Nakakabadtrip yung pakiramdam na okay ka na. Nagagawa mo ng ngumiti,
makihalubilo sa ibang tao at tumawa ulit na parang bukas dahil sa wakas unti unti mo
nang natatanggap na hindi matatapos ang mundo sa pag iwan sayo ng ex mong kamag
anak yata ni Satanas. Yung nangako sayo nang forever. Hindi ka niya sasaktan.
Hindi ka paiiyakin at higit sa lahat hindi ka lolokohin. Nagawa mo nang
magpalit ng number at hindi siya tawagan o itext. Bin-lock mo na din siya sa
lahat ng social network sites kasi sabi mo mag mo-move on ka na at ibabaon mo
na sa limot ang alaala nyong dalawa. Kung pwede mo nga lang din sanang ibaon na
din sa lupa ang ex mo baka ginawa mo na. Tapos pagkalipas lang ng ilang araw
susulpot siya sa labas ng bahay niyo para sabihing namimiss ka niya. Pero ang
totoo nun ang namimiss niya lang sayo ay ang landian nyong dalawa. At eto ka!
Yung sinasabi mong okay ka na bigla na namang magbabago. Kasi ikaw itong si
Tanga na aasa ulit na balikan ka niya. Nung makita mo siya parang bumalik lahat
ng pagmamahal mo sa kanya kasama na din yung sakit na naranasan mo sa piling
niya. Aasa ka na naman! Mamahalin mo na naman! Bibigay ka na naman!
Makikipaglandian ka na naman! Tapos sa bandang huli iiwan ka din niya ulit at
sasabihin sayong "Sorry, hindi na kita mahal. Kalimutan mo na ako".
Isang malaking pakingtape!!!! Sige, iiyak ka na naman ulit. Magwawala! Uubusin
lahat ng tissue sa bahay niyo! Madedepress! Magpapakabaliw! Okay lang yan! Pero
sa susunod na umiyak ka lunurin mo dun yung ex mong walang kwenta para matapos
na.
No comments:
Post a Comment