Wednesday, March 30, 2016

Poem : Tanga



Marami sa aking kaibigan ay nagtataka
Bakit ko daw hinahayaang magmukhang tanga
Kapag itong aking puso’y umiibig na
Sa isang bagong taong aking nakilala


Pilitin ko mang hanapin ang kasagutan
Sa mga tanong na hindi ko rin maintindihan
Na bumubulong dito sa puso’t isipan
Pag-ibig nga siguro ang aking dahilan


Kung minsan ay tanong ko sa aking sarili
Kung itong aking puso ba ay pumipili
O hindi pa ito handang umibig muli
Dahil sa naranasang pag-ibig na sawi


Subalit sadyang kapag umiibig
Ang pakiramdam mo ay sayo ang daigdig
Wala kang pakialam sa iyong paligid
At ang lahat ng bagay sayo ay lingid.

3 comments:

  1. Replies
    1. Hindi kita mukha mo. How sure you are na ikaw yan? hahahaha!

      Delete
    2. Saka huwag ka ako kumuha ng picture na iyan hahaha! Property ko iyan hahaha!

      Delete