Monday, January 30, 2012

After All: Chapter 18

18: Double J

[JM’s POV]


Haaaayyyyy!!!! kawawa naman yung friendship ko mukhang torn between two lovers ang magiging drama ng buhay niya ah. Pero ang swerte niya ha dala-dalawang papabols ang may gusto sa kanya. Kay gagwapong papabols talaga!!!

Naiinggit tuloy ako. Pero syempre walang halong bitchiness yung pagkainggit ko ah. In fact I’m happy for her dahil ang haba ng hair niya.

Pero sa totoo lang mahirap yung sitwasyong kinasasangkutan ni Aya ngayon. Parehong good catch pa naman sina Vince at Lance. Hay eto naman kasing si Lance isang dakilang tanga din eh. Kung kelan naman may boyfriend na si Aya saka pa yata balak magparamdam ng feelings niyang kay tagal niyang tinago sa baul ng lolo niyang panot.

Alam naman naming lahat na may gusto siya kay Aya eh kaso dahil sa “ friendship theory” na ginawa ng kung sino mang Pontio Pilato eh hindi niya masabi sabi. I don’t even think kung alam niyang mahal niya si Aya. Ang hirap kasi sa mga magbe-bestfriend eh sa sobrang closeness nila naisasantabi na nila ang totoong feelings nila para sa isat-isa.



Dati-rati kapag sinabing magbestfriends yun ay yung mga matatalik na magkaibigan talaga samantalang ngayon ang mga magbestfriend nahahati sa tatlo:

1) dalawang taong may lihim na pagtingin sa isa’t-isa

2) mag EX na hindi pa rin makamove-on at mahal pa rin ang isat-isa

3) taong mahal ang isa’t-isa pero dahil sa kumplikadong sitwasyon mas pinili nalang maging magkaibigan.

Grabeh!! Iba na talaga ang kalakaran ng mundo ngayon.

“ hoy JM anong ineemote mo diyan”

Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko ng may nanggulat sakin. Bwisit si Jake lang pala. Bakit ba ang hilig ng mga taong gulatin ako? si Lance ngayon naman si Jake. May nakasulat bas a likod ko na “ GULATIN NIYO AKO MATATAKOT AKO!!!”.

Naconcious tuloy bigla ako at napatinggin sa likod ko.

Hay! Thankfully wala naman.

“ ang weird mo ah”

Sus! Ako pa daw ba ang weird???

“ Bakit ka ba nanggugulat ah?”
“Nakita kasi kitang nag-iisa eh. Himala yata hindi mo kasama si Aya?”

“Kasama ko siya kanina. Nandun ako sa Office nila. Teka ano ba yang dala mo?” Pansin kong may dala syang isang box. Mukhang cake ang laman nun.

“ ah eto?.. gusto mo?” hay salamat at inalok niya ako.hehe.. favorite ko kasi ang cakes.

“ thanks” sabi ko at binuksan ang laman. “wow! Chocolate. Para kanino ito? Baka naman may pagbibigyan ka nito ah” alanganing tanong ko sa kanya. Mahirap na dahil baka may may-ari pala nun eh kawawa naman. Pero nakakatakam talaga sya eh.

Yung cake ah at hindi si Jake.

“ sige lang. Para sayo talaga yan”

“ sakin?? Aba? Kelan ka pa nagging galante para sakin Jake? End of the world naba?” (hindi naman sa tinatanggihan ko ang grasya mga kapatid..it’s just that na isa si Jake sa pinakakuripot na taong kilala ko sa mundo kaya ang ilibre niya ako ay isang malaking himala na)

“ ayaw mo yata eh di wag” sabi niya at biglang hinablot sa kamay ko yung box. ( yung cake ko!!! Tignan mo itong lalaking ito parang nagtatanong lang eh)

“ syempre gusto ko. Kelan ba ako tumanggi sa pagkain” (hinablot ko ulit sa kanya yung box. Aba! Once in a bluemoon lang ito mangyari kaya dapat samantalahin na.) “ kahit na alam kong hindi naman talaga para sa akin ito tatanggapin ko na kahit na second choice lang ako” at inumpisahan ko ng kainin yung cake “ ssaaaarrraaapppp!!!!”

