[ It’s all about your love ]
=SM
Mall of Asia=
Flash
back
[Earl’s POV]
Nagpunta
kami ng MOA ni Trace kasi may gusto kaming bilhin na bagong labas na item sa
Comic Alley. Hindi ko naman akalain na makikita namin dun sina Richelle at
Jhonah. Manonood daw sila ng sine. Sobrang nagulat talaga ako ng makita yung
suot na damit ni Jhonah…ano kasi…ahhh…ano….ang sexy niya kasi..
Hindi
ko alam kung ano bang nangyayari sakin at parang sinapian na naman ako ng
pagiging possessive at protective sa kanya. Katulad nung debut ni Regine… ewan
ko ba at parang ayokong ishare sa iba si Jhonah kapag nakadamit pambabae siya…
Gusto
ko ako lang ang makakakita sa kanya ng ganun…
Grabe
ang weird.
“Sige na Richelle..si Trace nalang ang
isama mo manood…maniningil muna ako ng utang”
“Wait lang---“ pigil ni Richelle sakin kaso wala siyang nagawa
dahil hinila na siya palabas ni Trace bago kumindat sakin.
“Hoy Richelle! Wag mo akong iwan” akmang susunod sa kanila si Jhonah pero di ko
binitawan ang kamay niya.
Pinipigil
ko nalang ang ngiti ko ng akala mo batang iniwan ng nanay niya kung
makasimangot itong babaeng ito.
“Ano bang problema mo?” singhal niya sakin.
“wala”
“Eh bakit pinaalis mo na si Richelle?
Manonood pa kami ng sine eh.”
“Gusto mo bang manood ng sine? Eh di
tayo nalang ang manood”
“Alam mo ikaw..ang epal mo talaga kahit
kelan”
“At ikaw ang daldal mo talaga…at
saka..” tinignan ko siya mula ulo
hanggang paa “..bakit ganyan ang suot mo
ah” kunwari’y galit na sita ko
Bigla
namang tinakpan ni Jhonah gamit ang mga braso niya ang dibdib niya.
“Ang manyak mo ah!”
“Wow ah! Ako pa manyak! Para namang may makikita ako sayo.” Supladong sabi ko…kahit na deep inside sobrang
nasesexy-han talaga ako sa kanya. Siguro dahil batak ang katawan niya sa
exercise dala ng training niya sa taekwando kaya sumexy siya.
“Ang yabang mo ah! Ang tingin mo sa
sarili mo gwapo at macho?!”
“Oo naman….proud to say that I’m sexy
and I’m hot!”
“Mukha mo! Kapal ng mukha mo!’
Bumuntong-hininga
ako. Napapagod na ako makipagtalo.
“Alam mo..tigilan na natin
ito..nakakahiya sa mga nakakakita satin..isipin pa nila girlfriend kita at
inaaway mo ako..kawawa naman ako..sa gwapo kong ito inaaway away lang ako ng
girlfriend ko”
“Hindi kita boyfriend noh! And you will
never be my boyfriend.”
“Really? Tignan natin”
“Anong sinabi mo?”
“Wala..sabi ko bingi ka”
Lumabas
na ako ng store…nawala sa isip ko na hawak ko padin pala ang kamay niya kaya
parang nahila ko siya palabas…parte na yata ng katawan ko ang mga kamay na yun.
“Earl saan ka ba pupunta?” tanong ni Jhonah habang naglalakad kami.
“Ikaw? Saan mo ba gusto?’
“Gutom na ako..cease fire muna
tayo…wala na akong energy eh”
Hay
salamat..mabuti naman..ayoko naman kasing makipagtalo nalang lagi sa kanya eh.
“Tara
kain tayo..hindi ka man lang pinakain ni Richelle”
“Hay naku naubos yung oras namin sa
pagsho-shopping niya” nakasimangot
na sagot ni Jhonah. Di naman obvious na ayaw niya diba?
“Sige kain tayo”
“ahh… Earl..baka naman gusto mong
bitawan ang kamay ko…kasi baka isipin ng mga nakakakita satin girlfriend mo ako
at boyfriend kita”
“Oh? Akala ko ba ayaw mo akong maging
boyfriend? Ikaw ahhh may HD ka sakin ah.”
“anong HD ang pinagsasabi mo dyan!”
“Wala..biro lang” sabi ko at pasimpleng inakbayan siya at kinabig
palapit sakin.
(A/N : *Tsansing…hmmmfffppptttt!!!!*
makareact ako wagas noh? Sabi sa inyo crush ko iyang si Earl eh..haha..sana ako nalang minamanyak
niya..willing na willing ako..haha - shinayawaara)
*
* *
Back
to present…
[Regine’s POV]
“Redge…pwede bang magtanong?”
