Collegio de San Luis, School Cafeteria
“Anoooo?? Break na naman kayo
ni Jonas?”
sabay- sabay na sabi nila Aiesha sa kaibigang si Johana.
“So kailangan niyo talagang
sumigaw?”
nakataas ang kilay na tanong ni Johana sa kanila. Marahan niya pang itinulak
palayo sa kanya si Akira na siyang katabi niya at may pinakamalakas na boses.
“Ano na naman bang
pinag-awayan niyo this time?” tanong ni Phoebe Ann.
“Well...pinagpalit niya ako
sa ibang babae” kibit- balikat na sagot ni Johana.
“At okay lang sayo yun?” hindi makapaniwalang tanong
ni Aiesha.
“Bakit naman hindi? Inunahan
niya lang ako. Gusto ko na talaga siyang hiwalayan. Kaso alam niyo naman ako...
hindi ako nakikipagbreak sa lalaki.” Anito na parang walang issue kung hiniwalayan man
siya ng boyfriend at ipinalit sa ibang babae.
“Yeah.. kasi ayaw mong
magkaroon ng guilty conscience. Pero
hindi mo ba naisip na ikaw din ang kawawa?” tanong ni Allison.
“Anong kawawa ang sinasabi mo
dyan Ally? Mas kawawa pa kamo yung mga pobreng lalaking nagkakagusto dyan kay
Johana dahil hindi naman talaga sila minamahal ng babaeng iyan eh. User!!!” pang-aasar ni Razel.
“Ingitera!”
“Panget!”
“Mas panget ka. Walang
nanliligaw sayo eh”
Bilang
sagot sa pang-aasar ni Johana ay hinila ni Razel ang mahabang buhok nito.
Ganyan sila magbiruang magkakaibigan. Iisipin ng ibang makakakita sa kanila na
nag-aaway sila pero asaran at biruan lang naman nila iyon. Lalo na sina Johana
at Razel.
“Seriously Jo, hindi ka pa
talaga nainlove sa mga naging boyfriend mo?” seryosong tanong ni Demi.
“Nakakatakot ka naman
magtanong Dems, bigla bigla nalang”
“Oo nga. Hindi mo pa talaga
naranasang mainlove?” tanong naman ni Bea.
“Wow ah. Ang lalakas ng loob
niyong tanungin ako kung nainlove na ba ako..eh meron na bang isa sa inyo na
nainlove na ha?”
Sabay
sabay na nag-ilingan ang mga kaibigan niya maliban sa kanila ni Akira. Dahilan
para mapatingin silang lahat sa dalawa.
“Oh? Bakit sakin kayo
nakatingin? Wag niyo akong idamay sa kalokohan niyo ah. Busy ako sa pagkain” tanong ni Akira.
“Aki, nainlove ka na ba?.
Dont tell a lie”
“Hindi noh! Tsk! Nakakain ba
yun?” iling
ni Akira pero hindi makatingin sa kanila.
“Denial”
“Malandi ka!”
“Eh ikaw Aiesha? Nainlove ka
na ba?” Siya
naman ang binalingan nila.
“Siguro oo... hindi ko kasi
alam kung love ba yun eh.” Aniya.
Mukha
namang naging interesado ang mga kaibigan niya sa sinabi niya.
“So who’s the guy?” tanong ni Phoebe
“Gwapo ba? Macho? Yummy?
Mayaman?”
tanong din ni Demi.
“Hoy Demi yung laway mo baka
tumulo”
pang-aasar ni Bea.
“Tao ba yan?” tanong din ni Allison.
“Oo naman noh. Tao yun.
Pagkagwapo gwapong tao” parang nangangarap na sabi ni Aiesha.
“Kadiri!!!! Nagpapantasya si
Aiesha sa harapan natin”
“Ang sasama ng ugali niyo.
Hindi ko lang kasi maiwasan na sa tuwing maaalala ko siya ay napapangiti ako”
“Clown siguro yun?”
“O baka naman stand up
comedian”
“Baka kamukha ni Pooh”
Pinaghahampas
ni Aiesha ng hawak na notebook ang mga kaibigan niyang nang-aasar.
“Hoy! Gwapo kaya si Marrion”
“Ang tanong. Totoo nga kayang
nag-eexist si Marion?” kunot-noong sabi ni Razel.
“Kontrabida ka talaga” sita ni Johana kay Razel.
“Naglalabas lang ako ng
opinyon”
“Dun ka sa baranggay
magreklamo”
“Tama na nga yan. Kayo
talagang dalawa lagi nalang nag-aasaran.” Sita ni Phoebe.
“Yes Lola Phoebe” sabay na sabi nila Johana at
Razel.
“Nag-eexist si Marrion noh!
Kapatid siya ng bestfriend ko. Madalas kaming maglaro nung mga bata pa kami.
Lagi akong nakatambay sa bahay nila”
“Eh nasaan na siya ngayon?”
“Nagpunta sa ibang bansa.
Dinala silang magkapatid dun ng parents nila para mag-aral. Nagmigrate na kasi
ang buong family niya. Lola nalang ang kasama nila noon sa bahay. Then after
graduation nga nung highschool. Kinuha na din sila”
“Ang sad naman. So inlove ka
na sa kanya nun?” tanong ni Bea.
“Hindi ko alam. Basta ang
alam ko crush ko siya noon. Ang dami ngang may crush sa kanya kasi sobrang
gwapo at tangkad. Lamang lang ako sa kanila kasi close kami.”
“Crush mo siya noon. Pwedeng
di mo na siya crush ngayon”sabi ni Allison.
“Hindi pa rin talaga ako
naniniwalang nageexist si Marrion” sabi ni Razel.
“Ayan pa rin ang issue mo?”
“Oo.”
“Ang kulit mo. Nag-eexist nga
siya. At sa susunod na magkita kaming dalawa. Magtatapat na ako ng pag-ibig sa
kanya at yayayain ko na siya magpakasal” determinadong sabi ni Aiesha.
“Weeee????”
“Hindi mo kaya yun”
“Joke lang yan”
“Niloloko mo lang kami”
“Hindi noh! Totoo yun. Kahit
itaga niyo pa sa bato ni Rizal”
“Okay Deal!” naglabas ng isang daan si
Razel. “ipupusta ko na hindi nag-eexist
si Marrion”
“Hoy Razel! Bente pesos lang.
Yun nalang natira sa allowance ko eh. Friday na kasi ngayon” sabi ni Bea.
“Okay Bente bente lang daw.
Ayun pa din pusta ko” ani Razel.
“Syempre kung nasaan si Razel
dun ako sa kabila. I’ll go for Aiesha. Nag-eexist si Marrion” ani Johana at naglabas din
ng bente pesos.
“Bet ko hindi kayang magtapat
ni Aiesha kapag nagkita sila ni Marrion” sagot naman ni Demi sabay lapag din ng bente
pesos sa mesa.
“Bet ko yung bet ni Razel” sabi ni Bea.
“Demi, pautang bente. Bet ko
makakapagtapat si Aiesha kay Marrion” ani Phoebe.
“Bet ko din makakapagtapat si
Aiesha”
sagot naman ni Allison
Bukod
tanging silang dalawa nalang ni Akira ang tanging natitira.
“Oh? Anong ipupusta ko?” tanong ni Akira.
“Ewan namin sayo”
“Sige. Pusta ko
nagsisinungaling si Aiesha” ani Akira sabay lapag din ng bente.
“Hindi ako nagsisinungaling.
Ipupusta ko kakainin niyo lahat ng sinasabi niyo.” Mataray na sabi ni Aiesha.
Sa
lahat ng ayaw niya yung sasabihan siyang sinungaling. Papatunayan niya sa mga
kaibigan niyang ito na totoo si Marrion.
***
Biglang
nagising si Aiesha dahil sa pagtalon ng alaga niyang pusa sa hita niya. Hindi
niya namalayan na nakatulog na pala siya sa sofa. Hindi niya pa nga nakuhang
magpalit ng damit mula sa trabaho. Graveyard shift siya kasi sa hotel na
pinagtatrabahuhan bilang receptionist. Kaya naman pagdating palang sa bahay ay
plakda na ang buong katawan niya. Minabuti niya ng tumayo at magpalit ng damit.
