34 : The Unexpected Proposal
[Regine’s POV]
Mula ng dumating si Aya parang may napansin ako kay Lance. Parang bigla siyang nagbago.
Bakit? Dahil ba kay Aya?
Dahil ba narealized niya na mas mahal niya pala talaga si Aya kesa sakin?
Nasasaktan ako. Pero gustuhin ko mang magalit kay Aya hindi ko magawa dahil wala naman siyang kasalanan sakin at alam kong si Vince pa rin ang mahal niya.
Kaya?
Matagal na panahon ko ding minahal si Lance at inalagaan sa puso ko. Hindi ko alam kung masaya ba si Lance sakin o habang ako ang kasama niya si Aya pa rin ang iniisip at mahal niya.
“Goodmorning Mam” bati sakin ng sekretarya ni Lance na si Jiyeon.
I decided to let go of Lance. I just finally realized na kahit anong gawin ko wala akong laban kay Aya.
“Good morning andyan ba si Lance?”
“nasa loob po. Sige po Mam pasok na kayo.”
“Salamat”
Pumasok na ako sa loob ng opisina ni Lance. Naabutan ko siyang may kausap sa telepono at nakatalikod sa pinto kaya hindi niya agad ako nakita.
“Yeah. Tama ka hindi ko dapat sinasarili ito. Yeah. Kakausapin ko na si Regine about that.”
Hindi ko maiwasang makinig sa usapan nila lalo na at narinig kong binanggit ni Lance ang pangalan ko.
“You still haven’t changed Aya. Kung ano ka noon, ganon ka pa rin ngayon to think na sobrang sikat ka na pala.”
At tumawa pa si Lance.
Aya?
Si Aya ang kausap ni Lance?
Pakiramdam ko ilang libong kutsilyo ang tumusok sa puso ko. Kahit na gustuhin ko mang makaalis sa lugar na iyon hindi ko maihakbang ang mga paa ko.
“Don’t worry Aya no matter what happened I’m still be here for you. Ikaw pa alam mo namang mahal kita eh.”
Naramdaman ko nalang na tumutulo na ang mga luha sa mga mata ko.
Mahal pa rin ni Lance si Aya. Mas masakit pala talagang marinig sa bibig ng mahal mo na may mahal siyang iba.
Hindi ko namalayang tapos na pala makipag-usap si Lance dahil patuloy ako sa pagluha.
Nagulat pa ito ng makita ako.
“Redj, what are you doing here?”
“I’m setting you free Lance.” Umiiyak na sabi ko.
“What??? What are you talking about?”
“tapusin na natin itong kalokohang ito. I know that you still love Aya. At ako?! Ano ba ako sa buhay mo? Panakip butas mo lang ako sa kanya. Tama na Lance. Limang taon na ang binuhos ko sayong pagmamahal dahil iniisip ko na baka dumating yung time na mamahalin mo rin ako tulad ng pagmamahal ko sayo. Pero mali pala ako dahil hanggang ngayon si Aya pa rin ang mahal mo.”
“Ano bang sinasabi mo? Bakit napasok si Aya dito?”
“Please lang Lance. Don’t make it hard for me. Malaya ka na.”
At lumabas na ako ng opisina niya. Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Lance at ang nagtatakang tingin ni Jiyeon.
Dire-diretso ako sa elevator. Pinindot ko ang button at naghintay.
“Regine ano ba?!”
Paglingon ko ay nakita ko si Lance na palapit sakin.
“Ano bang problema mo?” sigaw ni Lance
Pansin kong napapatingin na sa amin ang ibang empleyado.
“Bakit nasingit si Aya dito?”
“Totoo naman diba? Hanggang ngayon mahal mo pa rin si Aya. Don’t try to deny it Lance dahil narinig ko mismo na sabihin mong mahal mo siya”
“Alin?”
“si Aya yung kausap mo sa telephone diba? Ano yung sinabi mo sa kanya na dapat mong sabihin sakin dahil di mo dapat sinasarili iyon? Are you trying to break up with me? Lance bigyan mo naman ako ng respeto. Kaya bago pa ikaw ang makipagbreak sakin ako na ang makikipagbreak sayo. Kahit dun man lang makabawi ako.”
