Monday, September 08, 2014

Love is like a cup of coffee : Chapter 1: Kissing Jail Booth





"Hello Akira? Nasaan ka na ba? Ala una ang usapan natin?! Anong petsa na diba?!" Asar na sabi ni Allison sa kausap sa cellphone. Kanina pa siya naghihintay sa kaibigan. Foundation week ng eskwelahang pinapasukan nila. At dahil foundation week ay halos walang klase dahil bukod sa busy ang mga estudyante sa mga activities ay tinatamad na ding magturo ang mga professors nila.




May usapan sila ni Akira na maglilibot sa mga activities sa school nila. Busy kasi ang iba nilang kaibigan dahil may mga activities na sinalihan ang mga ito. Bukod tanging sila lang ni Akira ang wala dahil tinatamad sila. Ang kaso hanggang ngayon ay wala pa rin ang magaling na kaibigan niya.




"Sorry Aly, may pinagawa kasi sakin si Prof eh. Libot ka na muna dyan. Text mo nalang ako kung nasaan ka. Sunod ako"





Wala nang nagawa si Allison dahil hindi pa man siya nakakasagot ay binabaan na siya ng cellphone ni Akira.




"Hay naku talaga! Pasaway" inis na ibinulsa nalang ni Allison ang cellphone. Mukhang wala siyang choice kundi ang maglibot mag-isa.




Natutuwa naman si Allison sa paglilibot sa school. Maraming mga pakulo ang mga estudyante. Gusto niya sanang itry pumasok dun sa horror house kaso ayaw niya ng wala siyang kasama.




"Hindi bale, pagdating ni Aki, yayayain ko siya dito. Tapos iiwan ko siya sa loob" napangiti nalang si Allison sa naisip na kalokohan.




"Huli ka!" Muntik nang mabitawan ni Allison ang hawak na juice nang may biglang humawak sa braso niya.




"Ano ba?!" Balak pa sanang magtaray ni Alisson kaso nagulat siya ng posasan nalang siya bigla ng mga ito.




Napatingin siya sa taong nagposas sa kanya. Sa pagkakaalam niya ay myembro ang mga ito ng discipline committee.




"Wala naman akong kasalanan ah? Bakit niyo ako pinoposasan?" Reklamo niya.




"Pasensya na po Mam. Napagutusan lang po kami na hulihin ka" sagot nung isang lalaki.




"Sa anong kasalanan? At sinong nag-utos sa inyo?"




"Tumapak po kayo sa boundary namin. Utos po ng presidente namin"




Wala nang nagawa si Allison kundi sumama sa mga ito. Nakakahiya dahil pinagtitinginan na siya nga mga estudyante. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin. Pero malamang ay ikukulong siya dahil nahuli siya. Ang malas naman dahil nasira ang paglilibot niya.




Ganun nalang ang gulat na rumehistro sa mukha ni Allison nang makita kung saan siya dinala ng mga humuli sa kanya. Isang improvised na kulungan. Ang mas nakapag pagulat sa kanya ay ang nakitang karatula nito.




Kissing Jail Booth




Mukhang hindi lang naman siya ang nahuli dahil may ilang estudyante din siyang nakita sa loob ng ibang selda. Isang lalaki at isang babae ang nakakulong sa bawat selda. Ipinasok siya ng mga humuli sa kanya sa isang selda. Mukhang may nauna na sa kanya dito. Isang lalaki na di niya mamukhaan dahil mukhang natutulog ito.




"Hoy teka! Palabasin niyo ako dito. Hinahanap na ako ng kaibigan ko" sigaw niya. Pero hindi man lang siya inintindi ng mga ito.




"Hindi ka namin pwedeng palabasin. Dapat may tumubos sayo" sagot nung lalaking humuli sa kanya.




"Tumubos? Magbabayad ako?" nanlalaki ang matang tanong niya.




"Hindi. Itext o tawagan mo na ang boyfriend mo. Dahil siya lang ang pwedeng tumubos sayo dito"




"Boyfriend??? Wala akong boyfriend!" asar na sagot niya.




"Well sorry ka nalang dahil hindi ka na makakalabas dyan" nakangising sagot nito.




Gusto nang hilahin ni Allison ang lalaking humuli sa kanya at sapakin ito. Napatingin siya sa kasama niyang lalaki sa loob ng selda. Bakit kaya ito nakulong? Saka bakit wala pang tumutubos dito? Wala din kaya itong girlfriend?




