[Childhood]
[Jhonah’s POV]
Sinag
ng araw ang gumising sa akin. Agad akong nagtakip ng mukha gamit ang paborito
kong unang si Spongebob. Antok na antok pa ako. Gusto ko pang matulog dahil
halos madaling araw na akong umuwi mula sa debut ni Regine. Tapos hindi pa din
ako nakatulog kaagad kasi feeling ko may nangyare na hindi ko alam. Kahit anong
isip naman ang gawin ko wala din.
Ibinalot
ko ang sarili ko sa comforter at muling bumalik sa pagtulog.
“Hey! Wake-up sleepy head” narinig kong sabi nung boses na sa pagkakaalam ko eh
si kuya Jeirick. Siya siguro yung nagbukas ng kurtina sa kwarto ko.
Mas
lalo kong ibinaon ang sarili ko sa ilalim ng comforter. Naalala ko na iniwan
niya pala ako kagabi sa mga kuko ni Mister Sungit. Ayoko siyang pansinin.
Nagtatampo ako sa kanya eh.
“Hey!!! Wake up!! Wake up!!!” pangungulit nito at pilit hinahaltak ang comforter
na nakatakip sakin.
Mas
diniian ko pa ang pagkakahawak ko. Mistula kaming naghihilahang dalawa.
“Go away!!!” sigaw ko mula sa ilalim ng comforter.
“bangon na!! tanghali na oh!”
“I said go away!!!”
Tumigil
naman si kuya sa paghatak ng comforter. Naramdaman kong lumundo ang kama ko. Ibig sabihin may humiga sa tabi ko.
“kitty…galit ka ba sakin?” narinig kong tanong ni kuya.
Natigilan
ako sa sinabi niya.
“Kitty”
Matagal
ko na ding hindi narinig ang tawag na iyon. Bata palang ako nun..i guess nasa 5
or 6 years old palang yata ako. Iyon ang itinawag sa akin nina kuya at Earl dahil
para daw kasi akong pusa. Maamong tignan pero mailap. Pero mula ng “magdalaga” ako hindi na ako tinatawag
ng ganun ni kuya.
“Wag ka ng magalit oh”
“Iniwan mo ako kagabi. Pinabayaan mo
ako kay Earl palibhasa nagkagirlfriend ka na”
“Ha? Pinabayaan kay Earl? Yun ba ang
sinabi niya sayo?”
“Oo. Sabi niya kinausap mo daw siya na
siya na ang maghatid sakin dahil ihahatid mo pa si Princess Demi sa bahay nila”
“Siraulo yun si Earl ah..samantalang siya
nga itong…..hay naku…oh sige sorry na”
“Tse!”
“Libre kita ice cream..bangon na”
Pagkarinig
ng salitang ice cream ay agad akong bumangon.“Talaga???Wala kang date?”
“Yung little sister ko muna ang date
ko”
“Ayyyiiieeee…sige” sabi ko at yumakap kay kuya.
“Okay…bilisan mo hintayin kita sa sala…saka
magmumog ka muna…ang baho mo..” sabi
nito at lumabas na ng kwarto ko.
“Hindi naman ah” sabi ko sa sarili ko at inamoy ang sarili kong
hininga.
***
[Demi’s POV]
Flashback…
Araw
ng pagpunta sa Enchanted
Kingdom…
“Yesha..okay
na ba yun suot ko?”
I’m wearing a red orange shirt with white
belt and maong short shorts. What I saw in the mirror is a very beautiful lady.
Kahit alam kong maganda ako syempre gusto ko pa ring marinig na sabihin sakin
iyon.
“Yup.Bagay
sayo”
“I
know”
Sakto namang narinig namin ang busina
sa labas. Nandito na si Jeirick!!! Agad akong nagtatakbo pababa sa
malapalasyong bahay namin. Na walang ibang nakatira kundi kaming dalawa ni
Yesha at mga maids.
“Jeirick!!!!” tawag ko
pagkakita sa kanya sa salas.
Well…he really looks handsome talaga. Wait….bakit
kasama niya iyang si Regine?? Nagkaroon ng bacteria ang bahay namin. Mabilinan
nga ang mga katulong na mag-spray ng insecticides mamaya.
Hindi ko nalang siya pinansin. Looks
like amazed na amazed siya sa bahay namin. Well…ganyan talaga ang mga rich kid.
Palibhasa average lang siya unlike me.
“sorry kung naghintay kayo ah” nakangiting sabi ko pero kay Jeirick lang talaga ako nakatingin. Wala
akong pakialam kay Regine. Eh ano kung celebration ito ng birthday niya..hindi
naman siya ang reason kung bakit sumama ako eh.
