[ Prince Charming in black Volvo and the Damsel in Distress]
Nagmamadali sa pagpasok si Jen. Malelate na kasi siya sa first subject niya. Masyado pa namang terror ang teacher nilang iyon.
Mag-aabang pa siya ng taxi. Pero kamalamasan ay walang dumadaan na taxi sa labas ng bahay nila kaya kailangan niya pang lumakad papunta sa labas ng subdivision.
Lakad-takbo ang ginagawa ni Jen.
Ilang ulit na kasi siyang sinabihan ng daddy niya na mag-aral magmaneho para nagagamit niya ang kotse sa kanila pero hindi niya sinusunod.
Ayaw kasi niya. Natatakot siyang magmaneho dahil masyado siyang nerbiyosa at baka mabangga pa siya kung magkataon.
Hindi na rin siya nakasabay sa kuya niya papasok dahil maaga itong umaalis ng bahay nila.
Dahil sa pagmamadali ay hindi niya napansin ang paparating na sasakyan. Malakas na busina ang narinig niya dahilan para mapahinto siya.
Isang bagong-bago at napakakintab na kulay itim na sasakyan ang nakita niyang huminto.
Kaagad lumabas ng sasakyan ang nagmamaneho niyon para tignan kung okay lang ba siya.
IAN : Miss are you alright?
Nag-angat ng tingin si Jen. Ang lalaking nakatayo ngayon sa harapan niya ay walang iba kundi si Ian Saldana.
IAN : Nagpapakamatay ka ba? (tatanungin niya ako kung okay lang ba ako tapos sabay tanong kung nagpapakamatay daw ba ako? Ayos din itong lalaking ito)
JEN : (peste ka Jen magsalita ka!!!) Ahhh..hindi..pasensya na nagmamadali lang ako. (ano bang nangyayari sayo at para kang timang dyan?) sige..mauna na ako.
Mabilis na dinampot ni Jen ang mga gamit niyang nahulog sa sahig at akmang aalis na pero napigilan siya ng lalaki.
Takang napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa braso niya.
IAN : wait..ikaw na din ang nagsabi na nagmamadali ka..why don’t you come with me isasabay na kita mukhang isang school lang naman ang pinapasukan natin eh. (at ngumiti siya kay Jen)
JEN : Ha? Paano mo nalamang isang school lang ang pinapasukan natin?
IAN : Yung uniform mo kasi (sabay turo sa suot niyang uniform)
JEN : ahhh..oo nga pala ( ang engot mo Jen! Ano bang nangyayari sayo at para kang sira dyan)
Nakalimutan kasi niyang nakauniform nga pala siya kaya madaling malaman kung saang school siya nag-aaral.
IAN : By the way.. I’m Ian Saldana (at inilahad nito ang kamay)
JEN : (tinanggap naman ito ni Jen) Jen…Jen Valencia .
Hindi pa sana sila magbibitaw ng kamay kung hindi sila nakarinig ng malakas na busina.
DRIVER : Hoy!!! Pwede ba tumabi kayo!!! Nakaharang kayo sa daan. Wag kayo ditto magligawan sa kalye!!!!
IAN & JEN : Sorry po.
Agad ng sumakay ang dalawa sa loob ng kotse ni Ian.
Habang sakay ng kotse ang dalawa ay nakakabinging katahimikan ang naghari sa kanila.
Binasag iyon ni Ian.
IAN : ahh..Jen…ask ko lang..have we met before?
Tumingin si Ian sa katabing dalagang nasa passenger seat.
JEN : Ewan (hindi pa naman talaga kami nagkakakilala ng personal eh)
Saglit na natahimik si Ian at nag-isip.
Maya-maya ay biglang nagliwanag ang mukha nito.
IAN : Yeah…I remember now.. I saw you at the ground school in the university. Kasama mo pa yata ang mga friends mo noon eh. Am I right?
Grabe naman itong lalaking ito??? Sa dami ng babaeng nakapalibot sa kanya ng mga panahong iyon nagawa niya pa akong tandaan sa saglit na pagkatitigan lang?
JEN : Ha? Baka hindi ako yung nakita mo…hindi naman kasi ako tumatambay sa school ground eh. (ayan Jen..galingan mo ang pagsisinungaling)
Ganun ba katalas ang memory nito?
Hindi tuloy maiwasang pagmasdan ni Jen si Ian.
Ang gwapo gwapo niya talaga.
IAN : May dumi ba ako sa mukha?
Iling lang ang sinagot ni Jen at ibinaling ang paningin sa labas ng sasakyan.
Nakakahiya. Nahuli pa tuloy siya nitong nakatitig sa kanya.
Nangako na siya sa sarili na iiwasan na si Ian pero ano at nakasakay pa siya sa sasakyan nito?
Kasi nga malelate na ako.
Iyon nalang ang ibinigay niyang katwiran sa sarili.
Ilang saglit pa ay nasa eskwelahan na sila. Kaagad na nagpark ito ng sasakyan.
JEN : Thank you nga pala sa paghatid mo sakin. Hindi ako malelate sa klase ko. Sige.
Akmang bubuksan n asana niya ang pinto ng sasakyan pero napigilan siya ni Ian.
Awtomatikong napatingin siya dito. Nagtatanong ang mga mata.
IAN : Would you mind kung ihatid kita mamaya sa pag-uwi mo mukhang malapit lang naman kayo sa amin eh?
Ang bilis naman dumiskarte ng lalaking ito.
JEN : pasensya na kasabay ko kasing umuuwi yung friend ko.