“Why are you trying to break-up with me?” naguguluhang tanong ni Lance.
Mukha ngang gulong-gulo siya dahil very visible iyon sa gwapo niyang mukha.
“So narinig mo ang sinabi ko kay Aya? Tama ka si Aya nga yung kausap ko kanina pero hindi mo naiintindihan kung anong pinag-usapan namin.”
“Ano pa ba ang di ko naiintindihan Lance? Pwede ba wag mo akong gawing tanga.”
“Hindi kita ginagawang tanga. Ang hirap sayo makikinig ka na lang sa usapan hindi mo pa inintindi.”
Nagsisigawan na kaming dalawa sa hallway ng gusali.
“Ano pa bang kailangan kong intindihin?”
Bumukas ang pinto ng elevator. Papasok n asana ako ng bigla akong hilahin ni Lance at muling isinara ang elevator.
“Pwede ba?! Bitiwan mo nga ako. Don’t make me hate you Lance”
Patuloy ako sa pagpupumiglas.
“I love you”
Napatigil ako bigla.
“I love you”
Tama ba yung naririnig ko?
Hahakbang na sana ako palayo sa kanya ng magsalita siya ulit.
“Kapag humakbang ka pa ng isa hindi na kita hahabulin pa.”
Napatigil naman ako sa paghakbang. Pero hindi ko pa rin siya nililingon. Nanatili akong nakatalikod sa kanya.
“Hindi mo naman kasi ako hinayaang magpaliwanag eh. Tama ka si Aya ang kausap ko and we’re talking about you. She told me I was so lucky to have you at wag na daw kitang papakawalan dahil wala na akong mahahanap na tulad mo. She said she’s happy for us.”
Ramdam kong kumakalma na ang pakiramdam ko.
“Aya maybe my first love I won’t deny that fact. Pero ang first love natatabunan kapag dumating ang true love. And you’re that person Regine. So please believe me.”
Mahal ako ni Lance????
Iaabsorb ko palang sana sa utak ko ang sinabi niya ng marinig ko ang pagsinghap ng mga taong nanonood samin. May isa pang empleyadong babae doon na itinuro ang likod ko.
Paglingon ko ay nashock ako sa nakita ko.
Si Lance nakaluhod ang isang tuhod at may hawak na singsing.
Is he proposing to me?
“Will you marry me Regine?”
Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari. But what the heck?! Lance is asking me to marry him.
Sunod-sunod na tango ang isinagot ko sa kanya habang tumutulo ang luha sa mga mata ko. But this time it’s tears of joy.
Nilapitan ako ni Lance at isinuot ang singsing sa daliri ko.
“I was planning to surprise you sana kaya kausap ko si Aya dahil nagpapatulong ako sa kanya para maging romantic ang pagpopropose ko kaso bigla ka namang sumugod dito ayan tuloy hindi romantic.” Sabi ni Lance habang hawak ang kamay ko.
“No Lance, this is the most romantic moment in my life.”
Ngumiti si Lance as he touched me gently on my face.
“I love you Redj. Kung kelan nangyari iyon hindi ko alam basta nagising nalang ako na ikaw na ang hinahanap ko. Na ikaw na ang mahal ko. Si Aya, bestfriend ko siya at hindi na mababago iyon kaya sana wag ka ng magselos sa kanya. Sayo lang naman ako eh”
“I love you too Lance and sorry for doubting you.”
Naramdaman ko nalang na lumapat na ang mga labi ni Lance sa labi ko. Narinig namin ang palakpakan ng mga nanonood samin.
This is the happiest moment in my life.
[ Aya’s POV]
Nakakatuwa si Lance. At least he’s happy with her life now. He has someone who loves him.
Katatapos lang ng rehearsal at photoshoot para sa concert ko. Hanggang nagyon pinag-iisipan ko pa din ang sinabi sakin ni West.
“Do you really want to go back in Japan ? Do you still want to go back even after knowing that Vince is alive?”
Hanggang ngayon wala pa rin akong maisip na sagot. Kung ako ang tatanungin of course I don’t want to go back pero may dahilan pa ba para manatili ako rito? Nasa Japan na ang buhay ko.
Nagulat ako ng lumapit sakin yung isang crew at may inabot saking bulaklak.
“Kanino galing?”
