Thursday, April 26, 2012

The Bestfriend’s Rule - One Shot


The Bestfriend’s Rule


Bata palang ako pangarap ko na ang magkaroon ng bestfriend na lalaki. Ewan ko ba..basta pakiramdam ko iba ang feeling kapag may guy bestfriend ka. Ano nga ba ang role nila sa buhay? Ano ba talaga ang silbi nila? Sa panahon ngayon bihira na yung loyal at tapat na kaibigang lalaki. Iyong iba kasi sadyang mapagpanggap lang. mga nagtetake-advantage.


“Hey! Bes! Emotera ka na naman” napatingin ako sa lalaking tumapik sa balikat ko.


Siya si Kiel Salvatore. Ang BESTFRIEND ko.


At ako naman si Lianne Pineda.


At ito ang aming kwento.





“Showing na yung movie na gusto ko. Gusto kong manood kaso ayaw naman ako samahan ng boyfriend ko. Ang KJ talaga” himutok ko kay Kiel habang kumakain kami sa fastfood chain after office hours.


“Eh di tayo nalang manood” sagot naman niya.


Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi niya.


“Talaga? Sasamahan mo ako?”


“Oo… kawawa ka naman eh” pang-aasar niya.


“Hay naku ewan ko sayo….pero sige..kelan ba? Ngayon na?”


“Excited??? Sa Friday na para di tayo nakauniform”


Si Kiel Salvatore ang matatawag kong bestfriend ko. Noong una kaming magkakilala eh hjindi kami nagpapansinang dalawa kahit sabihing magkatrabaho kami. Wala kasing chance na magkasama kami dahil magkalayo ang department namin. Pero dumating yung chance na nagkausap kaming dalawa at iyon na ang naging simula ng pagiging malapit namin.


He’s a sweet and thoughtful bestfriend kahit na may times na ang lakas mang-asar. Hindi mo aakalaing ganun siya dahil tahimik lang ang pagkakakilala ko sa kanya nung una. Pero when I get to know him narealized ko kung gaano kakulit at may pagkamaangas din pala ang gwapong bestfriend ko.


“Sige..Friday then”


Since we became bestfriends nagkaroon ako ng moviedate. Masyado kasing KJ ang boyfriend ko at walang hilig sa ganun. The way we treat each other was greater than just a best of friends.


But we set a rule with each other.


Rule No. 1 “Don’t fall in love”


Love complicates everything and since we’re happy on our relationship bakit pa naming gagawing kumplikado ang lahat?


We also have our own BESTFRIEND’S DAY kung saan iyon ang time namin to bond. Sa loob ng isang linggo yung Friday eh para kay Bestfriend. The rest kay Boyfriend.


By the way may girlfriend din pala siya. Kaso nasa province at dun nagmamasteral. Sa totoo lang hindi ko pa nameet yung girlfriend niya eh. Pero parang gusto kong maasar sa kanya kasi I know how much my bestfriend love her pero dedma lang siya. Tinetake for granted lang niya. Kaya mabuti na nga din sigurong wag ko na siya makilala at baka mabangasan ko pa mukha niya. Tapang noh? Parang kaya eh.


Mas lalong nadagdagan ang inis ko dun sa jowa niyang hilaw na bangus ng walang dahi-dahilang nakipaghiwalay ito kay Kiel. Nakakairita talaga. Kawawa naman ang bestfriend ko.





“Bes, break na kami” text ko sa kanya isang gabi.


Agad naman akong tinawagan ng gwapo kong bestfriend.


“Ha? Bakit bes?”


“Wala na daw kasing patutunguhan ang relasyon namin. Saka masyado na siyang paranoid. Pati ba naman ikaw na bestfriend ko pagseselosan niya”


“Well…hindi ko naman masisisi si boylet mo dahil alam ko namang super hot ako”


“Wow grabeng lakas ng aircon dito at tinatangay ako ng hangin. May bagyo ba?”


“Ewan mainit naman dito samin eh.haha”


“Bes naman eh!!!”


“Ikaw naman pinapatawa lang kita eh…wag ka na magdrama jan okay? Kawalan niya yun. Pinakawalan niya ang isang napakaganda at napakabait na babae sa mundo….ubo..ubo..ubo”


“Sira ulo ka talaga kahit kelan Kiel Salvatore!!!”


“At emotera ka talaga kahit kelan Lianne Pineda”


“ayoko ng magboyfriend”


“Sabi mo lang yan…hahanapin at hahanapin mo din ang magboyfriend”


“Nakakainis ka naman Bes eh…puro ka kontra..”