Mukhang naramdaman naman ng lalaki na may nakatingin dito dahil bigla itong nag angat ng mukha. Napatingin ito sa kanya. Huli na para umiwas siya ng tingin dahil obvious na nahuli na siya nito na nakatitig dito.




"May kasama na pala ako" sabi nito at nag inat. Mukhang bagong gising nga lang yata talaga.




Hindi ugali ni Allison na makipag usap sa taong hindi niya kakilala lalo na kung lalaki kaya tinalikuran niya nalang ito. Bahala na ito sa buhay nito.




"Hoy! Palabasin niyo ako dito!" Muling sigaw niya.




Pero walang pumapansin sa kanya.




"Mapapaos ka lang. Hindi ka rin nila palalabasin unless sunduin ka dito ng boyfriend mo. Kaya kung gusto mong makalabas eh magpasundo ka na" sabi nung lalaking kasama niya.




Napapagod na naupo nalang si Allison sa sahig. Mukhang hindi nga siya palalabasin basta ng mga ito hanggat hindi siya tinutubos ng boyfriend niya. Kaso wala naman siyang boyfriend kaya sino ang tutubos sa kanya?




"Hindi ka ba matutubos ng boyfriend mo?" Muling tanong nung kasama niya.




"Wala akong boyfriend. Ikaw? Bakit nandito ka pa? Magpatubos ka na sa girlfriend mo" sagot ni Allison. Kung ganitong makukulong din naman siya ay mabuti nang may makausap siya. Baka mapanisan pa siya ng laway.




Napansin niyang may hitsura din naman ang lalaking kasama niya kaya imposibleng wala itong girlfriend. Yung mga halos chaka nga ang hitsura ay may boyfriend ito pa kaya na gwapo? Baka nga hindi lang isa ang girlfriend nito eh. Kahit na hindi ito ngumingiti ay halatang gwapo ito.




"Wala akong girlfriend. Nagbreak na kami last month" sagot nito.




"Sorry" mukhang affected pa ang lalaki sa break up nito.




Pareho silang natahimik dalawa. Minabuti nalang ni Allison na itext ang mga kaibigan niya para sabihing nakakulong siya. Baka sakaling matulungan siya ng mga ito.




"Bakit ka nahuli?" Tanong nung lalaki ulit sa kanya.




"Ewan ko dun. Sabi umapak daw ako sa boundary nila. Malay ko bang nabili na pala nila ang eskwelahan." Nakasimangot na sagot niya. "Ikaw? Bakit ka nakakulong dito?"




"Natutulog kasi ako. Ganyan talaga dito. Kung ano anong kalokohan kapag Foundation Week. First year ka lang ba?"




"Second year pero ngayon lang ako nakaattend ng foundation week. Kaya hindi ko alam na may ganito pala."




"Masanay ka na. Anong course mo?"




"Masscom"




"Ahhh okay"




Natigil ang pag uusap nila nang biglang dumating ang mga kaibigan niya. Halos sabay sabay nagdatingan ang mga ito. Matatouch na sana siya kaso...




"Allison! Ano namang katangahan ang ginawa mo at nahuli ka?" Sita sa kanya ni Razel.




"Oo nga. Diba ang sabi ko sayo kapag gagawa ka ng kalokohan wag kang magpapahuli" 
sermon naman ni Johana.




"Hindi lang kita napuntahan kaagad gumawa ka na kaagad ng krimen" naiiling na sabi ni 
Akira.




Napailing nalang si Allison. Alam niyang ganito ang maririnig niya mula sa mga kaibigan niya.




"Pwede ba ilabas nyo nalang ako dito"




Kinausap ni Johana ang nagbabantay sa kanila.




"Tutubusin na namin yung kaibigan namin. Magkano ba?"




"Hindi kami nagpapabayad. Ang rule dito ay dapat boyfriend niya ang tutubos sa kanya" sagot nito.




"Boyfriend? Eh paano yan wala namang boyfriend si Allison eh" nag aalalang sabi ni Phoebe.




"Ibig sabihin hindi na siya makakalabas dyan?" Tanong ni Bea.




"Wala na bang ibang way para makalabas siya?" Tanong naman ni Aiesha.




"Meron naman. Kailangan niyang halikan yung lalaking kasama niya sa loob"




Mukhang noon lang napansin ng mga kaibigan niya na may kasama siya sa loob ng selda.




