Dear Diary,
Ang saya ko ngayon. Ang gaan ng pakiramdam ko. Kahit na
malaki ang pinagdadaanan kong problema. Kahit na ang sakit sakit na. Kahit na
ang bigat bigat na sa puso. Masaya ako kasi nagawa kong ngumiti. Masaya ako kasi
may taong nakakapagpagaan ng loob ko. Kahit na wala naman siyang ginagawa.
Hindi niya ako binibigyan ng kahit anong advice. Hindi siya nagtatanong ng
kahit ano. Pero ewan ko ba kung bakit na sa simpleng ngiti niya sakin. Sa
simpleng paghawak sa kamay at sa mga yakap niya napapawi lahat ng bigat ng
kalooban ko. Kahit sa ilang oras na nakakasama ko siya nakakalimutan ko na may
problema pala ako. Kaya imbes na nagmumukmok ako eh nagiging masaya ako.
Nakakatuwa lang magkaroon ng kaibigan na kahit wala silang sinasabi,
mararamdaman mo na nadyan lang siya. Hindi mo man siya lagi makasama, alam mo
na kapag kailangan mo siya darating siya para pagaanin ang loob mo. Para muli
kang pangitiin. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ako kaswerte na nakilala
ko siya. Na naging kaibigan ko siya. Na nakasama ko siya. At higit sa lahat na
minahal ko siya. At kung sakali man na di na kami muling magkita, alam ko na
kapag nabanggit ang pangalan niya, mapapangiti ako. Dahil magandang alaala ang
iniwan niya sa puso ko.
Nagmamahal,
Ako
No comments:
Post a Comment