Thursday, July 28, 2016

My Song Presents 5 : Hikari (Something I Need)





My name is Hikari. Ilang tumbling na lang at tuluyan na akong mawawala sa kalendaryo. Kung hindi mo ako kilala ay iisipin mong nakakairita ako. Maldita, mataray, prangka. Iyong iba ang tingin pa sa akin ay malandi. Hindi ko naman sila masisisi kung iyon ang maging tingin nila sakin. Hindi ko naman hawak ang isip nila and I don't want to explain myself to people who only wants to bring me down.


Hindi ako mahilig magseryoso sa relasyon. Bihira kasi akong tamaan ng pag-ibig. Minsan lang ako naging seryoso nung after ko grumaduate ng College. But sad to say, that freaking guy cheated me and broke my heart to pieces. Mula noon ay hindi na ako pumasok pa sa isang relasyon. Madalas akong biruin ng mga lalaki na sinasakyan ko lang. Wala namang mawawala sa akin. Maliban na lang sa pinag-uusapan ako ng mga tao. They think I'm a slut. Well, I don't care as long as wala akong tinatamaang tao. Sinasakyan ko na lang ang pakikipagfling sa akin ng mga lalaki na hanggang salita lang naman. Although may mga guys na nag-ooffer sakin ay hindi ko pinapatulan.


I had a dream the other night
 About how we only get one life
Woke me up right after two
Stayed awake and stared at you
So I wouldn't lose my mind 


Until I met JD. Ipinakilala siya sa akin ng common friend namin. At first hindi ko type si JD. Although gwapo siya at may malalim na dimples ay hindi ko pa rin siya type. Hanggang sa madalas na siyang tumambay sa boarding house na inuupahan ko malapit sa office. Dahil sa biro ay napalapit kaming dalawa ni JD. Naging magkatextmate kami hanggang sa magtapat siya sa akin na gusto niya ako. Medyo nahuhulog na din naman ang loob ko that time kay JD. He's fun to be with. May sense of humor at malambing. After a month ay sinagot ko si JD.


Akala ko noon ay natagpuan ko na ang happy ending ko katulad ng sa mga napapanood kong fairytales. Pero mukhang sa palabas at sa mga libro lang ang fairytale. In real life walang prince charming. Hindi totoo ang happily ever after. Kung minsan ang buhay ay isang simpleng "Once upon a time" lang.


Iniwan din ako ni JD matapos niyang malaman na buntis ako. Hindi ko inasahan ang nangyari dahil akala ko okay kami. Hiningi niya pa nga ang kamay ko sa mga magulang ko and asked them their blessing for our wedding. Nagsimula na akong mangarap noon para sa aming dalawa at sa magiging anak namin. I started researching some wedding related stuffs. Inisip ko na din nun kung sino ang magiging part ng entourage ko.


Until one day JD just disappear.





Nawala siyang parang bula. Hindi ko na siya makontak. Hindi ko na alam kung saan ko siya hahanapin. I don't know even know his parents name and address. Ang tanga ko lang talaga nun. Masakit mang aminin subalit nabulagan ako sa mga pangako at pagmamahal niya at hindi ko inalam ang buong background niya.


Hanggang sa makapanganak ako ay hindi na nagpakita pang muli si JD sa akin. Not that I even care. Masaya ako sa piling ng munti kong anghel. Mahirap kung tutuusin ang maging isang single mom lalo na pagdating sa financial na gastusin. Pero wala. Ganun talaga ang buhay. Kailangan kong magdoble kayod para sa anak ko.


Isinara ko na din ang puso ko sa tawag ng pag-ibig. Ayoko ng masaktan pa. Besides, wala din namang nag-eeffort na makuha ang pagmamahal ko. They only want my body lalo na kapag nalalaman nila na nabuntisan lang ako at iniwan ng lalaki.


And I had the week that came from hell
And yes I know that you could tell
But you're like the net under the ledge
When I go flying off the edge
You go flying off as well 


Everyday I pray na sana may isang guy na kaya akong tanggapin kung sino ako. Yung lalaki na mamahalin ang buong pagkatao ko at hindi lang ang katawan ko. Hindi man sa ngayon sana sa pagdating ng tamang panahon.



"Hikari kain tayo. Trip daw magwaldas ng kayamanan ngayon ni Jean" pagyayaya sa akin ni Josa. Kaibigan at kasamahan ko sa office. Si Jean ay kaibigan din namin.



"Tamang tama. Naistress na ako dito sa dami ng project na hawak ko."



Dahil nagke-crave kami ng noodles ay sa isang Korean restaurant kami nagpuntang tatlo nila Josa at Jean after office.


"Uy nabalitaan niyo bang ikinasal na pala yung dati nating kaklase nung highschool na si Nicole at yung teacher natin sa English na si Sir Vincent" pagbabalita sa amin ni Josa.


"Oo. Nagpunta pa nga ako nung wedding nila." Sagot naman ni Jean.


"Sinong mag-aakalang sila ang magkakatuluyan diba?"


Magkakaklase din kaming tatlo noong highschool na nagkatong naging magkakasama sa trabaho. Si Nicole ang bestfriend ko nung highschool kami subalit hindi ako nagpunta noong kasal nito at ni Sir Vincent. Masaya ako at natagpuan na ng kaibigan ko ang pag-ibig na hinahanap nito. Highschool pa lang naman kami ay patay na patay na si Nicole kay Sir Vincent kaya masaya ako para sa kaibigan ko. Tinawagan ko na lang ito para batiin dahil hindi ako nakapunta. Actually, sinadya kong hindi magpunta dahil mula noong iwan ako ni JD ay iniwasan ko ng magpunta sa mga kasal. Naiiyak at nasasaktan lang kasi ako.


