Thursday, November 21, 2013

Love moves in mysterious ways - Chapter 2



 <Kai>

Seryosong mukha ng Boss niya habang nakatutok sa laptop computer nito ang nabungaran ng sekretarya. Mukhang nagiimprove na ang boss niya at dinidibdib na na nito ang pagtatrabaho. Napangiti nalang  si Myrna at itinimpla ng kape ang batang boss niya.


Matagal ng sekretarya si Myrna ng pamilya Montano. Sekretarya pa siya ng daddy ni Kaizer o mas kilala bilang Kai. Ang bago at batang boss niya.


A typical young man. Happy go lucky at parang walang balak magseryoso sa buhay. Nung una nga itong dumating sa kumpanya ay di ito mapakali sa loob ng opisina. Para itong ibon na sanay sa kalayaan at biglang ikinulong sa hawla.



" Coffee Sir" sabi niya at ipinatong sa table nito ang isang tasa ng kape.


" Thank you" hindi lumilingong sagot nito.


" Mukhang seryoso ka ah" nakangiting sabi ni Myrna.


" Sshhhh..wag kang maingay" seryoso pa ding sagot nito.


Nacurious naman si Myrna dahil mukhang di talaga maiistorbo ang boss niya sa ginagawa nito. Minabuti nalang niya na lumabas ng opisina nito.


Palabas na sana si Myrna ng biglang sumigaw ang boss niya.


"Yes!!! I beat them" tuwang tuwang sabi nito.


" Sir?" nagtatakang tanong ni Myrna.


" Look Myrna i got the highest level among my friends" pagmamalaking sabi nito at ipinakita sa kanya ang laptop nito.


"Sir? Candy Crush?" kunot noong tanong ni Myrna.


" You know this game? Well I guess its a famous game after all."


Napasapo nalang sa noo si Myrna. Akala pa naman niya seryosong nagtatrabaho na ang gwapo at batang boss niya pero mukhang hindi at busy sa paglalaro ng Candy Crush.


" Sir... Ang dami niyo pong kailangang basahin at pirmahan. Pwede niyo po bang pagtuunan ng pansin ang mga ito ngayong tapos na kayo sa paglalaro niyo?" tanong ni Myrna.


" Hindi naman nauubos ang trabaho eh. " sagot ni Kai at ininom ang kapeng itinimpla ni Myrna.


" Eh paano mauubos kung di mo uumpisahan? Saka kung nauubos ang trabaho eh di sana wala na ako sa posisyon ko ngayon" katwiran ni Myrna sa boss niya.


" Youre always serious..relax." nakangiting sabi ni Kai. Ngiting di kayang iresist ng lahat ng babae.


Pero mukhang di apektado ang sekretarya niya. Nanatili itong seryoso at mula sa bulsa ng blazer nito ay inilabas ang isang planner.


" Sir, you have a meeting with Mr. Chua at 1:00 PM...then Board meeting at 3:30PM... Dinner with Ms. Gonzales at 7:00 PM. " basa ng sekretarya niya sa schedule niya para sa araw na iyon.


" Cancel my dinner " imporma niya.


" ireresched ko po ba?"


" No. Cancel it. I don’t want to see her again. Women"


Itinala nalang ni Myrna ang sinabi ng boss niya. Sanay na siya sa ugaling ito ni Kai. Hindi naman niya masisisi ang mga babaeng nagkakagusto dito. Her boss is an epitome of a perfect guy. Gwapo, malakas ang appeal, maganda ang katawan at higit sa lahat mayaman. Kahit sa opisina nila ay maraming nagkakagusto rito.


"Kelan mo ba balak magseryoso?" tanong niya.


" why would i bother to be serious in life when in fact  I can get whatever I want"


" what about love?" 


Hindi lang siya isang simpleng sekretarya ni Kai. Mistulang mother figure na din siya para dito.


" I dont want love" seryosong sagot niya.


“You don’t have to want… you need it” katwiran pa niya pero inignore na siya ni Kai.


Nagkibit balikat nalang si Myrna bago umalis sa loob ng opisina nito.


***

Napailing na sinundan nalang ng tingin ni Kai ang papalabas na sekretarya. Its been a year mula ng magsimula siyang itake- over ang kumpanya mula sa daddy niya. His dad wants to enjoy his retirement kaya sapilitan nitong ipinasa sa kanya ang isang malaking resposibilidad.