“Okay lang..let’s go? Nagpaalam ka na
ba sa parents mo?”
Parents??? Nasaan na nga ba ang parents
ko??
“Oh…they’re not here. Nasa London sila eh…you know
business”
Matagal tagal
na din pala mula nung huli kong makita sina Mommy at daddy. Puro nalang kasi
business ang iniintindi nila. Well…wala na din naman akong pakialam. Nasanay
akong puro maids at si Yesha lang ang kasama ko. Ultimo birthday ko hindi ko
sila nakakasama. Nagpapadala nalang sila ng regalo. Expensive gifts na sa
tingin nila ay gusto ko. Siguro nga kahit sabihin ko sa kanila na bilhin ang
buong Riverdale Vista eh gagawin nila. Ganun kayaman ang family ko.
Pero hindi
naman iyon ang gusto ko eh..
Lumabas na
kami ng bahay. Akmang sasakay si Regine sa passenger seat ng kotse ng pigilan
ko siya. Hindi naman yata ako makakapayag na mgkatabi sila ni Jeirick.
“Pwede bang dyan nalang ako sa may
harap umupo. I don’t want to seat at the back eh” sabi ko sa kanya.
“Hindi ba dapat ang mga Prinsesa sa likod umuupo?” sarkastikong sagot naman niya sakin.
So...this girl
knows na hindi ko pala siya gusto. Well...we could play a game...mukhang hindi
rin niya ako gusto...nagkamali lang siya dahil ako ang kinalaban niya.
Tinitigan ko
siya mula ulo hanggang paa. Pathetic…tsk!
“You think you can win against me?” sabi ko ng may nakakalokong ngiti sa labi.
I was born to get
whatever i want. At hindi isang tulad niyang peste sa paningin ko ang sisira sa
reputasyon kong iyon.
Akmang sasagot
siya ng bigla ko siyang unahan. I found a better way to win against her.
“bakit ka ba ganyan? Ano bang ginagawa ko sayo? I’m
just trying to be nice to you naman ah...alam ko namang hindi mo ako gustong
mapabilang sa grupo niyo eh.. ipinagsisiksikan ko lang ang sarili ko sa inyo” arte ko at nagkunwaring maiiyak. Itinakip ko pa ang mga palad ko sa
mukha ko para effective.
Halatang
naguguluhan siya sa inasal at sinabi ko. Pero sorry ka nalang girl..i know well
how to play sa paraang mananalo ako.
“Hey, what’s wrong?” tanong ni Jeirick ng makalapit sa amin. At dahil nakatalikod si Regine
at ako ang nakaharap kay Jeirick mas nauna ko siyang makita.
Lumapit ako kay
Jeirick at nagsusumbong na yumakap.
“Ayaw niya sakin Jeirick...dapat daw hindi na ako
sumama sa inyo” sumbong ko habang nakasubsob
sa dibdib ni Jeirick.
Ang mga
lalaki..parepareho lang iyan...ayaw makakita ng babaeng umiiyak..at kapag may
nakita silang umiiyak na babae..ang first instinct nila eh ipagtanggol ang
babaeng iyon.
“Redge...wag naman ganun” saway nito kay Regine.
Halatang nasaktan siya dahil ako ang
kinampihan ni Jeirick…sorry ka nalang girl dahil hindi ka mananalo sa akin when
it comes to men. I know very much how to deal with them.
Hindi nalang sumagot si Regine. Tahimik
na pumasok nalang siya sa backseat ng kotse. Panalo pa din ako.
Mula sa rearview mirror ay tinignan ko
siya. Pansin kong nakatingin din siya sakin kaya tinaasan ko siya ng
kilay….declaring war…hahahaha!!!
***
[Laxus POV]
Present
time…
Alam
mo yung feeling na ang sarap sarap ng tulog mo…nasa dreamland ka with a very
beautiful lady…handa na kayong magkiss under the beautiful sunset….ayan
na…malapit na….
..tapos
may istorbong alarm clock na gigising sayo!!!
Badtrip
talaga!
Grasya
na naging bato pa…asar lang.
Bumangon
na ako sa kama. Dahil sa pagtayo ko eh nahulog
yung kumot na tumatabing sa katawan ko revealing my-oh-so-sexy-hot-naked-body.
Nakahubad
talaga ako kapag matutulog. All the way..as in walang suot kahit ano. Mas
kumportable kasi akong matulog ng ganun and besides dalawa lang naman kami ni
daddy dito sa bahay…wala yung mommy ko matagal ng lumayas. Nakunsumi sa tatay
ko eh.
