Saturday, December 10, 2011

Kowtz

Sa likod ng mga matatalinong babae, ay ang mga kasinungalingang narinig niya na nagpatibay sa kanya.

Huwag mong pagsiksikan ang sarili mo sa taong HINDI KA NAMAN MAHAL.. lagi mong tandaan, ANG BAWAT PINTO may kanya-kanyang KANDADO.. hindi mo ito mabubuksan gamit ang ibang susi, bagkus humanap k nalang ng pinto na mabubuksan ng susing hawak mo.. Alam kong mas magandang makuha ang bagay na pinaghirapan. Pero mahirap kung iyon lang din ang magiging dahilan para ikaw ay MASAKTAN. 


Ang lalaki hindi mag-eeffort kung walang gusto sa isang babae yan. dahil sadyang tamad ang mga lalaki.





KUNG TOTOONG WALANG TAONG MARUNONG MAGHINTAY,PARA SA'N PA ANG WAITING SHED SA BAWAT BARANGAY..?


Maswerte ka kung makahanap ka ng taong kahit matagal na kayo , eh wala pa ring palya ang pagpapakilig sayo.


Hindi lahat ng lalaking sumusunod sa girlfriend nila ay tinatawag na "under"
-Sila lang talaga yung mga lalaking alam ang obligasyon bilang boyfriend.


Hindi rin naman masama maging bitter. Bitter na kung bitter. Sabihin na nilang bitter ka, at least totoo ka sa nararamdaman. Hindi yung nagkukunwari ka pa.


Ang hirap sa’yo nakikita mo na lahat ng rason para IWANAN siya, nagbubulag-bulagan ka pa.

Mas madaling sabihin na galit ka kaysa aminin na nasasaktan kana.

Hindi ka masasaktan sa bawat simpleng quote na pinapadala sa’yo kung hindi mo yun pilit ikinokonek sa nararamdaman mo.

Minsan kasi, ang mga lalake, hindi naman talaga sila MAHINA o TORPE. di ka lang talaga nila type kaya ganun. ASSUMING ka lang kasi.

Hindi naman paminta ang puso ko. para DURUGIN mo ;((

Di mo kailangang magkulang para lokohin ka, minsan kahit ginagawa mo na lahat niloloko ka pa rin.

Ang crush ay parang KALABASA. Nakakalinaw ng mata.


2 comments:

  1. agree sa mga quotes na ito!!!


    anyway sis, try mo na yung cbox mo... ;)

    ReplyDelete