Gusto ko lang malaman mo na nasaktan ako. Nasaktan
ako nung umiwas ka. Nasaktan ako nung dinededma mo ang mga text messages ko
sayo. Nasaktan mo ako nung mga panahong hindi mo ako pinapansin kahit na nasa
harapan mo lang ako. Pero ang pinakamasakit sa lahat, ay yung nagpaalam ka na
sakin. Naramdaman ko na naman kasi yung sakit ng maiwanan.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove
on. Bakit? kasi kaibigan kita. Bestfriend kita! Ikaw ang nag-iisang lalaking
bestfriend ko. Kaya hindi ganun kadali na kalimutan ka. Higit sa lahat, minsan
sa buhay ko minahal kita ng sobra.
Kapag may mga taong nag-ooffer na gusto
nila akong gawing bestfriend or tawaging bestfriend, hindi ko magawang pumayag.
Kasi kasabay ng pag-alis mo ay dinala mo ang salitang "bestfriend" sa
iyong paglayo. Para sakin, sayo ko lamang kayang ibigay ang salitang iyon.
Kahit na pakiramdam ko ay hindi mo iyon pinahalagahan.
Ngayon ay may nakilala ako. Aaminin ko, ito
ang unang pagkakataon na nakakita ako ng lalaking parang ikaw. Wala kayong
pagkakatulad sa hitsura, galaw or ugali pero hindi ko maintindihan kung bakit
sa lahat ng lalaking nakilala ko ay sa kanya kita nakikita. Kaya naman magaan
ang loob ko sa kanya. Kaya naman hinayaan ko siyang makapasok sa sarado kong
mundo. Kaya naman itinuring ko siyang kaibigan. Masaya ako sa kanya. Madalas
din kitang ikwento sa kanya at kung gaano ako kaproud sayo.
Ngayon nasasaktan na naman ako, dahil tulad
mo, pakiramdam ko ay iiwan din niya ako. Unti unti din siyang lalayo at iiwasan
ako. Masakit dahil hinayaan ko siyang makapasok sa mundo ko. Masakit kasi
pinahalagahan ko siya tulad ng pagpapahalaga ko sayo. Ang sabi nila, namimiss
lang daw kita. Totoo naman. Namimiss ko yung bestfriend ko.
Ngayong pakiramdam ko ay lumalayo na siya
sakin unti unti na din akong hahakbang palayo. Kailangan ko ng pigilan ang
sarili ko. Mabuti nga habang maaga pa ay iwasan na niya ako. Habang kaya ko
pang tanggapin ang sakit. Hindi katulad ng ginawa mo sakin. Hindi katulad ng
ginawa mong pag-iwan basta sakin.
No comments:
Post a Comment