Pagdating
sa kusina ay naabutan niyang may nakatakip na pagkain sa mesa. Syempre courtesy
of her napakabait na kaibigan na si Razel na walang ibang ginawa kundi ang
magluto. Malapit lang kasi dito sa bahay niya ang restaurant na pag-aari ng
kaibigan kaya lagi siyang pinapadalhan nito ng pagkain. Alam kasi ng mga
kaibigan niya na madalas ay nalilipasan siya ng gutom dahil sa trabaho. At
dahil hobby na yata ni Razel na patabain silang lahat para ito nalang daw ang
sexy, lagi silang pinapadalhan nito ng mga pagkain. May iniwan siyang susi ng
bahay kay Johana na siyang katabi niya ng bahay sa village na iyon. Madalas
kasi ay naiiwan niya sa loob ng bahay ang susi niya kaya para siguradong
makakapasok siya ay iniiwan niya din ang duplicate key kay Johana. Although
alam niyang nasa opisina ito ay alam naman niya kung saan nito itinatago ang
susi ng bahay niya na siya ding ginagamit ni Razel kapag papasok ito sa bahay
niya upang magdala ng pagkain.
Habang
kumakain ay hindi maiwasan ni Aiesha na alalahanin ang napanaginipan niya. Isa
iyong parte ng nakaraan nilang magkakaibigan sa college kung saan nagpustahan
sila tungkol kay Marrion. Na sa kasamaang palad ay hindi niya pa rin nakikita
hanggang ngayon. Hindi niya alam kung natatandaan pa ba ng mga kaibigan niya
ang pustahan nilang iyon o nakalimutan na sa tagal ng panahon. Pero siya
hanggang ngayon ay natatandaan niya pa rin.
“At sa susunod
na magkita kaming dalawa. Magtatapat na ako ng pag-ibig sa kanya”
Iyon
ang sinabi niya sa mga kaibigan. Pero dahil hindi pa rin niya nakikita si
Marrion ay hindi pa rin siya makapagtapat dito. Hindi maintindihan ni Aiesha
kung dala lang ba ng pride kaya gusto niyang makita ang binata ulit para magawa
ang pustahan nila ng mga kaibigan niya o deep inside, she just miss that little
boy in her past.
Ipinilig
nalang ni Aiesha ang ulo upang alisin ang mga bagay sa isipan niya. Minabuti
nalang niyang maglinis ng bahay upang kahit papano ay malibang siya.
***
“Psst! Ang aga aga tulala ka.
Mamaya makita ka ng boss mo dyan”
“Johana!” nagulat si Aiesha nang
makita sa harapan niya ang kaibigan. “Anong
ginagawa mo dito?”
“May seminar akong inatendan
dito sa hotel niyo ang venue eh. Since di pa naman nagstart dahil wala pa yung
speaker kaya minabuti ko munang daanan ka. At huling huli kitang natutulog sa
oras ng trabaho”
Isang
government employee si Johana na may kinalaman sa Oil and Energy.
“Hindi ako natutulog noh. May
iniisip lang ako”
“Ang lalim naman ng iniisip
mo.”
“Ganun talaga. Bumalik ka na
nga don sa loob at baka hinahanap ka na ng mga kasamahan mong kurakot sa
gobyerno”
pagtataboy niya.
“Sira ulo ka! Government
employee ako pero hindi ako pulitiko kaya wag mo akong isali sa kanila. Saktan
kita dyan eh”
nakatawang sabi ni Johana.
Natawa
nalang din si Aiesha sa kaibigan. Pero agad nawala ang ngiti niya ng may dumaan
sa harapan nilang isang matangkad na lalaki.
“Nagtext na yung speaker ko.
On the way na daw siya. Babush na at baka maunahan pa ako nun” paalam ni Johana pero agad
siyang pinigilan ni Aiesha. “Oh? Ano
yun?”
“Anong pangalan ng speaker
niyo?”
“Teka ano nga ba? Ahhh... a
certain... Marrion Salvatorre yata... bakit?”
“Ahhh wala naman. Sige balik
ka na”
Naguguluhan
man sa kanya ay hindi nalang siya pinansin nito at dirediretso ng pumasok sa
loob. Naiwan namang nag-iisip si Aiesha.
“Marrion”
***
Isang
tawag ang hindi inaasahan ni Aiesha pag-uwe niya sa bahay.
“Hello? Sino to?” unregistered kasi ang number
sa cellphone niya.
“Can I Speak to Aiesha Lee
please?”
anang baritonong boses mula sa kabilang linya.
Napakunot
naman ang noo ni Aiesha.
“Speaking. Who’s this?”
“Ryan”
“Ryan??? Ryan who?”
“Grabe kinalimutan mo na yung
bestfriend mo”
kunway nagtatampong sabi nito.
“Ryan? Ryan Salvatorre?”
“Ako nga”
Napatili
naman si Aiesha sa telepono. Sobrang nagulat siya sa natanggap na tawag.
“Ang sakit naman nun”
“Sorry. Nagulat lang ako.
Kumusta ka na?”
“Eto okay naman.Dumaan ako sa
inyo, wala ka nga daw dun sabi ng nanay mo kasi nagsarili ka na daw. Asensado
ka ah. Feeling independent. Kaya binigay nalang niya yung cellphone number mo”
“Malapit kasi ito sa work ko.
Kumusta ka na? Ikaw nga dyan ang balikbayan eh. Pasalubong ko”
“Okay naman. Punta ka naman
dito. Namiss kita eh. Saka madami akong pasalubong sayo.”
“Sure. Tamang tama. Wala
akong pasok bukas. Eh sina Tita kasama mo bang umuwe?”
“Oo. Gusto din daw nilang
magbakasyon dito eh.”
“Eh si.... M-Marrion kasama
niyo?”
“Oo”
Napabuntong
hininga si Aiesha pagkakumpirma ng kaibigan.
“Aiesha? Andyan ka pa ba?”
“Yeah. Nandito pa ako. Sige
punta ako dyan sa inyo bukas. Ayusin ko lang gamit ko”
“Sure. I miss you Ai”
“I miss you too”
Matapos
ang mahaba-habang kwentuhan ay natapos din silang mag-usap magkaibigan. Para
namang nanghina bigla si Aiesha na napaupo sa sofa.
He’s
back.
Muling
nanariwa sa alaala ni Aiesha kung paano niya nakilala ang magkapatid na Ryan at
Marrion.
***
Abala ang batang si Aiesha sa
pakikipaglaro sa mga kapitbahay at pinsan niya. Elementary lang siya noon at
madalas talaga siyang makipaglaro lalo na sa mga lalaki. Wala siyang pakialam
kung mukha na siyang gusgusin. Basta para sa kanya, masaya ang maglaro. Nang
minsang naglalaro sila ng pinsan niya ng taguan ay napadpad siya sa tapat ng
bahay nila. Sa pagkakaalam ni Aiesha ay matandang babae lamang ang nakatira
doon. Kaya naman nagulat siya ng may biglang tumawag sa kanya.
“Bata”
Napatingin si Aiesha sa
pinanggalingan ng boses. Dalawang batang lalaki na sa tantya niya ay hindi
nalalayo sa edad niya ang nakatayo sa loob ng bakod ng bahay.
“Bakit?”
“Gusto mong
sumali samin maglaro?” yaya nung mas matangkad sa
dalawa.
“Ano bang
nilalaro niyo?”
“Billiards”
“Ano yan?”
Dahil mas madalas na sa kalye
naglalaro ay hindi pamilyar si Aiesha sa mga board games.
“Basta sali ka
ituturo namin sayo”
Pumasok si Aiesha sa loob ng
bahay upang makipaglaro dun sa dalawang batang lalaki. Nawala na sa isip niya
na naglalaro nga pala sila ng taguan ng pinsan niya.