I
walked at the bathroom in my room. Para akong si Adan na naglalakad ng hubad sa
paraiso ng Eden.
Nasaan na ba yung Eba ko?
“Tama yan Laxus bolahin mo ng bolahin
ang sarili mo” saway ng utak ko.
Pagpasok
ko sa banyo ay agad akong humarap sa salamin at pinagmasdan ang katawan kong
biyaya sa kababaihan. Normal na gawain ko na sa umaga na hangaan ang katawan
ko. Ang vain lang noh?
“Oh ano?? Naaakit ka na naman sakin?
Pinagnanasaan mo na naman ako?”
kausap ko sa litratong nakadikit sa ibabaw ng salamin.
Sino
yung nasa picture?? Secret…ayoko ngang sabihin kasi idadaldal niyo sa iba
eh..basta crush ko yun…super crush ko..sekreto walang clue kung sino.
“eh kasi naman eh kung pinapansin mo ba
naman ang kagwapuhan at kamachohan ko hindi mo na ako kailangang pagnasaan ng
ganyan”
Napabuntong-hininga
nalang ako. Nadedepress na naman ako ang aga-aga. Minabuti ko nalang na
magshower na at baka mawala itong init ng katawan ko..hehe..ang manyak lang
noh?
=
= =
After
10 years natapos din ako magshower…joke lang mga 1 hour and 45 minutes lang
naman. Ganun talaga ako katagal maligo. Maarte ako sa katawan eh..daming
kaek-ekan..hehe
Lumabas
na ako ng banyo. Ganun nalang ang gulat ko ng makita ko sa loob ng kwarto ko si
Richelle. Prenteng nakaupo sa harap ng computer ko.
“Hoy!!! Anong ginagawa mo dito?” sigaw ko at naghanap ng pupwedeng ipangtakip sa
hubad kong katawan. Kaso wala akong makita dahil yung tuwalya ko eh inuupuan ng
luka-lukang babaeng iyon.
Kinuha
ko nalang yung unan ko at iyon ang ipinangtakip ko sa “private part” ko habang
nakatayo sa isang sulok ng kwarto.
“Lumabas ka nga” sigaw ko. Super siksik talaga ako dun sa sulok.
Animo takot akong marape.
Itinigil
ni Richelle yung paglalaro sa harap ng computer ko. Nakalimutan ko na namang
i-off yun. Tsk! At tumingin siya sakin.
“ang arte nito” sagot ni Richelle at inihagis sakin yung tuwalya at
muling tumingin sa computer.
Sa
pagtangka kong abutin yung hinagis niyang tuwalya sakin ay nabitawan ko yung
unan na itinatakip ko “dun”
“Hoy Laxus---“ napatigil din si Richelle sa pagsasalita. Eh kasi
naman bigla siyang humarap sakin hindi ko pa nadadampot yung tuwalya. Exposed
tuloy si “junior” ko.
Parang
dumaan yung “freeze” moment sa aming dalawa. Siya nakatingin sakin, ako hindi
ko alam kung uunahin ko bang damputin yung tuwalya o takpan yung “private
part” ko.
Mas
nauna akong nakabawi. Agad kong dinampot yung tuwalya at nagtatakbo papasok sa
banyo. Katapusan na yata ng mundo. Sana
lamunin na ako ng lupa.
***
[Demi’s POV]
Flashback…
Location
: Enchanted Kingdom
Nandito na kami sa Enchanted Kingdom.
Sa totoo lang ayoko talagang pumunta dito. Naaalala ko kasi yung huling beses
na nagpunta kami dito kasama ng parents ko. Iyon kasi ang huling beses na
nakasama ko sila. After nun naging busy na sila sa business nila.
“Anchor’s
Away tayo” yaya nung mga boys. Syempre sunuran naman sila. Pero
pansin ko nung pagdating namin dito sa EK eh nagpaiwan sa likod sina Regine pati
yung dalawang barkada niyang girls…ano naman kayang pinag-uusapan nila? Baka
naman sinusumbong na ako ni Regine?? HMmm…sumbungera much.
Hindi ako sumama sa kanila nung sumakay
sila sa Anchors Away…Takot kasi ako sa Heights eh…pero super kilig naman ako
nung nagpaiwan din si Jeirick para samahan ako..kahit na hindi ko sakyan lahat
ng rides dito okay lang basta siya yung kasama ko.
