[Ever Ever After Part 4]
[Richelle’s POV]
“Richelle wait”
Napalingon ako at napahinto
sa kung sino mang Pontio Pilato na tumawag sakin.
“Oh Trace ikaw pala. Bakit?”
“Pwede ka bang makausap?”
“Sure”
Nagpaalam na ako sa mga
kasabay kong cheerleaders. Galing kasi kami sa practice eh.
Sa may ilalim ng puno ng
Acasia kami humantong ni Trace.
“Anong gusto mong sabihin at mukhang matter of life
and death yata yun”
Saglit na di nakaimik si
Trace at wari’y nag-iisip ng malalim.
“Uy Trace ano na?” untag ko sa kanya at marahang hinampas siya sa braso.
Ganun nalang ang gulat ko ng
biglang humarap sakin si Trace at hawakan ang kamay ko.
“May boyfriend ka na ba? Pwede ba kitang maging girlfriend?” magkasunod na tanong ni Trace.
Grabe ah. Daig ko pa ang
nabagsakan ng bomba sa gulat sa sinabing iyon ni Trace.
Teka…tama ba ang dinig ko?
Inaalok niya akong maging
girlfriend niya?
This is it Richelle… Di ba
eto yung gusto mo? Magpapakipot ka pa ba? Baka magbago pa ng isip yang si Trace.
Ngumiti ako sa kanya.
“Sure”
Si Trace naman ang halatang
nagulat sa sinagot ko.
“Sigurado ka? Hindi mo iisiping nagbibiro lang ako?
Hindi mo iiinsist na ligawan muna kita? Hindi mo ba sasabihing ang kapal ng
mukha ko?” nagtatakang tanong ni Trace.
“Ayokong magpakipot. Sayang ang time. Pwede mo naman
akong ligawan kahit girlfriend mo na ako. Saka never kong iisipin na binibiro
mo lang ako..kasi magkaibigan naman tayo diba? Hindi mo naman siguro ako
pinagtitripan lang”
Ginagap ni Trace ang mga
kamay ko at ngumiti. Infairness ah..ang gwapo niya.
“Oo naman Hime-chan…never kong inisip na lokohin ka…
thank you for believing in me”
“You’re welcome”
“So girlfriend na kita?”
“Oo nga..ang kulit”
“Naniniguro lang”
At bigla nalang akong niyakap
ni Trace. Namula naman ang mukha ko kasi ang daming napapatingin samin.
Pero wapakels!!!!
Maingit sila..ako na may
boyfriend na gwapo at basketball player..haha!!!
Regine!!!! May boyfriend na ako!!!!
* * *
[Richelle’s POV]
“Ano??? Kayo na ni Trace???” gulat na sigaw ni Jhonah sakin.
Syempre hindi naman ako
makapaghintay na ishare sa dalawang bestfriends ko ang magandang development ng
lovelife ko. Kaya naman kinabukasan ay sinabihan ko agad sila na magkita-kita
kami sa gymnasium para makapagkwento ako sa kanila.
Katatapos lang ng practice
naming sa cheering ni Regine. Si Jhonah naman ay galing sa training.
Nakauniform pa nga eh. Pinadiretso ko na agad kasi siya ditto kasi sobrang
excited na ako.
“Yup”
pagkumpirma ko. Nagbablush pa nga ako eh. Hehe
“Ang landi mo” pang-aasar ni Regine sakin at kinurot pa ako sa bewang.
“Mana lang ako sayo” ganti ko naman.
“Bakit parang ang bilis naman yata? Kelan lang natin
pinag-uusapan ang pagkakagusto mong magkaroon ng boyfriend..ngayon meron na
agad? Inunahan mo pa ako eh.”
Naiiling na natatawang sabi ni Regine.
“Well ganun talaga…bakit naman namin patatagalin ang ligawan
kung gusto naman namin ang isa’t-isa diba?”
“Kung sabagay” pag-sang-ayon ni Regine sakin “ I’m happy for you bespren!!!”
“Thank you… I’m happy for myself too” at nagyakap kami ni Regine.
“Ang tanong… may ligawan bang nangyare?” singit ni Jhonah.
“Hmm…wala” natatawang
sagot ko naman.
“See?? So gaano ka nakakasiguro na gusto mo nga si
Trace… or gusto ka nga ni Trace?”
mataray na tanong niya sakin.
“Hay naku Jhonah… kontrabida ka”
“Bakit hindi mo masagot ang tanong ko?”
“Dahil ang nonsense ng tanong mo”
Medyo nagkakainitan na kami
ni Jhonah. Naiinis na din kasi ako sa way na makapagtanong siya sakin. Si
Regine mukhang hindi naman alam ang gagawin.
“Excuuussseeee me??? Nonsense ang tanong ko? Hoy Regina! Kausapin mo nga
yang kaibigan mo! Akala ko butas lang ang utak niyan..mas malala pa yata!”