IAN : Eh di isabay natin siya. Hatid natin siya sa kanila
JEN : Natin… presko (sa loob-loob ni Jen)
Ibig sabihin ihahatid muna nila ang kaibigan niya bago siya ihatid nito pauwi.
IAN : Pwede ba? (at nagpacute pa talaga ang lalaking ito ah)
JEN : Baka may klase ka pa nun. (hindi ko rin kayang pigilan ang sarili ko na maakit sa lalaking ito)
IAN : Anong oras ba ang labas mo?
JEN : 4:00pm
IAN : 3:00pm ang labas ko. Pwede kita maihatid. Sige na naman oh.. (todo paawa effect pa talaga siya)
At ako naman si tanga…hindi rin siya kayang tiisin.
Pero hindi..kailangan kong pigilan ito habang maaga pa.
JEN : look Mr. Saldana.. Nagpapasalamat ako sa paghatid mo sakin pero hanggang dun nalang iyon. Ayoko ng lumawig pa ang pagkakakilala nating dalawa. So if you’ll excuse me. (at lumabas na ako ng sasakyan)
Sinundan nalang ni Ian ng tingin ang papalayong dalaga.
Ikinuwento ni Jen sa mga kaibigan ang nangyari. Kilig na kilig naman ang mga ito lalo na si Tintin.
TINTIN : Oh sabi na sa inyo eh..kahit kailan hindi pa pumapalya ang pagmamatch ko eh.
SAM : Bakit? Sigurado ka bang magkakatuluyan nga sina Jen at yung Ian na yon ha?
TINTIN : Oo naman noh! Bakit kelan ba pumalya ang pagiging match maker ko? Naalala niyo ba sina Chris at Ella di ba minatch ko sila? Sina Lyn at John ako din ang nagmatch sa mga yun kaya nagkatuluyan sila.
Ang mga schoolmates namin ang tinutukoy nito kung saan ito ang dahilan kung bakit nagkatuluyan ang mga ito.
Frustrated match maker din kasi itong si Tintin eh.
SAM : Bakit? Di ba ikaw din ang nagmatch kina AJ at BELLE? Pero di naman sila nagkatuluyan ah.
TINTIN : sa dinami-dami naman ng minatch ko sila lang ang hindi nagkatuluyan. Paano ba naman isang manhid at isang tanga.
SAM : kahit na…hindi pa din sila nagkatuluyan kaya hindi ka pa din magaling.
Napika na yata si Tintin dito dahil asar na hinarap nito si Sam.
TINTIN : Alam mo bakit ba masyado kang kontrabida ha? Wag mo kaming idamay sa pagiging man-hater mo. Wala kang ibang alam kundi yang mga alaga mong ewan.
SAM : eh ano bang pakialam mo dun ha? Inaano ka ba ng mga alaga ko???!!!
Sa aming magkakaibigan itong sina Tintin at Sam ang talagang bihirang magkasundo.
Si Sam kasi man hater talaga yan.
Hate na hate niyan ang mga lalaki dahil nagkaroon na siya ng trauma sa mga kalahi ni Adan. Dahil sa mga pangyayaring tumino sa isipan niya.
Una yung daddy niya iniwan sila nito at ipinagpalit sila sa ikalawang pamilya nito.
Ikalawa ang ate Sandra niya. Matapos buntisin ay iniwan lang ng walang hiyang bumuntis dito.
At ikatlo, siya. Minsan na din siyang umibig at nasaktan.
Dahil sa pangyayaring iyon ay ipinasya niyang sa pag-aalaga ng hayop ibuhos ang kanyang atensyon.
Samantalang si Tintin naman sobrang friendly at love na love ang mga kalahi ni Adan.
Kaya tuloy madalas magclash ang landas ng dalawa.
Inawat nalang ni jen ang dalawa bago pa tuluyang magkapikunan ang mga ito.
JEN : Pwede magsitigil na nga kayo? Ikaw Tintin..hayaan mo si Sam sa paniniwala niya. Ikaw naman Sam wag mong pakialaman si Tintin para walang away.
Kung minsan talaga hindi mo iisiping mga second year college students ang mga ito. Para parin kasing mga bata.
TRISH : kaya nga. Lahat naman tayo may kanya-kanyang paniniwala eh.
MITCH : kaya dapat na igalang at irespo natin ang opinion ng bawat isa. Hahayaan niyo bang masira ang friendship natin dahil lang sa di kayo magkasundo ng paniniwala?
SAM : hindi.
TINTIN : No.
JEN : so, magbati na kayo. (parang mga bata lang eh)
SAM : sorry
TINTIN : sorry din..
MITCH : oh..group hug na…
At nagyakap nga silang magkakaibigan.
Nakakatuwa lang dahil kahit anong away nila ay nagkakaayos padin sila in the end.
JEN : Look, Tintin..I’ll appreciate your effort sa pagmamatch samin ni Ian pero sad to say hindi ko hahayaang magkatuluyan kami.
Takang napatingin naman sa kanya ang mga kaibigan.
MITCH : bakit naman? It’s your chance na..napansin ka na ni Prince Charming.
TRISH : kaya nga. Anong problema dun?
Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita.
JEN : Walang Prince Charming..walang fairy tales. They don’t exists. Sige mauna na ako. Si Miss Terror na ang prof ko.
At iniwan ko nalang na nagtataka ang mga kaibigan ko.
SAM : anong nangyari kay Jen?
TINTIN : ewan ko. Baka nagaya na sayo.
No comments:
Post a Comment