After nila sa Anchors Away eh magtatry
pa yata sila ng ibang game pero nagulat nalang ako ng hilahin ako ni Jeirick
palayo sa grupo.
“saan
tayo pupunta? Baka hanapin nila tayo” sabi ko..pero sa totoo lang wala naman
akong pakialam kahit na maghanap pa sila.
“eh
ayaw mo naman sumakay sa mga rides diba? So libutin nalang natin itong EK..wag
na tayo sumakay sa rides”
“sasamahan
mo ako? Okay lang sayo?”
“Oo
naman..ako yung nag-invite sayo dito eh”
“Hindi
ba nakakahiya sa kanila?”
”Hayaan
mo na yung mga iyon..malalaki na iyon…so tara?”
“Sure”
So ayun nga ang nangyare…naglibot
nalang kaming dalawa ni Jeirick sa EK..nagtry ng mga foods dun saka naglaro sa
may parang archade…nakakatuwa kasi nakakuha si Jeirick ng malaking stuffed toy
na bear.
“Talaga?
Akin na ito?” tuwang-tuwang sabi ko
“Yup.wala
naman akong ibang pagbibigyan eh”
“Eh
yung kapatid mo?”
“Hay
naku hayaan mo yun..for sure makakakuha din iyan ng ganyan..madami pa…expert
yun eh..hehe”
“Ganun
ba? Ang galing naman…thanks Jeirick ah”
“wala
yun…ako na magdala baka mahirapan ka” sabi niya at akmang kukunin sakin yung
teddy bear.
“wag
na..ako nalang…hindi naman mabigat eh..saka natutuwa ako eh…first gift mo sakin
ito..kahit na hindi ko naman birthday”
“Wag
kang mag-alala hindi iyan ang magiging last gift mo sakin” nakangiting
sabi ni Jeirick na syempre ikinakilig ko naman. “Ano nga palang ipapangalan mo dyan?”
“Pangalan?
Hmmm ano nga ba?” sabi ko at nag-isip..pero wala talaga akong maisip na
pwedeng ipangalan eh.. “sasabihin ko
nalang sayo kapag may naisip na ako..hehe”
“Sige”
***
[Richelle’s POV]
Present
time…
Daig
ko pa ang nakakita ng ahas na hindi ako makagalaw o makakurap man lang sa takot
na tuklain ako bigla…Pero gosh…ahas nga yata ang nakita ko eh.. kung hindi pa
naunang makabawi si Laxus eh hindi pa rin ako makakakilos.
Eh
grabe naman kasi ikaw ba naman makakita ka ng “live show” sa harapan mo
ewan ko kung hindi ka matulalang tulad ko. Natauhan nalang ako nung pumasok na
si Laxus sa loob ng banyo.
Teka
nga..bakit nga ba ako nandito? At anong ginagawa ko sa kwarto ni Laxus?
Mabalik
tayo ng ilang minuto….
“Laxus???” tawag ko pagkabukas ko ng kwarto niya. Pero walang
tao..nakakalat pa nga sa sahig yung kumot niya. Kakagising lang siguro.
Naririnig ko ang lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo kaya siguro nandun
siya.
Minabuti
kong pumasok nalang sa loob ng kwarto niya at pakialaman ang nakabukas na PC
niya.
“Uy ayos ito ah….Wattpad??? hindi ko
alam mahilig pala sa ganito si Laxus..infairness hindi halata” Browse browse onti…lipat dito…lipat dun…ay naku
nakakasawa. Mag angry birds nalang ako.
“Tagal naman maligo nung lalaking iyon” nakakalevel 10 na ako wala pa din si Laxus.
Siguro
nagtataka kayo kung anong ginagawa ko dito sa bahay niya noh? Wag kayong
maingay magnanakaw ako eh..hehe..joke lang…Dyan lang ako nakatira sa tapat ng
bahay…Oo..yung magandang bahay dyan sa tapat amin yun.. imaginin niyo nalang..
saka ewan ko kung nabanggit ba nung author nito na mag kinakapatid kami ni
Laxus…gulat kayo noh? Isang malaking sikreto lang yun… saka si Laxus ang unang “bestfriend” ko.. pero matagal na
iyon…mga bata palang kami nun na walang muwang sa kaguluhan sa mundo…hahaha ang
lalim..saka hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng “bestfriend” Pero bago ko pa
makilala sina Regine at Jhonah…kaibigan ko na si Laxus. Mabait naman yang si
Laxus eh..minsan nakakairita lang talaga..
