Friday, August 08, 2014

Tulog sa oras ng klase


Photo by Rocksee


Fourth Year (2010)

Working student ako. Ang pasok ko sa trabaho 5:00 ng madaling araw tapos diretso na sa school. Kadalasan puyat at antok ang inaabot ko. Sumasabay pa sa walang katapusang projects.. Kaya tuloy madalas tulog ako sa klase lalo na kung walang professor.

Isang araw habang nagkaklase si Ma’am di ko na talaga napigilan ang antok ko. Napayukyok nalang ako sa mesa. Ang lakas ng loob kong matulog samantalang sa pangalawang row pa ako nakaupo nun. Maya maya ay naramdaman ko nalang na kinakalabit na ako ng katabi ko. Yun pala nasa tabi ko na si Ma’am. Sinisita niya kung bakit ako natutulog at kung nakakaboring daw ba sa klase niya… nagsorry nalang ako at umayos ng upo. (although nakakaboring naman talaga).

Ma’am : Working student ka ba?

Siguro dahil napansin niya sa suot kong damit yung logo nung pinapasukan ko since di naman ako nakauniform. 

Ako : Opo

Ma’am : Sige matulog ka na ulit.

Naks! Ang bait naman ni Ma’am. Kaso di na din ako natulog kasi nahiya naman ako..hehe.

No comments:

Post a Comment