"Mabuti pa itong si Josa lumalovelife na. Samantalang ako hanggang ngayon bokya pa din." Tinig ni Jean ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.


"Si Josa lumalovelife?" Takang tanong ko.


"Oo. At infairness ah ang gwapo ng boyfriend niyang bruhang iyan" sabi ni Jean at marahang hinila ang buhok ni Josa.


"Aba syempre naman. Para saan pa ang napakagandang pangalan na ibinigay sa akin ng mga magulang ko kung hindi ko paninindigan diba?" Pagmamaganda ni Josa. Sarap sabunutan.


Ang kaibigan kong ito ang isa sa napakapihikan kong kaibigan pagdating sa lalaki. Akala nga namin noon ni Jean ay tatanda na itong dalaga. Napakasungit din kasi.


Kahit na medyo naiinggit ako sa kinahahantungan ng mga lovelife ng mga kaibigan ko ay masaya naman ako para sa mga ito.


"Nakakainggit ka. Ako kaya kailan magkakalovelife?" out of the blue ay nasabi ko dahilan para mapatingin sa akin ang dalawa kong kasama.


"Huwag kang mainip. Darating din si Mr. Right. Sabi nga ni Lola Nidora diba sa tamang panahon"


"Oo nga. Ang mahalaga ay may cute na cute na Harry ka na"


Napangiti na lang ako. Tama. Hindi ko na kailangan ng lovelife. May baby Harry na ako.


***


"Hikari!!!!"


Napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko. Ang kapitbahay kong si Hanz ang nalingunan ko.


"Nandito ka na pala. Kanina pa kita hinihintay"


"Wala pa ako dito. Picture ko lang ito" pagsusungit niya.


"Napakasungit mo talaga. Akala mo naman kagandahan" pang-aasar ni Hanz sa akin.


Hinampas ko naman siya ng hawak kong bag. Bwisit na lalaki iyan. Ang lakas mang-asar.


"Anong kailangan mo sakin?" Tanong ko sa kanya.


"Wala naman. Manghihiram lang sana ako ng martilyo"


"Martilyo? Mukha ba kaming hardware?!"


"Grabe ka naman. Paminsan minsan maging isa ka namang mabuting kapitbahay"


Napakunot na lang ang noo ko. Paminsan minsan pakiramdam ko mamamatay ang mga brain cells ko kapag kinakausap ko itong si Hanz.


Kapitbahay at kababata ko si Hanz. As in literal. Halos sabay na kaming lumaki. Naging magkaklase kami mula elementary hanggang highschool. Mabuti na nga lang at nagkahiwalay kami ng pinasukang university noong college.


May hitsura naman si Hanz. Sa katunayan ay madalas siyang maging escort noon sa klase at naging King of the Night noong JS Prom namin. Pero never akong nagkagusto sa kanya. As in never dahil sa tuwing titignan ko si Hanz ay yung batang uhugin at iyakin ang nakikita ko. Lampa pa! Saka parang kapatid na din ang turing ko sa kanya dahil sabay na halos kami lumaki.


Teka! Bakit ko nga ba biglang inisip si Hanz. Malamang never din naman ako nagustuhan nun. Sa dami ng babaeng nagkakagusto dun nunkang magustuhan niya ako.


"Kumusta na ang napakagwapo kong inaanak na manang mana sa gwapong gwapong ninong?" Nakangiting sabi ni Hanz at kinarga si Harry.


"Huwag mong turuang maging sinungaling iyang anak ko"


Imbes na sagutin ako ay si Harry ang binalingan ni Hanz.


"Ang sungit talaga ng Mommy mo ano Harry. Kaya tuloy walang nanliligaw sa kanya" pang-aasar pa nito sa akin. Ang sarap talaga ihampas sa kanya yung hinihiram niyang martilyo.


Umakyat na ako sa kwarto ko at iniwan ko na si Harry kay Hanz. Magbibihis na muna ako. Nakasalubong ko si Mama pag-akyat ko.


"Ma, nandyan si Hanz. Pahiram daw ng martilyo"


"Martilyo naman ngayon. Grabe talaga iyang batang iyan. Kung ano ano na lang ang ginagawang dahilan para lang makita ka"


"Hay naku Ma, alam kong matagal mo ng gustong maging anak si Hanz pero hindi ibig sabihin nun ay dapat mo na siyang ireto sa akin. Malabo pa sa tubig kanal sa Baclaran na mangyari iyon."


Napailing na lang ako nang makapasok sa kwarto ko.


Si Mama talaga oh!


***


Pagbaba ko sa sala ay naabutan kong masayang naglalaro sina Hanz at Harry. Sa totoo lang ay nakakatuwa silang tignan. Para silang mag-ama na nagbabonding.


Alam kong kailangan ni Harry ng isang father figure at nagpapasalamat naman ako kay Hanz dahil lagi siyang nandyan para kay Harry. Wala din naman kasi akong kapatid na lalaki at matagal na akong ulila sa ama kaya wala ng lalaki sa amin para maging father figure kay Harry.


Halata namang tuwang tuwa si Harry kay Hanz. Para tuloy may kumurot sa puso ko. Kung hindi kaya kami iniwan ni JD, ganito din kaya sila ni Harry?


"Nandyan na pala ang Mommy mo" tinig ni Hanz ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.


Itinaboy ko sa isipan ko ang masamang alaalang hatid ni JD.


"Naibigay na ba ni Mama sayo yung hinihiram mong martilyo?"