“ para kang bata. Saan mo ba dinadala yung mga kinakain mo at parang wala kang kabusugan? May sawa ka ba diyan sa tyan mo?”

“ syempre sa tyan ko saan pa ba pwedeng ibang dalhin?alangan namang sa tyan mo masyado ka naming sinuswerte nun. Saka anong sawa, dragon kaya ang kaagaw ko dito sa tyan ko kaya wala akong kabusugan”

“ wala na akong masabi”

“Gulat naman  ako dun. Ang hari ng pang-asar walang masabi sakin? Sabagay nakakatameme nga naman talaga ang kagandahang tinataglay ko eh kaya naiintindihan kita” ( hindi rin makapal ang mukha ko noh? Mana mana lang iyan)

“ kung ako hari ng pang-asar ikaw naman ang reyna ng katakawan..nagtataka nga ako kung bakit hindi ka tumataba eh. Siguro malnourished ka”

“malnourished ka diyan sexy kaya ako. Saka mabilis lang talaga ang metabolism ko kaya hindi ako tumataba” ( oh diba ang kapal ng mukha ko?)

“ yeah! In short lagi ka sa kubeta…hahahaha!!!!” ( aba! Naku pasalamat sya may libre akong pagkain kung hindi inupakan ko na ito)

“ pero anong meron at binigyan mo ako ng pagkain? Sinong babae ang tumanggi nito? Hulaan ko basted ka noh?” ( it’s time for me naman para mang-asar..hahaha!!!)

“ikaw talaga! Binigyan ka na mga di ka pa marunong mag-thank-you”

“thank you. Oh ayan masaya ka na? so sinong bumasted sayo this time?”

“ this time talaga ah?”

“ oo kasi diba lagi ka naming basted? Hindi ka na nadala”

Alam niyo kasi mga kaibigan siguro sadyang may mga taong pinanganak na walang swerte sa lovelife dahil kung tutuusin gwapo din naman iyan si Jake pero laging nababasted. Ang malas na lalaki.

“ si Rhapsody kasi eh” ( teka nagsasalita na mag-isa si Jake delikado na ito)

“Rhapsody? Ano yun? Teacher mo? Chocolate? O breed ng aso?” ( tama ba yung mga sinasabi ko?)

“ baliw!ikaw ilang gramo ba ng shabu angtinitira mo at kung anu-ano ang pinagsasabi mo diyan!” ( ui! Galit na sya..hehe)

“ mahirap lang kami kaya di ko afford ang shabu. Hanggang katol lang at baygon ang kaya ko..hehehe” ( bangag nga talaga ako)

“ ewan ko sayo! Teka si Rhaffy!”

“ Rhaffy??? Di ba aso nga yun? Yun ang pangalan ng aso ni Avee di ba?”

“ wala namang laitan ng minamahal!” ( naks! Minamahal ang lalim nun ah)

“ mahal mo yung aso ni Avee?” ( tanga ba ako o tanga talaga?)

“ magseryoso ka nga Jane Marie! Nakikita mo ba yung babaeng yun” (tinignan ko naman ang tinuturo niya. Mga naglalaro ng soccer ang nakita ko. Nasaan kaya diyan yung aso ni Avee?)

“oh tapos?”

“ ayun si Rhapsody! Yung naka number 21 na tshirt”

“ player siya ng soccer?” ( hindi naman pala mukhang aso eh. Bakit naman kasi iyon ang pangalan niya..pwede namang Jane Marie diba?)
“correction siya ang captain ng soccer team for girls”

“at siya ang dahilan ng pagiging basted mo ganun?”

“ hindi naman niya ako binasted eh. Ang sabi lang niya wala pa daw siyang time sa lovelife”

“eh di basted ka nga” ( ang dami pang dahilan eh yun din naman ang ending point nun eh)

“kainis ka naman JM eh. Wala ka man lang bang sasabihin para icomfort ako?” ( dramahan daw ba ako?)

“ ano bang comfort ang gusto mo? Tara halika rito at yayakapin kita ng bongang-bonga.”

“ baka makita tayo ni Rhaffy magselos pa yun isipin pa niya nililigawan kita” ( aba?! Ambitious din itong si Jake noh?)

