[Regine’s
POV]
Nakadapa
ako sa kama at nakasubsob ang mukha sa unan.
Kung ako rin lang ang masusunod hindi na ako tatayo kahit abutin pa ako ng end
of the world. Because for me, it was the end of the world two nights ago.
Two
nights ago was my 18th birthday. Ang araw na inaabangan ng lahat ng
dalagang tulad ko. I should be happy pero kabaligtaran nun ang naramdaman ko.
Because that night I found out that my beloved dream guy Jeirick and the new
girl Demi has a relationship. Hindi iyon matanggap ng batang puso ko. I felt
betrayed kahit hindi naman dapat dahil wala naman kaming relasyon ni Jeirick.
Sinabi ko na sa lahat ng santo sa mundo na si Jeirick ang destiny ko kaya hindi
ito pwedeng mapunta sa iba. Pero ang sakit lang dahil para kay Jeirick hindi
ako ang destiny niya. Malinaw pa sa pandinig ko at sa mata kong 20/20 ang
vision ng sabihin niya sakin na little sister lang ang turing niya. Kaya
matapos ang pakikipagsaya nung isang gabi ay heto ako ngayon at nagdadalamhati.
My
room is a mess. Parang dinaanan ng isang barkadang ipo-ipo ang kwarto ko.
Nagkalat ang mga balat ng chichiria at chocolates na nilantakan ko kagabi, mga
stuff toys, t-shirts, palda, uniform, sapatos at pati na rin yung bag ko sa
sahig. Nakisama na din yung comforter at kumot ko. Nainip yata sa kama kaya nakipag-mabutihang-loob sa carpet. Niyaya na
rin nito ang gown na suot ko nung debut ko. Mukhang balak ng mga ito na
magkaroon ng meeting sa sahig. Pakiramdam ko nga balak na nitong magwelga sa
akin at magdeklara ng world war 4. Siguro nagpaplano na din ang mga ito ng
assassination laban sakin. Pero wala na akong pakialam dun because even myself
is a mess.
Mugto
na ang mga mata ko sa pag-iyak, sabog ang buhok at hindi pa ako naliligo mula
kahapon. Nararamdaman kong nagpaplano na ng gyera ang mga lamang-loob ko sa
tyan dahil kahapon pa ako hindi kumakain and it’s almost 4:00 in the afternoon
ayon sa relo sa dingding.
“How could you do this to me Jeirick?
I’m supposed to be your destiny” muli
ay parang gusto kong umiyak subalit napagod na yata ang mga mata ko at nagsara
na ang tear glands ko kaya wala ng lumalabas na luha. Ipinagpatuloy ko nalang
ang pagseself-pity at pag-iyak minus the luha. Sinong nagsabing mga baby lang
ang pwedeng umiyak ng walang luha? Kaya ko din iyon.
“nakakainis ka naman eh..ang tagal
tagal ko ng nagpaparamdam sayo eh. Ano bang meron yang Demi na yan at sya ang
nagustuhan mo? Maputi lang naman siya at maganda. Pero maganda din naman ako
ah..mabait saka sexy. Saka matalino naman ako ah. Nakakainis ka talaga. Hindi
mo ba alam na masama yang ugali niyang babaeng iyan. Bratinella yan eh…pero ako
Jeirick…ako mabait ako. Saka matagal mo na akong kilala eh bakit siya pa..bakit
hindi nalang ako. Nakakainis ka talaga” sabi ko at hinampas hampas yung stuff toy na regalo sakin ni Jeirick
nung 14th birthday ko. Ang tagal kong iningatan yung stuff toy na
yun.
At
dahil abala ako sa pag-eemote ko ay hindi ko ko na namalayan na may nakapasok
na sa kwarto ko.
“Oh my god!!!” malakas na pagsinghap ng “salarin”.
Kahit
hindi ako lumingon ay alam ko na agad kung sino ang walang babalang pumasok sa
kwarto ko.
“anong nangyari sa kwarto mo Regine???” sigaw ni Richelle. Siguro hindi ito makapaniwala na
ang super OC na tulad ko eh magiging ganito kagulo ang kwarto. Nanatili lang
siyang nakatayo sa pinto. Hindi siya makagalaw. Siguro natatakot siya na any
minute ay may lalabas na anaconda sa kwarto ko.