Tapos
na ang ilang minuto…
Natauhan
ako ng magtatakbo si Laxus papasok sa banyo..hindi ko naman sinasadyang
mabosohan siya eh..malay ko ba namang magbobold siya dito sa kwarto niya.
Sabagay..matagal na din mula nung huli akong makapsok dito sa kwarto ni
Laxus…pero halos wala pa ding pagbabago eh..maliban na nga lang sa iba na ang
mga nakadikit na poster sa dingding..kung dati puro cartoons.. ngayon puro
posters ng rockband na yung nandito.
“Laxus…” tawag ko mula sa labas ng banyo.
“Umalis ka na nga” sigaw naman niya. Ang arte talaga..akala mo babaeng
ninakawan ng puri kung makareact…
“wag ka ngang OA dyan….para nakita ko
lang naman eh..hindi ko naman hinawakan…lalong hindi ko naman kukunin yan sayo”
pang-aasar ko pa lalo. Ang adik ko
lang din eh.
Napaatras
ako ng biglang may kumalabog sa pinto ng banyo. Ibinato na siguro ni Laxus yung
toilet bowl sa asar sakin.hehe.
“wag ka ng maarte okay? Ikukuha nalang
kita ng damit mo” naglakad ako
papunta sa cabinet niya.
“Lumabas ka na!!!”
“Ayoko nga…boring sa bahay” bale-walang sagot ko at binuksan yung cabinet niya.
Infairness ah..maayos yung mga damit niya. “ano
bang isusuot mo?”
“ako na ang bahala dun..lumabas ka na
ng kwarto ko..kababae mong tao nagpupunta ka sa kwarto ng lalaki”
“sanay na sakin ang mga tao dito sa
bahay niyo..saka wala yung daddy mo…tapos sina Manang namalengke” sagot ko.nakasalubong ko kasi kanina nung papunta
ako dito sa bahay nila Laxus.
“Eh di mas lalong di ka dapat nagpupunta ditto. Sira ulo ka ba talaga!!!”
“Hindi ka ba napapagod? Sigaw ka ng
sigaw dyan. Mamaya isipin pa ng makakarinig sayo nirerape na kita” pang-aasar ko pa at lumapit na sa pinto ng banyo
bitbit yung mga kinuha kong damit ni Laxus sa cabinet niya…syempre kasama na
yung underwear niya dun. Adik lang kasi hindi pa dinadala pagpasok sa banyo. “Buksan mo na yang pinto..eto na damit mo”
Binuksan
naman ni Laxus yung pinto ng banyo at pabalibag na isinara. Muntik pa nga akong
maipit eh. Bumalik naman ako sa harap ng computer.
“Pesteng baboy ito hindi pa mamatay
matay” nang-gigigil na pinindot ko
ang mouse.
Bigla
nalang may unang humampas sa mukha ko. Paglingon ko ay nandun na si Laxus.
Disente na siya kasi may damit na siya.
“kadiri ka!!! Ipinantakip mo sa ano mo
yang unan na yan tapos ihahampas mo sa mukha ko..yuck lang ah”
“Yuck ka dyan! Sinong nagsabing pumunta
ka dito sa kwarto ko ha?!”
“Si Manang” ayun namatay din yung pesteng baboy.
Pinulot
ni Laxus yung mga gamit niyang nakakalat sa sahig. Mabuti naman. Akala ko ako
pa ang paglilinisin niya eh.
“bakit nandito ka?”
“Boring sa bahay…sira yung PC
ko..ayusin mo nga”
“kapal ah..bakit hindi ka nagpunta kina
Jhonah? Or kina Regine kaya at ng di ako ang ginugulo mo” sabi nito at inabot sakin ang isang balot ng
chips…hehe sabi ko na may itinatago yan dito sa kwarto niya eh..adik sa
chichiria iyang si Laxus eh.
Binuksan
ko naman ito at sinimulang lantakan.
“Wala si Jhonah sa bahay nila
eh..umalis daw sila ni Jeirick..nagdate yung magkapatid. Si Regine naman hindi
sinasagot yung phone…baka hindi pa nakakauwi yun mula sa hotel..kaya no choice
ako”
“grabe ka naaalala mo lang naman ako
kapag no choice ka na eh”
“Ang epal ah..lagi naman tayong nagkikita
ah…sa school…sa barkada..anong inaarte mo dyan?”
“sinong nagsabing umaarte ako? Hindi
kaya”
“Weehh” naks! Level 15 na ako..sisiw!! “ Laxus..”
“Oh?”
“anong size nyan?”
“tarantado ka” sabay bato sakin ng unan.
***
No comments:
Post a Comment