[Richelle’s
POV]
Sa
wakas nakarating nadin kami sa EK. Kaso hindi naman kami makapasok dahil WALA
PA KAMING TIKET!!!! Bruha kang Regine ka nasaan ka na ba? Natutusta na ang
beauty ko dito sa labas ng EK. Dito na kasi kami nag-aantay sa malapit sa
entrance para madali namin silang makita. Looks like ang grupo pa namin ang
naunang dumating dito.
“Hey
guys!! What’s up!” bati ni Trace at nakipag high five sa mga boys.
Magkasabay
silang dalawa ni Gray na pumunta dito. Eh yung iba kaya nasaan na?
“Ohayo
Richelle-nee-san” ako naman ang binalingan ni Trace. Habang yung ibang boys eh
nagkukwentuhan.
“Anong
tinawag mo sakin?” tanong ko. Alien word eh kaya di ko naintindihan.
“Richelle-nee-san”
“Ano
ibig sabihin nun?”
“Ate
Richelle” nakangiting sabi nito.
Hinampas
ko tuloy siya ng shoulder bag na dala ko.
“Maka-Ate
Richelle ka wagas na wagas ah! Ilang taon ka naba ha?!”
“Aray
ko naman…bayolente ka…18 palang ako….ikaw ba? Diba 29 ka na?” pang-aasar nito.
“Sira-ulo
ka ah…anong 29 ka dyan! 19 lang ako” mukha ba akong matanda???
“Ahh
19 ka lang ba? Sabi kasi ni Laxus 29 ka na daw eh”
“Gago
yun ah…naniwala ka naman?”
“malay
ko ba?”
“Ewan
ko sayo sira-ulo! Lumayo ka nga sakin sinisira mo ang araw ko eh” pagtataboy ko
sa kanya at muling hinampas ng shoulder bag. Kawawa naman yung bag ko. LV pa naman ito.
“wag
ka ng magalit nee-san”
“peste
ka ayan ka na naman sa nee-san-nee-san na yan ah! Wag mo nga akong tawaging
ate! Isang taon lang tanda ko sayo noh! At hindi kita kapatid”
“Okoranaide kudasai Hime”
“Oh?
Ano na naman yun? Pwede ba ayus-ayusin mo nga ang mga sinasabi mo! siguro
minumura mo na ako noh!” asar na sabi ko sa kanya.
“Gomenasai Hime”
“Ah
letse! Shudap!” sabi ko at tinalikuran na siya. Nakakainis naman kasi eh. Nasa
Pilipinas siya pero puro Alien words ang sinasabi. Alien siguro yun..
Napalingon
ako kay Trace na ngayon at tahimik lang sa isang tabi. Animo batang pinagalitan
ng nanay eh.
“eh
sa nakakainis naman kasi siya eh. Hindi ko maintindihan mga sinasabi niya..pero
parang ang ganda naman pakinggan eh. Ay ewan ang gulo” sabi ko sa sarili ko.
“Okoranaide kudasai means Don’t get mad…” nagulat ako ng magsalita si Jhonah sa tabi ko. Teka kelan pa siya
dumating? “Gomenasai means I’m sorry”
dire-diretso lang siya sa pagsasalita..teka itinatranslate niya ba yung mga
sinabi ni Trace kanina? “…and Hime
means Princess” nakataas ang kilay na sabi sakin ni Jhonah. “ But I don’t think
that endearment suits you….” Pagkasabi nun ay tinalikuran na din niya ako at
nilapitan si Trace.
Don’t
get mad…
I’m
Sorry…
Princess…
Hala
ka!!!! Nagtampo yata sakin si Trace…at mukhang nagalit sakin si Jhonah.
Hindi
ko naman kasalanan yun eh..malay ko ba naman kasi sa mga pinagsasabi niya diba?
Sila-sila lang nakakaintindi nun. Hindi naman ako alien.
“Guys
tara na” sabi ni Jeirick at inabutan na kami
ng ticket.
Nilingon
ko pa sina Trace bago naglakad papasok. Mukhang pinagagalitan ni Jhonah si
Trace.
*
* *
Naglibot-libot
muna kami sa loob ng EK.. ayaw pa daw sumakay ng iba sa mga rides eh…pahinga
mode daw muna. Okay lang naman sakin. Nang makakuha ng tyempo ay nilapitan ko
si Jhonah at hinila palayo. Pinauna ko ng maglakad yung iba. Pero syempre
papayag ba naman si Regine na maiwan siya dun? Kaya ayun sumama samin kahit
hindi ko naman siya kailangan.
