Wednesday, January 25, 2012

After All : Chapter 12

12: Ang tunay na lalaki.


[ Vince POV]

Ako na yata ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo.

Syempre sinagot na ako ng babaeng pinakamamahal ko.

Sabi nga ni Dereck Ramsay:

Isn’t it nice…crush mo naging girlfriend mo.


Oh di ba showbiz..

Parang Angel Locsin at Phil Younghusband lang ah..

Favorite kasi yun nung maid namin eh.

Para tuloy gusto kong kumanta.

“ Brhraw, pahiram ng gitara” sabi ko kay Jake.

“Brhraw” is our term of endearment to each other. Ayos no? para kaming mga sira-ulo.

Actually si Jake ang nag-isip nyan eh..nakigaya lang kami.

I started strumming a song.

Wag isipin
Ako'y nagbibiro lamang
At wag sabihin
Ako'y nagyayabang lamang
Napatingin sakin ang mga kabarkada ko nang magsimula akong kumanta.

Ngunit di ko na, inakala na
Ang isang tulad mo
Ay iibig sa, isang tulad ko
Akala ko, hanggang panaginip na lang

“ Trip mo brhaw???” natatawang tanong sakin ni Lieu.

Ako na yata ang pinakamagandang lalaki
Sa mundo sa piling mo
Pagkasama kita ang nadarama

Ako na yata ang pinakamagandang lalaki
Sa mundo...

Yeah... yeah

“ wala na malala na ang isang ito..may sapi na” nailing na komento naman ni Vaughn.

Ahh….i don’t care!!! Inggit lang sila..

Eh sa masaya ako eh…paki ba nila.

Sige lang ako sa pagkanta.

Di malaman, anong nakita mo sa'kin
Di katangkaran at gwapo lamang sa dilim

Ngunit di ko na, inakala na
Ang isang tulad mo
Ay iibig sa, isang tulad ko
Akala ko, hanggang panagip na lang

Itinodo ko pa lalo ang pagkanta. As if inaasar ko pa sila.
Ako na yata ang pinakamagandang lalaki
Sa mundo sa piling mo
Pagkasama kita iba ang asta

Ako na yata ang pimakamagandang lalaki
Sa mundo...

Yeah...

Ako na yata ang pinakamagandang lalaki
Sa mundo sa piling mo
Pagkasama kita ang nadarama

Yeah... yeah... yeah...

“ oo na brhaw… ikaw na…the best ka!!! Woohhh!!! Idol!!!” pang-aasar ni Jake.

Tumayo pa ako at kunwari ay nagbow sa audience.

“ thank you!!! Suportahan po niyo ang album ko” tumatawang sabi ko sa kanila.

Binato naman ako ng candy wrapper ni Lieu.

“ Lol!!! Album your face!!!”
“ano bang nakain mo at parang ang lakas ata ng trip mo ngayon ah?” tanong ni West.

“wala naman. Masama bang maging masaya?” I told them at niyakap ko ng mahigpit si Lieu na nasa tabi ko.

“ ano ba brhaw!!! Tumigil ka nga!!! Wag mo sabihing nababakla ka na sakin nyan!! Alam ko gwapo ako pero di tayo talo!!!” todo palag si Lieu sa yakap ko. Pero dahil mas malaki ang katawan ko sa kanya hindi sya makawala.

“ Im inlove!!!” I said dreamingly.

I can see the shock faces of my friends when I said those words.

“HHHuuwwwaaaatttt????!!!!” sabay sabay na sabi nila.

“ INLOVE KA BRHAW???!!! KAY LIEU???!!!”

“KAILAN KA PA NAGING FAFA??”

isa-isa ko silang pinagbabatukan.

“ mga sira-ulo kayo. Anong tingin niyo sakin bading?? Itong gwapong ito at itong machong ito tatawagin niyong bading???!!!” at kuntodo pose pa ako sa harapan nila. As if yung tipong pang body builder.

“Marami ng gwapo at machong bading brhaw. Hindi na batayan iyan ng pagiging isang tunay na lalaki.” Nailing na komento ni West.

“ tama!!! Tumpak!!!” segunda naman ni Vaughn.
“ang tunay na lalaki walang ABS at lagging naka extra rice!!!” komento ni Jake.

Bigla tuloy kaming nagtawanan.

“ palibhasa wala kang abs eh” tudyo ni West.

“ ang tunay na lalaki gumagapang pauwi kapag nalalasing!!!” sagot naman ni Vaughn

“Woohhhh!!! Nice one brhaw!!!”

“ Labanan ba ito? Oh sige ako naman. Ang tunay na lalaki may paninindigan!” komento ni West.

“ yee bah!!! Kahit kelan talaga brhaw ang bait mo!!!”
“ ikaw na!!! the best ka!!!”

“ baka kunin ka agad ni Lord!!!hehe… peace!!!”

“ ang gulo niyo naman. Sige ako naman.” Saway ni Lieu.

“kami pa ngayon ang magulo ah!! Ikaw nga itong pasimuno sa pang-aasar eh.” Nailing na sagot ni Lance.

“ ohh!!! Shuddap!!! Ang tunay na lalaki hindi nagsusuot ng brief!!!” ani Lieu at biglang tumawa ng malakas.

Nakatikim tuloy sya ng batok mula kay Lance.

“ sira ulo ka talaga. Igagaya mo pa kami sayo!!”

Naiiling na napakamot nalang sa ulo si Lieu.
“ itry niyo lang minsan. Presko.hehe.”

“ Lol! Mukha mo!”