Si
Jhonah naman ay patalon-talon ang ginawa upang malampasan ang mga nagmemeeting na gamit sa sahig. Sa wakas ay nakakita siguro
ito ng malinis na pwesto. Agad itong umupo sa sahig. Lotus position.
“ang tanong…kwarto pa bang matatawag
ito?” sabi nito at inihagis ang mga
damit kong malapit sa kanya papunta sa karamihan. “it looks like a jungle..ingat ka Ichekoy, baka may ahas na diyan”
Pagkarinig
ng salitang ahas ay agad na lumapit si Richelle kay Jhonah. Iniwasan nitong
mapadaan sa mga kalat sa sahig.
“sana
nga may ahas dito para maipatuklaw ko kayong dalawa. Istorbo kayo sa pag-eemote
ko eh.” Sabi ko at naupo sa kama.
“yuck!!!! Ang panget mo na Regine…hindi
na kita friend” nakangiwing sabi ni
Richelle. Tignan mo ang sama ng ugali. “
Jhonah ikaw nalang friend ni Regine ah..kasi hindi na siya pretty kaya di ko na
siya friend”
May
nakita itong isang bag ng potato chips. Agad nitong binuksan iyon. Akmang
kukuha si Jhonah pero tinapik ni Richelle yung kamay niya. Hinila naman ni
Jhonah yung buhok ni Richelle kaya napilitang magbigay si Richelle.
“Bakit??? Sino bang nagsabing friend ko
si Regine??? Sino ba yun? Hindi ko nga kilala yun” sagot naman ani Jhonah habang nilalantakan yung
potato chips ko.
Ang
kapal ng mukha ng dalawang ito na itakwil akong friend nila pero kinakain naman
nila yung pagkain ko.
“Lumayas na nga kayong dalawa.” Pagtataboy ko sa kanila. Balak ko na kasing ipagpatuloy
ang naputol kong pag-eemote dahil sa pagdating nila.
“bakit ba lagi nalang akong pinapalayas
ng mga tao?” nagtatakang tanong ni
Richelle.
“”Eh kasi wala kang pakinabang sa
mundo..isa kang plankton!!!” pang-aasar
ni Jhonah. Sarap talaga sipain ng mga ito. Akala mo walang nangyari eh.
“Eh ikaw sino ka?”
“Si Spongebob”
“Mukha mo!”
“Ewan ko sayo”
Nakakasar
talaga itong dalawang ito. Wala ng ginawa kundi ang magtalo.
Bumaling
sakin si Jhonah. Ubos na yung potato chips. Pero may nakitang isa pang bag si
Richelle. Binuksan niya ulit. Ang takaw!
“Ano bang problema mo Redge at balak mo
na yatang magtayo ng gubat dito sa kwarto mo. sana man lang sinabihan mo ako para nagdala
ako ng mga wild animals dito. Madami pa naman nun sa kapitbahay namin.”
Tinignan
ko ng masama yung dalawang hindi yata alam ang salitang “makiramdam”. Binato ko ng unan si Jhonah pero mabilis niya itong
nailagan kaya ang tinamaan ay ang busy sa pagkain na si Richelle.
“Ano ba?! Kumakain yung tao eh” angal nito.
“Hoy! Bakit ka nambabato ha?!” reklamo ni Jhonah.
“Kasalanan mo yun eh.” Sisi ko kay Jhonah “bakit hindi mo binantayang maige si Jeirick?! Nagkagirlfriend tuloy.
Paano na ako?” muli ay parang gusto kong umiyak.
“Grabe ah…pang Oscar awards na yang
ginagawa mo Regine.” Nailing na sabi
ni Richelle.
“Ano bang mas hebigat? Famas o Oscar?” tanong ni Jhonah kay Richelle.
“Hindi ko alam eh..gawad-kalinga
siguro” kibit-balikat na sabi ni
Richelle.
“gaga! Anong Gawad-kalinga ka dyan!
