31 : Ang Muling Pagkikita
[Queen’s POV]
Bigla kaming naghiwalay ni West sa isat-isa nang biglang nagkaroon ng ilaw. Parang nagkahiyaan kami bigla.
Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko at niyakap ko si West.
Nakakahiya. I could feel my cheeks blush.
“tara na baka hinihintay na nila tayo.” Sabi ni West nang huminto sa 17th floor ang elevator.
Nagpauna na akong maglakad sa kanya.
Pero syempre ginandahan ko ang paglalakad…Alam ko kasi na nasa likod ko lang si West and knowing boys hindi maiiwasang tumitig sila sa babaeng nasa harapan nila.
As a former model hindi na mahirap sakin ang magproject ng magandang lakad.
Carpeted ang sahig ng lobby kaya naman lumulubog ang takong ng sapatos ko. Killer heels pa naman ito pero carry lang yan.
Pero sobrang malas yata talaga ako ngayong araw na ito dahil sa paghakbang ko ay nawalan ako ng balanse at bigla nalang akong natapilok kaya napaupo ako sa sahig.
My Gosh!!!! Sobrang nakakahiya nasa likuran ko pa naman si West.
Agad naman itong lumapit sakin at inalalayan ako makatayo.
“Okay ka lang ba?”alanganing tanong ni West.
Dahil napahiya pinagtakpan ko nalang sa pamamagitan ng pagsusungit ang pagkapahiya ko.
“Mukha ba akong okay? Ikaw kaya matapilok ng bonggang-bongga tapos tatanungin kita kung Okay ka lang ba?!” sigaw ko sa kanya.
Asar talaga!!!!
“Tsk! Ang arte mo naman kasing maglakad eh. Akala mo rarampa ka. Ayan tuloy napala mo. Sa susunod na magpapacute ka sakin siguraduhin mong hindi ka maaaksidente. Dyan ka na nga.” At bigla nalang akong nilayasan.
Gggggrrrrr!!!!! Asar talaga!!!! Grabeng pagkapahiya tuloy ang naramdaman ko. Inisip niya pa na nagpapacute ako sa kanya.
Haaahh!!! Kahit na ba totoo yun nakakahiya pa rin. Bad moves.!
Sa sobrang asar ko ay hinubad ko ang sapatos ko at itinapon sa nakita kong basurahan sa lobby.
Pesteng sapatos iyan!!!
[Vince POV]
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sinundo nalang ako basta sa bahay nila Jake at Lieu at sinabing may pupuntahan daw kami. At kahit panay ang tanong ko sa kanila ay maikli lang ang sinasagot nila.
May bibisitahin lang daw kaming kaibigan. Sino naman kayang kaibigan yun diba?
Wala akong nagawa kundi sumama nalang sa kanilang dalawa.
Sa isang hotel kami sa Makati nakarating. La Breeze ang pangalan ng hotel and based on my observations mukhang mga foreigners ang karamihan sa mga customers dito.
“Anong floor daw ba sila?” tanong ni Jake.
“17th floor daw sabi ni West eh.” Sagot naman ni Lieu.
“Nandito din ba sila?” I asked them.
“Yup.” Tinignan ni Jake ang hawak na cellphone. “Ayan nagtext na si West nandun na daw sila.”
“eh di bilisan na natin. Excited na ako makita ulit siya.” Nagpauna na si Lieu papuntang sakayan ng elevator.
Sumunod nalang ako sa kanila. Wala rin naman akong idea kung sino ang bibisitahin naming dito eh. Basta ang alam ko lang kung hindi mayaman eh sikat yung dadalawin namin.
Naalala ko tuloy yung babae sa magazine na ipinakita sakin nun ni Lance. Hindi naman kaya siya yung pupuntahan naming dito? Pero sa pagkakatanda ko ay sa April pa darating yun eh March palang.
When I saw that girl in the magazine somehow she looks familiar to me. Parang kilala ko siya na hindi ko mawari.
Yesterday I dreamed that I was talking to this girl. Wala siyang mukha sa panaginip ko but I hear her sweet voice and the way she smile is so sweet. Nanghihinayang nga lang ako kung bakit blangko yung mukha niya.
Actually matagal na yun. Matagal ko na siyang napapanaginipan. Still the same dream. Paulit ulit. The girl in my dreams is talking to me, smiling at me.
Wala akong pinagsasabihan nang panaginip kong iyon. Even Ching hindi niya alam yun.
Paano ko kasi sasabihin kung maski ako hindi ko alam kung sino ba talaga siya o kung totoong nageexist ba siya sa mundo ko kaya naman I just treasure that dream of mine. Pero gabi gabi bago ako matulog I always wish that I could see that girl again in my dreams. Kahit man lang sa panaginip ay makita ko siya. Sana nga magkaroon na siya ng mukha para naman makilala ko na siya.
The only clear thing about her to me is her sweet voice and those kissable lips.
Pero saan ko naman kaya siya makikita?
Hindi ko namalayan na palabas na pala kami ng elevator. Nakarating kami sa 17th floor na lumilipad ang isip ko.
Remembering that mystery girl in my dreams.
(>_<)
[Lance POV]
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung tawagan ako ni West at sabihing nandito na sa Pilipinas si Aya. Of course I’m excited to meet her again. Pero kinakabahan ako na ewan.