“Jhonah… Richelle…” nag-aalanagng awat samin ni Regine.
“EH BAKIT BA KASI PINAPAKIALAMAN MO ANG LOVELIFE KO?
CAN YOU STOP BEING A BITCH!!!” sigaw
ko sa kanya.
Napapatingin na din samin
ang mangilan-ngilang estudyanteng nasa gym ng mga oras na yun.
“I’M NOT A BITCH! I’M YOUR FRIEND!” sigaw din ni Jhonah
“THEN IF YOU ARE MY FRIEND…ACT LIKE ONE!!!”
Dahil sa sigawan namin ay
napilitan na ding sumigaw si Regine kasi hindi namin siya pinapansin.
“PWEDE BA TAMA NA?!!!!”
Natahimik naman kaming
dalawa ni Jhonah.
“Tama na okay? Richelle, concern lang si Jhonah sayo…nakakagulat
nga naman kasi ang revelations mo eh… kahit ako nagulat din sa sinabi mo”
“So mas kinakampihan mo pa ngayon si Jhonah?”
“Wala akong kinakampihan okay? Pinapaliwanag ko lang
sayo ang bagay na ayaw mong intindihin.”
“Eh bakit ba kasi hindi nalang kayo maging masaya
para sakin diba?” naiiyak na sabi
ko.
Ang sakit eh..ngayon lang
kami nagkasagutan ng ganito.
“I will…. Kung alam kong mahal mo nga si Trace..kaso
yung tanong ko pa nga lang kung gusto mo ba siya hindi mo na masagot eh..paano
pa kaya kung tanungin kita kung mahal mo ba siya?” nakataas ang kilay na tanong pa din ni Jhonah.
Kung minsan nakakainis din
ang pagiging Miss-Know-It-All nitong babaeng ito eh. Parang lahat talaga alam
niya… parang ikaw lagi yung mali
kapag nakipagtalo ka sa kanya. Kakainis!!!
“I like him…at alam kong darating ang time na
mamahalin ko din siya”
“Tsk! Wala na talagang pag-asa ‘to! Dyan na nga
kayo..sinasayang niyo ang araw ko.” At
umalis na si Jhonah sa gym. May nabangga pa nga siyang estudyante pero hindi
man lang niya pinansin. Hindi na rin kumibo yung estudyante.
Natakot yata.
Parang nanghihina naman na
napaupo nalang ako sa sahig.
“Oh ikaw? Aalis ka din?” tanong ko kay Regine.
Niyakap naman ako ni Regine
bilang sagot.
“Kawawa ka naman eh…dito nalang ako sayo..si Jhonah
kaya na nun yung sarili niya..saka baka banatan pa ako nun..highblood eh”
Napabuntong-hininga na lang
ako.
“Nagalit yata sakin si Jhonah” nag-aalalang tanong ko
Nalungkot naman kasi ako sa nangyare samin.
“Sus! Hindi ka na nasanay dun…hayaan mo lang muna yun
ngayon.. mamaya okay na yun”
“Sana
nga…Regine…sa tingin mo…” hindi ko
maituloy ang sasabihin ko. Parang hindi ko alam kung tama bang sabihin ko iyon.
“Sa tingin ko alin?”
“sa tingin mo ba may gusto si Jhonah kay Trace?”
Wala lang..naisip ko lang
base sa nagging reaksyon niya… hindi naman siya ganun magreact nung nalaman
niyang nagliligawan sina Regine at Paul eh. Pero bakit nung kami ni Trace?
“adik! Ano bang pinagsasabi mo dyan? Walang gusto si
Jhonah kay Trace noh!”
“Eh diba close sila?”
“Mas close sila ni Earl…super close pa”
“So kay Earl may gusto si Jhonah?”
“Hindi..si Earl ang may gusto kay Jhonah”
“sure?”
“Hindi..hula ko lang”
“Sira!”
“Eh para namang di mo kilala yung kaibigan nating yun
eh… imposibleng magkagusto sa lalaki yun noh! kaya wala kang dapat ipangamba na
maging karibal siya kay Papa Trace mo”
“Kung sabagay”
Sabay pa kaming nagtawanan
ni Regine. Di nalang namin pinansin yung mga kapwa naming estdyante na iniisip
siguro mga baliw na kami.
“Pero sis..congrats sa lovelife mo…kainggit ka naman”
“sagutin mo na kasi si Paul..tagal ng nanliligaw sayo
nung tao eh”
“Malapit na”
“Ayiiieee…kinikilig naman ako…sagutin mo na para
pareho na tayong may boyfie.hehe”
“Oo sige…love ko na rin naman yung mokong na yun
eh..”
“Ayiiieee..ang lande”
“Ikaw din kaya”
Nagtawanan nalang ulit
kaming dalawa.
* * *
[Laxus POV]
“Pesteng teacher yun.anong petsa na magpauwe… asar!” himutok ko habang papunta akong parking lot kung saan
nakapark ang kotse ko.
