Friday, November 22, 2013

Love moves in mysterious ways - Chapter 7



 <The start of something new>


“So kumusta naman ang paghatid sayo ng boyfriend mo?” pang-aasar ni Mae sa kabilang linya.


Tinanggal muna ni Sassy ang suot na salamin sa mata. Ang galing talaga tumi-ming nitong kaibigan niya. Kung kelan naman siya nagsusulat ng nobelang ipapasa niya ay saka siya iistorbuhin.



“Ms. Myannor Montano… alam mo ba kung anong oras na ngayon?”


“Alas tres ng madaling araw”


“Exactly…at tumatawag ka pa sakin sa dis oras ng gabi?


“Sus! If I know… ganitong oras ka gising…Hindi kita natawagan nung isang araw kasi naging busy ako kaya ngayon kita kukumustahin. So kumusta naman kayo ni kuya?”


“Mae… alam mong nagpapanggap lang kami ng kapatid mo. I’m sure nasabi na niya sayo yung reason diba?”


“Yup. Close kasi kami ni kuya and wala naman akong tutol sa pagpapanggap niyo eh. Hindi ko rin naman kasi gusto si Stephi para sa kuya ko….well….samantalang ikaw.. gustong gusto ko.” Pang-aasar pa nito.


“Come on Mae…alam mong kalokohan iyon and napakaimposible na maging kami ng kapatid mo dahil wala akong panahon sa ganyan..kaya lang ako pumayag kasi hindi naman maaapektuhan ang buhay ko sa ginagawa naming pagpapanggap eh”


“Malay mo may magic talaga ang couple shirt na binigay ko sayo…ngayon ko lang napansin na bagay pala kayo ni kuya Kai…eh di sana matagal ko na kayong ipinakilala sa isat isa”


“Stop playing Cupid Mae…hindi bagay sayo”


“Alam mo Best…if ever talaga magwork yang couple shirt ninyo ni Kuya….bibili ako ng maraming couple shirt dun sa JL’s…para naman magkalovelife din ako….hindi ko naman kasi ineexpect na isusuot din ni kuya yung binigay ko sa kanya eh”


“Mae tigil tigilan mo nga yang paniniwala na may magic ang damit na ipinahiram mo sakin…. Marketing Strategy lang yun…and speaking of damit pala hindi ko pa naisosoli yun sayo”


“Wag na. sayo na yun.Para partner kayo ni kuya”


“Ewan ko sayo Mae…Sige na.. iniistorbo mo na ang pagsusulat ko..babye na”


“Bye best…goodnight…sana mapanaginipan mo si kuya Kai”


“Ewan ko sayo”


At pinatay na niya ang linya.


“Love? Come on!” nailing na sabi ni Sassy sa sarili bago muling ipinagpatuloy ang pagsusulat.


***

Matuling lumipas ang mga araw. Pakiramdam ni Sassy wala namang nagbago sa buhay niya kahit pa sabihing may “pretend boyfriend” siya. Hindi na rin naman niya ipinaalam sa mommy at kapatid niya ang tungkol dito…alam naman niyang lilipas din ang bagay na iyon.


Pero isang araw ganun nalang ang gulat ni Sassy ng pagdating sa bahay mula sa publisher ng pinasahan niyang nobela ay naabutan niya ang sasakyan ni Kai sa labas ng bahay nila.


Kunot ang noong pumasok si Sassy sa bahay. Naabutan niyang masayang nag-uusap ang binata at kapatid niyang si Shino.


“Oh Sassy mabuti naman at nandyan ka na. Kanina ka pa hinihintay ng boyfriend mo eh” mula sa kusina ay bati sa kanya ng ina. May dala itong tray na may lamang juice.


“Mano po Nay” aniya sa ina at tinignan ng masama si Kai. “Anong ginagawa mo dito?”


“Dinadalaw ka. Tagal na nating di nagkita eh” nakangiting sagot ng binata.