"Hindi pa. Mamamalengke pa daw siya. Ikaw na lang daw magbigay sakin. Pero kahit mamaya mo na ibigay. Hindi naman ako nagmamadali. Saka naglalaro pa kami ni Harry"


"Gumawa ka na kasi ng sarili mong anak para hindi ka na naiinggit sa anak ko" sabi ko at tinabihan sila sa lapag.


"Wala akong katulong gumawa eh. Gusto mo gawa tayo" anito at may nang-aasar na ngiti sa mukha.


Hindi ko alam kung bakit parang nag-init ang pakiramdam ko sa pang-aasar ni Hanz sakin. Nahampas ko tuloy siya upang pagtakpan ang nararamdaman.


"Huwag ka ngang bayolente dyan. Baka akalain ni Harry nag-aaway tayo" saway niya sakin at binalingan si Harry. "Hindi kami nag-aaway ng Mommy mo ah. Naglalambingan lang kami" anito na parang maiintindihan siya ng isang taong gulang na bata.


Minsan natutuwa din ako kapag nakakausap ko si Hanz dahil kahit papaano ay nawawala ang stress ko sa mga banat niya.


"Hanz, bakit wala kang girlfriend?" Out of the blue ay natanong ko.


"Bakit? Required ba na mag-girlfriend ako?"


"Ewan ko sayo. Hindi ka naman panget pero bakit wala yata akong nababalitaan na may girlfriend ka"


"Non-showbiz kasi ang mga nagiging girlfriend ko kaya hindi ko ipinapaalam sa media" pagbibiro ni Hanz.


"Feelingerong 'to! Akala mo naman kagwapuhan"


"Ako pa ba?" Sagot nito at animo kandidato sa Mr.Pogi na inilagay pa ang hintuturo at hinlalato sa ilalim ng baba.


***


"Excuse me Miss, pwede bang magtanong kung anong oras na?"


Napatingin ako sa lalaking basta na lang kumausap sakin habang naghihintay ako ng masasakyang jeep pauwe ng bahay sa may waiting shed sa labas ng opisina namin. Napakunot ang noo ko. Medyo hindi kasi maganda ang mood ko dahil sa baklitang officemate ko na narinig kong sinisiraan ako sa iba kong kaopisina.


"Tinatanong mo ako kung anong oras na? Tapos anong susunod? Itatanong mo ang pangalan ko tapos liligawan mo ako tapos ako naman si tanga sasagutin ka. Tapos iiwan mo din ako kapag nakuha mo na ang lahat sa akin. Tapos iiyak naman ako at masasaktan. Pwes! Hindi ko sasabihin sayo kung anong oras na!" Dirediretsong sabi ko. Hindi ko rin naman alam kung anong masamang hangin ang pumasok sa isip ko para sagutin ng ganun ang pobreng lalaking nagtanong sakin.


"Hoooh! Miss are you okay?" Tila nakakita ng alien species ang lalaki base sa pagkakatingin niya sakin.


Gumanti naman ako ng tingin sa kanya.


"Anong pakialam mo kung okay ako o hindi? Wala kang pakialam!"


"Look Miss. Hindi ako masamang tao. Look, hindi mo ba ako nakikilala?" Sabi pa ng lalaki at tinanggal niya ang suot niyang shades. Parang tanga lang dahil gabi na pero nakasuot pa siya ng shades at nakabullcap pa talaga siya. Kahinahinala ang dating!


Para naman akong napatulala nung tinanggal ng lalaki ang suot niyang shades at tinignan ako.


Gwapo ang shemas na lalaki!


Pero teka!


Kahit na ba gwapo siya baka masamang tao siya. Looks can be deceiving pa naman!


"Hindi mo ba ako nakikilala?" Muling tanong nito.


Humalukipkip naman ako habang nakatingin sa lalaki.


"Bakit naman kita makikilala? Sino ka ba? Sikat ka ba? Presidente ka ba? Saka huwag na huwag kang makakalapit sakin dahil tatawag talaga ako ng pulis" Pagsusungit ko pa.


Ang hudyo ay bigla na lang akong tinawanan.


"Well, I don't want you to call the police dahil allergic ako sa kanila. I must admit that I like your style. Acting as if you don't know me. You caught my attention specially with your exaggerated explanation when I just want to know the time. Iba ka din dumiskarte." Bigla na lang itong naglabas ng ballpen at may kinuha sa pitaka nito. "What's your name?"


Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga at napailing.


"See? Pangalan ko naman ngayon ang tinatanong mo. Mga diskarte mo din ano? Hay naku mister huwag ako ang lokohin mo. Sawang sawa na akong maloko ng mga lalaki."


Napailing naman ang lalaki sa amusement niya yata sakin. Hindi ko nalang siya pinansin. Bakit ba kasi napakatagal dumaan ng jeep na sasakyan ko para makaalis na ako dito?!


Bigla na lang may humintong itim na kotse sa tapat ng waiting shed na kinatatayuan ko. Medyo kinabahan naman ako dahil baka sindikato ito. Subalit wala namang bumababa mula sa loob ng sasakyan. Napatingin ako sa lalaki sa tabi ko.


Basta na lang nagsulat ang lalaki dun sa papel na inilabas niya mula sa wallet niya. Nang matapos siya sa isinusulat niya ay kinuha niya ang kamay ko at ibinigay sa akin ang papel na hawak niya bago sumakay sa kotseng nasa harapan namin.


Nakaalis na ang kotse pero tila timang ako na nakasunod ang tingin sa papalayong sasakyan. Napatingin ako sa papel na ibinigay niya sakin.


Bakit naman ako bibigyan ng picture niya nung lalaking iyon? Grabe ah! Masyado siyang gwapong gwapo sa sarili niya para mamigay ng picture niya!