He doesn’t want to be a boss of a big company. Mas gusto niyang ienjoy ang buhay niya at ang hobby niyang Car Racing.


Pero dahil isa siyang mabuti at masunuring anak, wala siyang nagawa kundi ang itake over ang pamamahala ng Montano Estates.


Si Myrna ay sekretarya pa ng daddy niya. At nung siya na ang namahala ng kumpanya ay pinakiusapan niyang itong manatiling secretary niya kahit na nagpahayag na ito na gusto na nitong magresign at asikasuhin ang buhay may pamilya nito.


Well.. He like the woman for two simple reasons.


First she knows everything. She’s a very reliable and efficient secretary to his dad.


Second...hindi ito maiinlove sa kanya. Because unlike any other girls, Myrna is old enough to be his mother. Hindi tulad kapag batang sekretarya ang kukunin niya. Alam pa naman niyang irresistable ang kagwapuhang taglay niya.


Napaigtad si Kai ng tumunog ang cellphone niya.


"Hey dude! Whatz up" bati niya pagkasagot ng cellphone.


" Where are you?" seryosong tanong ni Nigel sa kabilang linya. Ang best among the best buddy niya.


"Office" simpleng sagot niya.


"Alam mo ba kung anong gusto kong gawin sayo sa mga oras na ito?"


"Straggle me to death?" biro niya.


"worst. How could you leave that woman to me?! Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko kagabi nung bigla ka nalang mawala sa bar. Hindi ko naman maiwan si Vanessa dahil naaawa ako kasi lasing na din yung tao at alam mo bang iyak na siya ng iyak? At wala akong ibang narinig kundi reklamo niya sayo. Kung hindi ka na pala interesado sa kanya bakit di mo siya hiwalayan ng maayos!?" sermon sa kanya ni Nigel sa kabilang linya.


Sanay na siya sa ugaling iyon ng bestfriend niya. Highschool palang ay magkaibigan na silang dalawa. Kumbaga subok na ng panahon ang pagkakaibigan nila. Kahit na sadyang magkaiba sila ng ugali ni Nigel.


Masyado kasing seryoso sa buhay ito hindi tulad niya. Kaya naman ito ang laging tagaayos ng gusot na ginagawa niya.


"Bakit ko naman siya hihiwalayan kung hindi naman kami nagkaroon ng relasyon? She knows that well. Mica knows na fling lang yun" katwiran niya


"Vanessa" pagtatama nito.

 
"Whatever" balewalang sabi niya.


Sa totoo lang hindi niya na halos matandaan ang mga babaeng dumadaan sa buhay niya sa sobrang dami. Hindi na kasya sa mga daliri niya sa kamay at paa.


"Sana inuwi mo na si Ryza kagabi sa condo mo. Ulam din yun" biro niya.


"Kaizer Montano?! Gusto mo talagang mabugbog noh!" sigaw ni Nigel.


Bigla namang tumawa si Kaizer sa kabilang linya. Of course he’s only joking. Alam naman niya na kahit minsan hindi pinatulan ni Nigel ang mga babaeng dumaan sa kanya. At hindi naman niya pinapakelaman ang mga babaeng nagugustuhan nito. Ganun kataas ang respeto nila sa isat isa.


" Relax dude...so what happened to Abby nung iwan ko siya sayo?


" Dumating yung kaibigan niya at iniuwi siya. And for Christ sake Kaizer its Vanessa." kunsumidong sabi ni Nigel.


Hindi nalang pinansin ni Kai ang pagtatama ng kaibigan. Eh sa ano bang magagawa niya? Hindi niya tinatandaan ang mga pangalan ng babaeng nakakasama niya.


Nandyan lang sila para bigyan siya ng kasiyahan pansamantala. Not more than that. Kaya kapag pakiramdam ni Kai eh nagiging demanding na ang babae ay bigla nalang niya itong iniiwanan.


"Kapag ikaw nakarma sa pinaggagawa mo wag mo akong sisihin ah" sabi ni Nigel at ibinaba na ang linya.  


“Don’t worry Dude… that wont happen” bulong ni Kai sa sarili.

No comments:

Post a Comment