Nakilala niya ang mga ito na
sina Ryan at Marrion. Magkasing edad lamang sila ni Marrion samantalang mas
matanda si Ryan sa kanila ng isang taon. Magmula nga noon ay madalas na niyang
maging kalaro ang mga ito. Nalaman niya na galing pala sa Maynila ang dalawa at
iniwan lamang sa lola ng mga ito dahil nagpunta sa ibang bansa ang mga magulang
ng mga ito. Ipinakilala din ni Aiesha sa ibang mga kaibigan sina Marrion at
Ryan para may iba din silang kalaro pero mas madalas na silang tatlo ang
magkakalaro dahil sadyang mapang-asar si Marrion kaya maraming nakakaaway. Mas
naging malapit silang dalawa ni Ryan sa isat isa. Kaya ito ang naging
bestfriend niya kahit pa si Marrion ang kasing edad niya.
Hanggang sa mag highschool na
sila. Kasabay lang nila si Ryan dahil huminto ito ng isang taon. At doon nga nalaman ni Aiesha na maraming
babaeng nagkakagusto kay Marrion. Kunsabagay, lumaki kasing matangkad si
Marrion at gwapo kaya hindi nakapagtatakang madaming magkagusto rito. Ang iba
nga ay nagpapalakad pa sa kanya dahil alam na close sila ni Marrion.
Pero wala namang nababalitaan
si Aiesha na nagkaroon ng girlfriend si Marrion. Sa pagkakaalam niya kasi ay
sinabihan ito at si Ryan ng lola ng mga ito na huwag munang mag girlfriend
habang nag-aaral pa. Sumunod naman ang mga ito. Kaya nga kahit na maraming
nagkakagusto kay Marrion ay panatag si Aiesha na hindi ito maggigirlfriend.
Hindi rin matandaan ni Aiesha
kung paano niya nagsimulang maging crush si Marrion. Basta ang alam lang niya
noon, malakas ang ulan. Wala siyang dalang payong kaya nagpapatila muna siya.
Hindi nakapasok si Ryan dahil may sakit ito kaya wala siyang kasabay na
lumusong sa ulan. Hindi naman niya alam kung nasaan si Marrion. Marahil ay
kasama nito ang mga bagong kaibigan nito. Unlike Ryan kasi, mas dumami ang
circle of friends ni Marrion mula nung mag highschool. Palibhasa kasi ay
tumakbo ito bilang student council kaya nakilala ng husto. Si Ryan naman ay
sadyang mahiyain. Kuntento na ito na siya ang madalas kasama.
Nagulat si Aiesha nang may
tumabi sa kanya sa sinisilungan niya. Masyado itong maliit para sa dalawang
tao. Balak na sana niyang sungitan ito kung hindi niya lang nakilala.
“Marrion” tulad niya ay basang basa din ito.
“Wala kang
payong? Kanina ka pa ba?” tanong nito.
“Wala eh.
Naiwan ko sa bahay. Kanikanina pa”
“Magtuyo ka
muna. Baka magkasakit ka. Si kuya may sakit na” mula sa bulsa nito ay inilabas nito ang isang panyo.
“Salamat” tinanggap naman iyon ni Aiesha. Nakakatuwa lang isipin na kababae niyang
tao pero hindi siya nagdadala ng panyo. Samantalang si Marrion ay meron. At
mabango pa ang panyo niya.
“Maya maya
siguro titigil din yan” ani Marrion.
“Siguro nga” sagot ni Aiesha. Pero alam niya, she silently wish na sana lumakas pa
ang ulan.
Pero mukhang tulog pa yata
ang guardian angel niya dahil maya maya lang ay nakita niyang paparating ang
tatay niya. Nakapedicab ito at sinusundo sila. Agad silang sumakay ni Marrion
dito. Magkatabi sila sa pedicab. Kaya ramdam ni Aiesha ang balat ni Marrion.
“Hindi kasi
kayo nagdadala ng payong mga bata kayo eh” sita sa kanila
ng tatay niya. Napangiti nalang silang
dalawa ni Marrion.
Pagdating sa bahay ay agad
siyang pinagbihis ng nanay niya. Ipinagluto din siya nito ng mainit na sopas.
Sinabi niya sa nanay niya na dadalhan din niya sina Marrion at Ryan. Pumayag
naman ang nanay niya.
Siya na ang nagpakain kay
Ryan dahil may sakit pa ito. Nakatingin lang naman sa kanila si Marrion habang
kinakain ang sopas na dala niya.
***
Matapos ang ilang araw ay
gumaling din si Ryan at nakapasok na sa eskwela. Si Marrion naman ay sa mga
kaibigan pa rin nito sumasama. Minsang naglalakad si Aiesha sa may corridor ng
school ay may nahulog na litrato sa tapat niya. Pagtingin niya ay mukha ni
Marrion ang naroon. Agad tinapakan ni Aiesha ang litrato. Sabay tingin sa
kaliwa, kanan, harap at likod niya. Clear! Sabay pasimpleng umupo upang
damputin ang litrato sabay takbo papuntang Girls CR. Agad siyang pumasok sa
cubicle upang tignan ang litrato.
Nakangiti si Marrion sa
picture. Marahil ay nakangiti ito sa kumukuha sa camera. Ang gwapo talaga nito.
Itinago ni Aiesha sa bulsa ng palda niya ang litrato at parang walang
nangyareng lumabas siya ng CR. Naulingan niya pa ang pag-uusap ng dalawang
estudyante.
“Nasaan na kaya
yung picture ni Marrion? Badtrip kasi yung hangin eh” reklamo nung isang babae.
“Oo nga. Hindi
tuloy natin alam kung saan napunta” sagot naman
nung isang babae.
Napangiti nalang si Aiesha habang
nilalampasan ang mga ito.
Well... Finders, Keepers.
***
Subalit matapos ang
graduation nila nung highschool ay sinabi ni Ryan na kukunin na daw sila ni
Marrion ng parents ng mga ito upang sa ibang bansa pag-aralin. Ganun nalang ang
lungkot na naramdaman ni Aiesha. Bukod sa mawawalan na siya ng kaibigan ay
mawawalan pa siya ng minamahal kahit palihim lang. Subalit wala naman siyang
magagawa dahil pasya ng mga magulang nito ang masusunod.
Ilang araw bago umalis sina
Ryan at Marrion ay nag-isip si Aiesha ng maibibigay sa mga ito bilang
rememberance. Picture frame na may litrato nilang tatlo ni Ryan ang naisipan
niyang ibigay kay Marrion. Teddy bear naman ang kay Ryan.
“Mamimiss ko
kayo” sabi niya habang sumisinghot
singhot. Naiiyak kasi siya.
“Mamimiss ka
din namin” sagot ni Ryan.
“Wag kang
iiyak. Lalo kang papanget” pang-aasar ni Marrion.
“Tse! Aalis ka
na nga lang inaasar mo pa ako” reklamo niya
pero nakangiti naman siya. “Oh,
remembrance ko sayo” aniya sabay abot ng paper bag dito na may lamang
picture frame.
“Labag yata sa
loob mo eh” sagot ni Marrion pero kinuha
din sa kanya ang paper bag.
“Wag ka ng
maarte dyan. Ingatan mo yan ah”
“Paano ba yan.
Wala akong maibibigay sayong remembrance eh” ani Marrion.
“Okay lang yun”
“Pwede bang
kiss nalang?”
“Kiss?
Nang-aasar ka na naman eh” aniya at inambahan ito ng
suntok.
“Ito talaga.
Napakabayolenteng babae” tumatawang sabi ni Marrion.
“Ewan ko sayo”
Pero nagulat na lang din siya
ng bigla siyang halikan ni Marrion sa pisngi.
“Ayan na
remembrance ko” anito sabay nakangiting
umalis.
Naiwan namang tulala si
Aiesha habang hawak ang pisnging hinalikan ni Marrion.
***
“Hoy!!! Ano na teh?
Tutunganga ka nalang dyan?” sita sa kanya ni Razel.
Matapos
ang pakikipag-usap niya kay Ryan ay si Demi naman ang tumawag sa kanya.