“Hmmm..depende sa tanong”
“Okay..ahhmmm” he cleared his throat before he speak. “Ahhmm…”
“Ano?” impatient na tanong ko kasi di ko maintindihan ang
gusto niyang sabihin..
“Mahal mo ba ako?”
Sobrang
nagulat naman ako sa tanong niya kaya nabitawan ko yung hawak kong pen.
Nasa
library kasi kami at kasalukuyan akong gumagawa ng assignment ko.
Tama..napilitan akong gumawa ng assignment kasi ibabagsak na daw ako ni Miss
Dipasupil kapag di pa ako nagpasa ng homework sa kanya..kaya ayun.. tinambakan
ako ng homework. Ang tamad ko lang diba?
Tapos
paepal pa itong si Paul at hindi ko maintindihan kung anong gusting ipahiwatig.
Alam naman niyang busy ako..pero infairness ah tinutulungan naman niya ako.
“Ha?”
“Okay sorry for asking… kalimutan mo
nalang na may sinabi ako” he said and turned his gaze on my notebooks.
I
simply smile. Mukhang naiinip na yata itong si Paul ah.. Well kunsabagay it’s
been five months na din magmula ng mag-umpisa siyang manligaw sakin..
Grabe..
five months na pala since nagdebut ako..ang bilis talaga ng panahon.
“Paul…” mahinang tawag ko sa kanya.. syempre nasa library
kami eh..
“Yes?” sagot niya pero hindi siya lumingon sakin. Sa
notebook pa din siya nakatingin.
“mahal kita” sabi ko at pinipigilan kong ngumiti.
Halatang
nagulat si Paul dahil bigla siyang napatingin sakin.
“anong sabi mo?”
“Hindi ko na uulitin” pilyang sagot ko.
“Redge!!! Anong sinabi mo..pakiulit”
“Mahal kita..”
“Mahal mo ‘ko?”
“paulit-ulit..unli???”
“Mahal mo ‘ko..”
“Oo nga”
‘WOOOHHHH!!!! MAHAL MO ‘KO!!!!
WOOOHHH!!!! MAHAL AKO NI REGINE!!!!”
Nagulat
ako sa biglang pagsigaw ni Paul. Napatingin tuloy samin lahat ng tao sa
library. Pati na din yung librarian pinatunog yung bell niya.
“Ang ingay mo! Nakakahiya ka”
“Pakialam ko sa kanila..eh gusto kong
ipagsigawang mahal mo ako eh”
“Ewan ko sayo”
“So Redge… ibig bang sabihin nun
sinasagot mo na ako?” hopeful na
tanong ni Paul
“Oh? Sinabi ko ba na sinasagot na
kita?” nang-aasar na tanong ko sa
kanya.
“Ganun? Eh sabi mo kasi mahal mo ko eh”
“Oo nga..pero di ko sinabing tayo na”
Biglang
nanlumo yung hitsura ni Paul… Oh!!! How I love to tease him nakakatuwa siyang
tignan. Akala mo batang inagawan ng candy.
“Okay..sorry..sabi ko nga maghihintay na
lang ako kung kelan mo sasabihing tayo na..pero atleast alam kong may feelings
ka na sakin”
Muling
ibinalik ni Paul ang paningin sa binabasa at hindi na kumibo.
Pumilas
naman ako ng piraso ng papel sa notebook ko at sinulatan ko iyon bago iabot sa
kanya.
Nagtataka
man ay iniabot din iyon ni Paul at binasa. Kunot ang noong napatingin siya
sakin.
“Oo?”
“Oo”
“Anong oo?”
“Oo as in.. tayo na..sinasagot na kita”
“woohhh!!! Hindi nga?”
“Oo nga..ang kulit paulit-ulit..unli?”
“WWOOOOHHHHHHH!!!!!!!! I’M THE MAN!!!!”
“Shhhh!!!!! Kung mag-iingay lang kayo
lumabas na kayo at nakakaistorbo kayo sa ibang estudyante dito” sita samin nung librarian.
“Sorry po” hinging-paumanhin ni Paul at sinimulang damputin ang
mga gamit ko at hinawakan ako sa kamay palabas.
“Oh? Teka..saan tayo pupunta?” nagtatakang tanong ko.
“Basta..dun sa lugar na pwede akong
mag-ingay”
Wala
na akong nagawa kundi ang sumunod nalang kay Paul.
Sa
may gymnasium kami nakarating. Naabutan pa naming naglalaro sina Jeirick dun
kasama ang basketball team.
“Guys!!! Makinig kayo!!!!” tawag pansin ni Paul sa mga ito.
Nagsipaghintuan
naman sa paglalaro ang mga ito at tinignan kami. Shocks! Nakakahiya.
