Saturday, February 11, 2012

ang pusa kong si Xixi..

'Langya...nabwisit ako pagkagising ko kahapon...paano ba naman kasi patulog na ako nun eh...yung tipong ilang saglit na lang nasa Dream Land na ako...mga 1:00 na ng madaling araw yun...tinapos ko pa kasi yung sinusulat kong update sa My Own Prince Charming at After All...so ayun nga...dahil pinagalitan na ako ng lola ko at sinabing matulog na ako at patayin na ang computer dahil may pasok pa ako bukas (saka sayang daw ang kuryente) nahiga na ako sa kama...

so paghiga ko di naman agad ako makakatulog...anjan yung maglalakbay pa yung diwa ko..(kasi may naisip na akong kasunod ng kwento) at kung anu-ano pa ang iimaginin ko...hangang sa ang antok na ang humila sakin...pero bago mangyari iyon lilipas muna ang isang oras..pinakamaikli na ang 30 minutes.

nung medyo nakaidlip na ako bigla na lang akong nagulat ng may biglang bumagsak sakin sa kama ko...eh di syempre ako naman si tili..nagising agad ako...badtrip yan!!! akala ko bumagsak na ang bubong ng bahay namin....iyon pala yung pasaway kong alagang pusang si Xixi ang may kagagawan... nakikipaghabulan siya sa ipis (oo..sa ipis at di sa daga..maarte ang pusa ko eh...chuzy!!!) sa disoras na gabi...so ako naman nung nalaman kong si Xixi lang pala yun at di ang bubong namin..back to sleep na ulit..pero bago yun ibinalibag ko muna si Xixi (pero biro lang yun..tinaboy ko lang pababa ng kama) para makatulog na.

mga 5:45 Am nagising na ako sa tunog na alarm clock ng cellphone ko na agad ko din namang pinatay pero bumangon ako dahil nasesermunan na naman ako ng lola ko kakapuyat ko...syempre... hilamos.. mumog.. kain ng breakfast..at naligo...ayun nga..pagkaligo ko dun ko lang nakita ang ebidensya ng nangyari kagabi (akala ko kasi nananaginip lang ako)...may scar (naks! scar daw oh!) ako sa hita ko..kagagawan ni Xixi.. pagbagsak niya pala sakin aksidenteng nakalmot niya ako (pero feeling ko di aksidente yun eh..may galit sakin si Xixi kasi di ko binigay yung stuff toy na pinaglalaruan niya).. di ko man lang naramdaman yung sakit...nafeel ko nalang na masakit pala nung nakita ko ng may sugat na ako. (late reaction???)

nung nakita nung lola ko ang sugat ko (sumbungerang froggy din kasi ako) ako pa ang pinagalitan..bakit daw kasi nakashort ako pag natutulog. dapat daw pajama...

Nakakainis lang dahil nagalusan tuloy ang legs ko.

humanda sakin yan si Xixi pag-uwi ko na bahay.

No comments:

Post a Comment