“Wag ka na ngang magdrama. Tara nood nalang tayo movie. Last full show panoorin natin”


“Mabuti pa nga siguro”




Dahil summer at uso ang swimming ay napagdesisyunan naming magkaibigan na mag-outing na kaming dalawa lang. First time naming maga-outing na kaming dalawa lang. madalas kasi may kanya-kanya kaming sinasamahan pero since pareho kaming broken hearted ay mas gusto naming magspend ng time alone for ourselves.


“Inuman tayo Bes” yaya ko sa kanya.


“hay naku Bes kababae mong tao nagyayaya ka ng inuman.”


“BH ako kaya may karapatan akong uminom.”


“Sige iinom tayo pero bawal ang malasing ah”


“Ano kaya yun? Kaya ka nga iinom para malasing eh” nailing na sabi ko.


“Bes…babae ka pa din. Lalaki ako. Kahit sabihin mong magbestfriend tayo hindi pa rin magandang tignan na iinom tayo ng dalawa lang tayo. Paano pag nalasing ka pa eh kilala kita. Sobrang kulit mo pag nalasing eh. Baka akitin mo ako…eh lalaki ako nakakahiya naman kung tatanggihan kita eh bestfriend kita”


Isang malupit na kurot ang inabot niya sakin.


“Ang kapal mo ah!!!!”


Natatawang niyakap naman ako ni Kiel. At pinagkikiliti.



“Sige Bes inom tayo..pero pag may nangyari satin walang sisihan ah”


“Ewan ko sayo”


Isang room lang ang pinareserve ni Kiel. Good for two person’s naman kasi iyon. Actually masyado ngang malaki para sa kanilang dalawa eh.


“Bihis ka muna Bes. Mamaya na tayo magswimming baka mapasma tayo dahil pagod sa byahe.” Sabi ni Kiel pagpasok namin sa kwarto.


“Mauna ka na. Pagod much me” sagot ko naman at pasalampak na nahiga sa kama.


Nauna na ngang pumasok si Kiel sa banyo upang magpalit ng damit. Ako naman ay inabala ang sarili ko sa paglipat-lipat ng channel ng TV. Mula sa banyo ay nakatapis lang ng twalya si Kiel ng lumabas. Iniwas ko naman ang paningin sa kanya. Lumapit siya sa cabinet at kinuha ang damit na isusuot at bumalik ulit sa banyo. Paglabas niya ay short at sando na ang suot niya.


“Bihis na muna Bes ihahanda ko na yung pagkain natin” sabi niya sakin.


Tumayo naman ako mula sa kama at kinuha ang damit na isusuot ko. Isinuot ko na yung swimsuit ko at pinatungan ko nalang ng short at sando. Paglabas ko ng banyo y handa na ang pagkain. Napakasweet naman talaga ng bestfriend ko.


“Gutom na ako” sabi ko at tinabihan siya sa kama habang tinutuyo ko ang buhok ko.


“Himala nagutom ka? Akala ko ba diet ka?” biro ni Kiel habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.


“Walang diet-diet muna ngayon” at nilantakan ko na yung roasted chicken na baon namin.


“Ayan ganyan kumain ka…pasaway ka lagi ka nalang di kumakain eh…BH ka na nga magkakasakit ka pa”


“Shut up Bes!!! I’m eating”


Pagkatapos kumain ay nagyaya muna si Kiel na matulog sandali dahil madami pa namang tao sa swimming pool. Magkatabi kaming nakahiga sa kama. Nakaunan ako sa braso niya at nakayakap naman siya sakin. Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg niya.


“Ang bango naman” sabi ko habang inaamoy ang leeg niya.


“Wag kang mangangagat ah..bampira ka eh” saway ni Kiel.


We stayed that way for a while. Then all of a sudden I don’t know what happened. All I know is we found ourselves kissing each other. I feel his hands touching my body. He lifts me up and positioned my body above him while kissing.


We ended up having sex.


After that, he hugged me tight and kiss my hair.




Iniisip ko ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Kiel.


Napatingin ako sa katabi kong tulog na tulog.


I just had sex with my bestfriend.


With my bestfriend for Pete’s Sake!!!


And it happened na pareho kaming hindi lasing. We are both in our sane minds when that happened.


Aaminin ko ginusto ko din naman ang nangyari dahil kung tutuusin pwede ko naman siyang pigilan pero ewan ko ba at nagustuhan ko din ang nangyari samin.


