“May girlfriend na ulit ako”
For the second time, nabroken hearted na naman ako. Patulog
na sana ako
noon nang magtext ka sakin at iyan nga ang laman ng message mo. Ramdam ko na masaya
ka kasi puro “hahahaha” pa nga ang text mo eh. Nagulat ako. Hindi ko alam kung
ano ba ang dapat kong isagot sa text mo kasi alam ko naghihintay ka na magreply
ako. Nagulat ako. Sabi ko pa nga akala ko ayaw mo pang magkagirlfriend kasi
hindi pa naman kayo nagkikita at nagkakasama ng personal. Iyon kasi ang sinabi
mo noon sa akin tuwing tatanungin kita kung kayo na. Sabi mo sakin siya naman
ang sumagot sayo kaya bakit aayawan mo pa. Nagpagupit ka pa nga gaya ng pinangako mo sa
sarili mo kapag nagkagirlfriend ka na. Ang saya saya mo kasi sinagot ka niya sa
araw mismo ng kaarawan mo. Bilang kaibigan mo alam ko you expect me to be happy
for you. Iyon naman talaga ang dapat eh kaya binati kita. Sabi ko “Good for
you. Iyon na siguro ang pinakamagandang birthday gift na natanggap mo.
Congrats!” Nagthank you ka sakin at nagpaalam na matutulog ka na. Hindi na kita
nireplayan. Ayoko na kasing plastikin ang sarili ko at ikaw na din. Sorry kasi
hindi ko magawang sabihin sayo that I’m happy for you. Dahil hindi naman iyon
ang nararamdaman ko. Oo, Masaya ako na masaya ka pero hindi ko maiwasang maging
malungkot para sa sarili ko. Siguro nga unfair ako. Siguro selfish ako. Kasi
ayokong magka-girlfriend ka agad. Deep inside umasa ako na hindi pa ngayon.
Kasi iyon ang sinabi mo sakin eh. Umasa ako na nandyan ka palagi para sakin
lalo na ngayong may pinagdadaanan din akong problema. How can I be happy for
you kung ang bitter bitter ko? Sorry! Hindi ko kaya. Hindi ko kayang maging masaya
na may girlfriend ka na. Hindi ko kayang maging masaya na may bagong
nagmamay-ari na sayo dahil alam ko, makakalimutan mo na naman ako. Mas lalo ka
nang mawawalan ng panahon sa akin. Hindi mo na ako maaalalang itext o
kumustahin ulit. Ganyan ka naman kasi, naaalala mo lang ako kapag nag-iisa ka.
Hindi na ako nakatulog ulit. Iniisip kita. Iniisip ko yung sarili ko. Napahawak
nalang ako sa dibdib ko kasi may kapirasong laman sa puso ko na kumikirot.
Namalayan ko nalang may waterfalls na pala sa mga mata ko.
Awts .. :(
ReplyDelete