“Ano
ba yun?! Sisipain kita dyan eh hila ka ng hila” angal ni Jhonah.
Binatukan
ko naman siya. Oo..ganyan kami kabrutal sa isa’t-isa pero lambingan lang namin
yun.
“wag
kang maarte dyan. May itatanong ako sayo”
“Join
naman ako sa topic niyo” singit ni Regine.
“Bakit
ka ba sumama samin eh hindi naman ikaw ang kailangan ko”
Nagpout
naman ng lips si Regine. “Ang bad niyo. Iniiwan niyo ako”
“Sino
kaya ang nang-iwan??? Sumakay ka na agad dun sa kotse ni kuya Jeirick pinalayas
mo ako dun kaya tuloy napilitan ako sumabay kay Sungit..” nakasimangot na sabi
ni Jhonah.
“sana nga hindi nalang ako
sumabay” malungkot na sabi ni Regine.
“Bakit?
Hindi mo namanyak si Jeirick?” tanong ko naman sa kanya.
Hinila
naman ni Regine ang buhok ko.
“Ano
namang tingin mo sakin? Manyak”
“Oo”
sabay pang sabi namin ni Jhonah. Akmang kukurutin kami ni Regine pero agad
naman kaming nakaiwas.
“Teka
nga…nawala na ako sa sasabihin ko…ang gulo kasi nitong si Regine eh” angal ko
habang hawak sa braso si Jhonah. Baka kasi bigla akong takbuhan eh mahirap na. May
kailangan pa ako sa kanya.
“ang
sama nito” angal ni Regine.
“Mabait
kaya ako…ay naku tumahimik ka nga muna Reginetot”
“hoy
Richelle! Bakero ka! Bitawan mo na
nga ang braso ko at kanina pa iyan namumula” reklamo ni Jhonah.
Binitawan
ko naman siya. Pansin ko ngang namumula na yung braso niyang hinawakan ko.
Medyo napahigpit nga yata…ikaw na sensitive ateh!!!
“Ano
bang kailangan mo sakin?”
Nilaro-laro
ko ang laylayan ng t-shirt na suot ko. Medyo hiya ako ehhhhh.
“gaga
ka” binatukan ba naman akong bigla? Ang sakit nun ah. “ wag mo nga akong
emote-tan dyan matapos mong away-awayin yung kohai ko!” pagalitan ba daw ako? Saka anong Kohai? Alien talaga.
Pero siguro si Trace ang tinutukoy niya kasi si Trace lang naman ang kausap ko
kanina eh.
“Eh
kasi naman hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya eh…pero naguilty
naman ako”
“kahit
na. hindi mo padin siya dapat inaway.” Nakahalukipkip na sabi nito.
“kaya
nga guilty na diba? Saka bakit inaaway mo ako..friend mo ako diba?”
“Oo
nga..friend kita pero kohai ko si
Trace at senpai niya ako…at dapat
lang na protektahan ng senpai ang kohai niya.”
“kohai…senpai….siopao…siomai…ewan
ko sayo alien! Wala akong maintindihan kaya hindi tayo nagkakaintindihan eh.”
“wag
na tayong mag-usap” sabi nito at tinallikuran na ako. Syempre hindi ako papayag
na talikuran nalang niya ako basta. Hinila ko yung buhok niya.
Natanggal
tuloy yung sumbrerong suot niya dahil nadamay sa paghila ko. Gaga talaga itong
babaeng ito. Ang ganda at haba ng buhok itinatago. “Siraulo ka…akin na nga yang
sombrero ko” sabi nito at pilit inaagaw sakin yung sombrero pero syempre di ko
ibinigay. Inihagis ko iyon kay Regine na nagsesenti mode habang naglalakad.
“Regine
tapon mo” sigaw ko kay Regine at ibinato sa kanya yung sombrero. Masyado namang
masunurin si Regine kaya ayun itinapon nga sa basurahan.
“hala
ka!!!! Yung cap ko” reklamo ni Jhonah ng makitang puro dumi na yung cap niya
syempre kaderder ng gamitin iyon diba? “Bayaran mo yan!!!!” sigaw nito kay
Regine.
“Oh
bakit ako? Nautusan lang naman ako ni Richelle eh”
Ako
naman ang binalingan ni Jhonah…wawa naman iiyak na iyan!!! Ang bad lang noh?
“bayaran
mo yan!!!!” sigaw nito sakin.
“Oo
na..babayaran ko na…dalawa pa! basta sagutin mo yung itatanong ko” medyo
kumalma naman si Jhonah..akala ko kakailanganin ko pang magpatigil ng bata eh.
