Gustong gusto kitang mahalin. Gustong gusto kitang makasama.
Gusto kong ikaw ang makasama habang buhay. Gusto kong maging masaya tayo. Pero
hindi mo ako pinapayagan. Ayaw mo na. Ang sakit sakit dahil hindi ko alam kung
paano magsisimula ulit. Hindi ko alam kung paano aandar ang buhay ko ng wala
ka.
Hindi mo lang alam kung gaano karaming iyak ang ginawa ko.
Hindi ko alam kung hanggang kelan ako titigil umiyak at isipin ka. Hindi ko
alam kung kelan kita makakalimutan. Pinipilit ko lang maging masaya kahit na
gusto ko ng umiyak sa harapan ng lahat.
Give up ka na? Suko ka na? Bakit? Kelan ka ba lumaban?
Hanggang sa huling sandali lumalaban ako. Pero ikaw umpisa palang sinuko mo na ako.
Umpisa palang nag give up ka na eh. Hindi mo sinubukang lumaban. Hindi mo nilabanan
yang pride mo. Mas pinili mo ang pride mo.
Halos magmakaawa ako sayo. Lumuhod ako sa harapan mo na ako
nalang ang piliin mo. Nagmakaawa ako sayo na balikan mo ako. Hindi ko
maintindihan kung bakit mo ako iniwanan. Magmula ng naging tayo buong oras ko
binigay ko na sayo pero hindi mo aq pinaniniwalaan. Kahit na ilang beses ko
sinasabi sayo na mahal kita at ikaw ang pinili ko ayaw mo akong intindihin.
Ayaw mo lang intindihin kasi ako ang gusto mo lang sisihin.
Ako lang ang mali
sa paningin mo. Pareho lang tayo. Pero ako kahit na alam ko na nagkamali tayo
pareho mas pinipili ko pa din na makasama ka. Mas gusto ko pa ding mahalin ka.
Pero ayaw mo. Kasi hindi mo na ako mahal. Ganun lang ba kababaw ang pagmamahal
ko sakin para mawala nalang bigla? Wala naman akong ginawang malaking kasalanan
sayo. Ni minsan nga hindi kita niloko. Ikaw lang ang nag iisip ng masama laban
sakin dahil ganun kababa ang tingin mo sakin. Bakit ka ba ganyan? Ano ba
talagang problema mo?
No comments:
Post a Comment