“ oh quiet!!! Ako naman.” Saway ko sa kanila. “ehem…ang tunay na lalaki….marunong maghintay….” pambibitin ko.

“ yun na yun?” nakakunot ang noong tanong nila.

“ ang corny.”

“walang dating”
“ hindi pa ako tapos. Ang tunay na lalaki marunong maghintay sa sakayan ng jeep”

“AAAAAhhhh!!!!” sabay sabay na sabi nila.

“ eh paano kung may kotse?” sarkastikong tanong ni Lance.

“ oo nga naman.hehe.”

“ so ibig mong sabihin lahat tayo hindi tunay na lalaki dahil wala sa atin ang sumasakay ng jeep?” dugtong na tanong pa nito.

“ kung sabagay.” Sang-ayon ko sa kanya. “eh bakit ikaw anong batayan mo ng tunay na lalaki?”

“ hindi ko kailangan ng batayan dahil tiwala ako sa sarili ko na lalaki ako.” Masungit na sagot niya sakin at ipinagpatuloy ang paglalaro niya sa Iphone.

Pinaninindigan niya talaga ang pagiging Prince Sungit niya ah. Hindi ko maintindihan pero pansin ko lately parang mas nagiging masungit siya sa akin.

“ brhaw may galit ka ba sakin?” hindi ko napigilang tanong.

“ may dapat ba akong ikagalit?”

“ yun na nga eh. Wala naman akong natatandaang kasalanan sayo. Pero ramdam ko kasi yung animosity mo sakin eh.”

“ naks brhaw animosity!!! Spell!!!” Jake tried to lessen up the mood.

Pansin siguro niya na nagkakaroon ng tension sa pagitan naming dalawa ni Lance.

“ problema mo na yun. Wag mo na akong idamay sa problema mo. Bahala ka kung anong gusto mong isipin. Wala akong pakialam.”

Medyo nabwisit ako sa sinabi niya kaya medyo nag-iinit na ang ulo ko.

Medyo lang kasi nakakapagkontrol pa ako.

“ tama na yan.” Awat samin ni West.

Tinitigan ako ng masama ni Lance.

Ginantihan ko siya.

Hah! Akala niya magpapatalo ako!

“ oi! Anong meron?” biglang bati ni Aya.

Nakalapit na pala sila sa amin ng di ko namalayan. Kasama niya sina Jm, Avee at Madz.

“mukhang nagkakatuwaan kayo ah. Pasali naman” puna ni Jm.

“ anong topic niyo?” tanong ni Madz.

“ ang tunay na lalaki” sagot naman ni Jake.

“what?! What kind of topic was that?! Bakit? Mga nagdududa na ba kayo sa kasarian niyo?” nakataas ang kilay na tanong ni Aya.

“ hindi naman BABY DOLL…it was just an out of the blue topic” sabi ko sa kanya sabay akbay sa kanya.
Mukhang mga nashock ang mga kaibigan namin.

“ BABY DOLL???”

“ at kelan ka pa nagging manika Aya???!!!”

“ Saka pwede ba Madrigal tanggalin mo yang kamay mo sa balikat ni Aya at naaalibadbaran ako” sita ni Lance.

“ pakialam ko ba sayo!” ganting asik ko sa kanya.

Sumusobra na itong lalaking ito ah.

“ ano ba yan Vince, Lance!” sita ni Aya saming dalawa.

“ could you explain to us kung anong meron at hindi ako makarelate.” Mataray na sabi ni Avee.

I looked at Aya and then to everyone.

“ kami na ni Aya. Sinagot na niya ako.” Nagmamalaking sabi ko sa kanilang lahat as I held Aya’s hand.

“Hhhhuuuuwwwaaaatttt????!!!!”

Mukha silang mga ewan sa reaksyon nila. Ano bang nakakagulat dun eh alam naman nilang nililigawan ko si Aya.
Pero mas nagulat kaming lahat sa ginawa ni Lance.

Bigla siyang tumayo at nagwalk-out.

Pero mas nakakagulat nung ibinato niya nalang bigla yung pinakamamahal niyang Iphone.

Everybody seemed froze for a second.
Walang nakapagsalita.

Lahat kami iisa ang reaksyon.

Shock.

And confused about what happened.

Si Aya ang unang nakabawi.

She tried to follow Lance but I didn’t let go of her hand.

Kahit anong pagpupumiglas ang gawin niya hindi ko parin binibitawan ang kamay niya.
Ewan ko ba. I have this feeling na hindi lang siya isang simpleng pagkashock. May mas malalim pang dahilan.

Tumingin sakin si Aya. Nagtatanong ang mga mata niya.

“ please don’t go” nagmamakaawang sabi ko sa kanya.

Pakiramdam ko kasi kapag binitiwan ko ang mga kamay niya mawawala siya sakin.

Selfish na kung selfish pero natatakot kasi ako.
Ilang sandali muna niya akong tinitigan maya maya’y bumuntong-hininga at ngumiti sakin.

With that simple smile gumaang ang pakiramdam ko. As if she’s assuring me that everything is alright.

I slowly let go of her hand.

Pinulot naman niya ang Iphone na iniwan ni Lance at isinilid niya sa loob ng bag niya.
“ wag niyo intindihin iyon.” She told to our friends. “sinumpong lang iyon ng topak. Mawawala din iyon”

No one answered. Parang lahat ay takot magbitaw ng salita.

Even Jake and Jm are unexpectedly quiet.

Pakiramdam ko merong napakaliking pader na kailangan kong banggain.

As in malaking malaking pader.

No comments:

Post a Comment