Saturday, April 14, 2012

TSG is the name : Chapter 6



Alaine Grace Marie Montemayor


“Waaahhhhhh….pagod much!!!!!” reklamo ko at pabagsak na nahiga sa sofa.


Three days na akong nagstraight Graveyard dahil kulang kami sa tao. Mukha na akong zombie. Kumakaway-kaway na ang mga eyebags ko.



“Gusto ko ng matulog.” Humilata na ako ng higa sa sofa kahit hindi pa ako nagpapalit ng damit.


Nagulat ako ng may biglang humampas sa hita ko.


“Hoy! Kumain ka muna bago matulog” sita sakin ni Jona. Ang lola ng grupo namin.


Kahit kasi siya ang pinakabata eh siya naman ang pinakamatured mag-isip. Idagdag pang ang hilig niyang manermon at manita.


“La, hindi na ako kakain. Pagod much na” sagot kong hindi bumabangon sa sofa.


“Bangag ka na naman. Dun ka na sa kwarto matulog para makatulog ka ng maayos. Wag ka na muna pumasok. Adik ka din kasi eh. Alam mong may klase ka pa nagpupuyat ka” sermon niya sakin.


“Yes Lola.” Pero hindi pa din ako tumitinag sa pagkakahiga sa sofa.


Isang hampas na naman ang natamo ko tuloy.


“Ang kulit sinabing umakyat na dun sa kwarto eh”


At dahil masyadong pasaway ang lola namin ay napilitan naman na akong umakyat ng kwarto ko.


Nang makita ko ang kama ay parang nakakita ako ng maraming-maraming ice cream..ang sarap lantakan kaya naman agad na akong humiga pabagsak. Kahit hindi ganun kalambot ang kama eh pakiramdam ko eh nasa cloud-9 na ako dahil sa wakas ay nakalapat na din ang katawan ko sa higaan.


Pero sabi nga eh sadyang may mga pasaway sa mundo.


Dahil kung kelan ilang hakbang nalang ang gagawin ko at makakarating na ako sa Dream land ay saka naman ako inistorbo nitong si Jona.


“Lain, papasok na ako…ikaw na bahala dito sa bahay ah..umalis na din yung iba para pumasok eh..may iniwan na akong pagkain dyan sa ref kung gusto mong kumain ah...initin mo nalang” bilin nito sakin.


“Sige na ‘La ako na bahala..babye na” at isinalubsob ko ang mukha ko sa unan.


“Hay naku pasaway kasi” naiiling na sita nalang sakin ni Jona bago tuluyang lumabas ng kwarto.

+ + + + +






Gabi na ng nagising ako dahil kumukulo na ang tyan ko sa gutom. Kagabi pa pala ang huling kain ko.


Iinot-inot na bumangon ako sa kama upang bumaba.


Bakit kaya wala pa ang mga baliw na kaibigan ko?


May nakita akong note sa ibabaw ng ref.


“Lain…umalis kami..kanya-kanyang lakad…ikaw lang tao dyan sa bahay..ingat ka dyan. P.S. Wag mo sunugin ang bahay natin at wala pang insurance yan..hehe…love, Jona”


Nailing na natatawa nalang ako sa sinabi ni Jonas a sulat.


So may mga lakad pala ang barkada. Hindi na siguro nila ako ginising dahil alam nilang pagod ako eh.


Sakto namang isinasalang ko sa kalan ang iniwang pagkain sakin ng mga kaibigan ko eh may narinig akong katok sa gate.


Mukhang may bisita yata kami.


Wala pa naman dito yung mga kaibigan ko. Para kanino kayang bisita ito?


Hininaan ko muna ang kalan bago lumabas ng bahay upang alamin kung sino ang kumakatok.


“Yes? What can i do for you?” oh diba inglesera ang lola mo..haha..baka nagbebenta ito ng walis, vacuum o encyclopedia eh. Kailangang makipagsabayan sa English.


