Friday, February 10, 2012

Isang kwentong walang ‘wenta


Kung binabasa mo ito sa mga oras na ito ay ngayon palang nagpapasalamat na ako sayo.

Gusto ko lang ikwento ang mga araw na nagdaan sa buhay ko ngayong pagpasok ng taon ng dragon. (parang adik lang noh? Kung kelan February na saka ko lang naisipang isipin ang taong 2012) sadyang nagging busy lang talaga ako nitong nakaraang buwan kaya di ako nakapagkwento…maski nga sarili kong planner eh di ko na na-uupdate.

Noong highschool at college palang ako ay nagsusulat ako sa diary..pero mula ng pakialaman ng nanay ko ang diary ko at nabasa niya ang laman nun (na puno ng sentimyento ko sa buhay) ay itinigil ko na ang pagsusulat. Ayoko pa namang may nangingialam ng gamit ko kahit na nanay ko pa yan. (kayo ba okay lang sa inyo na may makialam sa personal na gamit niyo? Kung okay lang sa inyo kayo yun…ako ayoko)

Ayun..magmula nga ng tumigil ako sa pagda-diary eh hindi na din updated ang takbo ng buhay ko. Kapag may nangyaring maganda (o panget) sa araw ko ay itinatanim ko nalang siya sa utak ko…dun nalang muna siya magtago.

Sa pagpasok nga ng taong 2012 ay madaming pangyayari sa buhay ko na sadyang nakalimutan ko na. (pasensiya na makakalimutin na ako) wala din kasing halaga yun para sakin.

Pero syempre yung mga bagay na may halaga sakin eh natatandaan ko pa…lalo na ang mga taong naging bagong bahagi ng buhay ko.

Tulad ng pagkakaroon ko ng kaibigan dahil sa blog at sa PF dahil sa kanila ko nakita ang bliss ko.

Ang mga PF family ko ang talagang kinaadikan ko ngayon. Mula ng makilala ko sila lalong lalo na ang mga kajosa kong sina Queen at Regine ay mas nainsipire ako sa pagsususat…pakiramdam ko nahanap ko ang mga soul sisters ko…pag nadedepress ako at minsan naiisip kong bipolar na ako sasabihin nila sakin na hindi ako nag-iisa…na pare-pareho lang kami..kaya siguro kami naging magkakaibigan kahit na ni minsan ay hindi pa kami nagkita ng personal…tanging sa Facebook, blog at PF lang kami nag-uusap…sapat na yun para makilala namin ang isat-isa..

Ang mga boss ko sa opisina na talaga namang nakakatuwa (at nakakaadik sa sex appeal) ang isa din sa nagpadagdag ng kulay sa taon ko…ang mga kulitan namin sa opisina…mga pang-aasar nila sakin at paglalambing…sa kanila ko nagkaroon ng matatawag na ate at kuya (since ako ang panganay sa mga kapatid ko)…ang pagtatanggol nila sakin kapag may gustong pumorma sakin sa office…pero minsan naman itinutulak nila ako sa iba para lang asarin…ang panlalait nila ng malaman nilang crush ko yung IT namin…(Actually iniisip ko rin hanggang ngayon kung bakit ko ba naging crush yun?)nakakatuwa dahil wala akong dull moments kapag sila ang kasama ko.


Kahapon ang lungkot-lungkot ko…yung pakiramdam na gusto kong magpaka-emo kaso ayaw makisama ng luha ko..parang sumuko na siya at talagang pinanindigan ang sinabi ko noon na hindi na ako iiyak ng walang dahilan…samantalang dati-rati konting bagay lang iniiyakan ko na..sayang gusto ko pa naman sana magdrama…nagdrama nga ako di nga lang masyadong effective dahil walang luha.


Parang ewan lang yung big boss namin….gustong ipatanggal lahat at irenovate ang buong department…hallleerrr??? Saan naman niya balak ilagay ang mga tao dun diba? Mag-floating? (hindi floating sa tubig ah) kaya naman ang gulo-gulo ngayon ng opisina…pati mga bossing ko natuturete sa kanya….natawa nga ako sa sinabi ng supervisor ko eh…sabi kasi niya imbes na isa-isahin ang pagbabaklas ng mga department dito eh sunugin nalang daw namin ang  buong building…kinukuntsaba niya pa yung mga bossing ko…basta daw sabihan lang siya kung kelan nila balak sunugin ang opisina namin at ng maiuwi niya yung mga alahas niya…ang supposed to be cause of fire??? Electrical wiring….grabe..ang talino niya..magandang suggestion nga yun..


Namimiss ko na yung mga college friends ko..lalo na yung bestfriend ko…baka mamaya nag-asawa na pala yun hindi ko pa alam….hindi mo naman pwedeng sabihin na anong silbi ng Facebook o Twitter o Cellphone kung tamad naman gumamit na kahit isa sa mga iyon ang kaibigan ko??? Isa din akong dakilang tamad dahil isang baranggay lang ang layo ng bahay nila samin pero di ko rin siya pinupuntahan.. ang dahilan ko?? Baka kasi pagpunta ko dun ayaw niya pala akong makita..hehe..saka nalang kapag siya na ang unang nagsabi sakin na magkita kami…kaso mukhang malabo iyon ..malabo pa sa tubig kanal dahil isa din yung dakilang tamad…kaya goodluck sa aming dalawa kung magkikita pa kami kung pareho kaming tamad gumawa ng paraan para magkita.


P.S.

>> isang halo-halong kwento lamang ito ng emosyon at nilalaman ng utak ko…pasensya na kung wlang kwenta…gusto ko lang ilabas ang ilan sa tinatagong kwento ng utak ko…masyado na kasi silang marami…ayaw na tuloy makisiksik pa ng iba..

Maraming Salamat.

3 comments:

  1. hwaw naman sis! nabanggit ang pangalan ko dito! soul sistah! >___<

    hindi ka talaga nag-iisa sa pagiging bipolar... ako kaya confirm dahil sa mga tests na nasagutan ko na! ahahaha... *SERYSOSO*

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha...Oo naman...kayo ang nagpasaya sa pagpasok ng taon ko..haha..kayo ni Queen ang soul sistah ko..

      Delete
  2. Thank you for joining BNP! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the Hall of Fame ;)

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    ReplyDelete