that I love her she told me that she loves her boyfriend more than she loves me. I’m just her best friend.”

“Ang swerte naman nung guy.” Komento ko not knowing ako yung guy na tinutukoy ni Lance.

“Yeah!!! He’s so damn lucky to be Aya’s boyfriend. Sikat si Aya sa school namin kasi siya yung President nung student council. Maraming nagkakagusto sa kanya pero ang pinili niya eh yung lalaking iyon. Kaya nga nung sinaktan niya si Aya gusto ko siyang bugbugin. Gusto kong ibigay sa kanya lahat ng sakit na dinaranas ni Aya.” Napatiim-bagang si Lance nung sinabi iyon.

Ewan ko pero Nakaramdam din ako ng sakit nung sabihin ni Lance na nasaktan si Aya. Parang I cant bear to see her hurting.

“Ang mga babaeng tulad niya hindi dapat sinasaktan. That damn guy is a bastard for hurting her.”

“Sinabi mo pa.”

“marami namang boys dyan eh. May boyfriend na ba siya ngayon?” I curiously asked.

Napatingin sakin si Lance.

“Wala. Because she’s still in love to that bastard guy.” Sabi ni Lance at matiim na tinitigan ako.
Ewan ko pero parang iba yung tingin niyang iyon. Parang may ibig ipakahulugan.

Napatingin ulit ako kay Aya.

Ang ganda talaga niya tanga yung lalaking iyon para iwan siya.

“No offense meant pero do you still love her?” I asked referring to Aya.

Lance look at Aya’s direction.

“As of now… I don’t love her anymore the way I loved her before. She’s just a best friend to me now. Si Regine… She’s the woman that I love now..Si Aya ang first love ko…pero si Regine…siya ang true love ko.” Nakangiting sabi ni Lance habang nakatingin sa direksyon nila Aya at Regine na nagkataong magkatabi sa upuan.

It’s a refreshing sight seeing Lance smile.

“Sa simbahan na ba ang tuloy niyan?” I joke.

“Wala pa kaming napag-uusapan eh. Saka mga bata pa naman kami. There’s no reason to rush.”

“You’re right. Kaso ikaw din baka biglang magbago ang isip ni Regine at iwan ka.”

“Eh di hahabulin at babawiin ko siya”

“Nice..goodluck and congratz..”

“Thanks.”

Napatigil kami sa pag-uusap ng makarinig kami ng tawanan mula sa mga barkada.

^_^


[Queen’s POV]

Mayat maya ay di ko maiwasang mapatingin kay West lalo na kapag di siya nakatingin. Naaalala ko pa rin ang pagkapahiyang naranasan ko kanina. Peste kasi yang sapatos nay an eh panira ng diskarte. Mabuti nga at sa basurahan ang bagsak nun.

The only problem is wala akong spare shoes.

“Sunshine, pahiram ako ng slippers mo ah.”

Napatingin sakin si Aya. Nagtatanong ang mga mata at napatingin sa paa ko.

“Why? What happened? Where’s your shoe?”

“I threw it outside.”

“What??? You threw it?” gulat na sabi ni Aya.

“Ang yaman ni Queen ah nagtatapon nalang ng sapatos.” Biro ni JM.

“Peste kasi yung shoes na yun. Panira.” Nakasimangot na sabi ko.

“Ahh…okay..sige” tumatangong sagot ni Aya. Bumaling ito sa secretary nitong si Gia “Could you please bring here my shoes so that Ate Queen could chose what she likes.”

“Yes Miss Aya.”

Bumaling naman ito kay West.

“Kuya, samahan mo si Gia. Mabigat yung bag ko.”

“Hay naku! Bakit ko naman bubuhatin yun para lang kay Queen.” Nakasimangot na sabi ni West.

Aba?! Napakasuplado naman nitong lalaking ito. Upakan ko kaya ito. Kanina pa siya sumosobra sakin ah. Napahiya na nga  ako sa kanya tapos aasarin niya pa ako at pagbibintangang nagpapacute ako sa kanya.

Nagpapacute ka naman talaga eh..

“Hay naku Sunshine wag mo ng utusan yang kakambal mo at baka maging utang na loob ko pa sa kanya yun.” Mataray na sabi ko at inirapan si West.

“Tsk! Sino ba kasing nagsabi sayo na itapon mo yung sapatos mo.”

“That’s none of your business.”

“Well it’s mine dahil inuutusan ako ng kapatid ko para lang sayo.”

Naku talaga oh!!! Ganun ba kaallergic itong si West sakin para pagsupladuhan ako ng ganito.

“Pansin ko lang West ah parang nawawala yung pagiging gentleman mo when it comes to Queen.” Puna ni Lieu.

“Tsk! Kahit naman ako hindi magiging gentleman kapag iyang babaeng iyan ang involved eh.” Nakasimangot na singit ni Jake.

Teka!!!  Bakit nagiging dalawa yata ang kalaban ko?!!!

“ Sino bang nagsabing gentleman ka?” pang-aasar ni Vaughn.

“Kayo nga magsitigil..para kayong hindi lalaki eh. Kung masyadong nakakahiya sa inyo eh ako na lang ang magbubuhat.” Sabi ni Aya at tumayo.

Pero mas maagap si Vince.

“Ako nalang nakakahiya naman sayo kung ikaw pa ang magbubuhat.” Prisinta nito at sumunod na kay Gia.

Nagkatinginan naman kaming lahat.

I smiled.

“Do you think he remember you?” tanong ko kay Aya.

“I don’t know.”

“He doesn’t remember you but her body told him so. Mas mabilis gumana yung instinct ng katawan niya.” Biglang sagot ni Lance dahilan para mapatingin kami sa kanya.

“What do you mean honeybunch?”

“May Mga tao kasi na parang pamilyar na sa kanila yung ginagawa nila or nasanay na yung katawan nilang gawin yun kaya kusa na itong gumagalaw bago pa makapag-isip ang utak.” Sagot ni West.

Napatingin ako kay West.

“Ikaw na ba ngayon ang honeybunch ko?” pang-aasar ko.

Napasimangot naman si West.

“Sinasagot ko lang yung tanong mo.”

I smiled devilishly.

Mukhang matira matibay ang labanan naming nitong si West ah..

Infairnes…I’m excited..hehehe..


No comments:

Post a Comment