“Rodjun”
Naiwang tulala na lang si Ran ng makalayo si Ruijin. Nagulat
siya sa outburst na iyon ng dalaga. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito pero
marahil ay hindi sila nagkaintindihan. Gustuhin niya mang magpaliwanag ay
mukhang hindi handa ang dalaga na pakinggan siya.
“Hey Ran…anong
ginagawa mo dyan? Nasaan na si Ruijin?” tanong ni Ian ng makalapit sa kanya. Kasama nito ang kapatid
niyang si Jen.
“Umalis na…nasaan na
yung dalawa? Bakit kayo na ang magkasama?”
“Naiwan dun sa loob ng
CaPerona si Sanji…alam mo namang pinopormahan nun si Perona eh. Si Kenneth
naman nakikipag-away kay Yuuki.”
“Ganun ba? Eh kayong
dalawa saan ang punta niyo?”
“Manonood kami ng
sine. Sama ka?” yaya
sa kanya ni Jen.
“Gagawin niyo pa akong
chaperone niyo.”
“Hindi naman..eh di
isama mo si Ruijin” pang-aasar
ni Ian sabay baling sa kasintahan. “Alam
mo ba Angel may pang rated PG na eksena yang dalawa sa CaPerona”
“Really??? Nakuhanan
mo ng video?”
“Hindi nga eh..baka
kasuhan ako bigla ni Ran”
Napapailing nalang ako sa dalawang ito. Mabuti pang
makalayas na nga sa mga ito at may malaking problema pa akong kinakaharap.
“Oh Ran saan ka
pupunta?”
“Away from the two of
you” sabi ko at
tuluyan na silang nilayasan.
“Problema nun?” nagtatakang tanong ni Jen.
“Ewan ko… wag na
nating pansinin iyon si Ran…magdate nalang tayo”
“Mabuti pa nga”
+ + + + +
Isang hindi inaasahang bisita ang nadatnan ni Ruijin sa bahay
niya pag-uwi niya mula sa pagsusubmit niya ng nobela.
“Anong ginagawa mo
dito?” walang
emosyong tanong ni Ruijin sa bisita.
“Dinadalaw ka…kumusta
ka na…..ate?” tanong
ni Rodjun. Ang bunsong anak ng daddy niya sa unang pamilya nito.
“Wala akong
natatandaang may kapatid ako.”
“Ate wag ka namang
ganyan…Nagsorry na naman si daddy saka miss na miss ka na niya…pati si kuya Rex
gusto ka ding makita.” Tukoy nito sa nakakatandang kapatid nito.
Noong graduation niya ng college ay nakilala niya ang dalawa
niyang kapatid na lalaki. Parehong mas bata ito sa kanya. Noon din niya nalaman
ang tunay na kwento ng mga magulang niya.
Magkasintahan pala talaga ang mommy at daddy niya subalit
humadlang ang lola niya dahil mas gusto nito ang asawa ng daddy niya kaya
napilitang maghiwalay ang mga magulang niya ng ipakasal ang daddy niya sa asawa
nito ngayon. Subalit hindi agad biniyayaan ng anak ang mga ito. At kahit kasal
na ang daddy niya sa asawa nito ay nanatili pa rin ang relasyon nito sa mommy
niya hanggang sa mabuo nga siya. Balak na sanang hiwalayan ng daddy niya ang
asawa nito subalit nagkataong buntis na din pala ito kaya hindi ito nahiwalayan
ng daddy niya.
Infairness mabait naman ang napangasawa ng daddy niya na si Tita
Samantha. Maging ang dalawang lalaki niyang kapatid ay mabait din naman sa
kanya. Itinuturing siyang ate ng mga ito.
Ngunit dala marahil ng sakit at pride kaya hindi niya
magawang makipaglapit sa mga ito.
“Ate patawarin mo na
si daddy. Matanda na rin siya. At alam namin ni kuya Rex na mahal na mahal ka
ni daddy”
Alam naman niya na mahal siya ng daddy niya. Nagtatampo lang
talaga siya pero hindi na siya galit. Matagal na panahon na rin naman ang
nakalipas. At kahit pagbali-baligtarin man ang mundo daddy niya pa rin ito.
“Hindi na rin naman
ako galit kay daddy eh. Saka hindi rin ako galit sa inyo..wala naman kayong
kinalaman dun”
Halata namang natuwa si Rodjun sa sinabi niya dahil agad
siya nitong niyakap. Napangiti na rin naman si Ruijin. Iba pa rin talaga ang
yakap ng kapatid.
Parang bata itong tuwang-tuwa kahit na mamang-mama na ang
dating nito.
“Graduate ka na ba
Rodjun?” naisipang
itanong ni Ruijin sa kapatid.
“Opo. Pero hindi ako
nagwork sa company ni daddy. Kaya na ni kuya iyon. Mas gusto kong maging
modelo.”
“Talaga??? Model ka?” gulat na tanong ni Ruijin. Hindi
niya talaga akalaing isang modelo ang kapatid niya. Infairness ang gwapo naman
kasi nito at ang tangkad pa.
