Nakakatuwang isipin na may mga gentleman pa pala na natitira
sa mundo. Yung tipong kahit wala silang mapapala eh tutulong pa din sila.
Kaninang umaga papasok ako sa trabaho. As usual kailangan ko na namang
makipagsiksikan at agawan ng sasakyan sa nga tulad kong malelate na sa trabaho.
Everyday iyon ang routine ng buhay ko. Ang makupagsiksikan. Sumakay ako ng bus.
Jampacked. Parang blockbuster sa sobrang dami ng tao. Nakatayo na ako at
nagbayad ng pamasahe ko kay manong kundoktor. Then may guy na biglang tumayo sa
upuan niya. Pinaupo niya ako kahit na ang dame nyang dalang gamit ibinigay pa
din nya yung upuan nya sakin at sya yung tumayo. Sa dami ng mga pasaherong
lalaki sya lang yung tumayo para magbigay ng upuan. Tanggapin natin parepareho
lang naman talaga tayong nagbabayad ng pamasahe kaya di natin kailangan na
pagbigyan ang iba. Pero still nakakatuwa. Masarap sa pakiramdam na isiping may
mga lalake pa din na willing magbigay ng upuan nila sa iba.
No comments:
Post a Comment