***


Hindi ko rin naman maisip kung bakit hindi ko maitapon tapon ang litratong ibinigay sa akin nung weird na lalaki kagabi.


Infairness naman kasi ang gwapo niya at may dimples din siya katulad ni JD.


Teka nga! Bakit na naman napasok si JD sa eksena?!


Erase. Erase. Erase!


Pero gwapo talaga yung nasa picture!


To the girl in black dress,
Chill! Smile :) Life is beautiful!
-King


Talagang nilagyan niya pa ng dedication ang picture na ibinigay niya sakin. Ito pala ang isinusulat niya kagabi.


King.


Iyon siguro ang pangalan niya.


Muli kong tinignan ang hawak kong litrato.


"Alam mo kung hindi ka lang weird at nakilala kita sa ibang pagkakataon baka naging crush kita"


Para na akong baliw na kinakausap ang lalaki sa litrato.


"Fan ka din pala ni King"


"Ay peklat!"


"Nasaan?"


Hawak ang dibdib na napatingin ako kay Josa na bigla na lang nagsalita sa likuran ko.


"Bakit ka ba nanggugulat dyan?" Sita ko sa kanya.


"Wala ka namang sakit sa puso kaya okay lang na gulatin ka" bigla na lang nitong kinuha sa kamay ko ang litrato


"Hindi ko alam na fan ka ni King"


"Ha? Sinong King?" Nagtatakang tanong ko.


"Siya" sagot nito at iwimagayway ang hawak na litrato.


"Ah. Hindi niya ako fan" sagot ko at kinuha sa kanya ang litrato nang may bigla akong naalala. " Josa, tinatanong mo ako kung fan niya ako. Bakit, sino ba siya?"


"May picture ka pero hindi mo siya kilala?"


"Gwapo eh"


"Sabagay. Sinabi mo pa. Si King ang pinakasikat na bachelor ngayon sa bansa according to the survey"


"Talaga? Bakit hindi ko alam?"


Tinaasan ako ng kilay ni Josa.


"Try mong lumabas ng lungga mo at manood ng tv. Baka sakaling makilala mo siya."


"Wala akong time manood ng tv. Alam mo namang paguwe ko si Harry na ang inaasikaso ko."


Napailing na lang na bumalik sa pwesto niya si Josa. Muli ko namang tinignan ang hawak kong litrato.


"Biruin mo iyon, sikat ka pala. Kaya naman pala gwapong gwapo ka sa sarili mo."


"Hoy Hikari! Huwag kang maiinlove dyan kay King. Masasaktan ka lang. Madami kang makakaaway." Pang-aasar pa sakin ni Josa.


"Tse! Asa namang maiinlove ako dito. Hindi ko nga ito kilala"


Naiiling na ipinasok ko nalang sa loob ng drawer ko ang litrato nung weird na lalaki at sinimulan ko na ang pagtatrabaho.


Wala naman akong mapapala kung patuloy ko siyang iisipin.



***


Kung minsan ay sadyang kakaiba din maglaro ang tadhana. Yung tipong masaya ka tapos bigla nalang may magiging dahilan para malungkot ka. Yung tipong akala mo nakamove on ka na yun pala hindi pa.


May seminar kami ngayon sa isang hotel sa Makati. Hindi ko akalain na sa bilyong bilyong populasyon ng Pilipinas ay makikita ko siyang muli.


Halos wala pa din siyang pinagbago. He still has the boyish look on his face na kinabaliwan ko noon. Hindi ako pwedeng magkamali. Hinding hindi ko makakalimutan ang pagmumukha ng lalaking sumira sa mga pangarap ko.


Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko. Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang murahin. Gusto kong isampal sa mukha niya ang lahat ng sakit na ibinigay niya sa akin.


Subalit nawala ang lahat ng iyon nang may isang gwapong nilalang na humarang sa tangka kong pagsugod kay JD.


"Hello, we meet again"


Napakunot ang noo kong tinignan ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Pilit ko pang inaalala kung sino siya.


"King?"


Bumakas ang liwanag sa mukha ng lalaki sa harap ko sa sinabi ko.


"Nice. You know my name. I'm flattered. Akala ko hindi mo ako makikilala. The last time we saw each other sinaktan mo ang puso ko"


Bwisit na lalaki ito! Artista nga! Sobrang drama!


"Sorry to say pero hindi kita kilala. Nalaman ko lang ang pangalan mo dahil dun sa ibinigay mong picture sa akin. Besides, hindi ako interesado sayo. Hindi mo ako fan" pagsusungit ko at pilit na tinatanaw pa din si JD. Subalit sa kasamaang palad ay wala na siya dun sa pwesto niya kanina.


"May hinahanap ka ba? You look like you want to punch someone on the face" tanong pa ng lalaking dahilan kung bakit nawala si JD sa paningin ko.


Asar namang ibinaling ko sa lalaking nasa harap ko ang inis ko kay JD.


"Meron. Ikaw!"


"Why? Wala naman akong ginagawa sayong masama?"


"Look here Mister-I'm-So-Damn-Looking-Good-Na-Gwapong-Gwapo-Sa-Sarili wala akong panahong makifan girling sayo. I know that you are famous pero dahil sayo nawala sa paningin ko ang taong may malaking atraso sakin dahil sa pagharang harang mo sa harapan ko."


"Who?"


"My fvcking son of a -----"


Natigil ang pagsasalita ko nang bigla na lang ilapat ni King ang daliri niya sa labi ko.


"No cursing"


Asar namang inalis ko ang kamay niya sa labi ko.


"Ano bang pakialam mo?!"


