Tuesday, June 09, 2015

Poem : Para Kay Bratty

Para Kay Bratty
By: Shinayawaara




Sa online world kita ay nakilala
Naging kaibigan at Espren pa
Kahit na tayo ay hindi pa nagkikita
Pagkakaibigan natin ay hindi kayang tumbasan ng anumang halaga



Dalawang taon ang nakalipas bago tayo ay nagkita
Iyon ay noong unang booksigning mo pa
Subalit tila tayo ay matagal nang magkakilala
Sapagkat kulitan natin ay sobra sobra.



Kung minsan ang mga hilig mo ay kakaiba
Mga opinyon o pananaw sa buhay ay sadyang nakakaloka
Sa totoo lang sa buhok mo ako ay naaawa
Sapagkat sa tuwing magkikita tayo, iba iba ang ayos niya.



Kahit na magkaiba ang ating ugali
Masama ka, ako ay mabuti
Joke lang Espren, huwag kang ngingiwi
Alam ko naman na busilak ang iyong budhi.



Kapag kami ay may problema lagi kang nariyan
Handang makinig kahit ano pa man iyan
Hindi ka nagsasawa na kami ay pakinggan
Basta kaibigan, handa kang makipagpatayan



Hindi ko makakalimutan noong ako ay nasaktan
Nariyan ka upang ako ay damayan
Bigat ng dibdib ko ay nabawasan
Dahil may kaibigan akong maaasahan


Kaya ngayong kaarawan mo sana ikaw ay maging masaya
Lahat ng hiling mo sana ay iyong makuha
Wala ka mang boyfriend dahil sadyang choosy ka
Tandaan mo lagi, si Pressy at si Gwing ay mahal na mahal ka.

4 comments:

  1. Very great post. I simply stumbled upon your blog and wanted to say that I have really enjoyed browsing your weblog posts. After all I’ll be subscribing on your feed and I am hoping you write again very soon!

    ReplyDelete
  2. Yung kinilig ako dito. Sobra sobra. <3

    ReplyDelete