“ano
ba kasi yun?”
“Hindi
ko naman sinasadyang magalit kay Trace eh..gusto ko sana humingi ng sorry..mamaya isipin niya hindi
siya welcome sa’tin….ano ba dapat kong sabihin?”
“Simple
lang…Sorry”
“Eeehhhh…mukhang
adik yun sa ibang lenguwaheng tulad mo eh..gusto ko katulad din ng sinasabi
niya.”
“alien
ka dyan.. nihongo yun noh! Japanese language.”
“Whatever…sige
na ano dapat kong sabihin”
“Asus!
Gaya-gaya ka..tinawag ka lang na Hime eh”
“Princess
ibig sabihin nun diba?”
“Oo”
“Princess??
Ako kaya yun” biglang singit ni Regine.
“Sinong
nagsabi?” nakataas ang kilay na tanong naming dalawa ni Jhonah sa kanya.
“Ako”
“Not
acceptable” binalingan ko si Jhonah. “ So ano na?”
“Gusto mong
humingi ng sorry? Sige sabihin mo Ai
shiteru Trace-kun”
“Yun ba talaga
yun? Bakit parang iba yung sinabi mo kanina?” napaisip na tanong ko.
“Yun iyon…wag
kang epal. Marunong ka pa sakin…tapos para sincere sabihin mo iyon ng pasigaw”
“saan ka na naman
nakakita ng nagsosorry na sumisigaw?”
“Meron.
Ikaw..basta gawin mo yun okay? Tara na…magride
na tayo..sayang ang libre ni Regine” sumunod nalang kami ni Regine sa kanya.
Iniwan na kami eh.
* * *
[Jhonah’s POV]
Salamat
naman at natapos na din ang kaartehan nun ni Richelle..magsosorry lang dami
pang arte…pero syempre naisahan ko na naman siya…bwahahaha!!! Hindi naman iyon
ang ibig sabihin ng sorry eh…lagot siya ngayon aasarin ko siya kapag isinigaw
niya iyon..hehe…wag kayong maingay ah…
Sa
Anchor’s Away kami unang sumakay. Dun
talaga sa pinakadulong pwesto yung pinili namin. Sa kabilang dulo nandun sina
Paul, Laxus, Marky, Trace at Richelle… oo dun siya kasi tinulak ko siya papunta
dun eh..bwahahaha!!!! sa kabilang side naman eh sina Gray, Yesha, Regine, ako
at si Prince Earl Sungit.. si Demi hindi sumama kaya sinamahan nalang siya ni
kuya para hindi siya mag-isa. Hay naku KJ..sama sama pa sya dito…
“Natatakot
ako” sabi ni Yesha
“hawak
ka kay Gray..okay lang yan Yesha masaya ito” sabi ko. Excited na ako. Enjoy
talaga akong sumakay sa mga rides ditto. Yung tipong maiiwan yung kaluluwa mo
sa itaas…tapos hindi na babalik..haha joke lang.
Maya-maya
nga ay umandar na yung barko… sa umpisa mabagal lang at mababa palang ang andar
niya. Pero maya-maya lang pataas na siya ng pataas.
“Wooohhhhh!!!!”
sigaw namin kapag kami ang nasa itaas.
“woooooohhhh!!!”
sigaw din naman nila Richelle.
“Jhonah!!!”
sigaw nila Paul at Laxus samin. At bigla ba namang nagposing ala Johny Bravo nung
sila na yung nasa itaas. Ang lakas ng tawa namin maging ng iba pa naming
kasabay. Syempre hindi naman ako magpapatalo. Nung turn naman namin sa itaas eh
magpopose din sana
kami nila Gray kaso bago pa ako makagalaw eh naramdaman kong may humawak sa
braso ko.
Paglingon
ko sa tabi ko ay ang higpit ng hawak ni Earl sa mga kamay ko. Nakapikit pa yung
mga mata niya. Don’t tell me….
“natatakot
ka?” tanong ko sa kanya.
*
* *
[Earl’s
POV]
Sa
totoo lang ayoko talaga sanang sumakay sa mga rides dito sa Enchanted Kingdom
kasi aminin ko mahihiluhin kasi ako. Saka takot ako sa matataas na lugar…hanggat
maari sana eh ayokong
sumama sa kanila pero nahiya naman akong tumanggi. Saka walang nakakaalam ng
weakness ko na iyon. Tatanggi sana
ako nung magkayayaan silang sumakay sa Anchor’s Away. Pero wala na akong nagawa
nung hilahin na ako nila Paul. Nakakainis kasi dun pa talaga sa dulo ang pinili
nilang pwesto.