"Well, I guess ex-boyfriend mo or boyfriend mo ang nakita mo."


"Ex-fiancee!"


"I see. Well mabuti na din na hinarang kita, inilayo kita sa tangkang pageeskandalo dito. It's not good to a beautiful girl like you na mag-eskandalo."


Medyo napahiya naman ako. May point nga naman siya. Kung hindi siya humarang sa harapan ko ay baka nga nakapag-eskandalo na ako ngayon dito.


And voila!


Trending ako sa social media for sure!


Nakakahiya!


"Ano bang pakialam mo kung mag-eskandalo man ako dito." Imbes na ipahalata ang pagkapahiya ko ay sinungitan ko pa siya.


"Well, I care because I own this hotel." Simpleng sagot niya.


Halos mapatanga naman ako sa sagot niya! Seriously?!


Sabagay, hindi nga naman siya magiging number one eligible bachelor ng bansa kung pipitsuging lalaki lang siya.


Pero ang mag may ari ng hotel?!


Eh di wow!


Natigil lang ang pag-iisip ko nang may matanggap akong text mula kay Josa na magsisimula na daw ang seminar namin.


Agad na akong nagpaalam kay King.


"Nice to see you again Ms. I-Will-Not-Give-You-My-Name" nakangiting paalam naman nito.


Naglakad naman ako palayo na sa kanya subalit bago ako tuluyang lumakad palayo ay muli akong lumingon at paksyet medyo kinilig ako nung nakita ko siyang nakatingin pa din sakin.


"Hikari"


"What?"


"Hikari ang pangalan ko"


Lumapad naman ang pagkakangiti ni King.


"Nice to meet you Hikari."


Tinanguan ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi na ako muli pang lumingon.


Natakot ako.


Baka kasi sa muli kong paglingon ay tuluyan na akong magka-crush sa kanya.


And if you only die once I wanna die with
You got something I need
In this world full of people there's one killing me
And if we only die once, (hey)
I wanna die with you (you, you, you)
You got something I need
In this world full of people there's one killing me
And if we only die once, (hey)
I wanna die with you (you, you) 

***

"Talaga? Buhay pa pala yung gago mong ex" asar na sabi ni Josa nang ikuwento ko sa kanya ang pagkakita ko kay JD.


Pauwe na kami ngayon dahil katatapos lang ng seminar namin.


"Oo nga. Nagulat nga din ako."


"Paano ka naman nakakasiguro na yung ex mo nga yung nakita mo. Saka anong ginagawa nun dito sa hotel? Hindi ba ang huling balita mo sa kanya ay nasa ibang planeta na yun? I mean ibang bansa pala." Tanong ni Josa habang busy sa pagtetext. Ni hindi man lang ako nililingon nito.


"Alam mo kasi kahit na siguro nakatalikod, nakadapa, nakapatiwarik o nakabalentong iyong si JD makikilala ko pa rin siya. Tatay kaya iyon ng anak ko."


Bigla naman akong nilingon ni Josa at tinaasan ng kilay.


"Wow ah! Grabe din naman ang lakas ng kapit niyang semilya ng ex mo sa katawan mo 'no para makilala mo siya kahit na ano pang posisyon niya. Saka hindi siya tatay ni Harry. Sperm donor lang siya."


Napailing na lang ako. Hindi ko rin naman kayang ipaliwanag kung bakit tila kilala na ng buong sistema ko ang lahat angulo ni JD.


"Oh siya paano dito na ako at may date pa ako" paalam ni Josa ng may humintong jeep sa tapat namin.


"Date? Akala ko ba break na kayo nung boyfriend mo?" Nagtatakang tanong ko. Nung nakaraan lang kasi ay panay ang reklamo ni Josa sa amin ni Jean tungkol sa boyfriend nito.


"Bakit? Siya lang ba ang lalaki sa mundo. Aba! Sayang naman ang kagandahan kong ito kung ibuburo ko lang sa kanya. Move-on-move-on din 'teh pag may time" sagot nito at matapos humalik sa pisngi ko ay sumakay na ng jeep.


Napailing na lang na sinundan ko ng tingin ang papalayong jeep ni Josa. Nang may huminto ulit na jeep sa tapat ko kung saan ako bababa ay sumakay na din ako.


***


"Gusto ko na magkaroon ng boyfriend" himutok ko kina Jean at Josa.


May girls night out kami ngayon. Isinecelebrate namin ang pagiging broken hearted ni Josa. Nabalitaan kasi nito na may pamilya na pala ang lalaking idinedate nito. Kaya naman ayun ang loka. Biglang nag-aya ng inuman.


"Bigyan niyo ako ng boyfriend!!!!!"


Hinampas ako ni Jean sa balikat.


"Tse! Tumigil ka nga diyan. Kung makahingi ka ng boyfriend akala mo nabibili lang sa tindahan yun ah"


Tama nga naman si Jean. Kung nabibili lang sa tindahan ang boyfriend, baka nakipag-unahan na siya sa pagbili.


"Kami nga diyan wala ding boyfriend eh. Kapag may nakita kami, sa amin muna bago sayo" sabi naman ni Josa.


"Ito na ba talaga ang destiny natin mga mare? Ang tumandang dalaga?" Madramang tanong ko.


Dala siguro ng alak kaya ako nag-eemote ng ganito ngayon.


"Atleast ikaw may Harry ka. Hindi ka nag-iisa. Paano naman kami nitong si Josa"


"Gusto ko lang namang magkaroon ng isang masaya at buong pamilya. Bakit ipinagkakait sa akin iyon? Anong klaseng tadhana ba ang meron ako?!"