Pinapunta siya sa restaurant ni Razel dahil may problema daw si Johana. Kaya
naman kumpleto silang magkakaibigan ngayon. Madalas nalang naman silang
makumpleto kapag ganitong may problema ang isa sa kanila eh. Mga busy na kasi
sa career ang mga ito.
“Ano bang problema mo?” tanong niya kay Johana. “Natanggal ka ba sa trabaho? Nabankrupt na
ba ang gobyerno?”
“Imposible naman yatang
mabankrupt ang gobyerno” ani Phoebe.
“Eh ano nga bang problema at
nandito tayong lahat?” tanong din ni Allison.
“Inlove si Johana” si Razel na ang sumagot
dahil mukhang balak gawing tubig ng kaibigan nila ang alak sa sunod sunod na
pagtungga nito.
“Oh? Anong problema? Congratulations.
Sa wakas nainlove ka din” aniya.
“Inlove siya sa tatlong
lalaki”
sagot ulit ni Razel.
“Anooo??? Tatlo talaga? Ano
yan? Si Aida o si Lorna o si Fe?” gulat na sabi ni Demi.
“Problema ba yun? Eh di
piliin mo kung sino yung mahal ka sa tatlong yun” simpleng sagot ni Bea.
“Mahal siya nung tatlong
lalaki”
sagot ulit ni Razel.
“Sabay sabay talaga?” hindi makapaniwalang tanong
ni Akira.
“Ikaw na talaga ang may
pinakamahabang buhok. Sarap mong gupitan.” Komento ni Demi. “Mas maganda naman ako sayo pero bakit sakin walang nagkakamali kahit
isa”
“Mukha ka kasing bata. Akala
nila elementary ka lang” sagot ni Bea.
“Tse! Baby face ang tawag
dyan noh!”
“Maliit ka lang talaga”
“Girls quiet. Nandito tayo
para sa problema ni Johana. Pero bakit mukhang si Aiesha ang may problema.
Kanina pa tulala eh” komento ni Allison.
Napatingin
naman ang lahat kay Aiesha.
“Ai, may problema ka din ba?” tanong ni Phoebe
“Wala naman”
“Eh bakit ka tulala?”
“Tulala naman lagi yan eh.
Kahit oras ng trabaho” sagot ni Johana. At nanghingi pa ulit ng alak sa waiter. Pero pinigilan
na ito ni Razel.
Pinag-isipan
ni Aiesha kung sasabihin sa mga kaibigan ang tungkol sa natanggap na tawag.
Sabagay, kaibigan naman niya ang mga ito.
“Tumawag kasi sakin si Ryan
kanina lang.”
“Ryan who?”
“Ryan Bang?”
“Ryan Salvatorre. Kapatid ni
Marrion. Bestfriend ko nung bata ako.”
“Oh eh anong problema dun?”
“Pinapunta niya ako sa
kanila”
“Oh? Eh di mabuti”
“Nandun din si Marrion” sagot niya.
“Eh di mas mabuti. Para
makapagtapat ka na sa kanya. Aba Aiesha. Ang tagal na ng pustahan natin ah” sagot ni Razel.
“Natatandaan niyo pa yun?” gulat na tanong niya.
“Oo naman. Bakit ko naman
kakalimutan yun eh nakasalalay dun ang bente pesos na huling allowance ko nung
college.”
Sagot ni Bea.
“Ako nga inutang ko pa kay
Demi yung bente eh. Hanggang ngayon di ko pa din nababayaran” sagot naman ni Phoebe.
“Kaya nga dapat magkita na
kayo ni Marrion para malaman na natin kung sinong nanalo sa atin” ani naman ni Allison.
Napailing
nalang si Aiesha sa takbo ng isip ng mga kaibigan niya. Hindi niya akalaing
hanggang ngayon ay natatandaan pa rin ng mga ito ang simpleng pustahan nila
nung college.
“Waiter. Alak pa”sigaw ni Johana.
“’Ako nga din. Nahawa na ako
dito kay Johana eh”
Nagsunuran
nadin ang iba pa nilang mga kaibigan. Napangiti nalang si Aiesha. Sadyang mga
sira ulo ang mga ito pero alam niyang mga totoong kaibigan.
***
Wala
pa ring pinagbago ang bayan nila mula nung huli siyang lumuwas three years ago.
Mas madalas kasing mga magulang nalang niya ang pumupunta sa kanya sa Maynila.
Masyado kasi siyang abala sa trabaho. Naabutan niyang nagwawalis sa bakuran ang
nanay niya.
“Mano po Nay”
“Kaawaan ka ng Diyos anak”
“Si tatay po?”
“Abay nandun sa sabungan”
Magmula
ng magretiro ang tatay niya ay naging hobby na nito ang pagsabong.
“Kumain ka na muna at nagluto
ako ng sinigang”
“Sige po Nay”
Pumasok
na siya sa loob ng bahay nila. Hindi na muna siya nagpalit ng damit. Kumakain
na siya ng biglang may kumalabit sa kanya.
“Ryan” gulat na sabi niya nang
nakilala ito.
“Aiesha. Kumusta?”
Nagyakap
silang dalawang magkaibigan. She’s so glad to see him again.
“Okay lang. Ikaw? Lalo kang
gumuwapo ah”
bati niya.
“Sus! Ikaw nga itong ang
ganda ganda na eh. Siguro may boyfriend ka na noh?”biro nito.
“Wala noh. Wala akong panahon
sa ganyan”
“Sa ganda mong yan? Bulag
siguro ang mga lalaki sa Maynila”
“Baka ikaw ang may girlfriend
na” biro
niya.
Sinimangutan
lang siya nito kaya natawa lalo si Aiesha. Highschool sila nang magtapat si
Ryan na pusong babae ito. Inshort, Bading ang kaibigan niya kaya ang isiping
may girlfriend ito ay isang krimen. Hindi nga lang nito ipinapaalam sa iba ang
tunay na kasarian nito. Silang dalawa lang ang nakakaalam.
“Lokang ito. Yung mga
pasalubong ko sayo nasa bahay. Tara”
“Teka kumakain pa ako eh.
Kumain ka na din. Hindi naman siguro mawawala yung mga pasalubong mo diba?”
“Sabagay. Namiss ko ang luto
ni Nanay eh”
Hinainan
niya ng plato ang kaibigan at sabay nilang pinagsaluhan ang pagkaing handa ng
nanay niya. Maraming naikwento sa kanya si Ryan. Nagkaroon daw ito ng boyfriend
sa America pero lihim ang relasyon ng dalawa dahil ayaw pa ni Ryan na ipaalam
sa family niya ang tunay na kasarian niya. May maayos naman daw itong trabaho.
“Eh si Marrion kumusta na?” kunwari’y kaswal na sabi
niya.
“Ayun. Successful na masyado
ang lolo mo. Busy sa pagpapayaman. May sarili ng business yun. Kapartner niya
yung kaibigan niya”
“Buti hindi pa siya
nag-aasawa”
“Parang wala nga yatang balak
eh. Pero wag ka. Iba iba ang babae nun.iba ibang lahi pa”
“Ganun? Buti hindi siya
nagkakasakit”
“Syempre maingat. Practice
safe sex”
Napailing
nalang si Aiesha. At her age, hindi pa rin siya kumportable sa pre-marital sex.
Tumayo
na si Ryan.
“Halika, at hinihintay ka na
ni Lola sa bahay”
Sumunod
na din si Aiesha rito. Nagpaalam siya sa nanay nila na pupunta lang siya sa
kabilang bahay.
***
Malaki
na ang ipinagbago ng bahay ng Lola nila Ryan. Sementado na ito at may second
floor na din. Kahit may edad na ang lola nito ay nakilala pa rin siya.
Ipinakilala din siya ni Ryan sa mga magulang nito.
“Ikaw pala si Aiesha. Madalas
ka ngang ikwento sa akin nitong si Ryan.”
“Talaga po? Hindi naman po
siguro ako sinisiraan ni Ryan sa inyo” biro niya. Si Ryan lang ang nagkukwento? Eh paano
naman si Marrion?