"Halikan???" Sabay sabay na sabi ng mga ito.




"Oo. Yun ang rules dito"




Bigla siyang hinila ng mga ito palapit.




"Hoy bruha! Ano magpapahalik ka ba? Infairness ah gwapo yan. Hindi na masama" sabi ni Razel.




"Oo nga. Kung ayaw mo ako nalang ang hahalik dyan" pang aasar ni Demi.




"Tumigil nga kayo! Nakakahiya kayo ah" sita niya sa mga ito. Nahihiya siya na baka marinig siya ng lalaking kasama niya.




"Anong gusto mo? Dyan ka nalang?" Nakataas ang kilay na tanong ni Johana.




"Syempre ayoko. Pero ayokong magpahalik. Saka as if naman na papayag sya diba?"




"Sabagay. Ang gwapo pa naman nun. Sino ba si Allison para magyayang halikan niya" nang aasar na sabi ni Bea.




"Kapag ako nakalabas dito lagot ka sakin" anya rito at inumbahan ito ng suntok.




Normal na sa kanilang magkakaibigan ang mag asaran at maglaitan. Sanay na sila na awayin ang isat isa.




Natahimik sila nang may babaeng bigla nalang lumapit sa seldang kinaroroonan nila at nagsisigaw.




"Rain, Im gonna bail you out now. You dont need to stay there anymore honey" anito at pilit ipinapasok ang kamay sa loob ng rehas para abutin ang lalaking kasama niya.




Honey?? Akala ko ba wala siyang girlfriend? Mga lalake nga naman oh sinungaling!




Napatingin siya sa lalaking kasama niya. Mukhang deadma lang ito sa pagdating ng babae. Infairness maganda ito, maputi at sexy. Todo make up din ito.




"You dont need to come here. You're not my girlfriend anymore so there’s no reason for you to bail me out" sagot ng lalaking kasama niya. Yung hindi ngumingiting mukha nito ay mas naging suplado pa yata ang dating dahil sa mga sinabi nito.




"Ang harsh" bulong ng mga kaibigan niya.




"I still love you honey. Please come back to me. Please give me another chance" pagmamakaawa nito. Nakaagaw na din sila ng atensyon. Pakiramdam ni Allison ay nanonood siya ng teleserye sa mga eksenang nagaganap.




"I dont love you anymore. So please get out of my sight" simple pero mabigat na sabi nito.




"Ouch" muling bulong ng mga kaibigan niya.




Biglang tumayo ang lalaki at nilapitan siya. Ilang danggal ang layo sa kanya ay tumingin ito sa humuli sa kanila.




"We just need to kiss each other then we can get out?" Tanong nito.




"Oo. Sa lips. Three minutes" sagot nung humuli sa kanila.




"Oh come on Rain! Dont tell me you'd rather kiss that girl than to be with me?" Mataray na sabi nito.




Hindi pinansin nung lalaki ang sinasabi nito sa halip ay tumingin sa kanya.




"Can I kiss you para matapos na ito? Gusto ko nang umuwe at matulog" paalam nito.




"Ha??" Hindi naman alam ni Allison ang sasabihin. Nahihiya siya lalo pat nakatingin sa kanila ang exgirlfriend nito.




"It's just a kiss. Mawawala din yan kapag nag toothbrush ka na" ani pa nito.




Hindi alam ni Allison kung pumayag ba siya sa sinabi nung lalaki. Basta natagpuan nalang niya ang sarili na hinahalikan na nito. Napapikit siya.Ramdam niya ang labi ng lalaki sa mga labi niya. Parang may kiliti siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag. Masarap sa pakiramdam. Para siyang mahuhulog kaya naghahanap siya ng makakapitan.




"Times up"




Kapwa sila habol ng hininga nang magbitiw. Hindi siya makatingin sa lalaki. Hindi siya makapaniwala that she just let a stranger took her first kiss.




"Pwede na ba kaming lumabas?" Tanong nung lalaki sa humuli sa kanila.




"Oo. Laya na kayo" anito at binuksan na ang selda.




Nauna nang lumabas ang lalaki. Hindi na napansin ni Allison kung nasaan ang exgirlfriend nito. Hindi niya alam kung nasaksihan nito ang kissing scene nilang dalawa ng exboyfriend nito.




That was the longest three minutes of her life.




"Hoy Aly! Laya ka na! Tara na" at hinila na siya palabas ng mga kaibigan niya.



No comments:

Post a Comment