"That thing called tadhana" sabay na sabi nila Jean at Josa.


 Last night I think I drank too much, yeah
Call it our temporary crutch, hey
With broken words I've tried to say
Honey don't you be afraid
If we got nothing we got us (Yeah) 


***


"I don't know if this is coincidence, fate, or maybe a curse. Bakit lagi na lang tayong nagkikita?" Nagtatakang tanong ni King.


Maging ako man din ay nagulat pagkakita ko sa kanya sa loob ng opisina namin. Paakyat na sana ako sa working area ko nang makasalubong ko siya sa lobby.


"Sinusundan mo ba ako?" Muling tanong nito.


Maang na napatingin naman ako sa kanya. Ambisyoso din itong lalaking ito.


"Bakit naman kita susundan aber? Excuse me lang ah! Dito po ako nagtatrabaho."


"Really? I have a meeting here today"


"Pakialam ko" supladang sabi ko at tinalikuran ko na siya. Busy ako ngayon. Madaming trabaho.


Bago pa ako makabalik sa area ko ay humahangos na si Josa na lumapit sakin.


"Hikari! Kanina pa kita hinahanap. Tumawag sakin ang Mama mo. Kanina ka pa daw niya tinatawagan sa cellphone mo hindi ka niya makontak" humihingal na sabi ni Josa.


"Nakasilent ang phone ko. Bakit daw tumawag si Mama?" Nagtatakang tanong ko.


"Si Harry daw dinala niya sa ospital"


Pagkarinig ko sa ibinalita ni Josa ay para akong nanghina bigla.


"Puntahan mo na si Harry. Naipagpaalam na kita kina Boss."


Matapos magpasalamat kay Josa at alamin kung saang ospital dinala si Harry ay nagmamadali na akong umalis. Subalit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay napigilan na ako ni King.


"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako. Nagmamadali ako"


"Ihahatid na kita" sabi nito at hinila na ako papunta kung saan nakaparada ang kotse niya.


Habang nagbabyahe ay panay ang tawag ko kay Mama at ipinagdarasal ko na sana ay okay lang si Harry.


Nang makarating kami sa ospital ay agad ko nang pinuntahan ang kwarto kung saan naroon si Harry.


"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko kay Mama.


"Nag-allergy daw sabi nung doktor. Bigla na lang kasi siyang nagpantal at nahirapang huminga kaya nataranta na ako. Pero ngayon okay naman na siya"


Pakiramdam ko naman ay bigla akong nakahinga ng maluwag nang malaman na ayos na ang lagay ni Harry.


"Anak, sino siya?" Tanong ni Mama.


Hindi ko namalayan na nakasunod pala sakin si King. Ipinakilala ko siya kay Mama.


"Magandang araw po"


"Magandang araw din naman hijo. Hikari, ikaw na muna ang bahala kay Harry. Ako'y uuwi muna saglit sa bahay" paalam ni Mama samin at iniwan na kami ni King.


"Salamat nga pala sa paghatid mo sakin" saka ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa kanya.


"No problem. Anak mo?" Tanong nito.


"Oo. Si Harry"


"Cute kid. Where is his father if I may ask?"


"Nasa ibang planeta"


"Is he the guy at the hotel?"


Nagulat naman na napatingin ako kay King. Hindi ko akalain na matatandaan niya pa ang nangyari sa hotel noong aksidenteng nakita ko si JD"


"Yeah" tipid na sagot ko nang may bigla akong naalala. "Wait, hindi ba at may meeting ka sa office ngayon?"


"Yes"


"Hala! Paano iyan?"


"Don't worry about it. I may be lost a million peso contract but the important thing is napuntahan mo agad ang baby mo"


Feeling ko naman ay sinundot ako bigla ng kunsensya sa pagkaalam na milyong pisong halaga ng kontrata ang nawala dito dahil sa paghatid niya sa akin.


"Thank you ah. Pasensya ka na"


"That's why I told you that what kind of fate do we have. Is it just plain coincidence? Destiny? Or a curse?" Nakangiting sabi ni King sakin.


Maski ako ay hindi na rin alam kung anong klaseng tadhana nga ba ang meron at lagi kaming pinagkikita ni King. Pero sana kung hindi man ito destiny sana ay hindi rin ito curse.


And if you only die once I wanna die with
You got something I need
In this world full of people there's one killing me
And if we only die once, (hey)
I wanna die with you (you, you, you)
You got something I need
In this world full of people there's one killing me
And if we only die once, (hey)
I wanna die with you (you, you, you)


***


Minsan iniisip ko na malakas din talaga maglaro ang tadhana. Ang malas lang dahil mukhang ako ang laging biktima.


Muli kaming nagkita ni JD sa isang mall. And this time, wala ng King na hadlang sa pagkikita namin.


"Hikari" parang binabad sa sukang paombong ang mukha nito pagkakita sa akin.


"So kilala mo pa pala ako" nakataas ang kilay na sabi ko.


Actually noong hindi ko pa personal na nakakaharap muli si JD ay kung ano ano ang naiisip ko. Gusto ko siyang sumbatan sa pang-iiwan niya sa akin. Gusto ko siyang murahin dahil gago siya. Gusto ko siyang saktan kapalit lahat ng pananakit niya sa akin.


Subalit ngayong nakita ko na siya nang harapan ay wala akong maramdaman na kahit ano. Parang sa isang bula ay naglaho lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.


"Hikari I'm sorry. Believe me, hindi ko intensyon na saktan ka" hinging paumanhin ni JD. Animo isa siyang maamong tupa subalit isa namang lobong nakabalat tupa.