“Aba, puring puri ka nga
niyan sa amin ng daddy niya eh. Akala nga namin girlfriend ka niya”
Biglang
naubo naman si Ryan. Tawa naman ng tawa si Aiesha.
“Masakit ba ang lalamunan mo
anak?”
tanong ng ina nito.
“Hindi po Ma”
“Magkaibigan lang po talaga
kami ni Ryan, Tita. Bestfriends kami niyan eh”
“Ahhh ganun ba? Hindi ka man
lang niligawan nitong anak ko? Napakaganda mong bata eh binalewala lang niya?” komento ng daddy nito.
“Mas mahalaga kasi samin yung
friendship eh”
sagot nalang ni Ryan. Sabay tingin sa kanya.
Gusto
namang matawa ni Aiesha.
“Oh, andyan na pala si
Marrion eh”
sabi ng lola ng mga ito.
Agad
na nagmano si Marrion sa lola nito at magulang.
“Hi Marrion kumusta na?” nakangiting bati niya. Halos
wala pa ring ipinagbago si Marrion. Mas lalo lamang itong gumuwapo at
tumangkad.
Napakunot
ang noo ni Marrion nang mapatingin sa kanya.
“Sino ka?"
Napalis
bigla ang ngiti ni Aiesha.
“Ito talaga masyadong
palabiro. Hanggang ngayon mapang-asar ka pa din.”
“Sorry but I cant remember
you”
“Marrion, hindi mo na
natatandaan si Aiesha?” tanong ng lola ni marrion dito. “Madalas
mo siyang kalaro noon” paalala pa nito.
Napailing
naman si Marrion. Maging si Ryan ay nagtataka din.
“Okay lang po yun Lola kung
hindi na ako natatandaan ni Marrion. I’m sure sa dami ng babaeng nakilala niya
sa America makakalimutan talaga niya ako.” Kunway balewalang sabi niya. Pero deep inside nasasaktan siya sa kadahilanang
hindi siya natatandaan ni Marrion.
Hindi
siya mahalaga rito.
Pakiramdam
ni Aiesha para siyang robot habang nakikipagkwentuhan sa pamilya ni Marrion.
Hindi man lang talaga siya nito pinag-ukulan ulit ng pansin. Mabuti na nga lang
at mukhang nakahalata si Ryan dahil nagyaya itong umalis na sila.
“Pasensya ka na dun kay
Marrion ah. Menopause na kasi” hinging dispensa ni Ryan habang naglalakad lakad
sila.
“Ano ka ba? Okay lang yun.
Saka anong menopause ka dyan eh mas matanda ka pa dun”
“Excuse me ah. Wag mo akong
icompare dun sa robot na yun. Dahil mas fresh ang beauty ko”
“Oo na. Baklang ito”
“Pero alam mo Sis, hindi ako
naniniwalang nakalimutan ka na nga ni Marrion”
“Sus! Obvious na ngang hindi
ako nakilala eh.”
“Baka arte niya lang yun.
Deffense mechanism lang”
“At bakit naman?”
“Baka hindi lang siya ready
na nagkita kayo ulit”
“Hindi kita maintindihan”
“Alam mo bang crush ka niyan
ni Marrion dati?”
“Weee??? Alam mo ikaw bakla
ka ang lakas mong mangtrip ah”
“Seryoso ako”
“Hay naku ewan ko sayo. Baka
naman nagdadrugs ka na ah.”
“Hoy! Malinis ang dugo ko
noh”
“Berde ang dugo mo eh”
“Tse!”
“Seriously Sis, crush ka nga
ni Marrion”
“Ewan ko sayo”
***
Hangang
bahay ay dala dala ni Aiesha ang eksena sa bahay nila Marrion, hanggang sa
pagsasabi ni Ryan na crush nga daw siya ni Marrion noon. Sira ulo talaga yung
kaibigan niya, kung ano ano ang pinagsasabi. Ayan tuloy mas lalong gumugulo ang
isip niya.
“Ate, may bisita ka” tawag sa kanya ng kapatid
niya.
“Sino daw?”
“Marrion daw.”
Agad
napabangon mula sa kama si Aiesha. Bata pa ang kapatid niya nang umalis si
Marrion kaya marahil ay hindi na nito natatandaan pa ang binata. Naabutan niya
ngang nakaupo sa salas si Marrion.
“Hey! What brought you here?” tanong niya.
“I just want to say sorry
kanina. I was rude”
“Sus! Wala yun. Okay lang”
“Yeah. But Ryan insisted that
I should say Sorry to you.”
So
si Ryan lang pala ang namilit na magsorry siya.
“Wala na yun.”
“Am I forgiven?”
“Yeah”
“Thanks. Ayoko kasi na
nag-aaway kaming magkapatid eh”
“Ahhh ganun ba?”
Natahimik
silang dalawa ni marrion. Kapwa hindi alam ang sasabihin.
“I think I should go. Gabi na
masyado. Naaabala kita”
“Okay ingat ka” inihatid niya hanggang
pintuan si Marrion.
“Anyways....” bigla nalang siyang
hinalikan nito sa pisngi. “....remembrance”
sabay ngiti.
Naiwan
namang natulala si Aiesha hanggang sa makaalis si Marrion. One thing is clear.
Hinalikan siya ni Marrion. Natatandaan pa rin siya nito. Katulad ng remembrance
na iniwan nito sa kanya bago tumungo ang mga ito sa ibang bansa.
Napangiti
nalang si Aiesha sa kawalan.
***
Kinabukasan
ay nakatanggap si Aiesha ng tawag mula kay Ryan. Nagyayaya ito na magpicnic daw
sila kasama ang buong pamilya nito. Kaya naman masayang masaya na bumangon at
naligo si Aiesha. Big sabihin kasi nun eh makakasama din niya si Marrion.
Isang
simpleng bulaklaking bestida ang suot niya na lalong nagpatingkad sa kaputian
ng kutis niya. Inilugay din niya ang hanggang balikat niyang buhok at nilagyan
lang ng maliit na clip. Mas nagmukha siyang bata kesa sa tunay na edad.
Naabutan
niya sa labas ng bahay nila si Marrion.
“Hey!” bati niya rito.
“Hi, ako na ang inutusan ni
Kuya na sumundo sayo”
“Ahh ganun ba? Okay”
Napakagwapo
ni Marrion sa suot na walking shorts at polo shirt. Bakat ang matipunong
katawan nito.
“So? Kumusta ka na?” si Aiesha na ang nagsimulang
magopen ng usapan. Mukhang balak manahimik lang ni Marrion eh.
“Okay naman” tipid na sagot nito.
“Balita ko busy ka daw sa
pagpapayaman ah”
“Si kuya Ryan din naman”
“Wala ka bang girlfriend?”
“Wala. Si kuya Ryan din wala
pang girlfriend”
Kanina
pa napapansin ni Aiesha na laging napapasok sa usapan si Ryan. At hindi niya
maintindihan kung bakit lagi itong isinisingit ni Marrion.
“Ikaw? Bakit wala ka pang
boyfriend?”
“Wala akong time eh. Busy sa
trabaho”
“Baka naman masyado kang
mapili”
“Hindi naman”
“Tamang tama nandito na sa
bansa ulit si Kuya Ryan...pwede na kayong dalawa”
“Ha? Hindi kita
maintindihan?”
Naguguluhan
siya kung ano ang itinatakbo ng usapan nilang dalawa ni Marrion. Masaya siya na
nakasama niya ang binata pero hindi niya maintindihan kung bakit lagi nalang
nitong isinisingit ang pangalan ng kapatid.
“Wala”
“So you think na may gusto
ako sa kapatid mo?”
“Gusto niyo naman ni Kuya ang
isat isa noon pa diba? Kayo nga ang super close eh”
Sa
wakas naintindihan na din niya dahilan para tumawa siya ng malakas. Kung pwede
niya lang sanang sabihin kay Marrion na imposibleng magkagustuhan silang dalawa
ni Ryan ay sinabi niya na. Pero nangako siya sa kaibigang walang makakaalam ng
sekreto nito.
“Imposible ang sinasabi mo.