Charity yun eh. Baka gawad-urian yun”
“aba malay ko ba hindi naman ako
artista”
“mamundok ka na”
“mauna ka”
Naiirita
na naman ako sa ingay nilang dalawa.
“Pwede ba? Kung mang-gugulo lang kayo
umalis na lang kayo”
“Hindi kami pwedeng umalis..kasi iyon
talaga ang purpose namin ni Jhonah. Ang guluhin ka”
“Ano?? Nababaliw na talaga kayo”
Tumayo
bigla si Jhonah. “Alam mo Reginetot…”
umpisa nito at pinagpagan ang pantalon na suot at inisa-isang pinulot yung mga
kalat ko sa sahig. “…kahit na ipabox ko
pa si kuya, lagyan ng wrapper at ribbon at ipa-LBC sayo gagawin ko maging
masaya ka lang kasi bestfriend kita kaso hindi ko naman hawak ang puso ng
kapatid ko kaya hindi ko pwedeng pigilan at diktahan si kuya kung sino ang mamahalin
niya.” Inilagay nito sa lalagyan ang mga stuff toys ko.
Nakigaya
na din si Richelle. Mukhang ubos na yung kinakain niya. Iniligpit nito ang mga
balat ng chocolates at chichiria na nakakalat sa sahig.
“alam mo Regina..hindi naman obligasyon ni Jeirick na
manatiling single for you..isaksak mo yan sa utak mong wala yatang laman”
“Ang bad mo..paano ba kita naging
friend” nakapout na sabi ko at
ibinagsak ang sarili ko sa kama.
“Pinagtyatyagaan ka lang kaya namin ni
Jhonah akala mo ba true friend kami?”
“Dinamay mo na naman ako Iche”
Hindi
na talaga mawawala ang asaran saming tatlo. Haay!!!
“Alam ko naman na hindi obligasyon ni
Jerick na manatiling single para sakin. Saka alam kong wala din akong karapatang
masaktan. Pero syempre nahurt ako eh.”
“Lahat naman ng tao may karapatang
masaktan eh…as long as may nararamdaman ka” sagot ni Jhonah
“Wow!!! Ikaw ba yan Jho???” pang-aasar ni Richelle.
“Shatap!!!”
Kapag
ito talagang dalawang ito nag-asaran wagas na wagas eh.
“Alam naman naming nahurt ka
Regine..kaya nga nandito kami ni Jhonah eh..para damayan ka”
“teka? Dadamayan ba natin si Regine?
Akala ko guguluhin natin siya eh…ayokong damayan yan sa pagiging OA niya”
“Ay oo nga pala…nandito kami para
guluhin ka”
“Kung purpose niyong dalawa na guluhin
talaga ako..effective kayo” sagot ko
at niyakap yung stuff toy na bigay ni Jeirick.
Bigla
akong binato ng unan ni Jhonah.
“Baka naman gusto mong tumulong sa
pagliligpit ng kalat mo diba? Kasi nakakahiya naman samin kalat mo ito tapos kami
ang nagliligpit” sarkastikong sabi
nito.
“Oo nga noh…kwarto mo ito Regine pero
bakit kami ni Jhonah ang naglilinis?”
Tinawanan
ko lang silang dalawa. Ngayon lang nila narealized na nililinis na nila yung
kwarto ko.
“Wag na kayong mahiya…feel at home..take
your time..hindi naman ako nagmamadali eh”
Dahil
sa sinabi ko eh hinila ako ni Richelle. Nauwi sa harutan ang kaninang
pag-eemote ko.
Ano
nga bang sabi nilang silbi ng kaibigan kapag may problema at depress ka?
“They will tell you the stupidest words
that could make you laugh.”
(A/N: imbento ko lang yan…wag niyo ng
alamin kung totoo hehe)
***
“Alam mo Regine sa tingin ko hindi mo
naman talaga mahal si kuya eh”
komento ni Jhonah.
Tapos
na kami maglinis. Ay mali…tapos
na pala silang maglinis dalawa. Pinanindigan ko ang hindi pagtulong sa kanila.
At masyado silang mabait ngayon kaya sila lang talaga ang naglinis. Di na nila
ako pinilit. Habang naglilinis sila eh naligo nalang muna ako.