“baka po sa fan niyo Miss Shinaya. Pinabigay lang po sa guard eh.”
“Ganun ba salamat.”
Tinignan ko ang bulaklak at baka sakaling may nakaipit na card.
Meron nga.
“To the first girl who punched me in highschool.”
Napalingon ako sa nagbasa ng nakasulat sa card.
It was Gia.
Nginitian lang niya ako.
“it doesn’t say who it came from”
Napangiti lang ako.
“maybe from a fan.”
“I don’t think so” nakangiting sagot ko.
Biglang gumanda ang pakiramdam ko. Because I know where that flowers came from.
“You know where it came from?”
“Yeah.”
“Who?”
Pinakita ko sa kanya ang nasa likod ng card.
“VM” basa ni Gia. “Who’s that?”
“iisang tao lang ang sinapak ko nung highschool ako Gia. And that was Vincent Madrigal” nakangiting sabi ko sa kanya.
“Really? Your EX?”
“Yeah.”
“But why did he gave you flowers? Do you think he remember you now?”
“I don’t know Gia. But I’m really glad.”
[Queen’s POV]
Kung minamalas ka nga naman talaga oh. Sa dami ng araw kung saan ako pwedeng masiraan ng sasakyan eh ngayon pa kung kelan may hinahabol akong oras.
May pupuntahan akong fashion show ngayon dahil isa ako sa mga designers sa show na iyon pero nagkanda-leche leche naman ako dahil hindi marunong makisama ang pesteng sasakyang ito.
Bakit ba napakamalas ko? Naalala ko pa kung paano ako napahiya sa harapan ni West ng matapilok ako.
Kaasar talaga. Tinangka kong maghanap ng pwedeng makatulong sakin. Hindi naman kasi ako marunong mag-ayos ng sasakyan.
Sakto namang may dumaang kotse. Agad ko itong pinara.
Lumapit ako sa kotse ng bumaba ang salamin nito.
“Naku sir, pwede bang makahingi ng tulong? Nasiraan kasi ako ng sasakyan eh.”
“Ayoko nga” sabay tanggal ng suot nitong shades.
Ang potek naman oh.! Sobrang malas ko talaga dahil ang makakakita pa sakin sa nakakahiyang sitwasyong ito ay walang iba kundi si William Montreal.
“Ikaw?!”
“Ako nga.”
“Ang malas naman oh.”
“Hi Queen” bati ni Lieu. Kasama pala ito ni West. “ Mukhang may problema ka ah”
“Yeah. Nasira yung kotse ko eh.”
Lumabas si Lieu ng sasakyan.
Buti pa ang isang ito gentleman samantalang itong lalaking ito.
Tumingin ako kay West na prenteng nakaupo pa rin sa driver seat.
Binuksan ni Lieu ang hood ng kotse ko.
“Naku, mukhang matatagalan bago maayos ito.”
“Hala ganun? Paano ba yan eh nagmamadali kasi ako eh.”
Kamalas na araw naman oh.
“Kung nagmamadali ka magpahatid ka na dyan kay West ako na bahala magdala sa talyer nitong sasakyan mo.”
“Ano? At bakit ko isasabay iyang babaeng iyan?”
“ano ka ba gusto mong magalit sina Aya at Lance kapag nalaman niyang pinabayaan mo si Queen dito?”
“Tsk! Istorbo.”
Masasakal ko itong maarteng lalaking ito eh.
“Sige na Queen sumabay ka na kay West.”
“Thank you Lieu ah. Nagmamadali lang talaga ako.”
At ibinigay ko sa kanya ang susi ng kotse ko.
Sumakay na ako sa kotse ni West.
Hindi man lang nagpakagentleman. Nakakasira ng bait itong lalaking ito.
“Saan ba ang punta mo?”
“Kahit ihatid mo nalang ako sa sakayan ng taxi. Nakakahiya naman sayo.” Sarkastikong sagot ko.
“Malelate ka lalo kung magtataxi ka pa.Sabihin mo na kung saan tutal inistorbo mo na din naman ako eh.”
Kasalanan bang pumatay ng tao?
Pero may point naman siya kaya sige Queen konting tiis lang. makakaganti ka din sa mokong na iyan.
No comments:
Post a Comment