Magkaibigan lang kami”
“Pero hindi ganun ang
nakikita ko”
“Nagseselos ka ba kay Ryan?”
Okay! Assuming ka Aiesha!
Bigla
namang tumawa si Marrion.
“Bakit naman ako magseselos?
Wala sa bokabularyo ko yun no. Saka dahil sayo?”
“Hindi. Dahil kay Ryan! Ewan
ko sayo!”
inis na tinalikuran ni Aiesha si Marrion para lapitan ang kaibigan. Badtrip
siya dahil tinawanan at napahiya siya.
Ang
yabang!
“Oh? Bakit nakasimangot ka?
Sayang ang ganda sis” pansin sa kanya ni Ryan.
“Yang kapatid mo kasi siraulo
eh. Masyadong mayabang.” Inis na sabi niya.
“LQ agad?”
“Tse! Isa ka pa eh” aniya at marahang hinampas
ito sa braso. Napansin niyang nakatingin sa kanilang dalawa si Marrion.
Inirapan naman niya ito.
“Wag ka na malungkot.
Magenjoy nalang tayo”
***
Hangang
sa makabalik na si Aiesha sa Manila ay hindi na niya muli pang nakausap si
Marrion.
“Oh? Tulala ka na naman” pansin sa kanya ni Akira.
Naisipan
niya kasing puntahan ito sa pinagtatrabahuhan nito. At ngayon nga ay dinala
siya nito sa malapit na coffee shop sa tapat ng opisina nito.
“Aki...panget ba ako?” tanong niya.
Marahang
inayos muna ni Akira ang salamin na suot at tinignan siya.
“Hindi naman. Mas maganda
lang ako sayo”
sagot nito at muling ibinaling ang pansin sa laptop nito.
“Ano bang ginagawa mo?”
“Nagsusulat ng kwento. Sige
lang magsalita ka lang”
“Gawin mong kontrabida si
Marrion sa kwento mo ah”
“Marrion mo?”
“Hindi ko Marrion yung
mayabang na yun.”
“Kumusta ang bakasyon mo?
Hindi ka man lang nagdala ng pasalubong”
“Wala akong pera. Wala pang
sweldo”
“Kuripot”
“Aki...nakakainis kasi si
Marrion eh. Pinahiya niya ako”
“Paanong pinahiya?”
“Tinawanan niya ako nung
tinanong ko siya kung nagseselos ba siya samin ni Ryan.”
“Oh? Eh paano ka napahiya
kung tumawa lang naman siya? Malay mo happy siya”
“Ang sabi niya kasi...wala
daw sa bokabularyo niya ang selos at saka dahil daw ba sakin tapos bigla siyang tumawa”
“Oh? Eh ano naman?”
“Aki nakakainis ka na. Hindi
mo sineseryoso ang sinasabi ko”
“Eh kasi naman ang babaw ng
problema mo. Assuming ka! Iniisip mo na may gusto sayo si Marrion kaya
nagseselos siya sa inyo ng kapatid niya which is hindi naman pala kaya feeling
mo napahiya ka”
“Nakakainis ka talaga. Sana
pala si Johana nalang ang pinuntahan ko baka may makuha pa akong matinong
sagot.”
“Hindi mo maiistorbo si
Johana. Busy yun. Nakapili na siya sa tatlong lalaki niya”
“Talaga?! Sino daw?”
“Aba malay ko. Hindi ko nga
kilala kung sino yung pinili niya. Secret daw eh”
“Swerte nun ah. Eh ako kaya?”
“Ayusin mo muna ang problema
niyo ni Marrion bago ka maghanap ng iba”
“Wala kaming problema noh!”
“Nagtapat ka na ba sa kanya?”
“Ha?”
“Di ba iyon ang usapan natin?
Kapag nagkita kayo ni Marrion magtatapat ka? Nagawa mo na ba?”
“Hindi pa”
“So hindi pa tapos ang
problema niyo”
“Nakakainis naman oh”
“Ihanda mo na din ang sarili
mo na mapahiya ulit Aiesha”
***
“Hi Ma’am, Sir, Goodmorning” nakangiting bati ni Aiesha
sa dumaang guest ng hotel sa harapan niya. Naghahanda na siya sa paguwe dahil
malapit ng matapos ang shift niya.
“Ai, ang gwapo oh” tawag pansin sa kanya ng
kasamahan niya.
“Saan?”
Ganun
nalang ang gulat ni Aiesha ng makitang si Marrion ang lalaking papalapit sa
kanya.
“Hi, pauwe ka na ba?” tanong nito sa kanya
Napatingin
naman sa kanya ang mga kasamahan niya. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagtataka.
“Ten minutes pa. Anong
ginagawa mo dito?”
“Sinusundo ka”
Rinig
ni Aiesha ang tilian ng mga kasama niya.
“Sige. Hintayin mo nalang ako
sa waiting area okay lang?”
“Sure” anito at lumakad na palayo
sa kanila.
“Sino yun Girl! Ikaw ha may
itinatago ka palang Papa”
“Kapatid ng bestfriend ko
yun. Kaibigan ko lang yun”
“Weee???”
“Oo nga.”
Nagtataka
man kung bakit siya sinusundo ni Marrion eh hindi napigilan ni Aiesha ang
magadali saktong sumapit ang oras ng out niya.
“Uy!!! Excited” biro pa sa kanya ng mga
kasamahan. Tinawanan lang niya ng mga ito.
“Hey!” bati niya kay Marrion ng
makalapit.
“Ready?”
“Yup”
Inalalayan
siya ni Marrion hanggang sa makasakay siya sa kotse nito.
“Paano mo nalaman na dito ako
nagtatrabaho?”
“Nagpunta ako sa bahay mo
wala namang sumasagot. Then sabi nung nakausap ko night shift ka nga daw.
Tinanong ko kung saan ka nagtatrabaho. Nung una ayaw niyang sabihin pero nung
nagpakilala ako sa kanya sinabi na din niya.”
“Ahhh ganun ba? So bakit mo
ako sinusundo?”
“Manliligaw ako”
“Annnooo???”
“You herad me right Aiesha. I
want to court you. Even if it means makalaban ko ang kapatid ko”
“Si Ryan na naman. Bakit ba
laging napapasok sa usapan si Ryan?”
“Because I know that you like
him and he likes you. Mas malapit kayo sa isat isa ever since mga bata palang
tayo kahit na sabay mo kaming nakilala”
“Magkaibigan lang kami”
“Iba ang closeness niyo sa
closeness natin noon”
“Ikaw ang lumalayo”
“Because I cant help it.
Nagseselos ako sa kapatid ko”
“Akala ko ba wala sa
bokabularyo mo ang salitang selos at lalong hindi sakin?”
“I was caught off guard that
time. Ayaw kong umamin. But when i saw you and my stupid brother again na
magkasama. Gusto ko siyang suntukin. Gusto kitang hilahin palayo sa kanya. Pero
alam kon wala akong karapatang gawin yun. That’s why i want to do the right
thing first. And that is courting you.”
“Bakit mo ako gustong
ligawan?”
“Simply because I like you”
“Like? Hindi Love?”
“It’s too early to say that I
love you right?”
Medyo
dissapointed man ay hindi nalang ipinahalata ni Aiesha. What she know is
Marrion wants to court her.
***
Pagdating
nila sa bahay ay naabutan niyang nagdidilig ng halaman si Johana sa labas ng
bakuran nito.
“Oh... nakauwe ka na pala?
May food na dyan dala ni Razel”
“Thanks”
Napansin
niyang nakatingin si Johana sa kasama niya kaya ipinakilala niya ang mga ito ng
pormal sa isat isa.
“Jo, this is Marrion, Marrion this is Johana. Kaibigan ko”
Marrion
offered his hands. Tinanggap naman ito ni Johana.
“Ikaw yung speaker namin dati
diba?”
“Yeah. Natatandaan nga kita.”
“Ikaw din yung sinasabi ni
Razel na naghahanap kay Aiesha kanina. Yung friend daw niya”
“Yeah.”
“So bakit mo hinahanap si
Aiesha?”
“Johana!” saway ni Aiesha sa kaibigan.