“alam mo ikaw, ambisyoso ka din noh? Binasted ka na nga iisipin mo pa nagseselos siya? Haller?? Di ka niya type tanggapin mo nalang yun kaya ng di ka nageemote diyan noh! Saka kung sa tulad nga niya hindi ka nakapasa sa akin pa kaya? Eh mas as in sobrang mas angat naman ang leveling ko dun”

“ Sino kaya satin ngayon ang ambisyosa?”

Hindi agad ako nakapagsalita dahil napunta samin ang bola ng soccer na ginagamit nila Rhapsody. Agad naman itong lumapit samin.

“ hi Rhaffy” bati ni Jake ( kung hindi ba naman talaga martir ang lalaking ito eh binasted na may pa “hi-hi” pang nalalaman)

“ hello. Girlfriend mo?” tanong ni Rhapsody at tumingin sakin. ( oh diba? Ang ganda ng lola niyo)

“ ako? Hindi niya ako girlfriend dahil ako’y isang Diyosa at siya’y isang hamak na tagalupa lamang” ako na ang sumagot tutal ako naman ang tinutukoy niya eh.

“ ahh oo nga eh..pero bagay kayo” ( aba?! Teh!!! Sinasaktan mo ang damdamin ni Ja-Ke!)

“ oo tama ka. Bagay nga kami” sabi ni Jake at inakbayan akong bigla ( ay! Teka bakit may ganitong drama?)

“ well good for you. Congratz!” yun lang at nagdisappear in the act na siya.

“ ehem ehem!” I said nung makaalis na si Rhapsody ( may drama effect pa yata itong si Jake ah)

“what?”

“bagay tayo?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

Jake’s face turned red as he removed his arms on JM’s shoulder.

“ syempre Joke lang yun. Pantao lang ang kagwapuhan ko” he still tried to crack a joke.

“ I know kasi nga PanDiyosa ang kagandahan ko kaya hindi talaga tayo bagay. Ginamit mo lang ako just to make that Rhapsody jealous but sad to say she’s not”

“ you don’t have to point it out on me okay? Don’t add salt to the injury” pabirong sabi niya na nagpatawa sakin.

Kahit kailan talaga Jake never failed to amuse me.

“ ok lang hindi naman siya kawalan sakin eh.” Biglang sabi ni Jake

“ iba na talaga kapag bitter oh” naiiling na sabi ko sa kanya.

 Infairness I kinda feel sad about Jake kasi he’s good naman eh. Kind and thoughtful saka handsome yun nga lang some girls are stupid because they didn’t notice Jake’s qualities just like some boys that didn’t noticed my qualities. I thought  when suddenly Lieu’s image crossed my mind.

Teka! Bakit yung malanding maharot at babaerong lalaking iyon ang naisip ko???



Erase..

Delete..

Backspace..

“okay kalang ba JM? Mukha kang may sapi eh”

Nagulat pa ako nung magsalita si Jake.

“ damayan na nga lang kita sa pagdadalamhati mo”

“ bakit? Basted ka din?” ( Ay! Umiisue si Jake??)

“ itong gandang ito basted? Come on!! Ako kaya ang nambabasted noh!”

“ ahh kaya pala basted ka kay Lieu”

Nashock naman ako dun. WTF!!! Where the hell did he get that idea???!!!

“ anong pinagsasabi mo diyan?!”

“ diba crush mo si Lieu?”

“sino namang nagsabi sayo niyan???!!” (at nang maipabarang ko)

“ walang nagsabi sakin pero may nagsabi kay Lieu” nakakalokong sabi sakin ni Jake.
Whattt!!!!

ODK!!!

WTF!!!

“sinong nagsabi kay Lieu?”

Umuusok na yung ilong sa galit sa kung sino mang mahaderang nagsabi nun kay Lieu. Hindi naman iyon totoo.

“weee???? Hindi nga ba???”

“ wag ka mag-alala mukhang dedma lang naman kay Lieu hindi yata siya naniwala kaya wala kang dapat ikareact ng ganyan” tumatawang pang-aasar pa sakin ni Jake.

How could life be this cruel for me??

Mabait naman ako, maganda, kahit hindi man kasing haba ni Aya ang hair ko deserving naman ako para mahalin pero bakit naman ganito ang nangyayari sakin? I really hate it!!!


(>_<)


No comments:

Post a Comment