"Really? Hindi mo intensyon? Hindi mo intensyong lokohin ako? Hindi mo intensyong alukin ako ng kasal at pagkatapos ay iwang parang basahan?" Kahit na gustong tumaas ng boses ko ay nakapagtataka na kalmado lang ako.


Napabuntong hininga si JD at tinangkang hawakan ang kamay ko na mabilis ko namang iniwas.


"Gusto kitang pakasalan Hikari sa totoo lang. Minahal talaga kita. Oo at aaminin ko na niloko at nasaktan kita. Pero totoo ang pagmamahal na naramdaman ko sayo noon. Kung magkakaroon lang talaga ako nv pagkakataon, pakakasalan naman talaga kita. Pero hindi na pwede"


"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ko.


Bago pa makasagot si JD ay isang batang babae na sa tantya ko ay limang taong gulang ang tumatakbong lumapit sa amin. Kasunod nito ang isang babae na marahil ay kasing edad ko.


"Tapos na ba kayong mamili?" Tanong ni JD sa babae.


"Oo. Nagyaya na itong si Jade na kumain" sagot naman nung babae.


"Daddy I'm hungry"


"Okay Baby, kakain na tayo"


"Daddy sino po siya?" Turo ng batang babae akin.


Hindi naman agad nakasagot si JD.


I know that we're not the same
But I'm so damn glad that we made it
To this time, this time, now (yeah) 


Nakangiti namang binalingan ko amg batang babae.


"Nagtatanong lang ako ng direksyon little girl. Naliligaw kasi ako. Sige mauna na ako"


Naglakad na ako palayo kina JD. Ngayon ay malinaw na sakin ang lahat. Hindi ako nagawang pakasalan ni JD dahil kasal na siya sa iba. Iniwan kami ni Harry ng tatay niya dahil may iba talaga itong pamilya.


Dali dali akong pumunta sa restroom. Swerte naman at mayroong bakanteng cubicle. Agad akong pumasok at inilock ang pinto.


Saka ko inilabas ang kanina ko pang pinipigil na pag-iyak.


You got something I need
Yeah in this world full of people there's one killing me
And if we only die once I wanna die with you (heeyy) 

***


Isang taon na ang nakalipas mula nang aksidenteng magkita kami ni JD at pakiramdam ko ay tuluyan ng nagkaroon ng closure ang kwento naming dalawa.


Masaya naman na ako ngayon. Ang daming blessings na dapat kong ipagpasalamat. Napromote ako sa trabaho at nakabili ako ng bagong sasakyan. Hindi man ako happy sa lovelife ay okay lang. Sa wakas ay masasabi ko na nakamove on na talaga ako. Wala ng past na humihila sa akin pabalik dahil on the first place, wala naman pala akong babalikan. I just need to move forward. Ang sabi nga ng bago nating pangulo ngayon "We cannot move forward if we allow the past to pull us back".


Inshort, move on move on din 'pag may time.


And speaking of moving on, sinong mag-aakala na ikakasal na ngayon ang kababata kong si Hanz at ang kaibigan kong si Josa. Nagkita at nagkakilala pala ang mga ito noong naospital si Harry at nagkataong sabay silang dumalaw. Kunsabagay kahit na pareho nilang inaanak si Harry ay never pa silang nagkitang dalawa ng personal dahil nung binyag ni Harry ay hindi nakapunta si Josa at nung first birthday naman ni Harry ay nagkatong wala si Hanz.


Pero tignan mo nga naman ngayon at ikakasal na silang dalawa. Tadhana nga naman. Ang lakas ng trip!


Masaya ako para sa kanilang dalawa dahil sa wakas ay natahimik na din ang lagalag na puso ni Josa at natagpuan naman ni Hanz ang babaeng nararapat para sa kanya.


Ako kaya? Kailan?


You got something I need
In this world full of people there's one killing me
And if we only die once, (hey)
I wanna die with you (you, you, you) 


"Hoy! Ngiti ngiti mo diyan? Tara na at picture taking na." Pukaw sa akin ni Jean. Kapwa ko abay sa kasal na iyon.


"Heto na nga oh! Panira ka 'teh ng moment. Nag-eemote ako eh" naiiling na sabi ko.


"Huwag kang mag-emote. Hindi mo kasal ito" pang-aasar pa ni Jean bago kami sumama sa mga kapwa namin abay para magpapicture sa bagong kasal.


***


"Kiiiiiiiiiiiss!!!!"


Pinatunog pa namin ang mga hawak naming baso. Maluwag ang ngiting naghalikan naman ang bagong kasal. Ang tamis!


Nagpaalam lang ako sandali kay Jean na pupunta sa restroom nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan.


Palabas na ako ng restroom nang may makabangga ako. Mukhang papasok naman ito sa restroom ng lalaki. At dahil mas malaki at mas malakas siya sa akin ay halos tumumba ako kung hindi niya ako agad nahawakan.


Animo may libo libong kuryente naman ang dumaloy sa katawan ko sa naging paghawak sa akin nung lalaking nakabangga ko.


Eh kasi naman. Bakit kailangang sa bewang niya pa talaga ako hawakan. Pwede namang sa kamay na lang!


"Hey! We meet again"


Pamilyar sa akin ang boses na iyon kaya naman agad akong nag-angat ng paningin.


"Ikaw na naman?" Gulat na tanong ko dahil walang iba kundi si King ang nasa harapan ko ngayon.


"Yes! It's me again and it's you again. Is fate joking on us? Lagi na lang tayong pinagtatagpo" natatawang sabi ni King.


"Oo nga. Grabeng coincidence na ito ah" sabi ko naman at umayos na ako ng tayo.