When I called Regine si Aya daw mismo ang tumawag sa kanya kaya naman nagulat ako.
I know that those two had became friends but I didn’t expect na tatawagan siya ni Aya before us.
Sabagay bago nga pala umalis si Aya nagkaroon kami ng misunderstanding kaya expected na di niya ako tatawagan.
Buti nalang at walang traffic kaya nakarating agad ako sa La Breeze. Binati ako ng guard sa pagpasok ko.
Nakasabay ko pa sina JM at Madz sa elevator.
“Kumpleto na daw ba sila dun?” tanong ni Madz.
“I don’t know.”
“Kasama ba si Vince?”
“Sabi ni Jake kasama daw nila eh.”
“ahhh…okay.”
Nang makarating kami sa 17th floor ay hinanap naming ang suite na tinutuluyan ni Aya.
[JM’s POV]
Pagdating namin sa suite ay nandun na sina Jake, Lieu, Vince, West, Vaughn, Rhapsody at ang pinsan ni Lance na si Queen.
“As usual late si Avee.” Nakasimangot na sabi ni Madz.
“Actually, Nakakapagtaka dahil si Avee ang nauna dito” pagtatama ni Jake.
“Ha? Hindi nga? Eh asan na yung babaeng yun? Saka nasaan si Aya?”
“They went somewhere. But they’re on their way now back the hotel.”
Napatingin kami sa nagsalita. She looks KGG.
As in Kagalang-galang.
“siya si Gia. Personal secretary ni Aya.” Sagot ni West sa tanong namin sa isip.
“Ahh..okay.”
“Nauna daw dumating si Avee dito then niyaya niya si Aya na magcoffee kaya ayun nawala yung dalawa. Hindi na nga namin naabutan eh.”
“Kumain muna kayo.” Sabi ni Gia.
Nagulat kami na marinig siyang magtagalog.
“Nagtatagalog ka?” gulat na tanong ko.
“Miss Aya taught me how to speak Tagalog”
“Really? That’s great. Since you’re here in the Philippines you should speak our language.” Biro ni Jake.
“Eh di dapat nagtatagalog ka din.” Ganting biro naman ni Vaughn.
Nagtawanan kaming lahat. Kahit si Gia ay natawa nalang din sa amin.
Maya-maya ay narinig naming bumukas yung pinto.
Lahat kami ay napatingin sa bumukas na pinto.
Unang pumasok si Avee.
Kasunod si Aya.
“Bestfriend!!!!!!!” tili ko sabay takbo palapit sa kanya.
Niyakap ko nalang bigla si Aya. Napaiyak na din ako habang nakayakap sa kanya.
“I miss you Bestfriend.!!!!”
Sumunod na din sina Regine, Madz, Rhapsody at Queen na makiyakap. Dahilan para maipit tuloy si Avee.
“Grabe naman kayo hindi niyo man lang ako pinaalis muna bago niyo yakapin si Aya.”reklamo ni Avee.
“ I miss you too guys.”
“Alam niyo mabuti pa kaya eh maupo kaya kayo diba?” sita samin ni West.
Bumitaw naman kami sa pagkakayakap kay Aya.
(T_T)
[Aya’s POV]
I’m glad that I could finally see them. My childhood friends. Sobrang excited nga nila kaya nasa pinto palang halos ako eh sinalubong na nila ako ng yakap. Kung hindi pa kami sinita ni West hindi pa siguro nila ako bibitawan.
Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay.
There I saw them complete. Isa-isa kong niyakap sina West, Jake, Lieu at Vaughn. Lance was obviously naiilang sakin but I hugged him also.
“Hi BBF!!! I miss you” I told him as I hugged him.
Bigla akong napatingin sa likod ni Lance.
There he is.
So it’s true. Buhay nga siya.
I’m happy that he’s alive kahit na malungkot din dahil sabi ni West hindi niya ako naaalala.
He was one of the reason why I came back early as planned.
Nung itinawag sakin ni West na buhay nga daw si Vince pero hindi niya ako naalala I cried so hard. For happiness and sorrow.
I didn’t stop believing that he’s alive.
Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Lance at nilapitan ko si Vince. I know nakatingin samin ang mga barkada ko. Nakikiramdam.
I smiled at him sweetly and offer my hand for a handshake.
“Hi, I’m Aya. You must be Vince.”
He smiled back and shook my hand.
“Yes. Welcome back”
Kung makikita ko lang ang reaksiyon ng mga barkada ko I’m sure they were all shock. Sino ba naman ang hindi masashock kung alam kong hindi naman ganito ang reaksyong inaasahan nila sakin.
Do they expect me to cry and claimed myself as Vince girlfriend?
Ayokong dagdagan ang problema ni Vince. Kung hindi niya ako naaalala there must be a reason. So be it.
Of course it hurts but I want him to know and remember me by himself. I don’t want to push myself to him.
I could pretend that I’m alright. Besides the five years that passed became a great lesson to me. I’m in showbiz now. I learned to control my emotions. I learned how to hide my feelings.
Iisipin ko nalang that it was all an act.
I still love him…
Even after 5 years…
He’s still the man that I love…
(*_*)
No comments:
Post a Comment