Ang
kwarto kong kanina lang eh pinamamahayan na ng mga mababangis na hayop eh
naibalik na din sa dati. Naawa naman ako sa kanilang dalawa kaya nagpahanda ako
ng meryenda. Sabi sa inyo mabait ako eh..hehe
“Masasaktan ba ako ng ganito kung hindi
ko mahal si Jeirick?” nakairap na
tugon ko naman sa kanya.
Sumubo
muna ng spaghetti si Jhonah bago sumagot.
“Well ang ibig kong sabihin eh hindi mo
siya mahal bilang…what do you call this…ahmmm…bilang gusto mo siyang maging
boyfriend. Nasasaktan ka kasi inilagay mo dyan sa utak mong walang laman kundi
kaberdehan na si kuya ang gusto mo pero hindi naman talaga iyon ang
nararamdaman mo. isip mo lang ang nagdidikta na nasasaktan ka at hindi ang puso
mo. dahil kapag nagmahal ka talaga puso dapat ang magdikta at hindi
isip..kumbaga iyang nararamdaman mo..it’s all in the mind lang” paliwanag ni Jhonah. “Teka…ano bang pinagsasabi ko? Napagod kasi ako sa paglilinis eh kaya
kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig ko” biglang bawi nito. “Paabot nga ng cake Richelle”
“Ewan ko sayo. Ang lakas ng loob mong
magbigay ng advise eh pare-pareho lang naman tayong wala pang karanasan sa
ganyan” asar ni Richelle kay Jhonah
habang inaabutan ng cake.
Tumawa
naman si Jhonah. Abnormal talaga.
“Ganyan talaga ang mga henyo Iche…saka
iba naman ang walang alam sa walang karanasan”
Pinagmamasdan
ko lang silang dalawa habang nagbabangayan. Somehow naisip ko ang sinabi ni
Jhonah. Tama siya. Inilagay ko sa isip ko na si Jerick ang gusto ko because of
his good qualities.
“Paano mo ba malalaman kung inlove ka na
ba talaga?” biglang tanong ko dahilan
para mapatigil sa pagsubo yung dalawa.
“Asus! Kami pa daw ba ang tanungin eh
pare-pareho lang naman tayong wala pang nagiging boyfriend eh.” Kunot-noong sagot ni Richelle.
“Wala ba kayong idea?” pakiramdam ko I sound desperate na.
Saglit
na nag-isip si Richelle.
“Para sakin sa tingin ko…love comes in
the most unexpected ways” komento
nito.
Marahang
hinampas naman ni Jhonah sa braso si Richelle.
“Ano ba?! Ang bigat talaga ng kamay
nitong babaeng to” angal nito habang
hinahaplos ang nasaktang braso.
“Ang sabi ni Regine…ay mali…ang
tanong pala ni Regine paano mo malalamang inlove ka na talaga..wala siyang
sinabing idefine mo ang love” sermon
ni Jhonah kay Richelle.
“Yun na nga yun.hindi mo malalamang
inlove ka dahil darating ito minsan sa di inaasahang pagkakataon at panahon.
Minsan nasa harapan mo na kaso hindi mo pa nakikita, malalaman mo nalang kapag
nawala na siya sa harap mo” paliwanag
naman ni Richelle. With matching action ng kamay pa.
“Hindi rin…” protesta naman ni Jhonah.
Hay
naku what do I expect pa ba? Kelan ba sumang-ayon yan si Jhonah kay Richelle?
At kelan din ba sumang-ayon si Richelle kay Jhonah?
“wala namang shape,size, texture, color
at smell ang love kaya hindi madaling marecognized eh” depensa naman ulit ni Richelle.
“Weehh??? Hindi nga” as usual kontra na naman si Jhonah “ eh bakit maraming nagsasabi na love is in
the air or it smells love kung hindi naman pala nila nakikita o naaamoy?”
angal pa ni Jhonah.
Patuloy
pa din sa pagdedebate ang dalawa. Mataman naman akong nakikinig sa kanila dahil
kahit na nag-aasaran eh may napupulot naman ako sa mga sinasabi nila.