“Oo naman. Hindi ka ba
makapaniwalang model ang napakagwapo mong kapatid? Wag mo nalang sabihin kay
kuya Rex na gwapong gwapo ka sakin dahil maiinggit yun..hahaha”
“Ang lakas ng hangin
mo ah…hindi ko naman alam na sikat ka pala….teka?? sikat ka nga ba?” nang-aasar na sabi ni Ruijin.
“Well…ayokong
magsalita..basta alam ko gwapo ako.”
“Oo na..ikaw na.”
“Kumusta ka naman
ate..bakit parang malungkot ka yata? Nag-away kayo ng boyfriend mo?”
“Tsismoso ka din
Rodjun noh?” natatawang sabi niya.
“Curious lang ako”
“Wala akong boyfriend
noh? Walang nagkakamali eh”
“Mga bulag siguro tao
dito…ate nagugutom na ako. Pakainin mo naman ako”
“Wala akong pagkain
dito eh…pero may alam akong masarap na kainan dito”
“Halika…ilibre mo ako”
“Di ba dapat ako nga
ang ililibre mo dahil sikat ka pala. Mas mayaman ka sakin.”
“Mas matanda ka naman
sakin ate kaya dapat ako ang ililibre mo.” Naglalambing na sabi nito.
“Oh sige na nga…buti
nalang nabayaran na yung nobelang ginawa ko.”
“Yehey!!! Tara” excited na sabi nito at nagpauna na palabas ng bahay.
Ayaw mang aminin ni Ruijin ay nakakaramdam din siya ng tuwa.
+ + + + +
Pagdating sa CaPerona ay agad silang nakatawag ng atensyon.
Paano ba naman kasi ay napakatangkad at napakagwapo nitong si Rodjun kaya hindi
nakakapagtakang pagtinginan man sila ng mga tao.
“Hindi ba si Rodjun
iyon? Iyong model?” dinig
ni Ruijin na sabi ng mga tao sa loob ng Cafeteria particular na ang mga
kababaihan.
“Oo nga…bakit kaya
kasama niya yung dragonesang babaeng iyan?” bulungan pa ng mga ito. Inignora nalang ni Ruijin ang
mga naririnig. Sanay na naman siyang bansagang dragonesa ng mga tao dahil sa
taglay niyang kasungitan.
“Ano ba ang masarap
kainin dito?” tanong
ni Rodjun at inakbayan siya.
Pansin ni Ruijin na napataas ang kilay ng mga kababaihan na
nagsasabi sa kanya ng hindi maganda.
Hah!!! Mamatay kayo sa inggit…bwahahahaha!!!
Naglalambing na iniyakap ko ang mga braso ko sa bewang ni
Rodjun at tinignan ang mga insekyorang babae sabay ngiti ng nakakaloka.
Pang-asar lang.
“Lahat ng food dito
masarap…the best kasi ang may-ari nito eh”
“Ganun ba??? Hmm..sige
ikaw na umorder para sakin”
Matapos makaorder ay naghanap na sila ng mauupuang table.
“Hi Ruijin” nakangiting bati ni Perona ng
lumapit sa kanila.
“Hi Perona…sya nga
pala si Rodjun…Rodj…si Perona siya ang may-ari nito” pakilala niya.
“Hi..nice to meet you…”
“Same here…ang sarap ng
food niyo dito mukhang mawiwili ako”
“Really?? Well that’s
good..araw araw ka ng pumunta dito para naman lagi na kaming may makikitang
gwapo”
Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Perona. Maging si Rodjun
ay napangiti din.
“Sure…basta ba papayag
si Ruijin eh” anito
at kinindatan siya.
What happened to Ate??? Ruijin nalang???
Kakastiguhin niya sana
ito kaso biglang may sumingit sa pag-uusap nila.
“Para
mo namang sinabing hindi kami gwapo Perona my loves” singit ni Sanji.
Kasama nito ang mga kaibigang sina Ian at Kenneth…
Teka…wala si Ran???
“Hay naku Sanji
sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo”
“Asus sabi mo lang yan...if
I know miss na miss mo ako”
“Ewan ko sayo!”
“Ruijin..sino yang
kasama mo?? Alam ba ni Ran yan ha?” biglang tanong ni Kenneth. Kahit kalian talaga mapang-asar
itong lalaking ito. “Tanggap ko na
basted ako sayo dahil si Ran ang gusto mo pero di ko matatanggap na ipagpalit
mo ako sa lalaking iyan” madamdaming pahayag pa nito.
Napanganga naman si Rodjun at napatingin sakin. Maski ako ay
gulat na gulat sa sinabi ni Kenneth. Parang gusto ko siyang batukan at ibalibag
sa labas sa mga sinasabi niya.
Pero mukhang hindi ko na kailangang gawin iyon dahil may
ibang tao ng gumawa nun.
“Puro ka kalokohan.!” Sita ni Ran at binatukan si Kenneth.
“Ran naman
eh..pinagtatanggol na nga kita” kumakamot sa ulong sabi ni Kenneth.
“Sinong nagsabing
kailangan kong ipagtanggol mo?”
“Wala…volunteer lang
ako”
Hindi nalang ito pinansin ni Ran. Instead ay binalingan ako.
No comments:
Post a Comment