6: Ang payo ng multo ng CSL.
[JM’s POV]
Im not inlove with Lieu
Im not inlove with Lieu
Im not inlove with Lieu
Im not inlove with Lieu
Im not inlove with Lieu
Im not inlove with Lieu
Halos mapuno ko na ang page ng note book ko sa pagsusulat ng mga salitang ito. Nakakainis kasi sina Aya. Pinagpipilitan nilang may gusto ako kay Lieu eh wala naman talaga.
One week na ang nakalipas mula ng manood kami ng sine at hanggang ngayon inuulan pa din ako ng pang-aasar ng mababait kong kaibigan.
Peste kasi yang Eulysis nay an! Masyadong malandi kalalaking tao.! Pero buti nalang at kahit mapang-asar ang mga kaibigan ko eh hindi naman nila sinasabi sa mga boys ang napag-usapan namin dun sa ticket booth. Dahil kung hidi…hay naku baka mas katakot- takot na pang-aasar ang inabot ko sa mga mokong nay un. Saka mamaya makarating pa yun kay Lieu, lumaki pa ulo nun sa kayabangan. Imagine itong ganda kong ito..malilink na may gusto sa tulad nya… Duh???!!! Im may not have JLo’s butt, or Angelina Jolie’s lips or as pretty as Taylor Swift but Im Beautiful in my own way. Kaya makapal ang mukha nya para isiping may gusto ako sa kanya.
Haayy!!! Nandito ako ngayon sa likod ng eskwelahan para magreview pero imbes na nagrereview ako para sa exam eh kung anu-ano ang iniisip ko. Kapag bumagsak ako, sya ang sisisihin ko. Well..nandyan naman sina Aya..at kung sakali talagang wala akong maisagot sila na ang bahala...hehe.
Napatingin ako sa paligid nang may marinig akong tilian para lang mapangiti nang ang mga kaibigan ko palang lalaki ang pinagtitilian ng mga babaeng ito.Nakakatuwang isipin na sikat na sikat sila dito sa school. Well sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto sa mga yan eh saksakan naman talaga ng gwapo at yaman. San ka pa?! Pero kahit na literal na babae na ang lumalapit sa kanila hindi naman sila nagte-take advantage...maliban na nga lang dun sa isa.
Napasimangot ako ng makita si Lieu na may kalingkis na dalawang babae. Ang mga babaeng yun naman eh halos idikit na ang mga katawan nila kay Lieu.
“Por dios por santo!!!
Nasa eskwelahan kayo...mga imoral!!!”
Hindi ko namalayan na nakakuyom na pala ng mahigpit ang mga palad ko at nagugusot ko na ang notebook na hawak ko kung hindi lang may nagsalita sa likod ko.
“ wag yang notebook ang pag-initan mo”
Kinabahan ako…
Thug..thug..thug..
Bumibilis ang tibok ng puso ko.
May nagmumulto na ba sakin dito...
May aswang ba dito?..
Pero teka.. walang aswang sa city at in a broad day light.
Abnormal ka Jane Marie!
Pero naisip ko bigla ang sinabi nun ni Jake na may gumagala daw na ligaw na kaluluwa ng estudyante dito.
At dito daw sa likod ng school madalas magparamdam yung multo.
Naku naman oh!
Baka rape-in ako ng multong ito…
Wag muna ngayon hindi pa ako prepared…hehe
O di kaya gawin nya akong asawa nya para hindi na sya nag-iisa.
Buti sana kung kamukha sya ni Edward Cullen o di kaya ni Jacob Black…eh baka mamaya si Voldemort pala ang kamukha nitong multong ito.
“ kung naiinis ka sa nakikita mo wag mo nalang tignan para hindi ka masaktan”
Teka…may multo bang nagbibigay ng advice? At may multo bang ganito kaganda ang boses?
Boses??? Teka parang pamilyar sakin yung boses na yun ah..
Masilip nga…
Dahan –dahan akong lumingon sa likod ko para tignan kung sino ang nagpapanggap na multo.
“ANAK NG TETENG KA NAMAN LANCE!!! IKAW LANG PALA YAN MUNTIK NA AKONG ATAKIHIN SA PUSO SA NERBIYOS DAHIL SAYO!!!”
There, I saw Lance Montealegre. He’s leaning on the trunk of the tree at may nakatakip na libro sa mukha niya.
“ akala ko may nagmumulto na sakin dito. Sa susunod nga wag ka basta basta magsasalita ah!”
No response..
“ ngayon namang kinakausap ka ayaw mong magsalita! Abnormal ka rin noh?!”
Inalis nya ang librong nakatakip sa mukha nya at tinignan ako.
INFAIRNES..ang ganda ng mga mata nya. Parang mata ng pusa...
Teka nga may mata ba ng pusa na kulay blue green??
“ nauna ako dito. Nabulabog mo lang ako dahil masyado kang maingay.”
Aba!!! Ako pa ngayon ang may kasalanan eh sya nga itong nananakot dyan.Abnormal!!!
“ Hoyy!!! Montealegre----”
“ …kung ayaw mong masaktan wag mong tignan.” he said as he look at the notebook im holding.
I blush as I hurriedly close the cover of my notebook. But I know it’s too late. Malamang nabasa na nya kung ano ang isinulat ko dito.
Sinundan ko nalang sya ng tanaw papalayo.
Teka!!! Ano nga bang sinabi nya?
“ …kung ayaw mong masaktan wag mong tignan.”
Napakamatalinghaga naman nun.
Hayy naku Lance..kung minsan talaga hindi kita maintindihan…
Ay teka lang..hindi pala minsan…hindi ko pala talaga sya maintindihan kahit kelan.hehe
Muli kong tinignan ang isinulat ko sa notebook.
“HAY NAKU KASALANAN MO ITO EULYSIS ANDRADE!!!”
No comments:
Post a Comment