Maybe because for the first time in my life naramdaman kong babae ako. Hindi ako ignorante pagdating sa sex pero bihira ko siyang gawin with my ex-boyfriend. Pakiramdam ko kasi hindi ako nag-eenjoy o nasasatisfied sa ginagawa namin.


We girls have our need also nahihiya lang talaga kaming magsalita. We are not vocal like boys when it comes to sex. Lalo pa nga at medyo hindi pa tanggap ng society ang pre-marital sex kahit marami ng gumagawa nun.


And for all people na magpaparamdam sakin ng satisfaction hindi ko akalaing sa bestfriend ko pa. Nakakatawa.


Naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap ni Kiel sakin. Napatingin ako sa kanya.


“You can’t sleep?” he asked while kissing my shoulder blades.


“Akala ko ba magsuswimming tayo?”


“Anong oras na ba?”


“1:00 AM”


“Okay Sige tara” sabi ni Kiel at bumangon na sa kama.


“Bes…did it really happened?” I ask him habang nagbibihis.


“Why? Nagsisisi ka?”


“No…I just can’t believe it. Pero wala akong nararamdamang pagsisisi”


Funny may it seem pero wala talaga. That was great and I totally enjoy it.


“Me too”


“Akala ko lang kasi may possibility lang mangyari iyon kapag nalasing tayo. Pero hindi naman tayo lasing eh” natatawang sabi ko.


“Aha?! Siguro kaya gusto mo akong lasingin noh?!”


Pinaliguan ko naman ng kurot si Kiel dahil sa sinabi niya.


“Hey!!! I’m just joking… panget kapag nangyari iyon dahil lang sa lasing tayo dahil may possibility na pagsisihan natin dahil dala lang ng alak iyon. Pero kung hindi tayo lasing just like what happened pareho tayong aware sa nagaganap.”


“Buti hindi ka naiilang sakin?”


Ganun naman kadalasan diba? Kahit nga sa magboyfriend-girlfriend may tendency na magkailangan pagkatapos gawin iyon. Pero kaming dalawa??? Wala.


“Hindi naman. Siguro dahil masyado na tayong kampante sa isat-isa kaya wala ng ilangan. And at the same time. Pareho nating ginusto iyon.”


“Siguro nga….anyways…let’s go swim”



From then on naging normal na lang saming magkaibigan ang SEX…hindi na siya big deal. Parang “friends with benefits” ang drama naming dalawa. Hanggang sa lumipat na ako ng trabaho. Bihira na kaming magkasama pero kapag “Bestfriends day” namin hindi iyon pumapalya. No matter how busy we are we see to it na magkakasama kami ng araw na iyon.


Hindi pa rin ako nagkakaboyfriend. Nawalan na din kasi ako ng time dahil sobrang busy sa new work ko. Saka emotionally unprepared pa ako. Pero si Kiel balita ko nagkabalikan na ulit sila ng Girlfriend niyang hindi ko parin namemeet ng personal. Nung nagkataon kasing pumunta ng Manila ang girlfriend niya eh nataong nasa Cebu ako for seminar. Kaya hindi ko rin siya nakilala pa.


“Hey Bes nasaan ka na ba? Kanina pa ako nilalamok dito sa labas ng bahay niyo?” tanong sakin ni Kiel sa cellphone.


Kalilipat ko lang din kasi ng bahay. I decided to be independent na din kasi kaya nagsolo ako. Wala namang problema sa family ko.


“Sorry naman on the way na ako medyo trapik lang”


“naman!!! Ang tagal eh” reklamo pa ni Kiel.


“eto na po boss wait lang”


After 30minutes nakarating din ako sa bahay ko. Isang nakasimangot na Kiel ang nadatnan ko.


“kanina ka pa?” tanong ko habang binubuksan ko ang bahay. parang timang din ako noh? Malamang kanina pa siya.


Nakasimangot na sumalampak ng upo si Kiel sa sofa matapos ilapag sa mesa ang dala niyang mga pagkain.


“Obvious ba?”


“eh dapat kasi pumasok ka na lang sa loob para di ka napagod kakatayo sa labas” sabi ko habang inaayos ang mga dala niyang pagkain.


Since alam ni Kiel na wala akong talent sa pagluluto ay puro take-out nalang ang kinakain namin.


“Adik ka ba? Hindi mo naman ako binigyan ng susi ng bahay mo?”


“Hindi ba? Kaya pala..nawala siguro sa isip ko”


“bago ako umalis ibigay mo sakin yung duplicate key ah”


“aba? Demanding ang bestfriend ko?!”


“Eh para naman hindi ako mukhang kawawa dun sa labas na naghihintay kung sakaling gagabihin ka man diba? Sabi ko naman kasi sayo susunduin na alng kita sa office niyo ayaw mo naman.”