“Paul ano ka ba?” saway ko sa kanya
“Shhh… ako bahala sayo”
“Paul anong problema mo?” sigang tanong ni Laxus.
“Kami na ni Regine!!!! Sinagot na niya
ako!!!” hyper na balita ni Paul.
Nagkatinginan
naman yung mga boys.
“Aahhhh okay” sabay-sabay na sabi ng mga ito at parang balewalang
nagsipagbalikan sa paglalaro.
“Sabi ko sayo wag mo ng sabihin eh” sita ko kay Paul “Ayan..napahiya ka pa tuloy”
“Teka nga…” binitawan niya yung kamay ko at muling inagaw ang
pansin nung mga basketball players. “Hoy!
Mga kumag!!! Jeirick!!! Earl!!! Laxus!!! Trace!!! Gray!!! Marky!!!!” ano ito?
Dedmahan? Ang sasama ng ugali niyo ah!!!” sigaw ni Paul sa mga ito.
“Paul wag na” awat ko.
“Hindi man lang kayo naging masaya para
sakin. Anong kalseng mga kaibigan kayo!” sumbat ni Paul.
“Paul…” hinawakan ko na siya sa braso. “Tama na”
“Nakakainis kasi eh… parang mga walang
pakialam eh..parang di mo mga kaibigan” masama ang loob na sabi ni Paul. Hindi ko naman alam ang gagawin ko
kasi ngayon ko lang siya nakitang ganito eh.
“So Paul…tapos ka na ba sa drama mo?” tanong ni Jeirick sa kanya.
“Nakakasama kayo ng loob..to think na
mga kaibigan ko kayo” nagtatampong sabi
ni Paul “Tara
na Redge..mga walang kwenta tao dito’
Akmang
aalis na kami ng bigla kaming tawagin ni Jeirick.
Lumingon
naman kami sa kanila at ganun nalang ang gulat namin ng pagharap namin eh mga
nagliliparang crumpled paper ang sumalubong samin.
“Whhhattttaaa!!!!”
“CONGRATULATIONS!!!!!!!” sabay sabay na sigaw ng mga ito at bigla nilang
pinagdadaganan si Paul.
“Hanep ‘tol!!! Binata ka na” pang-aasar ni Marky.
“Best actor!!! John Lloyd Cruz!!!!!” asar naman ni Trace.
“Mga siraulo kayo!!!” tumatawang sabi ni Paul.
Nakakatuwa
silang tignan..akala ko talaga wala silang pakialam..iyon pala gusto lang
nilang pagtripan si Paul.
“Congrats Regine” bati sakin ni Earl.
Tanging
siya lang ang di nakigulo sa mga boys. Sus! What do I expect pa ba? Eh nuknukan
ng suplado yang lalaking iyan eh. Pero infairness ah..binati niya ako.
“Thanks Earl”
“Ikaw na bahalang magtyaga dyan sa
kaibigan namin ah.. mukha lang talagang loko-loko iyan..pero mahal na mahal ka
niyan” and he smiled a little as he
looked at Paul.
My
gosh!!! Earl did smile (O_0)
“thanks Earl.. mahal ko din naman siya
eh”
“Good for both of you.”
“Hoy! Earl…bakit tinatakot mo iyang
Mahal ko?” biglang sita samin ni
Paul.
“MAHAL KO??? YUCK!!! ANG BADUY!!!!” sabay-sabay na sigaw nila Laxus, Gray at Marky.
“Sinasabi niyo lang iyan kasi mga wala
kayong girlfriend!!!!” pang-aasar
din ni Jeirick sa kanila.
“Oo nga..baka nga kapag kayo ang
nagkagirlfriend mas baduy pa kayo eh” dugtong
naman ni Trace.
“Matagal pa yun!”
“Mga ander sa girlfriend!!!!”
Walang
tigil sa asaran ang mga ito. Hindi na natuloy ang paglalaro nila ng basketball.
Nakawala
naman si Paul sa kanila at lumapit sakin.
“Mahal ko” tawag niya sakin.
Napangiti
naman ako sa tinawag niya sakin.
“Ang baduy nga” natatawang sabi ko.
“Eh ano naman..eh sa mahal kita
eh.pakialam ko ba sa kanila.”
“Wow naman..ang sweet”
“Syempre naman..ako pa”
“Mahal ko…”
“Hmmm?” patuloy pa din sa pag-aasaran yung mga lalaki.
“I love you”
Napangiti
naman ako at tumingin sa kanya.
“I love you too”
And
with all my shock, he kissed me right there and there… in front of his friends
and basketball teammates.
“Woooohhhhh!!!! Mabuhay ang bagong kasal!!!!”
*
* *
No comments:
Post a Comment