“Eh bakit ka ba kontra ng kontra dyan
eh opinion ko lang naman yun?” tanong
ni Richelle.
“Eh kasi hindi naman ako naniniwala na
hindi mo kaagad malalamang inlove ka eh..saka mali ang opinion mo” sagot naman ni Jhonah.
Inirapan
siya ni Richelle.
“Wala naman kayang maling opinion”
“Anong wala ka dyan? Kaya hindi
umaasenso ang Pilipinas eh…iyan ang laging katwiran ng mga tao”
Natatawa
nalang ako sa kanilang dalawa. Daig pa nito ang mga senador at congressman na
nagtatalo kung ipapasa ba ang RH Bill o hindi eh.
“Paano mo naman nasabi na madaling
malaman kung inlove ka eh hindi ka pa
nga naiinlove?”
Pumitik
sa hangin si Jhonah. Grabe naman sa action yun..hehe
“Exactly!!! Hindi ko pa nararanasang
mainlove kaya once na may nagbago na sa damdamin ko towards a guy na hindi
kayang ipaliwanag ng syensya, I therefore conclude na that’s the time that I
could say na inlove na nga ako.”
Hindi
nakapagsalita si Richelle.
“Sa totoo lang madali namang
marecognized na inlove ka eh..sarili mo yan eh..higit kaninuman ikaw ang
nakakakilala sa sarili mo.aya ikaw ang nakakaalam ng nararmdaman mo. Minsan
inlove ka na ayaw mo lang aminin. Lalo na kung sa unexpected person ka
maiinlove” patuloy pa ni Jhonah.
“Unexpected person???” sabay na tanong pa namin ni Richelle.
Hindi
naman obvious masyado na tutok kami sa sinasabi ni Jhonah diba? Minsan lang
kasi magsalita iyan ng matino kaya dapat samantalahin na..hehe
“Yun yung taong hinding-hindi mo maiisp
na pwede mong kainlove-an..for example,taliwas siya sa ideal man mo or sa dream
guy mo…pwede ding sa taong ngayon mo lang nakilala o kung minsan dun sa taong
kaaway mo pa”
“Bakit ka naman maiinlove sa kaaway mo?
Kalokohan naman yata yun” nakasimangot
na taong ko. Bigla kasing may pumasok sa isip ko na tao eh.
“Hoy! Hindi ka ba nagsulat sa slambuk
nung highschool ka?” nandidilat ang
matang tanong sakin ni Jhonah.
“ano namang kinalaman ng slambuk dun?” tanong ni Richelle.
“Diba may kasabihan na the more you
hate, the more you love? Madalas pa ngang gawing motto sa slumbuk nung
highschool yan eh.”
“sorry naman. Time is gold ang motto ko
nun eh”
“Walang kwentang motto..gasgas na
gasgas”
“Oh tapos? Tuloy mo na” singit ko sa kanila. Baka magtalo na naman eh ang
ganda na ng topic eh.
“As what I’m saying…there’s always a
thin line separating love and hate. Minsan akala mo hate mo yung guy..yun pala
love mo na siya. Pinapangibabaw mo lang yung hate mo kaya natatabunan si love” sermon pa ni Jhonah.
“Amen” pabirong sagot ni Richelle.
“Woohhh!!! Ang haba ng sinabi ko.
Nagutom tuloy ako…another slice of cake pleaseeeeeeeeee” request ni Jhonah kay Richelle.
“Grabe ka…saan mo ba dinadala ang
kinakain mo?” sita sa kanya ni
Richelle.
“Syempre sa tyan ko. Alangan namang sa
tyan mo diba? Sinuswerte ka naman yata. Ako ang napapagod ngumuya tapos tyan mo
ang makikinabang? No way!!!” angal
ni Jhonah.
Napailing
nalang kami ni Richelle at sabay na nagkibit-balikat. Kahit kelan talaga
bihirang magseryoso itong si Jhonah.
Napangiti
nalang ako habang nag-aasaran na naman silang dalawa ni Richelle. Kahit na
abnormal si Jhonah may nakuha naman akong aral sa mga sinabi niya.
I
cant wait to see these two fall in love.
Panigurado
gyera yun..hehe.
***
No comments:
Post a Comment