“oo na nga eh sorry na…so anong agenda natin ngayon?”


“Movie marathon nalang tayo”


“Horror?” pang-aasar ko. Alam ko kasing hindi mahilig sa horror iyang si Kiel. Katwiran niya bakit daw niya sasayangin ang panahon at pera niya para lang takutin ang sarili niya.


“tumigil ka. Horror ka dyan. Bangungutin pa ako. Action nalang”


“Ayoko nun”


“iyon ang gusto ko”


Ang sumatotal nauwi kami sa comedy.




“Hey Lianne, seryoso ka ba talaga dyan sa pinapasok mo?” minsan ay tanong sakin ng kaibigan kong si Sarah.


“Saan?” inosenteng tanong ko kahit may idea ako sa sinasabi niya.


“sa inyo ni Kiel mo’


“Magkaibigan lang kami”


Bakit ba may mga taong ang hirap umintindi? Sa sinabing magkaibigan nga lang kami ni Kiel eh laging nilalagyan ng malisya.


So what if we kissed? So what if we had sex?


“ako ang naaawa sayo eh”


“Don’t be Sarah. Masaya ko sa ginagawa ko.”


“Bahala ka nga. wag mo sasabihing di kita pinagsabihan eh”




Isang araw hindi inaasahang bisita ang nadatnan ko sa labas ng bahay. she looks familiar pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita o nakilala.


“Yes Miss? What can I do for you?” nakangiting bati ko.


Nginitian naman ako nung babae. Infairness ang ganda at puti niya. Pero syempre mas maganda ako. Josa yata ako. Haha.


“ Ikaw ba si Lianne? Ako nga pala si Brenda”


Brenda??? As in??? itong magandang babaeng ito ang girlfriend ng bestfriend ko?


So what?? Eh anong ginagawa niya dito sa bahay ko?


Balak niya ba akong awayin? Don’t tell me nalaman niya yung tungkol samin ni Kiel kaya bigla siyang napasugod dito.


“Yeah..ako nga…ahmm..ikaw yung girlfriend ni Kiel diba?”

“Yup”


Niyaya ko siya sa loob ng bahay. Nakakahiya naman kung maisipan nitong mag-eskandalo. Atleast kung nasa bahay na kami hindi masyadong nakakahiya sa kapitbahay.


“Pasensya na hindi pa ako nakakapaglinis ng bahay”


“Your place is nice” ani Brenda pagpasok sa loob.


“Ahm…drinks?”


“Okay lang ako thank you.”


“Ah…Brenda right? Does Kiel know that you’re here?”


“Yeah. Actually he was the one who brings me here. Nagpaiwan nalang muna ako dahil may pupuntahan lang siya saglit.”


“ahh okay…so nandito ka ba para awayin ako?”


Tumawa si Brenda. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?


“Why would I do that?”


“You know just like in the movies... just because I’m close to your boyfriend”


“I know that you and Kiel are best of friends. I just want to confirm something to you”


Medyo kinabahan ako sa tinging ibinigay sakin ni Brenda. Pero hindi ko ipinahalata. Instead I look at her eyes.


“Lianne may gusto ka ba kay Kiel?”


Natawa ako sa sinabi niya.


“kay Kiel??? Ako?? Ano ka ba Brenda…magkaibigan lang kami noh.nakakaloka naman yang tanong mo.”


Mukha namang nakahinga ng maluwag si Brenda sa sinabi ko.


“Really? Actually may isa pa akong sasabihin sayo”


“ano yun?”


Pero bago pa makapagsalita si Brenda ay tumunog na yung doorbell ng bahay.


“si Kiel na siguro yan” sabi ni Brenda at nauna ng lumapit sa pintuan.


Parang gustong tumaas ng kilay ko. Feel at home??? Bahay niya ito??


Magkasabay na pumasok na sina Kiel at Brenda sa loob ng bahay. magkabrisyete.


“Hi Bes” bati ni Kiel sakin.


“hello. Adik ka. Iniwan mo girlfriend mo”


“Okay lang yun para makapagbonding kayo”


“whatever. Ano nga pala yung sasabihin mo Brenda na naputol dahil sa pagdating nitong ugok kong bestfriend?”


Tumingin si Brenda kay Kiel at tama bang magkiss sila sa harapan ko?


I just roll my eyeballs.


The two look at me.


“Kiel and I are getting married” anunsiyo ni Brenda.


Parang may malakas na bombang sumabog sa harap ko at hindi ako agad nakapagsalita.