"Do you really think it's just coincidence? Or baka naman the universe is telling us that fate really brought us together"


Natawa naman ako bigla. Sinong mag-aakala na ang isang gwapo at mayamang lalaking tulad ni King ay naniniwala pala sa tadhana.


"Don't laugh at me Hikari." Banta ni King. Naoffend yata na pinagtawanan ko siya. Bigla na lang niyang hinarang ang kamay niya dahilan para makulong ako dahil pader na ang nasa likod ko.


"Sorry naman. Masyado kang balat sibuyas"


"I'm serious Hikari. I like you" seryosong sabi ni King.


Pakiramdam ko naman ay namula ang buong mukha ko dahil nag-init ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.


"Hey! You're blushing" panunukso ni King.


Bwisit na lalaki ito! Lakas mang-asar!


"Hindi ako magbablush! Make up lang iyan" tanggi ko naman.


"Seryoso ako. I like you. I don't know why but the first time that I saw you that night, yung tipong gusto mo na tumakbo palayo sa akin dahil you think masama akong tao nakuha mo na agad ang atensyon ko. Then nung nagkita tayo sa hotel at dun sa office niyo. At ngayon nga after a year nagkita ulit tayo, alam kong hindi na lang basta coincidence iyon."


"Pero bakit ako? I'm a single mom. Samantalang ikaw, gwapo ka at mayaman. Maraming babaeng maghahabol sayo so why choose me?"


"Because it's you. I don't care how many of them. Iba ka sa kanila. I saw how you love your child. Yes, you are a single mom and for me, they are the most bravest person in the world. Besides, wala ka namang asawa so technically, single ka pa din. So I'm free to date you"


"Date talaga?"


"Saan ba nagsisimula ang lahat? I want to know you more Hikari and I want to show you who I really am. Yung ako bilang lalaking nagmamahal at hindi bilang lalaki na sinasabi ng media. Will you want to give it a try? Malay mo, magclick pala tayo"


May point nga naman si King. Malay mo nga naman kaya kami laging pinagtatagpong dalawa dahil may ibig sabihin iyon. Baka naman gusto na ipamukha sa amin ng world or universe rather na "Hello???? Makahalata naman kayo! Ilang coincidence pa ba ang gusto niyong ibigay ko sa inyo?". Wala namang masama kung susubok ako ulit. Walang masamang bigyan ko ng chance ang sarili ko na muling maging masaya. Eh ano kung dumating ang time na masaktan lang ulit ako? Okay lang yun.


Been there. Done that. Survived that.


Ayon nga sa Continental Drift Theory , Continental drift is the movement of the Earth's relative to each other, thus appearing to "drift" across the ocean bed.


Kung ang pulo nga naghihiwalay, tao pa kaya?


Kung nagawa kong makagraduate sa pinagdaanan ko noon. Magagawa ko ulit ngayon.


Pero malay mo nga naman.


Heto na palang lalaking ito ang forever ko.


Tatanggi pa ba ako?


"Okay. Let's give it a try" nakangiting sabi ko.


Isang matamis na ngiti din ang ibinigay sa akin ni King.


 You got something I need
In this world full of people there's one killing me
And if we only die once, (hey)
I wanna die with you (you, you, you) 


Naputol ang matamis na pagngingitian namin ni King nang tumunog ang cellphone ko.


Tumatawag si Jean!


"Hello?"


"Hoy babae ka! Nasaan ka na? Nilamon ka na ba ng CR?"


Shocks! Nakalimutan ko na nasa reception nga pala kami ng kasal nila Josa at Hanz.


"Oo na. Heto na pabalik na. Madaming tao sa CR" pagdadahilan ko nalang. Nakita ko pa sa sulok ng mata ko na tumawa si King. Sinaway ko naman siya.


Hinawakan naman ako ni King sa kamay at iginiya na pabalik sa reception hall.


"Ihahatid na kita. Mukhang hinahanap ka na nila"


"Oo nga. Natagalan ako. Kasalanan mo ito eh"


Tinawanan lang ako ni King. Mukhang naaadik na yata akong pakinggan ang tawa niya.


  If we only die once (hey) I wanna die with ...



"See you after the party" paalam niya at marahan akong hinalikan sa pisngi bago ako iniwan.


"After the party?" Nagtataka naman na sinundan ko siya ng tingin.


Ganun na lang ang gulat ko ng lapitan ni King si Hanz.


Magkakilala silang dalawa?!


Tadhana nga naman oh!


If we only live once I wanna live with you .


***


Napailing na lang si Vanie nang makalabas ng restroom. Kanina pa siya sana lalabas pero dahil mukhang may nagkakatapatan ng pag-ibig sa labas ng CR ay nailang siya bigla lumabas at istorbohin ang mga ito sa madamdaming moment ng mga ito.


Pakiramdam naman niya ay nanonood siya ng teleserye at kilig na kilig siya. Kunsabagay, hindi lang naman iyon ang unang pagkakataon na nakasaksi siya ng dalawang taong nagmamahalan at nagkakatapatan ng pag-ibig. Still, kinikilig pa din siya.


"Hay! Ako kaya kailan makakahanap ng forever?" Nangangarap na sabi niya sa sarili na agad din naman niyang sinaway. "Boyfriend nga wala kang makita, forever pa kaya!"


Hindi naman siya bitter. Alam ni Vanie na one of this day, mahahanap din niya si Mr. Right.


Okay lang. Hindi naman siya nagmamadali.


Pero sa ngayon, kailangan na niyang magmadali dahil for sure aawayin na naman siya ng pinsan niya kapag nalate siya sa girls night out nila.


*The End*

No comments:

Post a Comment