“Sinundo ko kasi siya sa
hotel.”
“Bakit kailangan mo pa siyang
sunduin. Wala pang tulog yan.”
“Manliligaw kasi ako”
“Ang aga mo namang manligaw.
May lahi ka bang Intsik? Ang alam ko si Aiesha ang may lahing Intsik eh”
Minabuti
nang pumagitna ni Aiesha sa dalawa bago pa may masabing kung ano ang kaibigan
niya.
“Sige na Marrion diba uuwe ka
na?” aniya
sa binata.
“Yeah. Pero puntahan kita
dito mamayang gabi. Hatid kita sa work mo”
“Wala akong pasok mamaya eh.
Rest day ko”
“Ganun ba? Eh di pwede pala
kitang yayaing magdinner mamaya?”
“Hindi siya pwede. May girls
night out kami” singit ni Johana
“Johana” saway niya. “Sige Marrion text nalang kita kung what
time. Dinner right?”
“Okay. Ingat ka”
“Thanks. Ikaw din”
Hindi
muna siya umalis hanggat hindi nakakaalis ang sasakyan ni Marrion. Nakangiti pa
siyang kumaway dito.
“Aray naman!” bigla kasing hinila ni
Johana ang buhok niya.
“Magpakipot ka naman kahit
konti”
“Ikaw ang rude mo dun sa tao”
“Tsk! Siya yung kinukwento mo
samin diba? Ano? Nakapagtapat ka na ba?”
“Bakit ba puro ganyan ang
tanong niyo sakin?”
“Dahil iyon ang sinabi mo
samin. First thing na gagawin mo kapag nakita mo siya.”
“Hindi pa. Hahanap pa ako ng
tyempo. Sa ngayon masaya ako”
“Ingat lang girl. Ang puso
mo”
“I know. Sige kailangan ko pa
magbeauty rest”
***
Masaya
si Aiesha sa muling pagkakasama nila ni Marrion. After one month ay ipinasya
niya ding sagutin ito. Mahal niya ang binata kaya hindi na niya pinatagal pa
ang panliligaw nito sa kanya. Although hanggang ngayon ay hindi niya pa rin
nagagawa ang usapan nila ng mga kaibigan. Nawala na din iyon sa isip niya.
“Tignan mo itong babaeng ito
naging boyfriend lang si Marrion nawalan na ng time samin” sita sa kanya ni Demi.
“Sorry naman Girls, alam niyo
namang love ko kayo diba? Peo syempre love ko din si Marrion. So be happy
nalang for me ah”
“Happy naman talaga kami para
sayo eh. Basta wag ka lang sasaktan ni Marrion” sabi ni Phoebe.
“Oo nga dahil bubugbugin
namin siya” sagot
naman ni Bea.
“Ang sweet niyo talaga.
Pakiss nga”
***
Akala
ni Aiesha ay tuloy tuloy na ang kasiyahang mararamdaman niya. Napakasweet na
boyfriend ni Marrion at ramdam niyang mahal na mahal siya nito. Masay din ang
kaibigan niyang si Ryan para sa kanilang dalawa.
Pero
isang araw nagulat nalang si Aiesha ng may naghanap sa kanyang isang magandang
babae. Base sa ayos at hitsura nito, halatang anak mayaman ito.
“Are you Aiesha Lee?”
“Yes Ma’am, May I know your
name please?”
“I’m Katherine. Marrion’s
fiance. So you better stay away from him. Umuwe lang siya rito sa Pilipinas may
pinagkaabalahan na siya agad na iba.” Mataray na sabi nito.
“Excuse Me Miss. Hindi kita
maintindihan.”
“Ang sabi ko. Fiance ako ni
Marrion. Actually naglilive in na nga kami sa America. Nagpaalam lang siya
sakin na magbabakasyon lang sila ng family niya rito sa Pilipinas. Hindi ako
nakasama dahil may prior commitment ako pero napilitan akong sumugod dito when
i found out na may lumalandi sa fiance ko.”
“Hindi ko nilalandi ang
fiance mo. At walang sinabi sakin si Marrion na may fiance siya. Baka naman
nagiimbento ka lang?” mataray ding sagot niya.
“I wont stoop down to that
kind of level.Heto ang ebidensya kung ayaw mong maniwala” isang brown envelop ang
ibinigay nito sa kanya.
Mga
larawan nga nito at ni Marrion ang mga iyon. Halatang masaya ang kuha ng mga
ito sa larawan. Pinigilan ni Aiesha ang mapaiyak sa harapan ng kaharap.
“So siguro naman naniniwala
ka na? Kung ayaw mong lalo pang masaktan mabuti pang layuan mo na si Marrion”
“Hindi mo na kailangang
sabihin sakin iyan. Sige, makakaalis ka na at dalhin mo na itong basura mo” ani Aiesha at inihagis ang
envelop sa kaharap.
Pinigilan
ni Aiesha ang umiyak hanggang sa matapos ang duty niya. Eksaktong nagtext naman
si Marrion na hindi siya masusundo nito dahil may pupuntahan daw ito. Sigurado
si aiesha na si katherine ang pupuntahan ni Marrion kaya mas lalong sumama ang
loob niya. Pagdating sa bahay ay agad siyang nagiiyak. Hindi na rin siya
kumain. Wala siyang gana. Hindi rin niya sinasagot ang mga tawag at text sa
kanya ni Marrion. Nagtext nalang siya sa supervisor niya na masama ang pakiramdam
niya kaya hindi siya makakapasok. Minabuti niyang magkulong sa bahay maghapon.
Pero
kinagabihan ay nagulat nalang siya sa biglang pagsulpot nii Marrion sa kwarto
niya.
“Paano ka nakapasok dito?” asik niya rito.
“May problema ka ba? Binigay
ni Johana sakin yung duplicate key. Nag-aalala na kasi siya sayo dahil hindi ka
nga daw lumalabas ng bahay. Bakit ba?”
“Wala ka na dun. Umalis ka
na. Hindi kita kailangan”
“Hey! Ano bang problema?
Kahapon naman hindi ka ganyan ah”
“Walang problema”
“Babe...bakit ba?”
“Wag mo nga akong tawaging
Babe! Umalis ka na. Puntahan mo nalang yung Katherine mo!”
“Katherine? Paano napasok sa
usapan si Katherine? At paano mo siya nakilala?”
“Hindi na mahalaga yun. Ang
alam ko lang manloloko ka. Kaya bago pa ako tuluyang magalit sayo umalis ka.
Dun ka na sa malanding babaeng yun”
“Hey! Dont talk to Katherine
like that. Hindi mo siya kilala.”
“So? Talagang mas mahalaga
siya sayo? Mas kinakampihan mo siya? Fine! Magsama kayong dalawa”
“Hindi ko alam kung anong
sinasabi mo. Pero hindi ko hahayaang insultuhin mo si Katherine sa harapan ko.
Saka na tayo mag-usap kapag malamig na yang ulo mo.” Ani Marrion at iniwanan na
siya.
Mas
lalo tuloy sumama ang pakiramdam ni Aiesha dahil batid niyang mahal nga ni
Marrion si Katherine.
***
Mistula
siyang zombie. Pumapasok sa trabaho pero tulala. Hindi rin nagparamdama sa
kanya si Marrion. Batid niyang nagalit ito sa kanya. Pero siya ang mas higit na
nasaktan. Pinipilit na lang siyang libangin ng mga kaibigan niya. Sinabi niya
sa mga ito ang problema nila ni Marrion. Almost two weeks na din ang nakalipas
mula ng huli silang magkitang dalawa. At miss na miss na niya ang binata.
“Hey! Magbihis ka” sabi sa kanya nila Johana at
Razel.
“Ayoko. Tinatamad ako. Saan
tayo pupunta?”
“Sa club house”
“Anong gagawin natin dun?”
“Yayayain mong magpakasal si
Marrion.”
Sagot ni Razel.
“What? Ano bang kalokohan
iyan? Tigilan niyo nga ako. Kung akala niyo magkakaayos pa kami pwes
nagkakamali kayo. Baka masaya na yun sa piling ni Katherine.”