Nakakainis kasi yung prof
ko..almost 30 minutes ng lagpas sa time ayaw pa kaming paalisin. Napilitan
tuloy akong i-cancel yung date ko.
Bubuksan ko na sana yung kotse ko ng may
mapansin akong nakaupo sa sulok. Mukhang babae yata..kasi nakauniform siya
eh…estudyante din sa Riverdale.
Teka..hindi naman kaya multo
yan? Balita pa naman may nagmumulto ditto sa parking lot.
“Tsk! Tirik pa yung araw kaya malamang hindi yan
multo” sabi ko at naglakad papunta
dun sa babae.
“Miss..okay ka lang?”
Nag-angat naman siya ng
tingin. Ganun nalang ang gulat ko ng mapansing si Jhonah pala yun.
“Oy! Anong ginagawa mo dyan? Bawal umihi dyan” pang-aasar ko sa kanya.
“Peste ka lumayas ka sa harapan ko” pagtataboy niya sakin.
“Oy! Umiiyak ka ba?”
“Hindi noh! Tumatawa kaya ako”
“Sinong nagpaiyak sayo? Bubugbugin ko…pero kung
sabagay..mas kaya mong bugbugin yun”
sabi ko at tinabihan siya sa pagkakaupo sa gilid ng parking lot.
“Laxus…”
“Oh?”
“Masama ba ako?”
“Ha? Bakit mo naman natanong yan? Minsan nakakainis
ka..pero hindi ka masama..bakit? may problema ba?”
“Wala ito”
“Hay naku!!! Tumayo ka na nga dyan..halika na umuwe
na tayo” sabi ko at hinila na siya
patayo.. sumunod naman siya… mukhang may problema nga.
“Nasaan ang kotse mo?”
“Hindi ko dala”
“Hindi mo dala? Eh anong ginagawa mo dito sa parking
lot?”
“Nagtatago”
“Hay naku! Malala na tama mo..halika..ihahatid na nga
kita..kunsensya ko pa kapag may nangyare sayo”
Hawak ang kamay na hinila ko
na si Jhonah papunta sa kotse ko.
“Ano bang problema?” tanong ko pagsakay naming ng kotse.
“Nag-away kami ni Richelle”
“Oh? Bakit naman?.. kasalanan mo yun noh?”
“Kasalanan ko agad?.. hindi ba pwedeng kasalanan niya
muna?”
“Oh sige na nga…pagbigyan”
“Laxus bestfriend kayo diba?”
Nagulat naman ako sa sinabi
ni Jhonah.
“Oh? Sinong nagsabi sayo niyan?”
“Wala lang..naalala ko lang..nung mga bata tayo mas nauna
kayong magkakilala ni Richelle kesa samin…magkababata kayo diba?”
“Oo”
Hindi na ako magtataka kung
natandaan man niya iyon..si Jhonah pa eh Miss-Know-It-All yan eh.
“Wala kang gusto kay Richelle?”
“Ha?”
nakakagulat naman magtanong itong babaeng ito.
“Wala lang..naisip ko lang..never ka bang nagkagusto
sa kanya”
“Magkaibigan lang kami”
“Hindi naman iyon ang tanong ko eh..pero wag mo ng
sagutin…nonsense din naman eh…may boyfriend na siya”
Napapreno ako bigla sa
sinabi niya. Mabuti nalang at nakaseatbelt kami pareho.
“Ano ba Laxus! First time kong sumakay ng kotse mo
mamamatay pa yata ako.”
“Sorry… anong sinabi mo? Sinong may boyfriend na?”
“Si Richelle…sila na daw ni Trace”
Tinangka kong itago yung
sobrang gulat na naramdaman ko.. baka kasi kung ano pang isipin ni Jhonah.
“Ahhh talaga… kaya ka ba umiiyak? May gusto ka kay
Trace? O may gusto ka kay Richelle?”
“Gusto mong wag ng abutan ng bukas Laxus?”
“Nagtatanong lang naman”
“Wala akong gusto kay Trace..at lalong wala akong gusto
kay Richelle.. hindi ako tomboy”
“Ahh.. mabuti na yung malinaw.. eh bakit ka umiiyak”
“Kasi ayoko maging sila”
“Ha? Bakit naman?”
“Basta…ayoko”
“Ganun? Pwede ba yun?”
“Oo.. pwede yun..ayoko maging sila.”
“Oh? Eh anong balak mo? Wag mong sabihing sisirain mo
yung relasyon nung dalawa?”
“Hindi noh…wala akong gagawin..bahala sila sa buhay
nila”
Napapailing nalang ako at
ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
* * *
Dear Diary,
Ang sakit pala…
Hindi ko alam kung saan galing yung sakit…pero ang
sakit-sakit niya.
Sana bukas
pag-gising ko wala na yung sakit.
-Lonely Heart
No comments:
Post a Comment