Wednesday, January 25, 2012

After All : Chapter 5

5: Friends or Lovers?


[Aya’s POV]

Hay naku…kung kelan naman nagpapakasweet sakin si Vince eh umieksena naman itong bestfriend ko. Sayang tuloy! Hehe.. naku! Kung anu-ano pumapasok sa isip ko..nahahawa na yata ako sa kaberdehan ng utak ni JM. Malinisan nga ng alcohol mamaya ang utak na ito..hehe.

“ Oh” inabot sakin ni Lance yung spaghetti na hinalo na nya.

Hindi kasi ako marunong maghalo ng spaghetti eh. Nakakahiya mang aminin eh mukhang sa eskwela lang ako magaling, pagdating sa gawaing bahay palpak ako.


Napansin kong fries lang ang kinakain ni Lance.

“ Hati tayo.” Alok ko sa kanya ng spaghetti. “..baka sabihin mo masyado kitang inaapi dyan”

“Im not hungry” tanggi naman niya.

“ Wag mo akong artehan Lan-ce-lot. Kainin mo yan” I told him as I portion the spaghetti into two. “ Ayan hating kapatid yan ah hindi kita nilamangan”

Natawa nalang samin ang mga kaibigan ko.

“Akala ko ba si West ang kakambal mo pero bakit parang mas inaasikaso mo si Lance?” tanong sakin ni Madz.

“ hay naku Madz masanay ka na dyan sa dalawang yan.Childhood sweethearts kasi sila eh” pang-aasar naman ni Jake.

“ Childhood sweethearts ka dyan.! Adik ka talaga Jake!. Ampon ni Mommy yan si Lance kaya parang kapatid na namin yan ni West.”

“ Ako ba ampon ni Mommy?hindi ba ikaw ang ampon ni Mama?” pagtatama naman ni Lance.

Ang “Mommy” na tinutukoy nya ay yung mommy ko at yung “mama” naman eh yung mommy niya.

“Ikaw kaya!”

“Ikaw yun!”

Nagsukatan kaming dalawa ng tingin.

“ okay! Awat na..pareho lang kayong mga ampon ok?’ awat samin ni West.

Inagaw ko bigla ang spaghetti at fries na kinakain ni Lance.

“ Wag kang kumain!”

“ Ako kaya nagbayad nyan!”pinipilit nyang agawin sakin ang mga kinuha kong pagkain pero hindi ko ibinibigay.

Bigla akong inatake ng kalokohan sa utak.hehe.. kumuha ako ng mga fries at sinalpak ko bigla sa bibig ni Lance.

“Shoot!”

Tawa ng tawa ang mga kaibigan namin sa ginawa ko. Halos mabulunan naman si Lance. Inabutan ni West ng inumin si Lance.

“ Baliw ka talaga ‘no?!” Pinandilatan na naman niya ko pero binelatan ko lang sya.

Lance put his arms around my neck and he playfully pinched me in the cheeks.

“awww!!!Vince help me!!!” I yelled as I try to escape from his arms.

“bro, nasaktan na si Aya” pigil ni Vince pero hindi sya pinansin ni Lance at sige parin ang kurot sa pisngi ko.

“ Lance tama na yan, pinagtitinginan na tayo ng mga tao” saway ni Avee as she look around.

“ Serves you right!” ani Lance nang pinakawalan ako.

Hinawakan  ko naman ang pisnging pinanggigilan ni Lance. Pakiramdam ko pulang pula na ang mga ito.

 “ Come on guys, 12:30pm na..bibili pa tayo ng tickets.” Tumayo na si West at nagsunuran na din kami. Lumabas na kami ng fastfood and walked towards the cinema.

Kaming mga girls ang bumili ng ticket while the boys bought drinks and popcorns.

“Hayy naku you know what I don’t know why we have to watch such scary movie..nagbabayad tayo just to scare ourselves.” Reklamo ni Madz habang nasa pila kami.

“ Ganun talaga para may thrill. Saka mga boys ang kasama natin eh. Boys are not fancy to love story or drama. They are more interested in actions or horror movies.” Paliwanag ko naman sa kanya.

“…especially girls” dugtong naman ni Avee.
Sinundan namin ang tinitignan nya. There, we saw the boys…well not all of them…flirting with girls.

“ Di ba mga taga St. Joseph yang mga yan”nakataas ang kilay na komento ni JM

Pinagmasdan namin ang mga babaeng kausap ng mga boys and base on the uniform they wearing mga taga St. Joseph nga sila. Ang eskwelahan malapit sa CSL.

Honestly speaking, personally I don’t like the students there. Especially the girls. Akala mo kasi kung sino makaasta as if they own the world. Mayayaman din naman kami pero hindi kami ganun umasta. We still keep our feet on the ground. But those people…haayy naku..ayoko ng magsalita.

“Napaka flirt talaga nitong si Lieu!!! Nakakainis!!!” himutok ni JM at sobrang sama talaga ng tingin nya sa mga boys.

Napatingin kaming tatlo sa kanya. Pawang mga nagulat ang reaksyon namin.

Oh oh!! Don’t tell me my best friend is in love….with Lieu???

Agad namang nagseryoso si JM nung napansin nyang nakatingin kami sa kanya at iniwas ang tingin sa mga boys.

“Ahem..ahem..” sabay-sabay pa talaga kaming nagsalitang tatlo.hehe

“What?” inosenteng tanong ni JM

“Napaka flirt talaga nitong si Lieu!!! Nakakainis!!!” Avee tried to mimic JM’s reaction but this time puno ng kaartehan ang boses nya.

“Excuse me ah..comment ko lang naman yun” defensive na sabi ni JM

“Bakit defensive ka? Guilty??”nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

“hindi ako defensive noh! At lalong hindi ako guilty!”

“ Friendship mukhang may naaamoy akong selosan factor dito” nakangiting sabi ni Madz at tumingin kay JM

“ Hindi ako nagseselos noh! Mga alien ba kayo at di kayo makaintindi ng tagalog. Wala akong gusto sa mokong na yun!”

Nagtawanan kaming tatlo.

“Nobody said na may gusto ka kay Lieu. Ang isda nahuhuli sa sariling bibig”makahulugang sabi ko sa kanya.

“ Matagal na nating alam lahat na flirt talga yan si Lieu basta babae papatusin nyan pero ikaw lang ang nagreact ng ganyan sa kanya” natatawang sabi ni Avee.

“So it only means that you feel something special for him”segunda naman ni Madz

“AAAHHH!!!Ewan ko sa inyo! Alien!” inis na sabi ni JM at nagwalk-out palayo samin.

Naghigh-five naman kaming tatlo at makahulugang nagtinginan.Sumunod na din kami sa kanya ng makuha namin ang binili naming ticket.

No comments:

Post a Comment