“Ate ang gwapo pala ng boyfriend mo” sabi ng kapatid niya. Mukhang idol pa yata nito si Kai. Wag naman sanang mahawa ang kapatid niya sa pagiging sira ulo nitong lalaking ito. May balak pa siyang maging Presidente ng Pilipinas ang kapatid niya.


“Hindi ko boyfriend yan”


“Uy!!! Si Ate… nagdedeny”


“Ewan ko sayo. Lumayas ka na nga dyan”


Sumunod naman ang kapatid niya sa kanya. Kahit ang ina niya ay iniwan din sila ng binata.


“Anong ginagawa mo dito? Saka bakit sinabi mong boyfriend kita sa nanay at kapatid ko?” kastigo niya sa binata.


“Boyfriend mo naman talaga ako ah”


“Sipain kaya kita dyan. Alam mong nagpapanggap lang tayo sa harapan ng pamilya mo. Pero wala tayong usapan na kailangan din nating magpanggap sa harapan ng pamilya ko”


“Sorry. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko ng tanungin nila ako kung ano daw ba kita eh”


Napasapo nalang sa ulo si Sassy. Problema talaga ang dala sa kanya nitong lalaking ito.


“Ano bang kailangan mo at napasadya ka pa dito?”


“Nag-invite kasi si Mommy na magouting eh. Pinapasama ka”


“August??? Outing??? Bumabagyo kaya.”


“Wala namang bagyo ah. Exag ka mag-isip. Saka private resort naman namin ang pupuntahan natin eh.”


“Kayo na mayaman.” Sarkastikong sabi niya.


“Sumama ka na”


“Hindi ba pwedeng tumanggi?”


“Kasama si Stephi eh… Ayokong makasama yun. Baka akitin ako nun bigla”


“Arte mo ah. Ayaw mo nun. Ang ganda at sexy kaya nun”


“Eh alam nila ikaw ang girlfriend ko eh. Saka im sure yayayain ka din naman ni Mae. Mas mabuti ng ako ang maunanag mayaya sayo”


“Pag-iisipan ko”


“Puro ka naman pag-iisipan eh.. samantalang pumapayag ka din naman” nailing na sabi nito.


“Gusto mong mabugbog?”


“Alam mo… you should meet my bestfriend Nigel…pareho kayong brutal nun magsalita eh. Laging may banta ang mga sinasabi” nailing na sabi nito.


“Biruin mo yun??? May bestfriend ka pala??? Hindi naman kaya bading ka at lover boy mo yun???”


“Grabe ka ah!!! Halikan kita dyan”


“Come on!!! Im not your type remember???”


“Dami mo pang sinasabi eh. Nakukunsumi na ako sayo. Basta sumama ka ah. Sunduin kita bukas… 5:00 AM”


“Bukas na agad? Ang bilis naman..saka ang aga naman. Tulog pa ako nun eh”


“Ang dami mong reklamo sa buhay”


“Ganun talaga”


“Sige na.. aalis na ako. May pasok pa ako sa office eh…. Basta susunduin nalang kita bukas… Nga pala.. niyaya ko na din sina Nanay at Shino kaya wala ka ng choice” anito pagkatayo.


“Ano???”


“Nay, uuwe na po ako” paalam ni Kai.


Sumungaw naman mula sa kusina ang nanay niya.


“Mag-ingat ka hijo”


“Opo Nay. Sige po” anito at nagmano pa sa nanay niya na siyang ikinagulat ni Sassy. Pero mas nagulat siya ng halikan siya nito sa pisngi. “Bye Girlfriend… See you tomorrow”


Naiwan nalang nakatulala si Sassy habang sinusundan ng tingin ang papalayong binata.


Pagtingin niya sa ina ay isang nang-aasar na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.  Naiiling na umakyat nalang si Sassy sa kwarto.

No comments:

Post a Comment