Parang nabingi ako sa sinabi niya. Or sana nabingi na nga lang ako para hindi ko na narinig pa.


“Hey Bes? Okay ka lang?” alalang tanong ni Kiel.


“Of course I’m okay” I tried to bring my composure back.


“aren’t you happy for us?”


“Silly!!! Of course I’m happy for the two of you. Congratulations” sabi ko at niyakap silang dalawa. “So kelan ang kasal?”


“Next month na… abay ka ah wag kang mawawala sa kasal namin.” Sabi ni Kiel.


“Next month na? ang bilis naman?” hindi mapigilang tanong ko.


“Kailangan eh…bago pa mahalata si baby” sabi naman ni Brenda at hinawakan ang pipis na tyan.


“Buntis ka?!?”


“Yup. Two months”


Napatingin ako kay Kiel. Hindi ako makapaniwala. Mawawala na sakin ang bestfriend ko.


“basta wag kang mawawala sa kasal namin ah”


“sorry I cant” tumingin ako kay Kiel “Di ba may training ako sa Singapore next month? One month iyon”


“Next month na ba iyon?”


“Yeah….congratulations nalang sa inyo. Papadala ko nalang gift ko”


“sayang naman. We wish you were there with our special moment”


“okay lang iyon. Hindi naman ako totally kailangan dun kahit wala ako matutuloy ang kasal niyo. Goodluck to both of you”


“Thanks Lianne” sabi ni Brenda.


Hindi naman nagsalita si Kiel.




Dumating ang araw ng kasal nila Kiel at Brenda. Sa totoo lang  tapos na ang training ko ng mismong araw ng kasal nila. Pumunta ako sa simbahan pero hindi ako nagpakita sa kanila.


Ayoko. Hindi ko kaya. Hindi ko pala kayang makitang ikinakasal na sa ibang babae si Kiel. Ang bestfriend ko. They look happy together. Bagay na bagay sila. Hindi halatang buntis si Brenda.


“Are you sure hindi ka na magpapakita sa kanila?” tanong ni Sarah na siyang kasama kong nagpunta sa simbahan.


“Hindi na Sarah…Hindi na nila ako kailangang Makita pa. ayokong manggulo pa. Masaya na sila” sabi ko at for the last time ay tinignan ang lalaking nagkaroon ng malaking parte sa buhay ko.


“Iyan ang sinasabi ko sa set-up niyong dalawa eh. Friends with benefits? Kalokohan. Ikaw lang ang kawawa eh. Tapos bawal mainlove? Ano ba yun?” naiiritang sabi Sarah.


“Walang kasalanan si Kiel dun Sarah. Ako yung may mali”


“hay naku ewan ko ba naman sayong babae ka”


Buhat sa sasakyan ay tanaw naming palabas na ng simbahan ang bagong kasal habang sinasabuyan ng bigas ng mga taong sumaksi sa kasalan.


“Goodbye Kiel...alam ko namang Masaya ka na ngayon. I know how much you love Brenda….hindi ko na dapat guluhin pa ang isip mo…hindi mo na dapat pang malaman pang mahal kita….matagal na…alam ko bawal mainlove ang drama nating dalawa kaya nga for 5 years itinago ko ang nararamdaman ko para sayo dahil sa pesteng Rule na si-net nating dalawa. Hindi ko naman kasi akalaing maiinlove ako sayo kaya nag-agree ako eh. Pero okay lang…bestfriend mo ako eh..dapat maging Masaya ako kung saan ka Masaya…iyon naman ang tama diba? Sorry kung hindi ko magawang makipagkita sa inyo ngayon…Hindi ko pa kasi kaya….pero after this magiging okay na din ako. Haharapin na din ulit kita. Sa ngayon sorry kung iiwas muna ako. Kailangan ko munang pagalingin ang sugat na hindi mo sinasadyang ilagay sa puso ko…I love you Kiel…I wish you all the best”


Panay ang patak ng luha ko habang sinasabi ang mga salitang iyon.


Ang mga salitang matagal ko ng itinago sa dibdib ko.


For five years I’ve been inlove with my bestfriend pero dahil sa pesteng Rule No. 1 na iyon hindi ko magawang sabihin dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin.


“sana sinabi mo kay Kiel lahat iyan diba at hindi sakin?” malungkot na sabi ni Sarah.


“Hindi na niya kailangang malaman Sarah…hindi na” at kasabay ng pag-andar ng bridal car ay muling pumatak ang luha sa mga mata ko.


Goodbye Kiel…

The End



No comments:

Post a Comment