Maya-maya
ay nagsimula ng gumalaw yung barko. Mabagal…hanggang sa bumilis at tumaas na…gusto
ko sanang sumigaw pero pinipigilan ko yung sarili ko. Ramdam kong pinagpapawisan
na ako. Kaya napapikit nalang ako at napahawak sa katabi ko na nagkataong walang
iba kundi si Jhonah.
“natatakot
ka?” tanong niya sakin. Obvious ba?! Sipain ko kaya siya dyan. Pero pakiramdam
ko walang boses na gustong lumabas sa bibig ko. Hinanda ko na yung sarili ko na
asarin at pagtawanan niya. Pero ganun nalang ang gulat ko ng…
…hinawakan
niya yung kamay kong nakahawak sa braso niya.
Hindi
ko alam pero sa simpleng gesture na iyon eh parang gumaan yung pakiramdam ko.
Parang medyo nabawasan yung takot ko.
“isigaw
mo lang” sabi niya pa sakin “para mailabas yung pressure sa katawan mo”
I
know it may sound absurd but I trust her. I did what she told me…and she was
right..medyo magaan nga sa pakiramdam na sumigaw ka. Maya-maya lang ay natapos
din ang pag-galaw nito at tuluyan ng huminto. Pero feeling ko gumagalaw padin
ang paligid ko.
“Wooohh!!
Ang saya nun….talo ka samin Jho hindi ka nagpose” masayang sabi ni Paul.
“Hehe…oo
nga eh..next time” sagot naman ni Jhonah. I know I’m the reason kung bakit hindi
siya nakakapagpose. Hawak niya kasi ang kamay ko.
“Space
shuttle naman tayo!!!” yaya nila Laxus at nagtakbuhan na papunta dun.
“Sige
sunod ako” sabi ko kay Jeirick.
Hindi
muna ako sumunod sa kanila. Naghanap muna ako ng mauupuan ko. Nanghihina pa
kasi ang pakiramdam ko. Feeling ko din masusuka ako. Magpapahinga nalang muna
ako dito.
Nagulat
ako ng may lumitaw na bote ng mineral water sa harap ko. Pag-angat ko ng mukha
ko ay si Jhonah ang nakita ko.
“Anong
gagawin ko dyan?” tanong ko sa kanya. Badtrip! Ayokong makita niya yung
weakness ko.
“Try
mong ibuhos sa mukha mo…syempre malamang inumin mo.” sabi niya at inilagay na
sa kamay ko ang tubig. Pero bago ko pa ito mabuksan ay sya na ang nagbukas
nito. “Thanks” ininom ko naman yung tubig na ibinigay niya.
“Acrophobic ka pala dapat hindi ka na
sumakay. Bakit nagmagaling ka pa? mamamatay ka ng maaga niyan.” Sermon niya
sakin.
“Paano
mo nalamang Acrophobic ako?”
Tumingin
si Jhonah sa may Space Shuttle. Nandun na siguro ang mga kasama namin.
“Well…
imposible naman kasing naduduwag ka lang eh..kaya naisip ko na may Acrophobia
ka”
Pareho
kaming nanahimik.
“Bakit
hindi ka sumama sa kanila?” tanong ko.
“Okay
lang. sasamahan nalang kita”
“Hindi
na kailangan”
“wag
ka nga…kung makahawak ka naman sakin kanina dyan wagas na wagas.” May inabot
siya saking isang candy. “Oh..makakatulong yan”
Tinanggap
ko naman ito. Matapos balatan ay isinubo.
“salamat”
Ngumiti
lang siya sakin. Medyo natigilan naman ako ng makita siyang ngumiti. Para
siyang bata. Ang aliwalas ng aura niya.
“Nasaan
yung cap mo?” biglang tanong ko para madistract ako sa kung ano man ang
tumatakbo sa isip ko.
“Tinapon
nila Richelle sa basurahan” nakapout lips pa siya habang sinabi iyon.
Bigla
nalang akong natawa. Hindi dahil sa sinabi niya kundi dahil sa paraan ng
pagkakasabi niya. Para siyang batang inagawan ng laruan eh. Nakakatuwang
tignan.
Mukhang
nagtaka naman siya sa pagtawa ko. Naoffend yata kasi hinampas ba naman ako nung
bote ng mineral water. Pero hinawakan ko lang yung kamay niyang ipanghahamas
sakin. At kahit anong hila niya eh hindi ko pinakakawalan ang kamay niya.
Funny…mukhang
nasasanay akong hawakan ang mga kamay ni Jhonah.
*
* *
No comments:
Post a Comment