“Wala akong pakialam sa
problema niyong dalawa. Pero sa kinabukasan ng bente pesos ko meron.”
“Ha?”
“Diba nagpustahan tayo nung
college sabi mo magtatapat ka kay Marrion at yayayain mo siyang magpakasal? Eto
na yung time. Bago pa mawala ulit si Marrion eh gawin mo na yung pustahan
natin”
“Yun pa rin ba ang issue?
Hindi ba pwedeng wag nalang. I dont want to see him again. Saka gaano kayo
nakakasiguro na magpapakita sakin si Marrion”
“Kinausap na siya ng iba
nating kaibigan. At ngayon nga ay nandun na sila sa club house at naghihintay
kaya umayos ka na”
“Okay fine. Matapos na lang”
Wala
na ring nagawa si Aiesha kundi sumunod sa mga kaibigan.
***
Kumpleto
ang mga kaibigan niya sa club house ng dumating sila. May mga ibang tao rin na
nandun.
“Nag-ipon na ako ng tao para
may witness tayo” sabi ni Allison.
Buhat
sa dami ng tao ay nakita niyang nakatayo si Marrion sa gitna. Nandun din si
Ryan sa tabi nito.
“Lapitan mo na” tulak sa kanya ni Phoebe.
Napilitang
lumapit ni Aiesha. Habang papalapit siya ay nakatitig sa kanya si Marrion.
“So you came” sabi niya.
“Pinapunta ako ng mga
kaibigan mo”
“Okay”
So
dahil lang talaga sa mga kaibigan niya.
“Marrion, sa harap nga mga
taong ito. Mahal kita. Will you marry me?”
Natahimik
ang buong tao sa clubhouse. Naghihintay ng sagot ni Marrion.
“Yes” sagot ni Marrion. “Aiesha Will you marry me?”
“No”
“Okay. Alam kong iyan ang
isasagot mo. Pero hayaan mo akong ipaliwanag ang lahat”
“Hindi na kailangan Marrion.
Tapusin na natin itong kalokohang ito. Kaya lang kita niyaya ay dahil sa
pustahan namin ng mga kaibigan ko nung college na kapag nakita ulit kita ay
magtatapat ako sayo at yayayain kitang magpakasal. Pero mula nung makita kita
ay nawala na yun sa isipan ko. Ipinaalala lang sakin ng mga kaibigan ko. So
hindi natin kailangang totohanin iyon”
“I know. Nasabi na din iyon
sakin ng mga kaibigan mo. Hayaan mo naman sana ngayon na ako ang magpaliwanag
sayo”
pagmamakaawa nito.
“Marrion—“
“Tumigil ka nga Aiesha. Ang
arte mo ah. Hayaan mong magpaliwanag si Marrion at ng matauhan ka!” sigaw sa kanya ni Razel.
“Oo nga. Sarap mong batukan
eh” ani
naman ni Demi.
Wala
na siyang magawa. Pinagtutulungan na siya ng mga kaibigan niya.
“Okay. Start” sabi niya kay Marrion.
“Hindi ako dito magsisimulang
magpaliwanag. Una sa lahat ipapakilala muna kita kay Katherine” anito at hinawakan na ang
kamay niya upang hilahin palabas.
“Whaat?! Gusto mo ba talaga
akong saktan Marrion?” pigil niya pero itinulak na siya ng mga kaibigan pasunod kay Marrion.
Sumakay
sila sa sasakyan nito. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Marrion.
“Bakit mo ako ipapakilala kay
Katherine ah!”
“Hindi ba sa kanya naman
nagsimula ang lahat?”
Naiinis
man at ipinasya nalang ni Aiesha na manahimik. Nagtaka siya kung bakit doon
sila papunta ni Marrion.
“Marrion bakit dito?”
“Dahil nandito si Katherine”
Tahimik
na sumunod nalang si Aiesha kay Marrion. Parang gusto niyang kilabutan bigla.
Huminto sila sa harap ng isang puntod.
“Aiesha, this is Katherine.
Kat, si Aiesha girlfriend ko”
“Marrion....”
“Mag hi ka kay Katherine” sabi sa kanya ng binata.
“Hi Katherine... Paano
nangyare?”
napansin niya ang nakasulat sa lapida.
“Five years ago...Katherine
and I met at New York. We instantly clicked. We really love each other so
much.. We lived together. I asked her to marry me and she agreed. Then sabi
niya uuwe daw siya sa Pilipinas para sabihin sa family niya ang balak namin.
Hindi ko siya nasamahan dahil that time striving ako sa work ko. Gusto kong
mabigyan siya ng magandang buhay. Isang araw matapos niyang umuwe ng Pilipinas
nabalitaan ko na nagcrash yung eroplanong sinasakyan niya. She died. Galit na
galit ako sa sarili ko. Mahal na mahal ko si Katherine. She’s a perfect girl.
Bakit kinuha siya agad. Nagalit din ako sa Diyos noon. Napakaunfair niya. Binaon
ko ang sarili ko sa pagtatrabaho. Hindi ako pumasok ulit sa isang relasyon
because i know no one can replace Katherine in my heart. Then my family decided
na umuwe ng Pilipinas. And that’s where i saw you again. Naramdaman ko na
muling tumibok ang puso ko. I really like you nung mga bata palang tayo. I have
a big crush on you then pero hindi mo ako pinapansin. Si kuya Ryan ang lagi
mong kakulitan at kasama. Ayokong sirain ang kung anong meron kayo ng kapatid
ko. I love my brother so I had to stay away from you. Pero after many years...
sabi ko pwede na siguro. Wala naman yatang balak si Ryan na maging kayo eh.
That’s when i courted you...at nung araw na hindi kita nasundo....death
anniversary ni Kat noon...Pinuntahan ko si Katherine..sinabi ko sa kanya na nagmamahal
na ako ulit. I know she’s happy for me naramdaman ko yun because finally i set
her free.”
Umiiyak
na si Aiesha habang pinapakinggan ang paliwanag ni Marrion.
“The day na hindi mo ako
nasundo pinuntahan ako ni Katherine”
“Iyon nga din ang sinabi ng
mga kaibigan mo. Nagulat ako syempre. Paano ka pupuntahan ni Katherine eh
matagal na siyang patay. That’s when i found out na about Katrina. She’s
Katherine’s twin sister. Magkamukha silang dalawa. Siya ang pumunta sayo.
Matagal ng may gusto si Katrina sakin. Kahit noong kami pa ni Katherine. Akala
niya when Katherine died mababaling na ang pagtingin ko sa kanya but she’s
wrong. Kaya naman nung nabalitaan niya ang tungkol sayo dahil sinabi ko iyon sa
parents ni Katherine ay agad ka niyang pinuntahan at binalak niyang siraiin
tayo.”
“I’m so sorry Marrion. Hindi
ko alam. Sorry Katherine...hindi ko alam. Nagalit ako sayo. Sorry”
“Hush...I know naiintindihan
ka ni Katherine. Biktima ka lang ni Katrina” ani Marrion at niyakap siya.
“I love you so much Marrion.
Mga bata pa lang tayo minahal na kita”
“Really? That’s good to know.
I love you too”
“At wala kang dapat ipagselos
samin ni Ryan”
“Yeah. Umamin na samin si
Kuya about his sexuality. Naintindihan naman namin siya”
“Talaga? I’m so happy for
him”
“Yeah. At alam ko na masaya
din siya para satin”
“You’re right”
“Aiesha...” hinawakan siya nito sa
balikat at tinitigan sa mga mata. “Sa
harap ni Katherine...will you marry me?”
“Yes Marrion. I will marry
you with or without a ring” nakangiting sbai niya. Siya na ang naunanag humalik
kay Marrion.
Ramdam
nilang dalawa ang biglang pag-ihip ng hangin. Napangiti nalang sila. They know,
Katherine give them their blessing. Creepy man ang lugar kung saan nagpropose
si Marrion sa kanya okay lang. Ang mahalaga, mahal nila ang isa’t isa.
Thank you Katherine.
=Wakas=
No comments:
Post a Comment