Isang lalaki ang nakita kong nag-aabang sa labas ng bahay namin.


“Hi, ako nga pala si Arish…dyan ako sa katabing bahay niyo nakatira. Birthday kasi ng kasama ko kaya nagdala ako ng pagkain dito...wag ka mag-alala kasi di naman ako masamang tao” sabi nito at iniabot sakin ang isang plato na may lamang pagkain.


Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Honestly okay naman siya eh.


Matangkad…medyo may katawan din naman (lahat ng tao may katawan kapag walang katawan manananggal iyon)…I mean macho na din…hindi siya masyadong gwapo pero malakas ang sex appeal niya. Mukha nga lang maangas ang dating niya.


“Hello, ako naman si Alaine, pasok ka muna para maisalin ko yang pagkain para maiuwi mo na.” Yaya ko sa kanya at iginiya siya papasok ng bahay.


“Ganito pala hitsura nito noh? Halos pareho lang pala samin.” Puna ni Arish ng mapagmasdan ang bahay. “yun nga lang mas mukhang bahay ang sa inyo kumpara samin..hahaha”


“I heard puro yata kayo lalaki dun eh”


Iyon kasi ang narinig ko kay Roselyn. Nakilala na niya kasi yung ibang tao dun sa kabilang bahay eh.


“Yeah..bed spacer kasi kami kaya puro lalaki lang unlike sa inyo na buong bahay ang nirentahan”


“Ahh ganun ba?”


Nakarating na ako sa kusina at isinasalin ko na ang dala niyang pagkain sa plato habang kausap siya.


“nasaan yung mga kasama mo dito? Mga kaibigan mo ba yun o mga kapatid?”


“Mga kaibigan ko yun. May mga pinuntahan lang sila kaya wala sila dito”


“Hindi ka nila sinama?”


“Tulog kasi ako..ilang gabi na kasi akong puyat sa work eh”


“ahh kaya pala hindi na kita masyadong napapansin na umuuwi sa gabi kasabay ng mga kaibigan mo. Iyon pala sa umaga ka na umuuwi”


“Oo eh” wait? Ibig sabihin inaalam niya kung nakauwi na ako o hindi?


Dont tell me may gusto sakin itong lalaking ito?


Oh sige na Alaine ikaw na…ikaw na maganda..ikaw na ambisyosa.


Para sinabing hindi ka napapansin eh may gusto na agad sayo? Baliw ka talaga.


Nang matapos maisalin at mahugasan ang plato eh inabot ko na ito sa kanya.


“Thank you sa pagkain ah..pakisabi na din sa kasama mo happy birthday”


“Sige…walang anuman..nice to meet you Alaine”


“Nice to meet you too Arish”


+ + + + +






Muli na naman akong naiwang mag-isa ng makaalis si Arish.


Hay naku hindi ako sanay ng ganito. Hindi ako sanay ng naiiwan sa bahay eh.


Peste kasing puyat yan eh.


Minabuti ko nalang lantakan yung pagkaing dala ni Arish.


Pancit, cake at lumpiang shanghai ang dala niya.


Kumuha ako ng iodized salt sa kusina, kalamansi at patis upang isagawa ang aking pagkain.


Sa aming magkakaibigan ako ang may pinakaweird na taste pagdating sa pagkain. Yung tipong mga pagkain na hindi kayang kainin ng iba ang kinakain ko. (hindi naman ako selfish at matakaw diba?hehe)


Sinimulan ko na ang pagkain. Atleast kahit wala akong kasama ay hindi naman ako magugutuman dito.


Mabuti nalang at bukas eh wala akong pasok sa work kaya makakauwi ako ng maaga at makakasabay ako sa mga kaibigan ko.


Nang matapos ay inatake na naman ako ng antok kaya hinugasan ko nalang muna ang pinagkainan ko bago umakyat sa kwarto.


Mahirap na at baka dagain o ipisin pa kami dito. Lagot ako kay Lola Jona.


End Of Chapter 6

No comments:

Post a Comment